KABANATA 6

2492 Words
“MAY gusto ka sa kanya, ‘no?” Napatingin ako kay Ate Ayen nang bigla niya iyong sabihin sa akin. Tumutulong kami ngayon sa pag-aani ng mga tanim nina Yaya Ruth. Ayaw sana akong patulungin ni Yaya dahil alam niyang hindi ako sanay sa ganitong gawain but I insist. “Lagi kang nakatulala sa kanya. Obvious na, be!” Humalakhak si Ate Ayen na para bang tuwang-tuwa siya sa napagtatanto niya. “Ganyan ako noon kay Benjamin nang malaman kong gusto ko na pala siya. Lagi akong nakatitig at laging naiinis sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya.” Ibinalik ko ang titig ko sa kinaroroonan nina Yago. Naka-muscle shirt siya at may binubuhat sila ni Kuya Benj sa hindi kalayuan sa amin. Nakikita ko ang pagtingkad ng kulay ng balat niya dahil siguro sa pawis at sa pagtapat ng sinag ng araw rito. “Hindi, ah! Kakakilala ko pa lang doon sa tao, hindi naman ako ganoon kabilis ma-fall,” tanggi ko bago bumalik sa ginagawa. Sinikap ko na huwag nang tumingin sa kinaroroonan nina Yago pero…hindi ko rin napigilan ang sarili. “See?! Tingin ka nang tingin sa kanya. Akala mo ba ay hindi ko napapansin ang mga pagsulyap mo sa kanya?” Ginitgit ako ni Ate Ayen at may malawak na ngiti sa kanyang labi. “What’s the point sa pagtanggi? Okay lang naman kung magustuhan mo siya. Bukod sa magandang lalaki naman talaga si Yago minus ang minsanan niyang kasupladuhan ay maayos naman siyang tao.” Nagkibit-balikat si Ate. “Base lang iyon sa obserbasyon ko, ha.” Hindi ako nakausap. Inakbayan ako ni Ate Ayen. “Alam mo, Ace, bata ka pa, eh. Hindi ka pa nakaka-explore sa iba’t ibang nararamdaman ng tao. I mean, maaaring sa ibang tao mahirap kang mahulog pero kapag nakilala mo iyong one certain person, mabilis kang mahulog. You can’t decide naman. Sabi nga, baliw ang puso.” Napanguso ako sa sinabi niya habang si Ate ay tawang-tawa sa akin. Kinurot niya ang pisngi ko kaya’t lalong tumilos ang aking pagnguso. “Bagay naman kayo ni Yago, pero dahan-dahan lang din. Kahit na aminin mo sa sarili mo na gusto mo siya, huwag mo agad sabihin sa kanya. Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa isipan ng lalaking iyon. Ang hirap niyang basahin, eh.” Ngumiti si Ate Ayen at kumindat sa akin. “Isa lang ang sigurado ako, iba ang trato niya sa ‘yo.” Tumayo na siya at lumapit kay Yaya Ruth nang tawagin siya nito. Nanatili akong tahimik na nakaupo. Ibinalik ko ang tingin kung nasaan sina Yago at naabutan ko siyang nakatingin din sa akin kaya’t agad akong nag-iwas ng tingin at nagbilang ng damo kahit hindi naman dapat damo ang binibilang ko! “Ang init!” Lalo akong nawala sa sarili nang marinig ko ang boses ni Kuya Benjamin. Papalapit na sila sa akin at nakasunod sa kanya si Yago. “Salamat talaga sa pagtulong, Yago. Kung ako lamang ang aasahan ni Mama ay mamaya pa talaga ako matatapos.” Tumigil sila sa may likod ko, naroroon kasi ang kuhanan ng tubig at mukhang iinom sila. “Okay lang,” tipid na sagot ni Yago. May ilan pa silang pinag-usapan na hindi ko na maintindihan dahil kung saan-saang lupalop ng mundo lumilipad ang isipan ko. “Aiselle?” Napatalon ako sa gulat nang tapikin ako ni Kuya Benj. Nilingon ko siya at hindi malaman kung may sinabi ba siyang hindi ko narinig. “Ha?” wala pa rin sa sariling tanong ko. Napunta kay Yago ang titig ko na nakita kong nagtaas ng tingin sa akin. Agad akong nag-iwas. “Tinatanong kita kung okay ka lang ba? Hindi ka sanay sa mga ganitong gawain, hindi ba?” “O-Okay lang ako. Kaya ko naman ang mga ganitong gawain.” Pilit akong ngumiti at nag-iwas ng tingin. Mabilis kong tinapos ang ginagawa at agad na tumayo para makaalis na. Hindi ako komportable dahil pakiramdam ko, hangga’t nakikita ako ng mga mata ni Yago ay hindi niya tatantanan ang paninitig sa akin. “Papasok lang ako sa loob. Tapos na ako rito.” At mabilis akong umalis sa kinaroroonan ko para pumasok sa loob ng bahay. My heart is pounding so hard that it’s hurting me physically. Akala mo ay kakawala ang puso ko sa ribcage ko. Just thinking about how intense Yago’s gazes towards me, nanginginig na ako. Napasandal ako sa may kitchen counter, pinapakalma ang sarili. I never had this kind of reaction towards a man. Sa mga exes ko, hindi naman ako ganito maka-react. Kahit sabihin natin na naging crush ko muna ang mga iyon bago kami nagkaroon ng relasyon ay hindi naman ganito. Hindi ko talaga maintindihan kung ano itong nararamdaman ko para kay Yago. Nakakatakot. Bumukas ang backdoor at may pumasok sa loob. Napatayo ako nang maayos nang makita ko si Yago. Grr, umalis nga ako roon dahil naandoon siya tapos ngayon ay naririto rin siya? Paano ako makakahinga? “Pinapakuha ni Benjamin ang mga disposable cups. Do you know where they are?” Balisa akong nagtungo sa isang cupboard kung saan naroon ang mga hinahanap niya. Inabot ko iyon at nagulat nang hawakan ni Yago ang pulso ko. Marahan niya iyong dinala sa harapan niya at pinagmasdan ang kamay ko. Wala namang iba sa hawak niya sa akin pero pakiramdam ko ay napapaso ako. “You have a cut on your hand.” Hinaplos iyon ni Yago at doon ko lamang napagtanto na may kaunting hapdi nga iyon. Sa sobrang pagkawala ko sa sarili ay hindi ko naramdaman na nagkaroon ako ng maliit na hiwa sa daliri. “Wala iyan. Baka nagasgasan ako kanina habang—” Hindi niya ako pinatapos. He rummaged the cupboard, looking for something. Nang makita niya ang maliit na first aid kit ay agad niya akong inasikaso. Nilinis ni Yago ang maliit kong hiwa at agad na nilagyan iyon ng paunang lunas at binalot sa bandage. Tahimik ang kapaligiran pero ang puso ko ay nagwawala. Natatakot ako na marinig iyon ni Yago at mapagtanto niyang siya ang dahilan bakit kumakabog nang ganito katindi ang puso ko. “Hindi ka sanay sa mga ganoong gawain. Dapat hinayaan mo na sina Ayen.” Bumalik ako sa katinuan ko dahil sa sinabi niya. This guy knows how to please my heart and displease me at the same time, huh? “Kaya ko naman. Don’t treat me like some spoiled brat at walang alam gawin sa mga ganitong bagay. I know how to plant!” Hianaklit ko ang kamay ko mula sa kanya. Kumalma ang puso ko dahil napalitan iyon ng pagkainis. There, dapat talaga ay hindi ka kumakabog nang ganoon kabilis para sa lalaking ito. “I didn’t mean it that way.” And there it is again, my heart somersaulting my entire being. Great! Isang lambing ng lalaking ito ay wala na, nayayanig na naman ako. “We should treat your cut before it gets infected—” “Hindi na, Yago.” Kinilabutan ako nang tawagin ko siya sa pangalan niya. “Malayo naman ito sa bituka, hindi ko ikamamatay.” Hindi ata nagustuhan ni Yago ang sinabi ko kaya agad siyang tumingin sa akin na may pagbabanta. Pinanatili ko ang ngiti sa labi ko kahit malapit na ata akong matunaw. “A delicate woman like you should always take care of herself. Maliit man o malaki ang sugat, sugat pa rin.” Kinuha niya ang mga disposable cups na dahilan ng pagpunta niya rito. “I’ll be back.” Delicate woman? I am