TANGHALI na nang magising ako. Anong oras na rin kasi kami natulog ni Yago. Pagmulat ko pa’y wala na siya rito sa tabi ko. Inayos ko ang sarili at lumabas ng kuwarto. Bukod sa master’s bedroom ay may tatlo pang bakanteng silid na sa tingin ko ay guestrooms. Hinanap ko si Yago sa buong bahay ngunit wala ito. Uminom ako ng tubig bago magdesisyon na lumabas. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Yago. May dalawa siyang taong kausap. Nilapitan ko sila at binati kahit hindi ko pa kilala kung sino ang dalawa. “Good morning,” bati ko. Tumingin silang tatlo sa akin. Agad akong nilapitan ni Yago at ipinahinga ang kamay niya sa may baywang ko. Naglakad kami papalapit sa dalawang kausap niya kanina at ipinakilala ako. “Si Aiselle,” pagpapakilala niya sa akin. “Aiselle, ito iyong sinasabi ko sa