Chapter 4

1384 Words
FUSION PARADISE BAR Pagkagaling kay Glory ay dumiretso si Ralph sa Bar, iiinom niya na lang ang sakit na nararamdaman niya dahil kailangan niyang makalimot. Sobrang sakit ng ginawa ni Glory na para bang pinagkaitan na siya ng mundo dahil namatay na nga ang asawa niya at pagkatapos ay rebelde naman ang anak niyang si Danice. Hindi niya napalaking maayos ang kaisa isang anak dahil kahit ang sarili niya ay napabayaan niya rin. He feels like a failure to everyone, especially to Glory pero pilit niyang tinatanong sa sarili kung anong kasalanan niya, paano nagawa ni Glory ang bagay na iyon, bakit?... bakit nito pinatay ang anak nila? “Ninong? What a surprise, you’re here! Anong ginagawa mo dito? Where’s daddy?” tanong ni Rosenda kay Ralph. Napakunot naman ng noo si Ralph dahil hindi niya naiitindihan ang sinasabi ng dalagang lumapit sa kanya. Ninong daw? Wala naman akong natatandaan na may inaanak akong ganito kaganda. saad ni Ralph sa isip. “Uhm, who are you?” tanong ni Ralph kay Rosenda. “Ninong Renzo naman eh, lasing ka na ba? Tatawag na ako ng taxi for you,” saad ni Rosenda na natatawa habang kinukuhang pilit ang cellphone nito sa purse niya. Doon niya naintindihan na ang akala ng dalaga ay siya si Renzo. “May dala akong kotse Hija, wag mo na akong itawag ng taxi, Who's your father?” tanong ni Ralph sa kanya. “Hija? Eew! Kailan mo pa ako tinawag na Hija? Hindi ba’t pumpkin ang tawag mo sa akin? Nakakatawa ka talaga Ninong at saka bakit tinatanong mo pa pangalan ni Daddy Joaquin? Lasing ka na nga talaga!” saad ni Rosenda na walang ka alam alam. Ah, si Joaquin pala tatay niya. Saad ni Ralph sa isip. “Don’t worry! Order ka lang dyan, inom ka pa! Ako naman may ari nitong bar! Sige, maiwan muna kita Ninong, drive safe okay?” saad ni Rosenda na tatawa tawang tinapik ang balikat ni Ralph at saka umalis. Sa wari niya ay nakainom na rin ito ngunit nagulat siya sa sinabi nitong siya ang may ari ng bar na napuntahan niya. Totoo kaya iyon? Hindi niya na lamang pinansin at uminom pa ng uminom sa may bar counter. Napalingon siya sa pintuan ng Bar at nahagip ng mata si Luz, she was wearing a black mini skirt a chub top and a leather jacket at naka boots pa. She’s so gorgeous the moment she walks in, halos mabali ang leeg ng mga lalaking customer na naroon kakatingin sa kanya, she was flashing her brightest pretty smile ever. Lumapit siya kaagad kay Ralph nang makita niya ito sa may bar counter. “Baby, totoo ba yung sinend mong text sa akin? Papakasalan mo na ako?!” masayang tanong ni Luz na kaagad hinawakan ang kamay ni Ralph. Napatingin siya doon at tila naalala ang bigat at sama ng loob na nararamdaman para kay Glory. “Luz, you like me don’t you?” “Yes, I like you so much, Daddy,” “You can’t forget about me, right?” “Yes!” “Congratulations! You got what you wanted,” Napangiti si Luz at tuwang tuwang napayakap kay Ralph. “Thank you, Sweetheart! I love you! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon!” saad nito ngunit kumalas si Ralph sa pagkakayakap sa kanya at marahas nitong hinawi ang kamay niya. “But know this Luz… hindi na kita gusto dati pa, at kahit kailan ay hinding hindi kita magugustuhan at kahit magsama pa tayo, si Glory lang ang mamahalin ko, naiintindihan mo?!” saad ni Ralph na umigting pa ang mga panga na ipinaintindi iyon kay Luz at saka tumayo at umalis. He hated Luz. He hated everything about her but he needs her for his pain. Nang makalabas siya ng Bar ay pinagmasdan niya ang black ferrari niyang kotse. It’s an 812 Superfast. Napa iling siya ngunit sinimulang sumakay roon at saka inilagay ang susi at sinimulang pihitin iyon. He drove as fast as he could. Wala siyang pakialam sa kalye at tila iniisip na para lang siyang nasa race field. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman, gusto niyang makalimot ngunit hindi niya magawa, lasing na lasing siya ng mga oras na iyon. Gusto niya ang naririnig na tunog ng tambutso at gulong niya. Napakabilis niya ng magpatakbo ng kotse. Hindi niya na mapigilan ang mabilis na simoy ng hangin na tumatabon sa kanyang mukha, nakabukas kasi ang bintana ng kotse niya. “Whoooohooo!” sigaw niya ng maabot niya na ang speed limit ng kanyang sports car. High na high siya ngayon na para bang adrenaline drinker. Lahat ng sakit at galit ay ibinuhos niya sa pagmamaneho noong gabing iyon. “How dare you Glory? What did you do? Hindi mo ba talaga ako mahal kaya pinalaglag mo ang anak natin? Sobrang sakit. Pakiramdam ko mamamatay na ako,” saad niya sa isip. Hindi niya na makita ang daan dahil nagsisimula ng magdalawa at mag blur ang paningin niya, pilit niyang inaagapan ang manibela ngunit tila nawalan na ito ng preno at mabilis ang mga pangyayaring nabunggo siya sa isang puno, ngunit bago iyon ay napindot niya ang airbag ngunit sugatan pa rin siya. Nagawa niya pang makalabas ng kotse ngunit sa tinamong sugat ay bumagsak din siya. Isinugod siya sa ospital ng gabing iyon ngunit tila nag hahallucinate ata siya dahil mukha ni Glory ang nakikita niya, ang maganda nitong ngiti, ang nakakaakit nitong mga mata. “Glory,” Iyon na lang ang nasambit niya at nawalan ng malay. Samantala, nakatulog si Glory dahil sa sobrang iyak, ngunit tumatawag si Renzo sa kanya kung kaya’t sinagot niya iyon kaagad. “Yes, Renzo?” “May relasyon kayo ni Ralph diba?” “Ha? Bakit mo natanong?” “Isinugod siya ngayon sa ospital, kritikal ang lagay niya, I thought you might want to visit him,” “Ano?! Nasa ospital si Ralph?!” gulat na tanong niya mula sa kabilang linya. “Oo, naaksidente siya sakay ng sportscar niya,” saad ni Renzo. “Sige, papunta na ako!” iyon lang at pinatay na ni Glory ang tawag. Nagmadali siyang magbihis ng gabing iyon. Ang buong akala niya ay walang pakialam si Renzo sa kanilang dalawa ni Ralph pero nagkamali siya, nag o observe lang pala ito sa kanilang dalawa ng kakambal niya. Nang makarating siya sa kwarto nito ay tumambad sa kanya ang isang babae na nakaupo sa gilid ng kama ni Ralph, kaagad siyang nagtago sa may pinto upang hindi siya makita nito. Pinagmasdan niya ito habang umiiyak sa tabi ni Ralph. Napahawak siya sa dibdib niya kung saan naroon ang parte ng kanyang puso. Nanlulumo siya sa sinapit ng kanyang manliligaw, hindi niya alam kung anong gagawin, hindi niya naman kasi ineexpect na maaaksidente ito. Alam niyang wala siyang karapatang lumapit kay Ralph ngayon dahil siya ang dahilan kung bakit ito naaksidente, pinanghihinaan siya ng loob. Kasalanan niya ang lahat. Hindi niya na mapigilan ang mga luha niyang pumapatak habang pinagmamasdan sa malayo si Ralph, may benda ang ulo nito at nakakunot ang noo na para bang may masakit sa kanya habang natutulog. Sapat na ang nakita niya, akmang aalis na siya ng makasalubong niya si Renzo, kaagad siyang niyakap nito. “Hey… it’s alright,” saad pa ni Renzo na kino comfort siya. “It’s my fault Renzo, I’m so sorry, I broke up with him… nag away kami at pagkatapos ay umalis siya,” paliwanag ni Glory. “It’s alright… ipagdasal na lang natin na magising siya, pumasok ka na ba sa loob?” tanong nito. “I’m sorry, pero hindi ko pa kayang harapin si Ralph ngayon, sana maintindihan mo Renzo, aalis na ako, pag nagising siya balitaan mo na lang ako,” saad ni Glory habang umiiyak pa rin. “Okay, sige, ingat,” saad ni Renzo. Kaagad na lumabas si Glory ng ospital at doon umiyak ng umiyak sa loob ng kotse niya ngunit nabaling ang atensyon niya sa kotse sa likod niya, alam niyang kotse iyon ni Enrico at posibleng sinundan siya nito. Kaagad niyang hinawakan ang manibela at umalis na sa lugar na iyon. Kailangan niya ng lumayo simula ngayon kay Ralph dahil kapag lumapit pa siya ay baka mas lalo lamang itong mapahamak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD