Chapter 37

1509 Words
“I’m going home, Ralph,” saad ni Glory at saka tinulak ito ng marahan. “Ihahatid na kita,” saad ni Ralph. “No, I’m fine at saka lasing ka na, magta taxi na lang ako,” saad ni Glory na naghintay doon ngunit sa kamalas malasan ay walang taxi na dumadaan. “Insist. I’ll ride on you when we get home, este I’ll give you a ride home,” saad ni Ralph na hindi na alam ang sinasabi. “Bastos, tss,” singhal ni Glory at inirapan ito. “Ang sungit mo naman, ikaw na nga ‘tong may kasalanan sa akin ganyan ka pa? At saka hindi ako bastos, mamali lang ng salita. Unbelievable,” singhal ni Ralph habang hinahanap sa bulsa niya ang susi niya. “Hindi na nga, mag ta taxi na lang ako,” mariing paninindigan ni Glory ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasama pang kulog at kidlat. “Ugrrgh! Bwisit!” singhal ni Glory dahil nababasa na siya ng ulan at wala siyang dalang payong. “Wait. ito na, nahanap ko na ang susi,” saad ni Ralph at saka pinindot upang tumunog ang kotse niya. Susuray suray siyang naglakad papunta sa kotse niya, sinundan naman siya ni Glory dahil mukhang wala na siyang choice at ayaw niya namang abalahin pa si Rosenda at Samantha sa loob. Sumakay na si Ralph sa kotse at nagmaniobra upang maialis ang kotse sa parking lot at sinubukang mag maneho na ngunit hindi pa siya nakakalayo ay muntik na itong mabunggo sa poste. “Uy! Poste pala iyon! Sorry, hindi ko nakita,” singhal pa ni Ralph at nasapo naman ni Glory ang noo. “Hays, tabi! Ako na nga ang magda drive, lasing ka na!” singhal ni Glory at saka binuksan ang driver’s seat at tinulak si Ralph sa passenger’s seat. “Aray! Kung makatulak, kotse ko naman ‘to!” singhal ni Ralph na walang nagawa na umupo na lang sa passenger seat. “Eh lasing ka na, kaya ako na ang magda drive, baka mamaya maaksidente pa tayo,” saad ni Glory na nagsimula ng magmaneho. “Oh come on! ako maaksidente?! F1 car racer ‘to!” singhal ni Ralph na nagyabang at tinuturo ang sarili. “Ang yabang mo, manahimik ka dyan,” saad niya at saka nagpatuloy na sa pagmamaneho. Natatandaan niya pa naman kung saan ang Penthouse nito kung kaya’t doon na siya pumunta dahil wala pang limang minuto ay tulog na tulog na agad si Ralph sa tabi niya at napansin niya pa ang napakagwapong mukha nito kahit lasing, mamula mula kasi ang mukha nito at hapong hapo. Nang makarating sila doon ay kinuha niya ang braso ni Ralph at iniakbay niya iyon sa kanya para alalayan ito papasok ng Penthouse. “Umayos ka! Ang bigat mo! Lalasing lasing hindi naman pala kaya! Tsk!” singhal ni Glory. “Eh ikaw eh, ikaw may kasalanan kung bakit ako naglalasing alam mo ba iyon?” saad nito na hindi na alam ang sinasabi. “Wow ah, ako pa talaga Ralph?” “Saan ang susi mo?” tanong ni Glory nang nasa pinto na sila. “Anong susi, naka key card ako, akala mo? Hightec to!” mayabang na saad ni Ralph na nilabas sa bulsa niya ang keycard. “Bwisit ka!” singhal ni Glory at saka binuksan ang Penthouse nito gamit ang keycard na binigay ni Ralph. Nang makapasok sila ay kaagad na binalibag ni Glory si Ralph sa kama nito at napasalampak pa siya sa sahig dahil nawalan siya ng balance dahil sa bigat nito. “Love, are you.. okay?” tanong ni Ralph dahil nakita niyang napangiwi si Glory nang masalampak ito sa sahig. “Mukha ba akong okay?! Uuwi na ako! Sa susunod wag kang magpapakalasing, magtira ka ng pang uwi!” singhal niya rito at saka inayos ang nagusot na damit, akmang lalabas na sana siya ng Penthouse nang mapatayo si Ralph at dumiretso sa bathroom upang mag suka sa bowl. Rinig na rinig niya ang paghihirap nito dahil sa pagsusuka na halos masamid samid na ito kung kaya’t ibinaba niya ang purse na hawak at sinilip ito at pag silip niya ay nakasubsob na ang ulo nito sa bowl at tila hindi na makatayo, dismayado na lang siyang napailing at kumuha ng bimpo at ipinamunas sa mukha nito, kumuha rin siya ng tubig at pinainom dito, napaupo ito sa sahig at napasandal sa pader at naipikit ang mga mata. Niyugyog niya naman ito dahil mukhang tulog na. “Wag ka dyan matulog, doon sa kama!” saway niya rito na sinisipa