Tatlong Suntok Na Utang

1041 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ------ "Iyke, kung ayaw mong makipagbalikan sa akin humanda ka sa kayang kong gawin sa iyo! Magkakamatayan tayo! Tandaan mo iyan!" ang bulyaw ni Hilda. Nagja-jogging si Iyke noon nang makasalubong niya ang dating karelasyon na nagkataong nag-jogging din. "Pagkatapos mo akong pagtaksilan? Pagkatapos kang ibasura ng lalaking ipinagpalit mo sa akin? Hindi mo ba naisip na isa ka sa dahilan kung bakit ako pumasok ng monasteryo? Dahil sa ginawa mong pagtataksil! At ngayong lumabas ako ay gusto mong makipagbalikan? Sorry! Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nagbalik! Hindi na kita mahal! Ipasok mo iyan sa kukote mo!" ang bulyaw ni Iyke. "Ikaw ang unang nakakuha sa aking p********e, Iyke. Ikaw!" "Ako? Di ba ipinagyayabang mo na ang anak ng mayor ang nakadonselya sa iyo? At ang sabi mo pa sa akin ay pakakasalan ka niya? At ipinamukha mo pa sa akin na hindi lang siya guwapo, mayaman pa at masarap sa kama? 'Di ba dahil sa kanya ay iniwan mo ako? Nasaan na siya ngayon?" Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Iyke dahilan upang mapahaplos ang binata sa kanyang pisngi. Nagngangalit ang bagang ni Iyke sa galit. Ngunit ayaw niyang patulan ang dalaga. "Bibigyan kita ng pagkataong magbago pa ang isip, Iyke. Ngunit kung hanggang matapos ang linggo na ito at patuloy mo akong itatakwil, humanda ka sa gagawin ko. Siguradong hindi ka matutuwa. Isa sa atin ang mamatay!" Inismiran lang ni Iyke ang dalaga, sabay walk out. Iyon ang mainit na engkuwentro nina Iyke at nang kanyang dating nobya. "Bad trip! Umagang-umaga ay ang babaeng iyon pa ang una kong nakausap!" Ang pagmamaktol niya habang ipinagpatuloy ang pagja-jogging. At imbes na may natirang 30 minutos pa sana siya upang ipagpatuloy ang kanyagn pagja-jogging, biglang nagbago ang kanyang isip. Agad na bumalik siya ng bahay. Nasa ganoon siyang pagkadismaya habang nagja-jogging pauwi nang mapansin niya ang isang grupo ng mga tambay na nasa gilid lang ng kalsada. May kinukuyog sila at binubugbog. "Ibigay mo ang wallet mo kung ayaw mong may masamang mangyari sa iyo!" ang sigaw ng isa sa mga tambay. "Wala nga akong wallet at pera, ano ba kayo! Wala naman akong ginawang masama sa inyo!" Ang sagot naman ng lalaking kanilang pinagtripan. Hindi kilala ni Iyke ang lalaki. Alam niynag dayo ito sa kanilang lugar. Maputi, makinis ang balat, may hitsura, at ang pananamit niya ay mistulang iyong suot ng mga lalaking Koreano noong unang panahon na napapanuod sa pelikula. Iyong mga dynasties nila na isinapelikula kagaya ng Goreyon Dynasty, o Joseon. Sa hitsura, tindig at porma ng estranghero ay alam niyang may dugong mayaman ito kung hindi man ay galling ito sa isang aristocratic na pamilya. Nilapitan niya ang grupo. Dahil tagaroon lang naman ang mga tambay na iyon, kilala nila si Iyke. "Mga 'Brad! Ibalato niyo na lang siya sa akin," ang sambit ni Iyke. Narinig iyon ng lalaki at sa pag-aakalang kasama siya sa grupo, sinuntok niya ito sa mukha. Sapul ang mukha ni Iyke. Dahil nasampal na nga siya ni Hilda at dinagdagan pa ng suntok ng estranghero, mas lalo pang nag-init ang ulo ni Iyke. Pinaulanan ni Iyke ng suntok at sipa ang mga tambay. Lahat sila ay bumagsak sa kalsada. Kilala ng mga tambay na magaling sa martial arts si Iyke bunsod ng training na nakuha nito nang nasa loob ng monasteryo pa siya. Maliban dito, mataas din ang respeto ng mga tao sa kanya. Kaya hindi na sila nanlaban. Bagkus, isa-isa silang bumangon at nagsialisan. Nang nakita ni Iyke ang lalaking nakatayo at tila natulala sa pagkakitang napatumba niya ang mga tambay, nilapitan ito ni Iyke. Tumatak pa sa utak ni Iyke ang pagsuntok ng lalaki sa kanya. At ang sunod na nangyari ay ang pagbitiw ni Iyke ng apat na power jabs sa mukha ng estranghero. Bagsak ang estranghero. Habang nakahandusay sa semetong kalsada, hinaplos niya ang kanyang dumudugong mukha. "Ba't mo ako sinuntok!?" ang bulyaw niya. Tinitigan lang ni Iyke nang matulis ang lalaki atsaka tumalikod, muling nag-jogging pauwi sa kanila. "Hoy, taga-lupa! Hintayin mo ako!" Ang sigaw ng prinsipe. Hindi niya namukhaan na iyon na pala ang coach na tutulungan niya. Akmang susundan na sana ng prinsipe si Iyke nang may nakita siyang isang bagay sa ibabaw ng sementong kalsada. "Kuwintas!" Sigaw ng isip ng prinsipe. Dinampot niya ito at inusisa. Isang stainless steel na may kasamang pendant na halatang pinasadya ang pagkagawa. Ang hugis ay sa isang taong hati ang katawan mula sa ulo. May nakaukit sa gitna nito na salitang, "AY". Dali-daling ipinasok niya ito sa kanyang bulsa at nagtatakbong hinabol si Iyke. "Hey, taga-lupa! Hintay!" Huminto si Iyke at halata sa mukha ang pagkainis na hinarap ang prinsipe. "Bakit mo ba ako sinusundan?" "Ah eh... A-ako pala si Prinsi... este, hehe, Yuni. Oo Yuni ang pangalan ko." "Wala akong pakialam sa pangalan mo. Ang tanong ko ay kung bakit mo ako sinusundan?" ang giit na tanong ni Iyke na halata pa rin ang init ng ulo. "Eh... w-wala kasi akong matutuluyan, eh. Hindi ako tagarito at h-hindi ko rin alam kung paano bumalik sa lugar na p-pinanggalingan ko." "Pumunta ka sa presinto ng pulis. Sila ang makakatulong sa iyo. Hindi ako ang puntahan ng mga taong nawawala o naliligaw. Hindi rin ako estasyon ng radyo upang manawagan ka. Hindi rin ako bahay ampunan upang ampunin ka." "P-pero 'Brad..." ang tawag niya kay Iyke. Narinig kasi niyang tinawag na Brad si Iyke ng mga tambay, "Maawa ka naman sa akin." "Kanina ay taga-lupa ang tawag mo sa akin. Ngayon naman ay brad na?" ang sarkastikong sagot ni Iyke. “Sabog ka ba? Nakabato? High ka?” “Hehe,” ang pagbitiw ng hilaw na tawa ng prinsipe. “Eh… a-anong sabog? W-wala naman akong bato eh. Ano iyon?” Napailing na lang si Iyke habang habang tumalikod at ipinagpatuloy ang pagja-jogging. Hindi na niya pinansin pa ang prinsipe. Ngunit makulit si Yuni. Binuntutan pa rin niya si Iyke. "Hoy Mortal! Naka-apat na suntok ka sa akin! Isang suntok lang ako sa iyo! May utang na tatlong suntok pa ako sa iyo!" ang sigaw niya. Ngunit hindi siya nilingon ni Iyke. Nagpatuloy ito sa pagja-jogging. "Sa mga tambay mo iyan singilin!" ang sigaw din ni Iyke. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD