INIHATID ako ni Gabriel pag-uwi. Kahit na may hindi magandang pangyayari ang nangyari kanina, masasabi ko naman na naging masaya ako sa friendly date namin ni Gabriel. “Thank you,” pasasalamat ko nang makarating na kami sa bahay. “You’re welcome. Sana hindi ito ang huli.” Ngumiti si Gabriel sa akin. Tumango naman ako sa kanya, assuring him that this won’t be the last. Magaan siyang kasama at gusto ko ang company niya. Nakakalimutan ko ang mabibigat na pakiramdam na ipinaramdam sa akin ni Yago. “Oo naman. May next time pa.” Kinawayan ko si Gabriel at pinanuod siyang umalis. Nang papasok na ako sa loob ng bahay ay napatingin ako sa katabing apartment. Nakita ko roon si Yago habang tahimik na nagmamasid. Hindi ko sigurado kung kanina pa ba siya riyan o kakalabas niya lang. Nag-iwas ako n