HINDI pa ulit kami nakakapag-usap ni Yago. Simula nang may mangyari sa amin ng gabing iyon, parang naputol ang komunikasyon sa pagitan naming dalawa. Hanggang ngayon iniisip ko kung may nagawa ba ako para hindi ako pansinin ni Yago pero wala akong maalala. Okay pa kami bago kami matulog noon at paggising ko, bigla na lang nagbago ang lahat. May kirot na nararamdaman ang puso ko, but I choose not to dwell on it too much. “Ace…” Nilingon ko si Kuya Benj. Magkasalubong ang kanyang noo kaya akala ko ay bad trip siya sa akin. “Nagkausap na ba kayo ni Yago?” Umawang ang labi ko ngunit imbis na magsalita, umuling na lamang ako sa kanya. “Boyfriend mo na ba si Yago?” tanong niya sa akin at mas lumapit sa kinaroroonan ko. Muli akong umiling. Wala kaming label! Kaya kung tutuusin, kung sa tin