“DIOS MIO! Sino naman kayang gagawa ng ganyang karumal-dumal na pagpatay sa anak ni Vice!” Naramdam ko ang takot sa boses ni Yaya Ruth. “Sindikato ba?” Umiling si Ate Ayen. “Hindi pa alam, Tita. Ang sabi ay baka raw kalaban ni Vice ang pumatay o mga kaaway. Alam naman ninyo ang mga ganyang klase ng tao, maraming mga kalaban. Narinig ko pa na maraming kasama si Wyatt nang kagabi pero silang tatlo lang talaga ang na-target. Patuloy pa rin po ang imbestigasyon.” Nanatili akong tahimik sa kinaroroonan ko. Nagpatuloy ang pag-uusap nila tungkol sa pagkamatay nina Wyatt. Ipinakita pa nga ni Ate Ayen ang mga litrato ng mga namatay para makilala namin at nagulat ako dahil ito iyong tatlong lalaking nagpakita sa akin noong nakaraan. Sila mismong tatlo ang namatay. Maraming kaibigan si Wyatt pe