Chapter 36

1051 Words
Sa loob ng tatlong buwang hindi pag ta trabaho ay nag focus si Ralph sa kanyang pagiging F1 car racer. “Oh balik ka na, tol?” tanong ng isa sa mga kasamahan niya doon na si Kiel. “Ah Oo tol, balik na muna, nakaka stress sa work eh,” saad niya na ngumiti habang nilalagyan ng gas ang kanyang race car. “May show mamaya, kitakits!” saad ni Kiel at saka inapiran siya. Ang totoo ay wala naman siyang pakialam sa pangangarera. He was just racing to clear up his mind at hobby niya lang naman ito, bonus na lamang minsan na nananalo siya sa mga patimpalak kung kaya’t naging F1 car racer siya. Naalala niya pa ang unang trophy na natanggap niya sa pangangarera at sobrang saya niya ng masungkit iyon dahil naging proud sa kanya ang ama. Supportive ito sa anomang naisin niya kung kaya’t lumaki siyang masunurin at mabuting tao. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang lahat kung kaya’t wala siyang kinakausap na kahit sino at abala lamang siya sa sarili niya. Nang tumunog ang bell ay pinaharurot niya na ang race car na lulan niya. Wala naman siyang kasama at mag isa lang siya sa track field. Inoorasan niya lang ang sarili niya dahil tanghaling tapat iyon at wala siyang magawa. It’s like playing pretend na nangangarera siya ngunit wala naman siyang kasama. Sa isip niya ay rinig niya ang maingay na crowd na sinisigaw ang pangalan niya habang nangangarera at tila pinapakain ng alikabok ang kalaban, malapit na siya sa finish line ngunit biglang isang alaala ang pumasok sa isip niya, iyon ay ang pagkamatay ni Sophia kung kaya’t naihinto niya ng biglaan ang kotse, muntik pa siyang mabangga sa pader at mabuti na lamang ay naiwas niya ito. “I think I need a drink,” singhal niya sa sarili at bumalik sa starting line kung saan ipinark niya doon ang kotse at padabog na pinagtatanggal ang suot na helmet at uniform pang racing. *** FUSION PARADISE BAR Nag aya si Samantha sa Bar ni Rosenda at sinama niya si Glory. Wala namang nagawa si Glory kundi magpatianod na lang kay Samantha at Rosenda, pinagbigyan niya na ito dahil wala na siyang oras na mag unwind at puro trabaho na lang ang inatupad niya. “May site visit pa ako bukas tapos nilalasing niyo ako, mga walang hiya kayo,” saad ni Glory, nagtawanan silang tatlo habang umiinom ng ladie’s drink sa may terris. “Hayaan mo na si Daddy ang mamorblema doon tita Glory, kaya na ni Daddy iyon,” saad ni Rosenda. “Mabuti nga pinayagan ako ni Joaquin eh, siya daw muna mag aalaga doon kay Jr. tutal magkamukha naman sila,” saad ni Samantha na tatawa tawa habang may hawak na wine glass. “Syempre kasama mo ako, si Daddy pa, hindi naman makakatanggi sa akin iyon eh at saka palagi ka na lang nandoon sa Hacienda, lumabas ka naman,” saad ni Rosenda kay Samantha. “Oo nga, ngayon na nga lang ako nalasing ulit ng ganito,” saad ni Samantha na tuwang tuwa. “Mag enjoy tayo ngayon, deserve natin ito! Cheers!” saad ni Rosenda at nag perform ng toast sa kanilang tatlo. “Ang daming gwapo dito, pili na kayo,” saad ni Rosenda na tatawa tawa. “Sige lang, goods na ako kay Joaquin at baka mabuntis na naman, bwisit,” saad ni Samantha. “Si tita Glory, single! Pili ka na tita, ayun ohh gwapo!” saad ni Rosenda na tinuro ang isang lalaking naka business suit na mag isang nag iinom ngunit nakilala niya ang tinuro niya, “Uy! Si Ninong Renzo ba iyon? Nandito siya?” tanong ni Rosenda. “Oh no, it’s not Renzo, it’s Ralph, his twin brother,” saad ni Glory na kaagad na kinuha ang purse niya. “Nalilito pa rin ako sa kanilang dalawa hanggang ngayon, ang hirap pag identical twins,” saad ni Rosenda na lasing na magsalita, habang napatingin naman sa direksyon nila si Ralph na nakita si Glory. “Uhm, I think I have to go,” saad ni Glory na umalis sa table nila at saka mabilis na bumaba ngunit naabutan siya ni Ralph. “Where do you think you’re going, Love?” tanong nito. *** Nang gabing iyon ay malungkot na pumasok ng Bar si Ralph. Nag order siya ng hard na alak at hindi na nagbaso pa, tinungga niya iyon ng tinungga hanggang sa masamid samid na siya dahil walang chaser ngunit malamig pa ang iniinom niyang alak. Nilalango niya ang sarili sa alak dahil naalala niya na naman ang pamilyar na sakit na naramdaman noong mamatay si Sophia. Naalala niya pa noon na inihabilin nito sa kanya ang anak na si Danice ngunit wala siyang kwentang ama at hindi niya naalagaan ng maayos si Danice kung kaya’t nag rebelde ito sa kanya. Hanggang ngayon ay sinisisi niya ang sarili dahil hindi niya nagabayan ang kaisa isang anak at kailangan pa nitong matutunan mag isa ang mga bagay bagay at lutasin ang mga problema nito na dapat sana ay nagabayan niya ito ngunit hindi. He failed to be a good father to Danice, mas lalo niya tuloy naisip na kung kay Danice nga ay wala siyang kwenta ay mas lalo pa sa dalawang anak niya na si Cale at Cole. Hindi niya alam kung anong mukha ang maihaharap niya sa mga anak. Anong klaseng haligi siya ng tahanan kung mismong siya ay hindi magawang maging haligi. Pakiramdam niya ay babagsak siya at malulunod na siya sa sobrang lungkot at tila kinukwestiyon ang sarili kung bakit nabubuhay pa ba siya. Wala ng direksyon ang buhay niya, tumulo ang mga luha niya habang tumutungga ng alak kung kaya’t ipinahid niya iyon ng marahas. Pakiramdam niya ay lasing na lasing na siya dahil malapit niya ng maubos ang iniinom na isang litrong ng alak. Nahihilo na rin siya ngunit pag angat niya ng ulo ay nakita niya si Rosenda, Samantha at Glory. Napatingin siya ng matagal sa magandang mukha ni Glory ngunit bigla nitong kinuha ang purse nito at akmang lalabas na ng Bar kung kaya’t mabilis siyang tumayo at naabutan niya ito sa pinto ng Bar. “Where do you think you're going, Love?” tanong niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD