PINAGPLANUHAN naming dalawa ni Yago ang gagawing pagtakas. Nang araw na nalaman ko na paalis kami at pabaik ng Italy ng pamilya ko, nagpanggap ako na para bang wala akong kaalam-alam doon. Hinihitay ko kung sasabihin ba ni Dad sa amin na may plano pala siyang bumalik na kaming Itaaly pero wala. Ni isang salita patungkol sa pag-uwi ay wala siyang binanggit. Hindi ko alam kung ako lang ba iyong walang alam o lahat kami rito. Baka sadyang tintago lang nila sa akin para hindi ako makaangal. Naghihintay akong magkaroon ng moment na maaaring pumigil sa binabalak kong pagtakas kasama si Yago, ngunit walang dumating na ganoon. Umakto akong normal nang araw na iyon, ngunit nang sumapit ang gabi isinagawa na naming dalawa ni Yago ang pagtakas. May ilang instruksyon siyang sinabi sa akin kung paano