“WHATEVER I want, huh? Do you know how big of a word that is?” tanong niya sa aking may panghahamon.
“Wala akong maisip na gugustuhin mo, eh. I barely know you so…bahala ka nang magdesisyon kung anong kapalit kung sakali mang…tulungan mo ako.”
It will be a big help, really. Kung tutulungan ako ng isang kagaya ni Yago, which obviously has connections, malalaman ko kung nasaan ang mga kamag-anak ko bago ako bumalik ng Italy kahit wala akong ideya sa kung sino sila.
Ngumisi si Yago. Natulala pa ako sa pagngisi niyang iyon, even though I am sure it wasn’t a good indication. But damn, he’s totally hot. Even with the improper lightnings, umaangat talaga ang kagwapuhan ng lalaking ito.
“I’ll save that for later, then. I’ll ask some people to investigate the Montecalvo family.”
I’m not sure if my hearing was just manipulating me, pero may diin ang kanyang pagkakasabi sa apelyido ko, like there was a meaning behind it.
Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon and didn’t let myself be engulf thinking about things na maaaring walang kahulugan.
Sa huli, nagpatalo ako sa kagustuhan kong uminom. I ordered martini pero wala sila rito kaya kung anong cocktail drink na lamang ang available ay iyon na lamang ang binili ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Naabutan ko si Yago na nakikipag-usap sa ibang babae. I mentally rolled my eyes when I saw that.
Nakuha ko ang atensyon niya at tiningnan niya ako. Hindi ko siya pinansin dahil naiirita ako na makitang may kausap siyang ibang babae.
Dumiretso ako sa restroom. Medyo maliit lamang ang space pero buti at hindi crowded kaya mabilis akong nakapasok sa loob.
Mabilis ang ginawa ko roon. Inayos ko na rin ang mukha ko dahil medyo namumula na ito. Ang bilis ko talagang mamula kapag umiinom ako ng alak. Still, umiinom pa rin ako.
Paglabas ko ay may ilan akong lalaking nakasalubong. Sa gulat ko ay napaatras ako upang hindi ko sila mabunggo. But instead na umalis sila ay tumigil sila sa harapan ko.
Hindi sila kaibigan nina Kuya Benj. Nakita ko na ang mga ka-team nila kanina at alam kong ibang grupo ang mga ito. Ang isa sa kanila ay tinitigan ako mula ulo at bumaba ito sa aking katawan. Nang magtagal iyon sa aking katawan, pakiramdam ko ay hinuhubaran ako ng mga mata niya.
“Stop staring,” utos ko sa kanya. “Pwede rin bang umalis kayo sa daraanan ko?”
Nakaharang kasi sila. Hindi rin naman ako nagtataray nang wala sa lugar, ngunit naiinis ako sa kung paano nila ako titigan.
“Tangina, pare! Ang ganda!”
Nagtawanan ang grupo ng mga lalaki. Kumunot ang noo ko at tinangkang umalis doon kahit na nakaharang pa sila ngunit hinawakan ako ng isa sa braso na nagpagulat sa akin.
Hinawi ko ang kamay niya at natanggal ko naman kaagad. Iritadong-iritado ako sa humawak sa akin na kung hindi lamang ako nagtitimpi ay nakasuntok ako ng mukha. Hindi ako pinalaking nagpapatalo ng mga magulang ko. I know self-defense at kaya kong protektahan ang sarili ko lalo na sa mga taong kagaya nito.
Inirapan ko sila at naglakad na papaalis doon nang marinig ko ang komento ng lalaki
“Look at those racks and ass—”
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at nang humarap ako sa kanya ay lagitik ng sampal ang narinig namin pare-pareho mula sa akin.
“Try to harass me again, hindi lang iyan ang makukuha ninyo.”
Bago pa ako may magawa ay umalis na ako roon. I know what I am capable of doing at hindi nila magugustuhan kapag napundi ang pasensya ko. Isa pa, may alak na rin sa sistema ko kaya mas mabuting umalis na roon. Mukha ngang kailangan ko na ring umuwi.
Nakita ko si Ate Ayen kaya’t nilapitan ko siya. Nagpaalam ako na uuwi na dahil malapit lang naman ito sa bahay.
“Gusto mo tawagin ko si Benj—”
“Huwag na. Mukhang nag-e-enjoy pa siya. Malapit lang naman ang bahay. Uuwi na lang akong mag-isa.”
Agad akong umalis doon bago pa man may masabi si Ate Ayen. Halata sa mukha niya na aangal siya sa sinabi ko. But Kuya Benj is enjoying the party, I don’t want to ruin it just because I want to go home.
Nagsimula na akong maglakad. Napagtanto ko na may mga daan na madilim. Bigla tuloy akong nagdalawang isip.
“Uuwi ka na?”
Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. Tumingin ako sa kanya at halos mahampas ko si Yago sa panggugulat niya sa akin.
“I didn’t mean to startle you,” sabi niya sa akin. “I was making a call when I saw you. Nagpapaimbestiga na ako tungkol sa mga relatives mo.”
I’m still doubting him. Whenever he’s saying the word relatives or Montecalvo, I can feel the mockery in his voice. Ewan ko ba bakit ganoon ang nararamdaman ko.
“Talaga?” Still, namamangha ako. Nakaramdam ako ng excitement na makilala ang mga kamag-anak na hindi ko pa nakikilala.
“Yes. Uuwi ka na? Ihahatid na kita. Pauwi na rin ako.” Nilingon niya ang kotse niya kaya’t sumunod ako roon.
Yago is a stranger to me. Bukod sa one-night stand na nangyari sa akin, wala na akong alam sa kanya. Pero may kung ano sa kanya na ang gaan ng pakiramdam ko, na akala mo ay nakilala ko na siya noon pa man. He’s giving me this familiarity that feels like…home.
“Hindi mo ba kailangan ng ibang impormasyon para mahanap ang mga kaanak namin dito?” Iyon ang tanong ko habang pauwi kaming dalawa.
“No, save the information when I need it. For now, hindi ko kailangan.” Diretso ang tingin niya sa kalsada habang nagmamaneho. Ipinagkibit balikat ko lamang iyon.
Sabagay, ganyan din naman kami. Kaunting detalye lamang ay nahahanap na namin ang mga dapat hanapin. Iyon nga lang, sa ngayon, wala akong access sa ganyang impluwensya dahil tumakas ako sa amin.
“Ilan kayong magkakapatid?” I wonder if he has siblings. Wala rin naman akong ma-topic at hindi ko gusto ang katahimikan.
“Tatlo.”
Ang tipid sumagot!
“In what chronological order are you among your siblings?”
Tumingin siya sandali sa akin, nakataas ang isang kilay kaya ngumiti na lamang ako.
“Panganay. I have two younger siblings. Twins.”
Twins? May nakakabata siyang mga kapatid at kambal? Amazing!
Namilog na lamang ang aking bibig pero hindi na nagsalita. Wala na akong maisip na topic.
“How about you? Ilan kayong magkakapatid? Ikaw ba ang bunso?”
Hindi ko inaasahan ang tanong niya ngunit magiliw ko itong sinagot. “Apat kami. 2ndchild ako. May isa akong nakatatandang kapatid na babae at dalawang nakababatang kapatid na lalaki.”
Naalala ko na dalawang taon ang agwatan naming magkakapatid. Naalala ko pa noon na ang sabi ni Mommy, hindi raw titigil si Dad kung walang lalaki. Paano pala kung hindi naging lalaki si Silver at Yvo? Baka ilan na ang kapatid ko ngayon.
Tumingin ulit si Yago sa akin. Makahulugan ang titig niya subalit hindi ko malaman kung anong gusto niya ipahiwatig. Tahimik na kami hanggang sa makarating sa bahay nina Yaya Ruth.
Mabilis lumipas ang mga araw. Parati kong nakikita ang sarili ko na nakatingin kay Yago. Pakiramdam ko ay hindi nabubuo ang araw ko kung hindi ko siya tinititigan. Nasisira lamang iyon kapag may mga babae nang umaaligid sa kanya. Ang iba ay pangahas pang pumupunta mismo sa kanyang bahay para lang magpapansin. May ilan pa na nagdadala ng pagkain! Girls, may sarili siyang pagkain!
Isa sa parati kong nakikita ay si Clara. Ang sabi ni Ate Ayen, mapusok daw ang babaeng iyon. What Clara wants; Clara gets. Well, guess what? What I don’t want, I get rid of them!
Nang makita ko si Clara na hinahaplos ang braso ni Yago isang umaga ay napatayo ako sa kinauupuan ko at sumugod doon. Halfway through, para akong sinampal ng katinuan ko kung bakit ako nagagalit at papasugod pa. Bakit nga ba? Ngunit huli na ring mag-back out dahil napansin na nila ako.
Tumaas ang isang kilay ni Yago nang mapansin niya ako. Ganoon man, hindi ko ipinahalata ang pagkapahiya.
“Yago,” pagtawag ko at humarang sa pagitan nila ni Clara. Napansin ko ang pagkabigla ni Clara sa ginawa ko, but who cares about her anyway? “Kukumustahin ko lang sana iyong tungkol sa relatives ko?”
He’s still looking at me with full amusement plastered on his face. Na para bang namamangha siyang bigla akong sumugod dito and out of nowhere ay magtatanong tungkol sa relatives ko!
“Nada,” he finally answered. “Wala pang binibigay na sagot sa akin ang mga inutasan ko.”
End of the conversation. Kailangan kong dugtungan. Ayokong iwan silang dalawa ni Clara! Kapag ginawa ko iyon, buong araw kong iisipin na magkausap sila at kung anong pinag-uusapan nila. Ayokong tawagin na naman ako ni Kuya Benj na ampalaya dahil sa mood ko.
He said, I may be crushing with Yago, pero itinatanggi ko iyon. Hindi maaaring gusto ko si Yago. Pero bakit nga ba hindi? Basta hindi puwede!
I can’t like him. Mabilis lang ako rito sa Pilipinas. Isang buwan, at most! Kung magkakagusto ako at bigla akong umalis, my poor heart can’t take it.
“Yags!” Bahagya akong itinulak papaalis ni Clara sa harapan niya para siya ang makaharap kay Yago. Nakita ko ang pagkagulat ni Yago sa ginawa ni Clara pero dahil mabilis kong nabawi ang sarili ay ibinalik niya ang titig kay Clara.
Yags?! At may nickname pa siya ngayon!
“I made mac & cheese! Hindi ba at sabi mo sa akin noong isang araw ay paborito mo ito?”
And she knows his favorite food?! Gaano na ba ka-close ang dalawang ito? Sa malayo ko lamang sila pinagmamasdan nitong nakaraang araw. Ni hindi ko akalain nasa getting to know each other stage na pala sila!
“Thanks, Clara.” Tinanggap ni Yago ang lalagyan ng mac & cheese. Malawak naman na ngumiti si Clara bago tumingin sa akin at ngumisi.
Oh, the guts.
“Aiselle…”
Masama kong tiningnan si Yago nang tawagin niya ako. Sa sobrang pait ng nararamdaman ko ay hindi na ako nakasagot sa kanya.
“May kailangan ka pa ba?”
Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Bakit? Paalisin niya na ba ako?
“Oh, sorry. Nakakaabala ba ako sa inyong dalawa? Sige, aalis na ako—”
“Let’s eat, then. Haven’t had my lunch yet. How about you?” tanong niyang nakapagpatigil sa akin.
Napakurap-kurap ako roon, hindi makapaniwala na niyaya niya akong kumain ganoong akala ko ay paalisin niya na ako.
Tumingin ako kay Clara at sa oras na makita ko ang pagkagulat niya sa itinanong ni Yago ay napangisi ako.
“Hindi pa.” Kahit nakakain na ako kanina. “Thanks for inviting me.”
At naglakad ako papalapit sa kanya. Habang papasok na ako ay tumingin si Yago kay Clara. At first, I thought he’s going to invite her pero nagkamali ako.
“Thanks again for this.” At tinalikuran na niya si Clara.
Hindi ko alam kung masama ba akong tao na natuwa akong hindi niya niyaya si Clara at ako pang wala naman talagang pakay sa kanya at gusto lamang pumagitna sa kanila kanina ang niyaya niya.
Clara looked at me, displeased. I gave her a sweet smile with a hint of sarcasm bago pumasok sa loob ng apartment ni Yago at isinara ang pinto.
First time kong makapasok dito sa apartment niya. Simula nang lumipat dito si Yago ay ngayon lamang ako nakatungtong sa loob.
Naabutan ko siyang naghahanda ng mga pinggan sa hapag-kainan habang ako ay pinagmamasdang mabuti ang buong apartment. Ilang babae na kaya ang naanyayahan niya rito? I bet, he was having lots of s*x here.
“Let’s eat.”
Nilingon ko si Yago nang tawagin niya ako. Naglakad ako patungo roon at naupo sa isang silya.
“You didn’t invite Clara?” tanong ko kahit sa loob-loob ko ay ayokong makasama ang babaeng iyon. Namumuro siya sa listahan ko ng babae todo magpapansin kay Yago. Minsan pa ay nakipag-away iyon dahil inaangkin niya si Yago at pinoproklamang kanya raw. Girl, walang sa ‘yo.
“Why? You want me to invite her?”
Natutop ko ang aking bibig sa sinabi niya, not wanting to answer that question.
“Hindi ako nagpapapasok ng kung sino sa apartment ko. Girls like her have the tendency to be a stalker. Baka mamaya kung ano pang gawin dito.” Nagkibit balikat siya. “As much as possible, gusto kong lumayo sa gulo.”
Humalakhak ako sa kanyang sinabi. “Ikaw ang pinagmumulan ng gulo, hindi ka aware?”
Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. An amused but small smile formed on his lips.
“No, don’t want to be the center of attention.”
Kahit ayaw mo, nag-standout ka talaga!
“Wala kang matipuhan sa mga babae rito? You don’t like girls in the province?” tanong ko sa kanya, may panunuya.
“Hindi naman. There are decent ones in the province, too. I hooked up with some of them in the past. But there are stalker types, too. Don’t like to hang out with them. They are hard to deal with. Clara is part of the latter.”
Namilog ang aking labi sa sinabi niya. Somehow delighted about that.
“So, bakit ine-entertain mo pa si Clara kung ayaw mo naman pala sa kanya?”
Pakiramdam ko, si Yago iyong tipo ng tao na ayaw rin sa serious relationship talaga. Siguro napasok sa sa relasyon pero kung magsawa siya, kakawala agad siya.
“That’s what you called being nice. Don’t want to be rude for no reason.”
Ngumisi ako sa sinabi niya. Wanting to tease him, I gave him a remark about his last statement.
“How gentleman of you.” Tumawa pa ako dahil sa tono ng pananalita ko na halata namang nag-uumapaw sa pang-asar.
“Oh, baby, you’ll eat your words if you find out what kind of person I am.” Umangat ang gilid ng labi ni Yago. Ito na naman iyong aura niya na nagbibigay ng nakakakilabot na ere.
Bakit? Ano bang klaseng tao si Yago? Tss, may mas lalala pa kaya sa kung anong klaseng tao ako at ang pamilyang pinagmulan ko?
Mula ako sa pamilya ng mafia. My father is the boss, and I am the second daughter. I have a fair share of blood in my hand. Hindi rin ako malinis na tao. May mas lalala pa ba roon?
Napatingin ako kay Yago na ngayon ay pinagtuunan na ng pansin ang pagkain niya. Kung malaman niya ang mundong ginagalawan ko, baka mag-iba rin ang tingin niya sa akin at mapatunayang mas malinis siyang tao kumpara mo sa isang kagaya ko.
I clenched my jaw; he doesn’t need to know about that. He’ll hate me for sure, and as of now, the last thing I want is to be hated by this man.