PAKIRAMDAM ko, ang salitang misis ko ay naging paborito kong salita simula nang sabihin iyon ni Yago. Hanggang ngayon nga ay hindi pa ako nakaka-recover. Kinikilig pa rin ako. Nag-angat ako ng tingin kay Yago. Diretso siyang nakatingin kay Carol pero walang emosyon ang mga mata niya. “Papasok na kami sa loob ng bahay. Nice meeting you.” Tumingin si Yago sa akin at ngumiti. Iginaya na niya ako papasok ng bahay at ako ay lutang na naglakad kasama siya. Siguro nga, kung hindi ako hawak ni Yago, hindi ako makakapasok sa loob ng bahay at nanatili lamang sa kinatatayuan ko kanina habang ang salitang misis ko ay on repeat sa isipan ko. “How was your day? Good to know you have friends now.” Tulala pa rin ako. Ninanamnam ko pa rin ang tinawag niya sa akin kanina. Alam ko na sinasabi niya sa