HINAWAKAN ni Yago ang kamay ko. The warmth from his hand made me come back and touch the surface of the earth. Kanina kasi, I feel like I am floating from all my feelings, na halos makalimutan kong kaharap ko siya at maraming tao sa paligid namin. Nagpatianod ako sa kanya at dahan-dahan kaming lumapit kina Kuya Benj at Ate Ayen na may malaking ngisi sa kanilang mga labi. “Akala ko hindi ka talaga sisipot.” Walang sinabi si Yago. Nanatili lamang siya tahimik while gently squeezing my hand. Nanatili ang titig ko sa kamay naming magkahawak. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko, na akala mo ay ako ang tumakbo nang mabilis kanina at hindi ang mga kotse. “Hoy, Yago!” Napatingin kami roon at nakita namin ang nagmamaktol pa ring si Wyatt. Mukhang hindi niya matanggap na hindi siya ang nanalo