One month later…
Maayos na nakuha ni Glory ang lahat ng pera at ari arian ni Enrico. Bagama't galit ang pamilya nito sa kanya ay wala silang nagawa dahil siya pa rin ang legal na asawa ni Enrico.
Napunta din kay Glory ang bahay nila ngunit ibinenta niya ito dahil mahihirapan lang siya lalo kapag dito siya tumira. Kahit saang sulok kasi ng bahay ay maalala niya lang si Enrico pati na ang mga pagmamaltratong ginawa nito sa kanya noon.
Nabenta niya ang bahay at inilagay sa bangko ang pera. Hindi niya nakakalimutan ang sinabi sa kanya ni Siobeh kung kaya't itinransfer niya na rin ang hinihingi nitong kalahati ng pera ni Enrico kapalit ng pananahimik nito. Maayos ang naging kasunduan nila.
Magaling na rin si Ralph at naka recover na. Nang gumaling ito ay mas lalo itong naging abala sa kumpanya at sa nalalapit na pinaplano nitong kasal nila ni Luz kung kaya’t kahit ganon ay mas pinili niya na lang na manahimik at wag ng ipaalam kay Ralph ang kanyang tunay na sitwasyon.
Anim na buwan na ang sinapupunan niya at talagang napakalaki at bilugan nito dahil sa dinadala niyang kambal. Kahit pa may pera na siya dahil sa mga naiwan sa kanya ni Enrico ay hindi pa rin siya tumigil sa pagtatrabaho at ngayon nga ay may meeting sila kasama ang mga iba pang investors. Medyo hirap na siyang lumakad kung kaya’t dahan dahan lang siya sa paglalakad.
Pagdating niya ay late siya at nakatayo na si Renzo sa harapan at ineexplain ang next project nila ngunit hinayaan lang siya ni Renzo at umupo na sa may gilid. Doon ay natanaw niya si Joaquin at si Ralph na magkatabi sa kabilang gilid naman ay ang mga nag o OJT na mga student architect na matamang nakikinig kay Renzo sa ipinapaliwanag nitong blueprint.
Napainom siya ng tubig ngunit gusto niyang isuka ito kung kaya’t napabilis siya ng labas sa board room at dumiretso sa restroom upang doon magsuka ng magsuka. May morning sickness pa rin siya at hindi pa natatanggal ang sama ng pakiramdam niya.
Inayos niya ang kanyang sarili at saka bumalik ulit sa kinauupuan.
“Ladies and gentleman, I would like you all to meet, my twin brother Ralph Romualdez,” pagpapakilala ni Renzo kay Ralph at sinabayan iyon ng masigabong palakpakan.
“From now on, tutulungan niya na ako sa mga projects ko, uh Ralph welcome to the team sana ay mas marami tayong mga projects na mahawakan from now on,” saad ni Renzo at pumalakpak ulit.
“Ikinagagalak ko ho kayong makilala, salamat po sa mainit na pagtanggap sa akin, gagawin ko ang best ko para mas matuto pa po sa inyo,” saad ni Ralph at nag bow, tanda ng pag galang.
Nang matapos ang meeting ay nauna ng lumabas si Glory dahil alam niyang kakamayan isa isa ni Ralph ang mga investors at ayaw niyang makipagkamay rito kaya umiiwas siya, napansin iyon ni Joaquin at dismayadong umiling iling na lang sa kanya.
Kumuha siya ng kape sa may vending machine, katulad ng palagi niyang ginagawa, itinuring niya lang na ordinaryong araw iyon sa opisina, akmang babalik na siya sa office niya ng makita siya doon ni Joaquin, papalapit na ito sa kanya kaya lumakad na siya palayo dahil hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa nitong pagsabi kay Renzo na bungtis siya ngunit desidido itong sundan siya.
“Glory, wait,”
“What Joaquin?! Do you mind explaining to me what you did? Anong pumasok sa isip mo at sinabi mo kay Renzo?!”
“Come on, Glory, we’re in the same field, same office, malalaman at malalaman niya rin yan,” saad ni Joaquin, alam niya na na naiinis na ito dahil nakapamewang na ang lalaki.
“Sana sinabi mo na lang lahat! Sana sinabi mo na lang din sa kanya na si Ralph ang ama ng mga batang dinadala ko! Damn it!” singhal ni Glory, sumabog na siya sa inis, mabuti na lamang at walang nakakarinig sa kanila doon dahil nasa sulok sila.
“Wait mga bata? Are you having twins?!” singhal ni Joaquin.
“Yes, Joaquin! Happy now?!” singhal ni Glory at saka inirapan ito.
“Magpapakasal na siya sa iba Glory, okay lang sayo?!”
“Anong gusto mong gawin ko Joaquin?! Hindi na nga ako naalala nung tao eh! Ipipilit ko pa ba ang sarili ko?!” saad ni Glory na napasigaw na, hindi niya namalayang nangingilid na ang mga luha niya sa harap ni Joaquin.
“Hey.. don’t cry,” saad ni Joaquin na naalarma at kaagad na niyakap siya.
“Glory, gusto lang kitang makitang maayos, itong pinasok mong sitwasyon.. Ang gulo eh… why are you even doing this to yourself? you desserve more,”
“I know and I’m fine Joaquin,”
“Tell me, mahal mo ba siya? Minahal mo ba siya, Glory?”
Sa tanong ni Joaquin ay muling bumalik sa alaala ni Glory ang mga masasayang alaala nila ni Ralph, kung paano siya habul habulin nito, kung paano siya i trato nito na para bang reyna, kung gaano siya kahalaga rito, at kung gaano ito tumingin sa kanyang mga mata habang nagtatalik.
“Hindi.. Hindi na Joaquin, hindi ko na siya mahal..” iyon ang tinuran niya kay Joaquin pero iba ang sinisigaw ng puso niya.
Oo.. mahal na mahal ko siya, siya lang ang kaisang isang lalaking alam kong hinding hindi ako iiwan kahit anong mangyari.. Yung lalaking kaya akong alagaan, kaya akong ipagtanggol kahit kanino.. Yung lalaking pinahahalagahan ako at isinasaalang alang ang anumang naisin ko. Yung lalaking susuportahan ako sa lahat ng bagay at handang gumawa ng mga wirdong bagay para lang mapasaya ako.
Pero… asan siya ngayon? Nasa piling siya ng iba na hindi niya man lang maalala kung sino ba ako sa puso niya, kung sino ba ako sa buhay niya.
Masakit. Nakakapanghina.
“Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?” tanong pa ni Joaquin.
“Oo, kaya mas mabuti kung hindi niya na malalaman ang tungkol pa sa ugnayan naming dalawa, pinuputol ko na, dahil… hindi ko na siya mahal, hindi ko siya kailangan sa buhay ko, kayang kaya kong palakihin ang mga anak ko na walang kinikilalang ama, malay mo, baka makahanap ako ng iba, yung mayos na talaga, kaya wag ka ng mag alala Joaquin, okay lang ako,” saad ni Glory at saka iniwan si Joaquin doon.
Buong maghapon siyang nagtrabaho sa opisina niya at ng mag uwian na ay pinatay niya na ang computer at napatingin sandali sa kanyang cellphone.
Naligaw siya sa Galley at nakita niya ang mga pictures nila ni Ralph. Pinagmasdan niya ang mga iyon ngunit binura niya na lahat dahil desidido na siya na wag ng makialam sa buhay nito kung kaya’t sa tingin niya ay oras na para burahin niya na rin si Ralph sa alaala niya.
Pauwi na siya at nasa parking lot marahas niyang pinapahid ang mga luha niya na ayaw tumigil at tulo ng tulo. Masama ang loob niya dahil sa sagutan nila ni Joaquin kanina, naiisip niyang bakit hindi na lang siya hayaan ng kaibigan sa gusto niyang mangyari. Kukuhanin niya na sana ang kotse niya ng bigla siyang nakaramdam ng sobrang pananakit ng tiyan. Napapangiwi na siya sa sakit kung kaya’t napalingon siya sa paligid ng parking lot ngunit siya lamang ang tao doon.
Namimilipit na siya sa sakit ngunit mas lalo pa siyang natakot ng sobra ng nakakita siya ng dugong tumutulo sa kanyang mga hita. Doon na siya napasigaw.
“Tulong! Tulungan niyo ako, ang baby ko! Tulong!” sigaw niya ngunit tila walang nakakarinig sa kanya.
“Tulong!” sigaw niya ulit ngunit talagang masakit na at napaupo na siya sa sahig.
“Miss, miss, okay ka lang?! Halika, dadalhin kita sa ospital!” singhal ng lalaki na lumapit sa kanya, kaagad siyang binuhat nito ng buong lakas ngunit pagtingin niya ay si Ralph pala iyon.
Napatingin siya sa maamong mukha nito na ngayon ay natataranta ng dahil sa kanya. Isinakay siya nito sa kotse nito at nagmadaling pumunta sa pinakamalapit na ospital.