na ang mga paa at binti nito ngunit ayaw nitong makinig. Basang basa na ang suot nitong business suit. “Jusko po, makukulit na nga ang kambal mo pati ba naman ikaw na tatay, sumasabay pa talaga,” singhal ni Glory at saka hinubad ang coat nito ngunit nagsuka pa ulit ito at nasukahan nito ang dress niya. “Urgh! Kainis! Bwisit ka talaga!” singhal niya kay Ralph, wlaa siyang nagawa kundi hubarin ang suot na dress at ngayon ay naka panty at bra na lamang siya ngunit panay pa rin ang suka ni Ralph kung kaya’t inilagay ulit nito ang ulo sa toilet bowl at doon na ipinagpatuloy ang pagsusuka, hinahagod niya naman ang likod nito para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito. Nang matapos sa pagsusuka ay humarap ito sa kanya, “why are you naked?” tanong nito na napakunot pa ang noo habang gumagala ang mata sa kanyang nakakabighaning katawan. “Sinukahan mo ako! Malamang maghuhubad ako! Nakakadiri ka!” singhal ni Glory ngunit inilapit pa rin ni ralph ang mukha niya sa dalaga. “Please, stay with me tonight. I promise I won’t hurt you, hindi ko lang talaga kaya, please Glory,” saad ni Ralph na sinserong tumungin ng malamlam sa kanyang mga mata “Bakit naman kasi naglasing ka ng ganyan tignan mo oh, langong lango ka, hays, fine! I’ll stay pero mag behave ka ah?!” saad niya dahil ang totoo ay awang awa na siya sa kalasingan nito at ayaw niya rin itong iwan sa ganong kalagayan. “Thank you Love, I promise,” saad pa ni Ralph at inantok na naman dahil sa kalasingan. Hinubad na ni Glory ang suot nitong sapatos, medyas at slacks na pants, at naka boxer brief na lang ito at naka polo. Sinimulan niya ng tanggalin ang butones ng suot nitong polo ngunit hindi niya maiwasang wag mabighani sa mala adonis nitong katawan at pumuputok nitong abs. “s**t,” mahinang angil niya sa sarili habang tinatanggal pa rin ang butones ng suot nitong polo ngunit nahawakan ni Ralph ang kamay niya at pinahipo pa sa kanya lalo ang abs nito. “You seemed so amaze so touch it,” saad ni Ralph na hinagod pa ang kamay nito sa kanyang dibdib. Hindi naman mapigilan ni Glory na wag mag init ng mga oras na iyon ngunit hindi pa siya lasing para bumigay ulit sa lalaki kung kaya’t pilit niyang binawi ang kamay mula kay Ralph. “Come on, you should get some rest,” saad niya kay Ralph at inalalayan itong tumayo upang bumalik sa kama. Naihiga niya naman ulit ito sa kama at inayos niya ang paa nito kahit na nakahiga ito ng nakadapa. Hiningal siya at napatingin sa paligid, kinuha niya ang dress niya na nasukahan ni Ralph sa sahig at saka nilagay sa automatic na washing machine nito at pinagana iyon, binuksan niya rin ang cabinet nito at swerteng nakakita siya ng maraming naka fold na tshirt. Kumuha siya ng isa at saka kumuha ng malinis na towel. Hindi naman siguro magagalit si Ralph kung mag sho shower siya dahil nasukahan nito ang damit niya kung kaya’t hinubad niya na ang suot na bra at panty at saka dinama ang maligamgam na tubig na nasa shower. Kinuha niya ang sabon at hinagod sa kanyang katawan upang linisin ang sarili, napapapikit siya dahil nare relax siya sa tubig na nanggagaling sa shower ngunit nagulat siya at nangatog bigla ng maramdaman niyang may mga bisig na yumayakap sa kanya at paglingon niya ay nakatayo na sa likod niya si Ralph at niyayakap siya. “Naalimpungatan ako wala ka sa tabi ko, ang sabi mo mag i istay ka eh… damn, I still can’t believe that you’re here,” saad nito na nakapikit at dinadama ang kanyang malambot na katawan. “I told you to behave, right? What the hell are you doing here?” “Wag ka ng magtanong ng ganyan,” saad ni Ralph at saka pilit na inabot ang labi niya upang angkinin ito ulit. Hindi naman nakatanggi si Glory at tinugon iyon. Tila mapupusok ang mga paghalik na iyon, ilang sandali pa ay humahaplos na ang kamay ni Ralph sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Hindi mapigilan ni Glory ang sarili, gustong gusto niya ang mg apaghalik na iyon ni Ralph, animo’y bihag siya nito at pinapatikim sa kanya ang putahe ng langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD