Nagulat si Renzo ng mag ring ang cellphone niya at si Ralph ang tumatawag kung kaya’t kaagad niyang sinagot ito.
“Hello, Kuya? Tulungan mo ako, nandito ako sa ospital,”
“Ospital?! bakit? bakit? Napano ka?”
“Hindi ako, may isinugod ako dito sa ospital.. Eh hindi ko alam kung sinong tatawagan ko,”
“Sige, papunta na ako dyan,” saad ni Renzo at saka kumaripas na papunta sa parking lot para kunin ang kotse niya.
Pagdating niya doon ay nakita niyang si Glory ang isinugod nito sa ospital.
“Glory, damn it! What happened?! Are you alright?!” nag aalalang tanong ni Renzo na kaagad lumapit kay Glory.
“I'm fine,” nanghihinang saad ni Glory.
“Ralph, naaalala mo na ba si Glory?! Kaya mo siya dinala dito?” tanong ni Renzo, naghintay din si Glory ng sagot dahil umaasa rin siya na maaalala siya nito.
Napakunot ang noo ni Ralph sa tanong ng kakambal niya.
“Uhm, Of Course I know her, I saw her at the meeting earlier, and besides, she badly needed my help,” saad ni Ralph.
Napabuntong hininga naman si Renzo at Glory sa sinabi ni Ralph. Ang akala kasi nila ay nakakaalala na talaga ito ngunit hindi pa pala.
“Thank you, for helping me…” iyon na lang ang nasabi ni Glory.
“Welcome, uhm, mauna na ako tumatawag na kasi si Luz nangako kasi ako na sasamahan ko siya ngayon sa wedding planner namin eh,” pagpapaalam ni Ralph.
“Sige.. salamat ulit Mr. Romualdez,” saad ni Glory.
Napa iling na lang si Renzo ng lumabas si Ralph kung kaya’t hinawakan ni Glory ang kamay niya.
“It’s okay Renzo, mas mabuti pang wag mo na lang ipaalala sa kanya ang naging relasyon namin, nakaraan na iyon, hindi na dapat ungkatin pa,” saad ni Glory.
“I think you should file a maternity leave now, if you really need to work then take it home, take everything, sa bahay ka na lang kasi masyadong risky na nagmamaneho ka pa papunta sa office at pumapasok sa ganyang kalagayan mo, nung una hinahayaan lang kita pero this is absurd now Glory, you need some rest,” saad ni Renzo.
“Yeah.. you’re right. Don’t worry, hindi na rin muna ako magpapakita,” saad ni Glory na yumuko dahil nararamdaman niya na tumutulo na naman ang luha niya kaya pinahid niya ng marahas ang pisngi niya.
Niyakap naman siya ni Renzo.
“Ingatan mo ang pinagbubuntis mo Glory, it’s still a blessing,” saad ni Renzo.
Hindi niya makayanan ang sakit dahil basta basta na lang umalis si Ralph, kung nasa maayos lamang ito na kalagayan siguro ay hindi ito umalis sa tabi niya at kinulit kulit na siya.
One week later…
Nang mangyari ang insidenteng iyon ay napag isip isip ni Glory na lumayo muna kaya nang makarecover siya ay kinuha niya na ang mga gamit niya sa opisina, naghanda siya ng malaking box at doon isinilid ang mga gamit niya, natanaw niya naman ang lantang mga bulaklak sa vase, iyon ay bigay ni Ralph bago ito naaksidente, kinuha niya iyon at tinanggal ang dedication card na naroroon at saka itinapon ang mga langtang bulaklak.
Iyon lamang ang kailangan niya, ang dedication card na may nakasulat na:
“For the love of my life, Glory” - Ralph Romualdez.
Inilagay niya iyon sa loob ng wallet niya, para sa kanya, mananatili na lang iyon na isang magandang alaala.
Nang matapos na siya sa pagkuha ng mga gamit niya ay binuhat niya na iyon. Ngumiti at nagpaalam sa kanya ang lahat ng mga empleyado sa Dela Vega Corp. dahil alam ng lahat na magle leave na siya.
Pumasok na siya sa elevator at masaya siya dahil siya lamang mag isa doon at hindi niya na kailangan pang makipag gitgitan sa mga empleyado ngunit may isang humabol dahilan upang magbukas ng bahagya ang pinto ng elevator at iniluwa non si Ralph, nagkatinginan silang dalawa.
“Ms. Glory, oh, let me help you with that,” saad ni Ralph na inagaw kaagad ang box na hawak hawak ni Glory.
Nakagat ni Glory ang ibabang labi niya dahil naiinis siya, wala naman siyang balak na makita pa si Ralph bago siya umalis pero tila ba pinaparusahan siya ng langit dahil nakasalubong pa sila nito ngayon.
“I heard from Renzo that you’re going to take your maternity leave but I didn’t expect it to be so soon,” saad ni Ralph habang hinihintay sila na makalabas ng elevator.
“My OB said that I should take a bed rest, for a while,” iyon na lang ang nasabi ni Glory ngunit pakiramdam niya ay sasabog na siya sa sama ng loob.
Gusto niyang sigaw sigawan ito at tanungin ng tanungin kung bakit hindi siya nito naaalala ngunit hindi niya magawa.
Nang makalabas sila sa elevator ay saktong entrance na iyon papunta sa parking lot. Sinamahan ni Ralph si Glory papunta sa kotse nito at doon ay iniayos na ni Ralph ng paglagay sa compartment ang mga gamit ni Glory.
“There you go, goodluck Ms. Glory and have a safe delivery,” saad ni Ralph na ngumiti ng matamis sa kanya.
That smile she can’t resist.
“Thank you, goodbye for now,” saad ni Glory.
Lumakad na palayo si Ralph ngunit tinawag niya ito, “Uhm, Mr. Romualdez,”
Dahan dahan siyang lumapit kay Ralph at sinunggaban ito ng halik. Hindi naman makapaniwala si Ralph, nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ni Glory.
It was a passionate kiss, napapikit si Ralph dahil sa bango ng hininga at sa init ng malambot na labi nito. His lips started to go wild and wanted to get closer but Glory pushed her softly to avoid his kiss.
“I’m sorry, I should probably go,” saad ni Glory at saka nagmadaling sumakay ng kotse niya.
“Wait! Ms. San Juan,” saad ni Ralph ngunit pinaandar na ni Glory ang kotse niya palayo sa binata, hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para halikan si Ralph gayong hindi naman na siya naaalala nito.
Dahan dahan lamang siyang nagmaneho dahil napupuno na ang mga mata niya ng kanyang mga luha at nagbu blurred na ang paningin niya sa daan, marahas niyang pinapahid ito gamit ang kamay niya at pagkatapos ay ihahawak muli sa manibela.
“Damn it, Glory, pull yourself together! You’re a strong woman! Leave all of this behind,” singhal niya sa sarili ngunit hindi niya maiwasang wag maalala ang lahat lahat ng nangyari sa Cruise ship noong nililigawan pa lamang siya ni Ralph.
Sobrang sakit para sa kanya na wala na itong maalala pero wala siyang magagawa kung ito ang kapalit ng nangyari kay Enrico.
Hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang patahimikin ng konsensya at sinisisi niya pa rin ang sarili niya, kung hindi niya ginawa iyon marahil ay buhay pa sana ang dating asawa ngunit patuloy pa rin siyang guguluhin nito at ngayon ay nawala nga si Enrico pero naglalaho rin si Ralph sa kanya at naninikip ang dibdib niya sa tuwing mararamdaman niya ang kambal niya sa loob ng kanyang sinapupunan.
Joaquin and Renzo, they were right when they said I deserve more pero nasa sitwasyon ako ngayon kung saan ako ang talo at wala akong magawa, nanghihina ako. Hindi ko man lang maipaglaban si Ralph.
***
Samantala, naiwang litong lito si Ralph sa may parking lot, hindi niya alam kung bakit siya biglang hinalikan ni Glory pero ang mas kataka taka ay pamilyar sa kanya ang halik na iyon, biglang sumakit ang ulo niya at nag blurred ang paningin niya, naalala niya ang isang tagpo sa nakaraan niya kung saan nasa malaking barko sila at doon ay hinahalikan niya si Glory.
Fuck. What is happening to me? Tanong niya sa sarili.
Tumunog naman ang cellphone niya at nakatanggap siya ng text mula kay Glory:
/Love, where are u? I’m here at the resto already/
Bigla niyang naalala na magdi dinner nga pala sila ni Luz kung kaya’t nagmadali siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar na ito ngunit natanaw niya sa di kalayuan ang isang flower shop kung kaya’t huminto siya doon at bumili ng bulaklak.
“Hi sir Ralph, the usual set of bouquet po ba?” tanong ng babae sa counter.
Napakunot ang noo niya sa tinanong nito dahil parang kilalang kilala siya nito at alam na nito ang bibilhin niya, “uhm.. Yes, the usual, please,”
“For Ms. Glory pa rin po ba Sir?” tanong ng saleslady.
“Wait did you just say… Glory? Do you know.. her?” tanong niya rito.
“Bakit po Sir? Ang sabi niyo po kasi sa akin ay iyon po ang pangalan ng babaeng nililigawan niyo, madalas ho kayong bumili ng bulaklak dito, isa ho kayo sa mga parokyano ko, hindi niyo ho ba natatandaan?” nagtatakang tanong ng saleslady.
“I’m courting her?” tanong pa ni Ralph dito.
“Opo, iyon po ang kwento ninyo sa akin,” simpleng saad nito.
“Nevermind, just put the name Luz there okay, I repeat. It’s Luz not Glory,” saad ni Ralph.
“Okay po,” saad ng saleslady.
“By the way, what's your name again?” tanong niya rito.
“It’s Jeliel, Sir,” saad ng saleslady.
“Jeliel, okay, thanks,” saad niya ng iabot na nito ang bouquet ng bulaklak.
Nagbayad na siya at saka bumalik sa kotse niya dala dala ang bulaklak na binili niya at saka kinita si Luz sa pinareserve niyang restaurant.
“Love! Nandito ka na!” saad ni Luz na umukit ang magandang ngiti sa mga labi.
“I’m sorry, I’m late, flowers for you,” saad ni Ralph na inabot kaagad ang bouquet ng bulaklak kay Luz.
"Wow these are beautiful Love! Thank you!" saad ni Luz na kinikilig-kilig pa at hinalikan ito sa pisngi at saka sila umupo na magkaharap sa isa't-isa.
"Uhm nga pala Luz, I think it's best if we postpone the wedding for the time being," saad ni Ralph.
"What?!" gulat na tanong ni Luz, hindi na maipinta ang mukha nito.
"I'm sorry Love, it's just– I had a lot on my plate right now kakagaling ko lang sa aksidente at… hindi pa ko talaga magaling at saka kaka invest ko lang sa Dela Vega Corp. Kailangan kong mag focus sa trabaho, again, I'm sorry," saad ni Ralph na hinawakan at pinisil ng marahan ang kamay ng kasintahang si Luz.
"Naiintindihan ko.." iyon na lang ang sinabi ni Luz pero alam ni Ralph na tutol ang kalooban ni Luz sa desisyon niya na iyon.