TUWANG-TUWA si Ate Ayen nang malamang manunuod kaming dalawa. Kagaya noong unang laro, marami na naman ang tao para manuod nang dahil kay Yago. “Go, Yago!” sigaw ni Clara sa hindi kalayuan. Nakuha niya ang atensyon ko at ang babae ay feel na feel dahil naiinggit sa kanya ang karamihan. “Girlfriend na ba iyan ni Yago? Kanina pa sigaw nang sigaw, akala mo girlfriend, eh.” Halata rin ang pagkairita sa boses ni Ate Ayen. “Hindi ko alam. Huwag ako ang tanungin ninyo dahil wala akong alam sa buhay ng lalaking iyon.” Natikom ni Ate Ayen ang kanyang labi dahil sa sinabi ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti bilang pambawi ko sa sinabi. Hindi ko naman sinasadya na magtaray. Naiirita lang din talaga ako. But anyway, I don’t want my mood to be sour now. Gusto kong mag-relax at magpakasaya; kalim