“KAYANIN kaya ng kotse mo? Kilala ko si Wyatt, maraming magagandang kotse iyon.” Narinig ko ang naging pag-uusap nina Kuya Benj at ni Yago. Si Wyatt ay iyong lalaking gustong makipag-date sa akin at dinamay pa ang pamilya nina Kuya Benj para lamang mapunta kami sa sitwasyon kung saan siya ang masusunod. Bastard.
Nakatayo ang dalawa sa hindi kalayuan sa akin habang tinititigan ang kotse ni Yago. Magandang klase naman ang kotse niya kaya lang…hindi ito pangkarera o pang street racing. Isa pa, sabi rin ni Kuya Benj ay mahilig daw sa car racing ang Wyatt na iyon at paniguradong iniisip na mananalo na siya kay Yago.
“Hmm, don’t know,” tipid na sagot ni Yago.
Biglang pumasok sa isip ko kung ginagawa ba ito ni Yago dahil gusto niyang tulungan sina Kuya Benjami at ayaw niya akong makipag-date sa lalaking iyon o it’s his pride. Baka naapakan ang kanyang pride kanina at ngayon ay ayaw magpatalo.
Ilang araw na lamang ay magaganap na ang racing. Kumalat agad ang tungkol doon at tiyak na marami ang manunuod. Though, marami naman ang nagchi-cheer kay Yago, teritoryo pa rin ang bayan na ito ng Wyatt na iyon dahil anak siya ng isa a pinakamayamang politiko rito.
Huminga ako nang malalim at kumatok sa pinto ng apartment ni Yago. Gusto ko siyang makausap at malaman kung may plano na ba siya, kasi ako…may naiisip ako.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Yago. Napahugot ako nang hininga nang mapansin na topless siya. Kitang-kita ko ang sleeve tattoo niya sa kaliwang braso at ang ganda ng hubog ng katawan niya.
Nakita ko na ‘to! Pero hindi ganito kalinaw noong may nangyari sa amin.
Nag-iwas ako ng tingin habang si Yago ay parang wala lang sa kanya na topless siya sa harapan ko.
“Can I talk to you? Busy ka ba?” tanong ko, mas piniling tumingin sa paanan ko.
“Pasok ka,” sabi niya at nilakihan ang awang ng pinto. Mabilis niyang kinuha ang muscle shirt niya at isinuot iyon bago maupo sa sofa sa tapat ko.
Buffering ang utak ko dahil hindi ko makalimutan ang hubad niyang katawan. Para bang nanatili iyon sa aking isip at nawala ang tunay na dahilan bakit ako naririto.
“What do you need?” Sapat na ang seryosong tono ni Yago para bumalik ako sa katinuan ko. Tumingin ako sa kanya habang siya ay prenteng nakaupo at naghihintay ng sasabihin ko.
Hindi ko gusto na makipag-date sa Wyatt na iyon. Gosh, ayoko talaga! Pero kaysa naman lumaki pa ang gulo, siguro ay papayag na lang ako.
“Withdraw from the street racing. Makikipag-date na lang ako sa kanya at siguro mapapakiusapan na huwag nang idamay sina Yaya Ruth—”
He laughed, sarcastically. Napatingin ako sa kanya dahil doon. Hindi naman kalakasan ang pagtawa niya pero nagawa niyang maputol ang pagsasalita ko.
“Not going to do that.” He’s still smirking but there’s no humor in it.
“Tss, pride nga naman ng mga lalaki.” Huminga ako nang malalim. “Baka matalo ka lang. Narinig ko na maraming magagandang sasakyan ang lalaking iyon. Paano kung—”
“Why don’t you just wait until Saturday and watch me?” He clasped his hand at tinaasan ako ng isang kilay. “That guy didn’t step on my pride, but you, woman, you kind of stepping on it by saying I might lose.”
“Sinasabi ko lang naman. May mas mabilis naman na option kaya bakit hindi na lang iyon—”
Tumayo si Yago. The next thing I know, nasa harapan ko na siya. Napaatras ako sa kinauupuan ko nang yumuko siya at kinorner ako. Ang lapit ng mukha niya sa akin na akala ko noong una, hahalikan niya ako.
Napakagat ako sa labi ko kaya’t ang mga titig niya ay napunta roon. Na-conscious ako lalo dahil tinititigan niya ang labi ko.
“Imbis na isipin mong makipag-date sa kanya, bakit kaya hindi mo na lang isipin kung anong kabayaran ang makukuha ko sa ‘yo kapag nanalo ako?”
Mas inilapit niya ang labi niya sa tainga ko. I can feel his hot breathing on my ears. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan.
“I will win, Aiselle. I won’t let the fucker touch you, much less, to have a date with you. Isipin mo na lang kung anong maaari mong ibigay sa akin para rito.”
Kumabog na naman ang baliw kong puso dahil sa mga salita niya. Grabe, lagi na lang talaga akong aatakihin sa puso dahil kay Yago.
“Ano bang gusto mo?” Hindi na ako makahinga. Please, help me!
“I don’t know.” Bumuga siya ng mainit na paghinga na tumama sa may tainga ko at sa itaas na bahagi ng leeg ko. “But I keep imagining you for a long time now—in my bed, naked.”
Napaupo ako nang tuwid sa sinabi niya. Imbis na mainsulto sa sinabi ni Yago ay para bang natuwa pa ako sa narinig. May kung ano akong naramdaman mula sa n*****s ko pababa sa p********e ko dahil lamang sa sinabi niya. Baliw na talaga ako!
“I am not going to force you to give me what I want. Kaya nga ikaw mismo ang pinag-iisip ko kung anong kaya mong ibigay kapag nanalo ako. I can take whatever you can give me.” Tumayo nang maayos si Yago at ipinasok sa bulsa ang isang kamay. Tiningnan niya ako at nakita ko ang muling pagngisi niya.
Tumayo rin ako sa pagkakaupo. “Fine.”
From a mocking expression, his eyes glistered with amusement. Siguro ay hindi niya inisip na mapapapayag niya ako nang ganoong kadali.
“If you win, we’ll have sex.” I don’t think it’s a big deal now. May nangyari na sa amin noon, and s*x with Yago is…well…hot.
Nagulat siya noong una pero napalitan ang kanyang ekpsresyon ng isang pagngisi.
Sa mga sumunod na araw bago mag-Sabado ay madalang kong makita si Yago. Hindi ko alam kung nag-eensayo ba siya para roon o may ibang pinagkakaabalahan. Madalas kapag tinatanong ko rin si Kuya Benjamin na parati niyang kasama ay wala rin naman itong maisagot sa akin. Parati niyang sinasabi na hindi niya pa ulit nakakasama si Yago.
Wala rin ang kotse niya kaya nakakasigurado ako na maaaring umalis iyon ng bayan. Isang beses ko siyang naabutang umuwi at gabi na iyon. Ni hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya.
Araw ngayon ng street racing, kabadong-kabado ako. Nasa venue na kami ng street racing. May kalye atang ipinasara para sa araw na ito na siyang magiging street circuit. Marami ring tao na sa tingin ko ay inimbita ni Wyatt. Sa laki ng impluwensya niya, isang sabi niya lamang sa isang kakilala tungkol dito ay awtomatiko nang kakalat ang mangyayari.
“Magandang umaga, Aiselle…”
Nangilabot ako nang makita ko siya sa harapan ko. Ngumiwi ako at hindi naibalik ang bati niya sa akin.
“Mukhang wala pa hanggang ngayon ang knight in shining armor mo, ah?” Tiningnan niya ang kapaligiran at tama siya, walang Yago Benavidez ang naririto.
Isa iyon sa rason bakit ako kinakabahan. Wala pa si Yago! Ni hindi namin siya ma-contact. Walang nasagot sa tuwing tinatangka namin siyang tawagan sa telepono niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka…tinakbuhan na niya ito.
Wala naman kasing obligasyon si Yago rito kaya hindi ko siya masisisi kung sa huli, ayaw niya pa lang sumali. Maybe he’s not confident that he can defeat someone like Wyatt. Ewan ko ba, kung ano-anong napasok sa isipan ko dahil sa pagkabalisa at wala pa si Yago ngayon.
Ganoon man, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting galit. Nangako siya, we even have a deal! Tapos bigla na lamang siyang mawawala? Ayos, ah! Wala bang bayag, Yago?
Ipinilig ko ang aking ulo, pilit na iniiwasang mag-isip ng kung ano-ano.
“Maaga pa naman. Baka papunta na si Yago,” I said, confidently, kahit ang totoo ay nilalamon na ng kilabot at pangamba ang buong sistema ko.
“Well, we will see.” Hinaplos niya ang pisngi ko kaya’t nag-iwas ako ng mukha sa kanya. Kumunot ang noo ko habang siya ay nakangisi sa akin. “Kahit naman magpakita siya, do you think he’ll stand a chance against me? Look at my car!” Humalakhak siya habang pinagmamalaki ang kanyang kotse. It’s a great car for street racing. Hindi kagaya ng kotse na dala ng Yago na iyon papunta rito. Baka tapos na ang race ay hindi pa siya nakakarating sa finish line.”
Tinangka niya akong akbayan pero agad akong lumayo sa kanya. Nakita ko ang pagguhit ng galit sa kanyang mga mata pero agad niya ring nabawi ang sarili.
“I’ll get that date, Aiselle. Mananalo ako, sigurado ako.”
Tinalikuran niya na kami matapos ang lahat ng kayabangan niya. Kung pwede lamang siyang sipain ay ginawa ko na. Naiirita ako sa kanyang pagyayabang pero mas naiinis ako na wala pa rin si Yago rito.
“Wala pa bang sinasabi si Yago, Kuya Benj?” Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang racing pero wala pa rin akong nakikitang kahit anong senyales na magpapakita si Yago.
“Wala pa nga, eh. Paano kung hindi sumipot si Yago? Anong gagawin natin, Aiselle?” I know, he’s thinking of the worst-case scenario.
But…I won’t let that asshole to date me! Kung hindi ako makikipag-date, idadamay niya naman sina Kuya Benjamin and I don’t want that to happen…not now that I can’t do anything to help them. Isang gamit ko ng impluwensya ng Montecalvo ay yari ako sa tatay ko. Baka mauna pa iyong makarating dito sa Pilipinas kaysa ang ma-meet ko ang mga kamag-anak namin.
“Ilang minuto na lang bago ang start ng race, Kuya?” tanong ko.
Wala akong masyadong alam sa street racing o kahit anong racing pa man. Kung may mahilig man sa ganito, ang bunsong kapatid kong si Yvo. I only know how to drive and if Yago will never appear, that will be my only weapon. It’s a do or die.
“Sampung minuto na lang.”
Sa hindi kalayuan, natatanaw ko na ang matagumpay na ngiti ni Wyatt na akala mo ay nanalo na siya kahit hindi pa nagsisimula ang racing. Kung akala niya ay basta na lang ako magpapatalo dahil lamang wala si Yago na siyang dapat lalaban sa kanya, riyan siya nagkakamali. I won’t let him win without me putting a fight.
“Akin na ang kotse mo, Kuya.”
Luma na ang kotse ni Kuya Benjamin. Iyon ang dinala namin papunta rito para hindi kami mahirapan dahil may kalayuan ito sa bahay. At wala man sa plano, mukhang kailangan ko itong isabak sa karera.
“Ha? Anong pinaplano mo?” tanong ni Kuya Benjamin, nagulat sa proklama ko.
“Kung wala si Yago, ako ang makikipaglaban para sa sarili ko. Hindi ko na siya hihintayin pang ma-disqualify. Wala namang binigay na rules si Wyatt na hindi maaaring magpalit ng participant. I will try my best.” Kahit alam kong imposibleng manalo ang kotseng gagamitin ko sa kotseng mayroon ang kalaban ko.
Huminga nang malalim si Kuya Benj. He looks defeated, ngunit sa huli ay hinayaan niya ako sa pinaplano ko.
“Good luck, Ace,” sabi ni Kuya nang makuha ko ang susi.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni Wyatt para sabihin ang mangyayaring pagbabago.
“Ako na lang ang lalaban. Wala si Yago,” sabi ko sa kanya.
Lalong lumawak ang pagngiti niya. I don’t like his smile. Ang sarap tapyasin ng labi niya.
“Si Yago ang official na participant pero…dahil mukhang wala siya, okay lang sa akin.” Mayabang na pumorma ang ngiti sa kanyang labi. “Kahit bigla siyang magpakita sa gitna ng racing at dalawa kayong magiging katunggali ko, I don’t mind, really. Kayo na ang bahalang maglahad ng sarili niyong rules. Alam ko naman na sa huli ay mananalo ako.”
Nilapitan niya ang kanyang kotse. Napalagok ako dahil sobrang confident niya. Sabagay, hindi ito ang gugustuhin niyang gawin kung alam niyang matatalo siya.
Hindi na ako nagsalita pa at nagtungo na sa parking lot ng lugar kung saan nakaparada ang kotse ni Kuya Benj. Naiinis pa rin ako at pakiramdam ko ay may pait sa aking lalamunan dahil sa biglaang pagkawala ni Yago. I mentally cursed his name.
Malakas na nagtawanan ang mga kaibigan ni Wyatt nang pumarada na ako sa tabi ng kanya. Pinagtatawanan nila ang gamit kong sasakyan. Normally, baka napikon ako roon. Ngunit dahil kailangan kong mag-concentrate, hindi ko na hinayaan pang tumaas ang dugo sa ulo ko.
May flagger akong nakita, kung saan siya ang sesenyas sa amin na simula na ang racing.
Mahigpit ang hawak ko sa manibela. Ang buong atensyon ko ay nasa kalsada. Hindi ko alam kung gaano kahaba ang magiging racing pero bahala na.
Nang ibaba ng flagger ang hawak niyang flag ay mabilis na pinatakbo ni Wyatt ang kanyang sasakyan habang ang akin ay muntikan pang tumigil at masira. Napamura ako pero hindi tumigil doon. Sa huli ay nakisama naman ang kotse.
As expected, mabagal ang pagtakbo nito. Kahit na nakaapak na ako sa gas ay hindi nito kayang abutan ang bilis ng pagpapatakbo ni Wyatt ng kanyang sasakyan. Kaasar!
Panay ang pagmumura ko. Hindi ko na makita si Wyatt. Muntikan pa akong mabangga kanina dahil nawalan ako ng focus. Nangingilid ang luha ko dahil sa sobrang sama ng loob.
“f**k you! f**k you!” Hindi ko alam kung sinong minumura ko, basta ang gusto ko lang ngayon ay manalo ako rito kahit imposible.
Sa kalagitnaan ng pagkawalan ko ng pag-asa ay may mabilis na sasakyan ang dumaan sa may gilid ko. Natulala ako roon, noong una ay inakala ko na kay Wyatt iyon, ngunit nang mapagtantong imposible ang iniisip dahil kanina pa nauna si Wyatt ay bigla akong umasa na baka…maaari nga kayang mangyari iyon? Pero wala si Yago kanina. Walang Yago na nagparamdam kahit ang tagal namin siyang hinintay.
Walang-wala na akong pag-asa. Ni ang bilis na gusto ko sa kotse ay hindi ko na magawa dahil sa pagkalugmok. Wala na akong chance manalo.
Tumunog ang cellphone ko. Nadala ko pala ito kanina. Tumigil na ako sa pagmamaneho, wala na talagang ganang lumaban pa dahil alam kong talo na.
“Hello?” bati ko sa nasa kabilang linya. Hindi ko na nakita ang pangalan ng caller sa sobrang pagmamadaling sagutin.
“Aiselle, bumalik ka na rito!” Nahimigan ko ang tuwa sa boses ni Ate Ayen.
“Bakit? Panalo na ba si Wyatt—”
“Si Yago!” tuwang-tuwa niyang saad. “Biglang may isang kotse ang humaharurot kanina at nakita namin si Yago sa loob. Yago came! Naandito siya!”
Naalala ko bigla iyong mabilis na sasakyang nakahabol sa kotseng ito. Si Yago nga kaya iyon?
I blinked repeatedly, iniisip na baka nananaginip lang ako. Nang isigaw ni Ate Ayen ang pangalan ko ay bumalik ako sa katinuan.
“O-Okay. Pabalik na.”
Ginawa ko ang sinabi ko. Bumalik ako sa kinaroroonan ng mga kasama ko. By the time na makabalik ako, tapos na ang racing at nakita ko na nagwawala si Wyatt at panay ang pagsipa niya sa kotse niya.
Hindi agad ako lumabas ng kotse. Tulala ako habang pinagmamasdan si Wyatt na kahit hindi ko marinig ang boses ay alam kong nagmumura sa galit. Napaitlag lamang ako nang may kumatok sa bintana ng kotse.
Nilingon ko iyon. I saw someone outside my window. He’s wearing a black and red jacket. May kung anong simbolo ang jacket niya pero hindi ko mapansin nang mabuti.
Tinanggal ko ang pagkaka-lock ng pinto pero hindi ako lumabas. Siya ang nagbukas ng pinto at sinilip ako sa loob. I almost forgot how to breathe when I saw…
“Yago?”
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na naandito siya ganoong akala ko ay tinakbuhan na niya kami at hindi na siya sisipot dito.
“Sorry, I was late. Hinintay ko pang dumating ang sasakyan ko. I want to assure you that I’ll win kaya pinahatid ko pa ang Ferrari ko rito galing Manila. I didn’t expect that I’ll be late. Hindi kasi pwede noong nakaraang araw dalhin dahil may ipinaayos ako sa kotse. Good for me, the asshole is not a good driver and can’t use the full potential of his car.” At itinuro niya si Wyatt na nagmamaktol pa rin.
Hindi siguro maipinta ang mukha ko dahil ang maliit na ngiti niya ay naglaho.
“I won, Aiselle. Aren’t you happy about that—”
“Akala ko iniwan mo na kami!” Nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita. Lumabas ako ng kotse at tiningala siya. May kalakihan ang height difference namin kaya’t kailangan ko pang tumingala para lang makita ang kanyang mga mata.
Hinampas ko ang dibdib niya. The trepidation I was feeling earlier subsided.
He came and he won!
Hinaplos niya ang pisngi ko kaya tumigil ang aking paghampas sa kanyang dibdib. Maging ang aking pag-iisip ay tumigil din at nagblangko.
“Ang importante ay naandito na ako. I told you, I won’t let him date you.” Naramdaman ko ang kamay niya sa may leeg ko. Nag-init ang aking katawan sa hindi malamang dahilan. “And I won the race for you, Aiselle. Don’t be mad at me now.”
Bakit ganoon? Sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko sa ganoong tono, pakiramdam ko ay matutunaw ako at lahat ng pader na ginawa ko para lamang pigilan ang tuluyan kong pagkahulog sa kanya ay natitibag rin.