not a delicate woman! Ganito lang naman akong umakto dahil ayokong malaman ng iba kung anong klaseng tao ako at ang pamilya ko. But they don’t need to treat me like a fragile glass waiting to break anytime soon. Hindi ako mawawasak nang ganoon kadali. Niyaya ako ni Ate Ayen na lumabas. Bonding daw namin. Siya talaga iyong naging ka-close ko. Kalimitan kasi sa mga babae rito ay tinitingnan ako ng may pagbabanta dahil iniisip nila na malapit ako kay Yago, and they treat me like I am one of their competitors. Itanong muna nila kung may pag-asa ba sila sa lalaking iyon. Pakiramdam ko ay pihikan sa babae. Napadaan kami sa isang tindahan at may mga nakatambay rito na ilang lalaki. Nairita agad ako nang mamukhaan ko ang isa sa kanila. Siya iyong nasampal ko dahil binastos ako noon sa after party nina Kuya Benj nang manalo sila sa basketball. “Huwag na tayo riyan dumaan, Ace.” Ngunit huli na ang lahat dahil nakita na kami ng grupo ng mga lalaki. Agad na ngumisi ang isa at tumayo sa kinauupuan niya. Hinila ko si Ate Ayen papalayo dahil mukhang ayaw niya talagang makasalamuha ang mga iyon. “Anak ng Vice Mayor iyong leader nila at may pagkamayabang dahil mayaman ang pamilya. Bastos din at walang manners. Mas magandang hindi tayo ma-involved sa mga kagaya nila—” Natigilan kaming dalawa nang maabutan kami ng grupo ng mga laalaki. “Hi, Aiselle.” Hindi ko alam paano niya nalaman ang pangalan ko ganoong hindi ko naman ibinigay sa kanya. Tamad ko siyang tiningnan. Kaunti na lang, sasapakin ko na talaga siya. Akala niya siguro natatakot ako sa kanya dahil marami sila. Boy, ilang assassination at murder attempts na ba ang aking natakbuhan at natakasan? “Ang galing ko, ‘no? Alam ko ang pangalan mo. Kaya kong malaman ang lahat ng gusto ko. It’s easy for a rich man like me.” Ngumisi ito, halatang nagyayabang. If he thinks I’ll be gaga just because he said he’s rich, hell no. Hindi ako nasisilaw sa kayamanan ng tao. “Good for you.” Hinila ko si Ate Ayen para makaalis na pero hindi kami hinayaang makalagpas ng lalaking hindi naman importante sa buhay ko. Sinipat ko siya dahil napupundi na talaga ang pasensya ko sa kanya. Bakit niya ba ako kinukulit. “I want a date with you, Aiselle,” diretsahan niyang saad sa akin. “Ayoko,” diretso ko ring sagot sa kanya. “Pagbigyan mo ako. I can treat you in a fancy restaurant. May alam ako sa city. You’re going to enjoy it—” “I said no.” Binangga ko siya para makaalis kami ni Ate Ayen pero ang mokong ay ayaw talaga akong tantanan. Marahas niya akong hiniwakan sa aking braso kaya’t napadaing ako sa sakit. Hindi nga lang iyon sapat para patigilin siya. “Malaki ang impluwensya namin dito sa bayan. Kung magmamatigas ka, pwede kong pahirapan ang buhay nina Benjamin! Iyang kabuhayan nila? Isang sabi ko lang sa papa ko, mawawala iyan sa kanila na parang bula.” Hindi ko akalain na uso pa pala ang pang-aargabyado sa kapwa. Too much abused of power. Porke’t alam niyang nakakaangat siya sa iba ay inaabuso niya. Lumaki ako sa makapangyarihang pamilya, pero hindi kami kailanman nang-argabyado ng mga taong wala namang ginagawang masama sa amin. Hindi ako nakapagsalita roon lalo na nang suminghap si Ate Ayen. Alam siguro niya na gagawin talaga ng lalaking ito ang sinasabi. Ayokong mawala ang pangkabuhayan nina Yaya Ruth. Iniwan pa iyon sa kanila nang yumao niyang asawa. One date? Wala naman sigurong mawawala sa akin kung pagbibigyan ko ang gagong kaharap ko— Naputol ang aking iniisip nang may humila sa akin papalayo sa lalaki at mabilis na pumagitna sa amin. “Who gave you permission to touch her?” Kalmado ang boses ni Yago, pero ito iyong kakalmahang hindi mo gustong marinig. His words were like daggers, na kapag nahagip ka, duguan ka mamaya. “Who the f**k are you? Umalis ka sa harapan ko! Si Aiselle ang kausap ko. Didn’t know he has some sort of bodyguard here,” he said mockingly. Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Si Kuya Benjamin ay niyayakap na si Ate Ayen dahil natakot ata ito kanina. Hindi ako umalis sa likod ni Yago. Tinangka siyang itulak ng lalaki ngunit hindi man lang niya nagawang pagalawin si Yago sa kinatatayuan nito. “One more step, I’ll break your f*****g neck.” Kumuyom ang kamay ni Yago, halatang nagtitimpi. Nagtawanan ulit sila sa pagbabanta ni Yago, halatang hindi natatakot dahil alam nilang may back up sila kahit anong mangyari. “Gusto ko lang naman na maka-date si Aiselle, ah? Bakit ka ba nagagalit? Boyfriend ka ba? Ano naman kung boyfriend ka? Isang tikim lang sa girlfriend mo—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang tumama ang kamao ni Yago sa kanyang mukha. Sobrang gitna ng pagkakasuntok ni Yago na nagdugo ang ilong ng lalaki. “I warned you already. I don’t have the patience to be given away to some idiotic assholes.” Punung-puno ng pagbabanta ang boses ni Yago, still, he managed to stay calm. Pinunasan ng lalaki ang kanyang ilong dahil sa pagdurugo nito. “Alam mo ba kung anong kaya kong gawin, ha? Tangina! Baka paalisin ko sina Benjamin dito sa lugar namin! Ewan ko lang. Isang date na nga lang ang gusto ko, eh.” Halata mang nananakot ay mukha ring walang balak ibalik ang suntok kay Yago. Bahagya ring nabawasan ang angas niya dahil alam niyang hindi siya aatrasan ni Yago at kung sakaling papatulan niya, matatalo lamang siya. “How about this, huh?” Ngumisi siyang muli at nilapitan si Yago. “A street racing. Kapag nanalo ako, isang date mula kay Aiselle at ikaw, tangina mo lagot ka sa akin!” Nanlaki ang aking mga mata. No way! He has all access he needs at si Yago, iyong sasakyan niya lang ang dala niya. I am not sure if he can use that for street racing! Malaki ang chance na matalo ito lalo na kung mamahaling kotse ang gagamitin ng lalaking ito. Hindi siya manghahamon kung alam niyang hindi siya mananalo. “And if you won’t participate, sila Benjamin at iyang nanay niya ang pahihirapan ko.” “That’s unfair! Bakit mo idadamay sina Kuya Benj—” “Dahil kaya ko.” Ngumisi siya sa akin at ibinalik ang titig kay Yago. “Ano? Kakasa ka ba? Tangina mo, huwag mo akong niyayabangan sa teritoryo ko, ha.” Tiningnan ko si Yago ngunit hindi sapat ang pwesto ko para makita ang emosyon ng mukha niya. Hindi ko man gusto ito, sana ay pumayag siya. Ayokong madamay sina Yaya Ruth sa gulong ito. For now, I have limited connections, hindi ko sila kayang tulungan kung mawalan sila ng pangkabuhayan. “Kapag nanalo ako, humanda ka sa akin.” Tinalikuran ni Yago ang lalaki at hinarap ako. Nagtindigan ang balahibo ko sa katawan nang makita ang kanyang mga mata. His eyes have this expression that says he’s ready to kill. Alam na alam ko ang ganyang ekspresyon dahil madalas ko itong makita kay dad at sa mga kapatid ko kapag handa na silang pumatay. Sumigaw ang lalaking ng araw, oras, at kung saang lugar. Sa pagkakatulala ko ay hindi ko namalayan na hinihila na ako ni Yago papalayo roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD