KABANATA 4

2801 Words
MALAKAS na sigawan na naman ang narinig ko kaya napaangil ako at tumingin sa ngayon ay nagkakainitan na atang laro sa likod ko. Hindi ko tuloy narinig ang sinabi ni Ate! “Ate, hindi ko narinig. Anong sinabi mo—” “Oddio! Aldo is here! I need to hang up or else, he’s not going to buy our story. Baka makaabot agad kay Daddy at wala kaming ipanakot sa kanila kung malaman nila na nakakausap kita. I’ll call you when I have time, Aiselle! Hindi agad ako makakatawag sa ‘yo ulit. I love you! Ciao! Ciao! Stammi bene!” Then she hangs up. Aldo is my father’s right-hand man. Pinagkakatiwalaan siya ni Daddy at hindi ko alam kung anong sinabi ni Ate na kuwento sa kanya but I guess I have to deal with whatever it was and not call her without her permission at baka pare-pareho kaming malintikan. Nakakapanghinayang nga lang na hindi ko narinig ang sinabi niya. Binanggit niya nga ang tungkol sa mga kamag-anak namin na naririto pero hindi ko narinig! Thanks to those stupid cheering na kulang na lamang ay wasakin ang eardrums ko. Bumalik ako sa bleachers at tiningnan ako ni Ate Ayen. Pilit na lamang akong ngumiti sa kanya at nanuod ng laro. Akala ko noong una ay hindi maglalaro si Yago ngunit ikinabigla ko nang makita ko siya sa loob ng court. Mali bang inisip ko na baka sa bench lang siya at hindi makakapaglaro? Nasa kanila ang bola. Mula kay Kuya Benj ay mabilis niya itong ipinasa kay Yago. May humarang agad kay Yago kaya walang pagdadalawang isip niya itong itinira sa ring at 3 points! Laglag ang panga ko nang makita iyon. Okay, he’s athletic, I’ll give him that. Sa ganda ng katawan niya, nakakapagtaka nga naman kung wala siyang sports, hindi ba? Isa pa…nakita ko iyan ng buo nang gabing may nangyari sa amin kaya alam ko kung gaano kabatak ng katawan niya. Para akong pinagpawisan at may kung ano sa aking tiyan ang nagwala nang maalala ko ang gabing may nangyari sa amin. May alak ang katawan ko pero sobrang vivid ng alaala kong iyon. Na akala mo ay tumatak iyon sa aking isipan at hindi mawala-wala. Muling nagtatalon ang mga babae nang maka-shoot na naman si Yago. Hindi ko na masundan ang laro, ang alam ko lang ay lamang na sila ng ilang puntos at parating si Yago ang nakaka-score. Nanatili ang titig ko kay Yago. Hindi ako natatakot dahil malayo naman ako sa kanya at hindi niya ako mahuhuling nakatitig sa kanya—napatigil ako sa iniisip at nagblangko ang aking utak nang tumingin siya sa banda ko at nakita ko ang tipid na pagngisi. “He smirked at me!” Nagtatalo-talo ang mga babae kung kanino nga ba ngumiti si Yago. Pero malakas ang pakiramdam ko na…sa akin. Mabilis na kumalabog ang puso ko roon. Lalo na nang makuha niya ang bola mula sa kalabang player at tumingin ulit sa direksyon ko bago ito tumira at mag-shoot na naman. Lutang na ako buong game. Wala na akong ibang marinig kung hindi ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. He’s charming. Oo na at tama sina Kuya Benjamin. Hindi nakakapagtaka na marami agad ang babaeng nagkakagulo para sa kanya, kasi naman hindi mo talaga maitatanggi iyon sa kanya. Natapos ang laro at nanalo sina Kuya Benj. Ngiting-ngiti ang kanilang team habang nakikipag-usap kay Yago na siyang nagdala ng game. Hindi mo makikita rito na masaya siya sa pagkapanalo. Iisipin mo nga na balewala lamang ito kay Yago. Na gusto niya lamang may magawa kaya siya naglaro. Masyadong seryoso ang mukha ni Yago, na bilang mo lang ata sa daliri ilang beses ko siyang nakitang ngumiti. Most of the time, he’s serious and has this dangerous aura around him. Hindi na nga lang ako natatakot sa kanya dahil ganyan ang mga lalaki sa pamilya namin. From my dad to my two brothers, mahihiya ang yelo sa kanila kapag inilapit mo. Sinuklay ni Yago ang kanyang buhok gamit ang mga daliri, na siyang agad na nagpasunod sa basang hibla ng kanyang buhok. His hair is now slicked back na siyang ikinawindang ng mga babaeng naririto. “Ang gwapo!” Rinig kong sigawan nila. The bitterness spread like a wildfire inside of me. Na hindi ko talaga nagugustuhan kapag may ibang babaeng tila gustong kumuha ng atensyon ni Yago. “Tara! Pinapalapit tayo ni Benj. Mamaya ay pagkakaguluhan na iyan sila lalo na si Yago.” Humalakhak si Ate Ayen pero wala ako sa wisyo na lumapit. Ewan ko, may nagsasabi sa akin na huwag nang lumapit dahil delikado…delikado itong nararamdaman ko. “Kailangan kong magpunta ng restroom. Alam mo ba kung saan?” Nakita ko na ang restroom kanina pero magkukunwari akong hindi ko napansin. I need an excuse to escape. Lalo na nang pagtingin ko sa kinaroroonan nina Yago ay nakatingin na naman siya…sa ‘kin. Napakapit ako sa may dibdib ko. Nahihirapang huminga sa pamamaraan niya ng pagtitig. Sanay ako sa mabibigat na paninitig dahil ganyan tumingin si Dad kahit kanino, pero bakit nagwawala ang puso ko kay Yago? Itinuro ni Ate Ayen sa akin ang restroom. Mabilis akong umalis at nagtungo roon. No way I like that guy! Ang bilis naman. Iilang araw ko pa lang siyang kakilala ay gusto ko na siya? That’s impossible—o baka may instances na ganoon talaga? Maybe I am infatuated? Nang makapasok ako sa restroom ay nanalamin ako. I’m not wearing any makeup pero namumula ang pisngi ko dahil sa init ng panahon. Kailangan kong masanay na mas mainit sa Pilipinas kaysa sa bansang kinalakihan ko. Kinuha ko ang panali at nagtali na rin ng buhok. Pauwi na naman siguro kami, maliligo ako ulit dahil pakiramdam ko ay masama ang loob—kailangan kong magpaaliwalas ng pakiramdam. Lumabas ako ng restroom at may lumabas din sa kabilang bahagi. Napatingin ako sa kanila at pinag-uusapan nila ang laro. Sa tingin ko ay sila iyong mga kalaban nina Yago kanina. Tumingin din sila sa akin kaya’t nag-iwas agad ako. Naisipan ko na maglakad na papaalis nang tawagin ako ng isa. “Wait!” Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Hinabol ako ng isang lalaki. Nakangiti siya sa akin so I tried to smile ngunit nauwi iyon sa pagngiwi. “Ikaw iyong kasama nina Benjamin kanina, hindi ba? Kaano-ano ka niya?” He looks friendly naman but my father told me never to trust anyone just because they look nice. Madalas ay sila pa ang parasite sa buhay. “Ah, yeah. May kailangan ka?” “Wala naman. Nagulat lang ako na may kasama si Benjamin bukod kay Ayen. I’m Gabriel, by the way. And you are?” Inilahad niya ang kamay niya. Tinitigan ko iyon bago tanggapin. Kung makikipagkilala lang naman, there’s no harm, I guess. “Aiselle,” matipid kong pagpapakilala at nakipagkamay sa kanya. “You look foreign. Taga saan ka?” Mabilis ko iyong sinagot. “Italy.” May ilan pa kaming pinag-usapan. Minsan ay tipid lang akong sumagot pero may oras na nakukuha niya ang atensyon ko sa pakikipag-usap. Ang mga kaibigan niya ay nakangisi sa amin. I know, Gabriel may be hitting on me. Alam na alam ko ang mga galawan ng mga ganitong lalaki. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay may tumikhim sa likod ko. Napalingon ako roon at sumalubong sa akin ang matalim na titig ni Yago. Hindi siya direktang nakatingin sa akin. More like, he’s looking at Gabriel. I think Gabriel received an invisible message from Yago kaya agad siyang nagpaalam. “Mauna na kami, Aiselle. Nice meeting you. Sana hindi ito ang huling pag-uusap natin—” Yago scoffed because of Gabriel’s last statement. Akala mo ay pinagtatawanan ni Yago ang paghiling ni Gabriel na sana ay magkita pa kaming dalawa. Sinipat ko si Yago dahil napansin ko iyon. He stared at me with displeasing eyes for a couple of seconds bago ibalik kay Gabriel ang titig. Umigting din ang kanyang panga at halatang nagtitimpi. Pinanlalakihan ko na siya ng mata ngayon para palihim na sitahin dahil ang rude niya kay Gabriel! Still, his dangerous gazes towards Gabriel didn’t falter. Nanatili iyong matalim at kulang na lamang ay manaksak. Pilit na ngumiti si Gabriel sa akin at umalis na kasama ang mga kaibigan. Though, nang medyo makalayo sila ay napansin ko ang pagtingin niya ng masama kay Yago. “What was that?” kalmado kong tanong sa kanya, subalit ang aking noo ay hindi maiwasang mairita. “What was what?” Ibinalik niya sa akin ang tanong ko. Lalong nagsalubong ang aking kilay dahil sa blangkong ekspresyon ng mga mata niya. Alam mo iyong tipong ayaw niyang ipaalam sa kahit na sino ang nararamdaman niya. He’s not that cold naman, I know colder men than him. Hindi na ako masisindak sa mga taong malalamig ang ekspresyon. But something about Yago is different. He’s giving me the same energy as my father, and I hate that fact. Hindi ako takot sa aking ama, knowing na kahit ganoon siya kaistrikto at katalim tumingin ay hindi niya ako sasaktan dahil anak niya ako. But this man—Yago, is something I should be wary about. He’s dangerous, like he can twist someone’s neck just because he wanted to do it without any special reason. Napaatras ako sa iniisip. I know danger when I see one. As for me, Yago is my definition of it now. Na kung makikita mo ang kulay ng aura ng isang tao, makikita mo ang kulay dagtum sa likod ng lalaking ito—signifying catastrophe and destruction. Tumaas ang kilay ni Yago nang mapansin ang ginawa ko. Huminga ako nang malalim at inalis ang mga iniisip ko. “Wala. Nasaan sina Kuya Benjamin?” Nag-iwas ako ng tingin at tiningnan ang iilang taong nasa may hindi kalayuan sa amin para lang ma-distract ako sa mga iniisip. “Umalis na. They have an after party. Pupunta ka ba?” Ibalik ko ang tingin ko sa kanya. Nagkibit-balikat ako. Okay lang naman kung pupunta ako pero hindi ko alam saan sila nagtungo. “Ikaw?” Kahit papaano ay mas gumaan na ang nararamdaman ko sa kanya kumpara kanina. “If you’re going, I am, too.” Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Gusto kong isipin na pareho kaming dalawa, na para bang may kung ano sa amin na na-a-attract ang isa’t isa, but I don’t want to entertain that idea as early as now. Mahirap na lalo na’t hindi rin naman ako magtatagal dito. And by the looks of it, Yago is someone who doesn’t like long-time relationship. “Bakit? Nakadepende ba ang desisyon mo sa akin?” He glared at me, pero imbis na matakot ay lumala lamang ang pagtawa ko. Crazy how his presence can make me terrified and happy at the same time. This is f****d up. “Pupunta ako pero hindi ko alam kung saan iyon. Alam mo ba?” Ngumiti ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay napikon ko siya sa sinabi ko kanina. Huminga nang malalim si Yago at tinalikuran na ako. Ngayon ko lang napansin na nakapagbihis na pala siya from jersey na suot niya kanina into something casual. Kahit nakatalikod ay sasambahin mo nga naman talaga. Marami na akong nakilalang sexy at hot na lalaki. Sa Italy pa lamang naman ay busog na ang mga mata ko. Hindi ko rin maipagkakaila na hot ang mga naging ex ko. Kaya lang, may kung ano sa ere ni Yago na lumalamang sa lahat ng ex ko. “Are you coming or not?” Kumurap-kurap ako at sumunod sa kanya. Nagyayaya na pala siyang umalis no’n? Hindi man lang kasi magsalita. Nagtungo kaming dalawa sa kotse niya at nagtungo kami papunta sa isang pub kung saan papunta sina Kuya Benj para i-celebrate ang kanilang pagkapanalo. Sa sasakyan ay may biglang tumawag sa kanya. He put it on speaker kaya narinig ko. “Yago!” bati ng isang lalaki sa kabilang linya. “Luciel,” matipid na bati naman ni Yago roon. “Nasaan ka? Umalis ka ng Maynila? Dude, huli na ako sa balita. Pinuntahan pa naman kita sa bahay ninyo tapos sabi ni Tita Adira ay nasa Laguna ka.” Unlike Yago, this one is energetic. Siguro ay kaibigan niya o kung sino man. “Wala ako sa Laguna.” Ipinatong ni Yago ang siko niya sa may bintana at para bang tinatamad kausapin ang lalaki. “Nasaan ka pala? Nahanap na raw ang nagpakalat ng scandal mo. Sa susunod kasi, kapag magkikipag-s*x ka, huwag mo nang video-han, tangina!” Malakas na humalakhak ang lalaki. Namula ang pisngi ko roon. Pinipigilan ko rin ang sarili na tumawa. Nagpapanggap na lamang ako na walang naririnig. “Shut the f**k up! Hindi ko nga scandal iyon.” Huminga nang malalim si Yago. “Hahayaan ko na sina Dad na mag-handle ng tungkol diyan. I’m quite busy right now.” Tumingin ako kay Yago. Wala naman siyang ginagawa, ah? Anong busy ang pinagsasasabi niya? “Anong ginagawa mo—” “Kung wala ka nang sasabihin, Luciel, I’ll hang up. Busy nga ako.” And then he ended the phone and turned it off. Hindi na ako nagsalita pa. Nag-iwas din ako ng tingin nang mapansin na bigla siyang humarap sa direksyon ko. Inabot ng gabi ang celebration. Kanina ay tamang kainan lamang pero nang sumapit ang dilim ay nag-iinuman na. Nagdadalawang-isip ako kung iinom ba ako o huwag na lang. Ayokong dapuan ng hangover bukas. Napatingin ako kay Yago nang lumapit siya sa akin. He propped his left elbow on the counter while I’m sitting on a high chair. “Tapos na pala ang problema mo sa Manila, eh. Uuwi ka na roon? Ang bilis umaksyon ng pamilya mo.” Wala lang akong masabi at parang ang awkward naman kung pareho lang kaming tahimik habang ang iba ay nagsasaya. “Hindi pa,” sagot niya sa akin at sumimsim sa baso niya na may lamang alak. “Bakit? Ano pa bang dahilan mo para manatili rito?” May kung ano akong nararamdaman sa loob ko pero ayokong pansinin ito. Duh, please! It’s too early to conclude na may gusto ako sa lalaking kakakilala ko pa lang. Ayokong isipin na ako ang dahilan. Wow, grabe rin talaga ang advance ng utak ko minsan. Hindi ako sinagot ni Yago. Nilagok niyang muli ang alak sa baso niya pero hindi nakawala sa akin ang maliit na pagngisi ng gilid ng labi niya. “Ikaw?” Titig na titig pa rin ako sa kanya habang hinihintay ang susunod na sasabihin nito. For a minute, akala ko “ikaw” ang sinagot niya sa tanong ko kanina. “Kailan ka babalik sa inyo?” Nilingon niya ako. Suddenly, my heart pounded so hard I almost choke. “H-Hindi ko alam…” Bakit ako nangangatal ngayon? “Isang buwan wala si Dad sa Italy kaya baka, isang buwan din akong magbabakasyon dito. Gusto kong ma-meet ang mga kamag-anak namin.” Nagkibit-balikat ako. Hindi na alam kung anong susunod na sasabihin sa kanya. Siguro dahil lumaki akong walang masyadong nakikilala, na naiinggit ako kapag nakikita ko ang mga kaibigan na may mga family reunion at ako, hindi ko ma-experience ang ganoon. Kaya ngayon, gusto kong makilala ang ibang relatives. Umaasa na balang araw, mararanasan ko rin ang naranasan ng iba. Imagine being close with your cousins, may instant friends ka na agad. “Do you have an idea kung saan sila makikita?” Umiling ako. Hindi ko nga narinig ang sinabi ni Ate kanina, kaya ngayon negative. Wala talaga akong alam. “Why are you asking? Tutulungan mo ako?” pagbibiro ko. Half-joke, though. Umaasa talaga ako na sana may tumulong sa akin. I mean, this country is so foreign to me. At bukod kina Yaya Ruth at Kuya Benjamin, si Yago lang iyong kahit papaano ay kakilala ko. Looking at him, you can say that he has a lot of connections at siguro maaari namin iyong magamit to track down some of our relatives. Tumingin siya sa akin, ang ngisi niya ay mas kapansin-pansin na ngayon. “And what will I get in return?” tanong niya, tila nang hahamon. “Huh?” I titled my head in question. Lalong lumawak ang ngisi ni Yago kaya lalo ring kumabog ang dibdib ko. Why my heart is acting like this is a question to me, too. “Anong makukuha ko mula sa ‘yo kung tutulungan kita?” Ang hirap huminga at ang hirap lumagok nang marinig ko ang tanong niya. But like a stupid twenty-four-year-old, sinagot ko iyon ng isang salitang hindi ko dapat sinabi sa kanya. “I don’t know.” Kibit-balikat ko. “Whatever you want.” And yes, that was the stupidest thing I’d ever said—or maybe not.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD