CHAPTER 2

2818 Words
"YES, malapit na 'ko. Papunta na 'ko diyan." ani Cristina sa kaibigang katawagan habang nagda-drive siya ng sariling kotse isang umaga. "Sige, dalian mo ha? Excited na 'ko masyado na makita ka ulit, babaita ka!" tumawa ang nasa kabilang linya. Natawa rin siya. "Opo!" Natapos ang tawag at saka naman biglang huminto ang kotse n'ya dahil nasiraan. Shit! Hindi niya napigilang mapamura dahil sa pagkainis nang bumaba ng kotse para tingnan ang sira. Ngayon pa talagang nagmamadali ako! Parang nagdilang anghel naman siya nang biglang may isang luma at karagkarag na motor ang tumigil sa tapat niya para tulungan siya. "Maam? May problema po ba?" Napalingon siya sa pamilyar na boses at palihim na nagdiwang sa loob-looban nang makita si Miguel. Mukhang nagulat din ito nang marekognisa siya. "Maam Cristina, kayo po pala 'yan!" "Ah, oo. Nasiraan kasi ako bigla eh. May importante pa naman akong pupuntahan." aniya sabay tingin sa kotse niya. Tinigil muna nito ang motor nito sa isang tabi para bumaba at tingnan naman ang sira ng sasakyan niya. "Ah, alam ko 'to. Madali lang po 'to. Makakapaghintay po ba kayo ng sandali para ayusin ko 'to para sa inyo?" "Talaga?" she was surprised and at the same time, amazed. "Marunong kang mag-ayos ng kotse?" Ngumiti ito saka tumango. "Opo." Tumango rin siya. "Sige." Nag-umpisa itong gumalaw para pakialaman ang dapat ayusin sa sira ng kanyang sasakyan. Samantalang siya nama'y napatabi na lamang habang pinanunuod itong tila napaka-expert sa pag-aayos ng kotse niya. Hindi niya maiwasang mapahanga sa kaloob-looban habang pinagmamasdan ito lalo pa't tila mas nadadagdagan pa ang kakisigan nitong taglay sa ginagawa. Gwapo ito, maganda ang pangangatawan, mabait, matulungin, at magaling. Ano pa kaya ang hindi nito kayang gawin? "Maam, try n'yo raw pong paandarin, tignan natin kung pwede na." anito makaraan ng ilang minuto. Agaran siyang tumango at pumasok sa kotse para subukang paandarin ang sasakyan tulad ng sinabi nito, and vola! Umandar na nga ulit! "It works! Finally!" naibulalas niya sa tuwa. "Ayan, maam, maayos na po. Pwede na po kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo." masayang sinabi ni Miguel. Muli siyang bumaba para lapitan ang binata. "Maraming salamat." Dumukot siya ng pera mula sa wallet niya at kaagad na inabot dito. "Wag na po, maam. Ayos lang po, hindi po ako nanghihingi ng bayad." agaran namang pagtanggi nito sa bayad niya. "Tanggapin mo na. Kahit pang-meryenda mo lang!" she insisted. "Hindi na po talaga, maam. Ayos lang po. Nagkataong naabutan kitang kailangan mo ng tulong kaya tinulungan kita pero hindi po ako magpapabayad, maam." paninindigan nito. Hindi niya mapigilang mas mapahanga pang lalo kay Miguel. Ba't ang bait ng nilalang na 'to? Hindi na nga nakapagtataka kung bakit pantasya ng mga kababaihan sa San Isidro itong si Miguel tulad ng sinabi ni manong Kador no'ng isang araw. Bukod sa magandang lalaki na, napakabait pa! "Gano'n ba? Sigurado ka?" "Opo. Itago n'yo nalang po 'yan." ngiti nito. "Sige." she has no choice but to keep her money inside her wallet again. "By the way, ang galing mo ha. Matagal ka nang nag-aayos ng mga nasisirang kotse?" "Ah, hindi naman ho sa magaling, maam. Sabihin nalang nating may karanasan lang talaga. No'ng nabubuhay pa kasi ang ama ko, sa isang repair shop s'ya sa Saranggani nagtatrabaho at madalas isinasama n'ya ako para makatulong n'ya kaya natuto rin ng konti." "Sus! Pina-humble mo lang eh, gano'n pa rin naman 'yon! Magaling ka pa rin! Saka anong konti lang? Eh, mukha ka nga'ng expert kanina nang pinanunuod kita sa pag-aayos!" marahang tawa niya. Marahang natawa rin ito. "Sige na nga lang kung 'yan talaga ang gusto ninyong sabihin!" pagsuko nito. She really found him not only so handsome and manly but also cute! "Pero seriously, maraming salamat talaga ha?" Tumango ito. "Walang anuman po. Kung kailangan n'yo ho ulit ng tulong, pwedeng-pwede po ako, maam, lalo na kung tungkol sa pag-aayos ng sasakyan." "Talaga?" bigla naman niyang naalala ang isang nakatambay lang at mukhang matagal nang napabayaang Wrangler sa kanilang rancho. Hindi na nagagamit pa iyon kasi luma na't hindi na pinagkaabalahan pang ipaayos. Nakita n'ya 'yon no'ng namasyal s'ya sa rancho kahapon. "May Wrangler kaming nakatambay nalang at hindi na nagagamit kasi luma na't may sira, baka pwede mo ring maayos 'yon some other time?" "Sige, titignan ko po, maam." Kaagad niyang dinukot ang iPhone niya nang maalala kung paano ito kokontakin. "Sige. Kunin ko nalang cellphone number mo para ma-text kita kung kailan ko mapapatingnan 'yon at para alam ko rin kung kailan ka pwede." Ibinigay nito ang number nito na kaagad naman niyang nai-save tapos ay sinubukan pa niyang tawagan ito kaya tumunog ang cellphone nito at dinukot iyon mula sa bulsa ng suot ng kupas na pantalon. Mumurahin na cellphone at de-keypad na may logo ng local brand sa taas ang unit na gamit nito. Tiningnan siya ni Miguel habang tinatawagan niya ang cellphone nito. Nagsalita naman siya habang nakatapat sa tainga ang iPhone kahit magkaharap lang sila tapos pilya s'yang ngumiti. "My number. Please save it." 'yon lang at tinapos din niya ang tawag. Napangiti nalang din ito saka tumango at pinindot ang keypad. "Saved." "Sige na. I have to go na." aniya sabay silip sa wristwatch na suot. "Hinihintay na kasi ako ng kaibigan ko. Sa muli, maraming salamat talaga ha?" "Sige po. Ingat po kayo, maam." Ilang sandali pa'y nakasakay na ulit s'ya sa loob ng kotse niya at kumaway pa s'ya sa binata bago muling pinaandar ang sasakyan. Hindi pa s'ya tuluyang nakakalayo nang mag-vibrate ang iPhone niya't nakitang tumatawag si Miguel. Sinilip niya ang binata mula sa kanyang rearview mirror at nakitang nakatayo pa rin ito sa kung saan niya ito iniwan. Excited s'yang sinagot ang tawag. "Hello?" "Bago ko makalimutan, Miguel Pedroso nga po pala, maam." nasa tono rin nito ang kapilyuhan sa pagpapakilala ng sarili. Hindi niya napigilang mapangiti ng abot hanggang tainga. "Well, nice to meet you, Miguel!" "Maam, take care po ha?" "Yeah, I will. Maraming salamat sa concern." "Walang anuman po. Basta kayo ho! Sige na po, ba-bye na." "Bye." akmang tatapusin na niya ang tawag nang may biglang maalala. "Ah, wait, Miguel!" "Ano po 'yon, maam?" "Before I forget too, I want you to know na pwede mo naman akong tawaging Cristina nalang or Tina, masyado kasing formal yung maam. Mas okay din kung pati yung 'po at opo' wala na." "Pwede ba 'yon? Eh, amo po kayo namin!" "Pwede 'yon! Basta sinabi ko, pwede 'yon kaya please, Cristina nalang." "Sige ba. Kung 'yan ang gusto mo, Cristina." "Better." magiliw ang ngiting ibinaba niya ang tawag. Muli niyang tiningnan ang rearview mirror at nakita ang pagkaway nito sa papalayong sasakyan niya. Ang ganda talaga ng araw na ito para sa kanya! Nakarating si Cristina sa tapat ng bahay ng kaibigang sadya niya ngayong araw. Ang isa pa niyang best friend since birth. "Tina? My god, Tina!" tuwang-tuwang naibulalas nito nang bumaba pa lamang s'ya sa kotse at sinalubong siya ng napakahigpit na yakap. "I missed you so much, best friend!" "I missed you too, Loreen!" mahigpit din ang yakap niya rito. Maliban kay Marcus, si Loreen Gomez ay matalik ring kaibigan ni Cristina simula no'ng mga bata pa sila. Magkakaklase kasi sila noon mula kinder hanggang grade school kaya nabuo ang pagkakaibigan, idagdag pa ang mga magulang nilang matatalik ding magkakaibigan dahil pare-parehong kilala sa sosyodad. Ang ama niya'y isang business tycoon, ang mga ama naman nina Marcus at Loreen ay parehong politicians. Dating mayor ng Siyudad nila ang ama ni Loreen at kasalukuyan namang Gobernador ng Probinsya nila ang ama ni Marcus. Hindi rin nagkakalayo ang edad ng dalawa sa edad niya. She's now twenty-one, Loreen's twenty-three, and Marcus is two years older than Cristina. "Akala ko hindi ka na makakarating! Natagalan ka?" tanong ni Loreen nang matapos sila sa yakap. "Ah, oo, nasiraan kasi ako bigla eh." "What? So, how was your car? And how about you? Are you okay?" concern na sunod-sunod na tanong nito. "Everything's fine now, Lo. May dumating naman at tumulong sa akin." napangiti siya ng matamis nang maalala ang pagtulong ni Miguel sa kanya. "Gano'n ba? You sure?" Panatag siyang tumango-tango. "Buti naman kung gano'n." kumbinsidong tumango na rin ito. "By the way, kumusta ka naman? Kumusta ang Mexico?" "All fine." easy niyang sagot. "Eh, ikaw? Kumusta ka naman?" "Maayos lang din." "Kumusta ang buhay sa showbiz?" "Ayun, nakakapagod din. Hindi nga muna ako tumanggap ng anumang projects o endorsements matapos no'ng isang successful na pelikula ko kasi gusto ko muna talaga magpahinga sa ngayon. Kahit isa o dalawang taon man lang na pahinga mula sa magulong mundo ng pag-aartista." kwento nito. Tumango siya. Naiintindihan niya ang kaibigan. Nakakapagod nga naman ang halos araw-araw na taping para sa pelikula o teleserye at paggi-guest sa iba't-ibang talkshows sa Philippine television. Stress, wala halos pahinga, at kahit privacy minsan ay nawawala na rin. "So, masosolo ko pala talaga ang best friend ko ngayong nakauwi na 'ko?" ngisi niya kay Loreen. Ngumisi rin ito saka tumango. "Naman!" "Yiee, Loreen!" hindi niya napigilang yakapin ulit ito at maglambing pa lalo. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. You're still my best... best friend ever!" Tumatawa na si Loreen. "And you're still my most beautiful best friend ever! Aba, mas gumanda pang lalo nang makabalik galing Mexico!" Nagtawanan sila sa mga sumunod na sandali. "Let's go?" ani Loreen matapos ng ilang minutong kulitan. "Where?" ani Cristina at saka pa lamang napansing nakabihis ang kaibigan. "Marcus's crib!" tawa nito. "What!" natawa rin siya. "Akala ko ba dito tayo sa inyo ngayon? I thought, we'll have girl talk?" "Si Marcus kasi, nangungulit! Nabanggit ko kanina na may usapan tayong date ngayon at nagpumilit na isali raw natin s'ya, do'n daw tayo sa kanila." Ipinabasa pa ng kaibigan sa kanya ang text conversations nito with Marcus na kanina lang ilang oras ang nakakalipas. Nangungulit nga ang asungot na sumali sa kanila at doon daw sila sa bahay nito. "Alam na this! Dating gawin!" Tumango siya't hinagis kay Loreen ang susi ng kanyang kotse. "You'll drive." "Fine!" tumawa ito saka nagtaas ng kamay bilang pagsuko. Ilang sandali pa'y nagbibyahe na ulit sila para pumunta kina Marcus. Si Loreen nga ang nag-drive ng kotse niya. Sa kalagitnaan ng biyahe ay isang text ang dumating mula sa isang taong nakapagpahanga at nakapagpasaya sa kanya ngayong araw. Miguel: Hi, Cristina! Napangiti siya ng wala sa oras sa simpleng "Hi" ng binata. Kaagad naman siyang nagtipa ng ire-reply. Cristina: Miguel! Hello. Mabilis itong nakapag-reply. Miguel: Kumusta? Nakarating ka na sa pupuntahan mo? Cristina: Oo. Kasama ko na'ng kaibigan ko ngayon. Maraming salamat ulit sa tulong kanina ha? Miguel: You're welcome... Hindi na matanggal-tanggal pa ang ngiti ng dalaga habang nag-iisip kung ano pang magandang i-reply kay Miguel o kung mag-uumpisa ba s'ya ng panibagong topic upang mapahaba pang lalo ang kwentuhan nila. "Ngiting-ngiti ka d'yan sa ka-text mo ha? Manliligaw mo 'no?" tukso bigla ni Loreen. "Hindi." magiliw niyang sagot. "Ka-text ko yung taong tumulong sa akin kanina no'ng nasiraan ako ng kotse sa daan." Ngumisi ang kaibigan niya. "Kaya naman pala! Gwapo 'no?" "Gwapo?" tumamis ang kanyang ngiti habang inaalala ang mukha ni Miguel. Yung mukha ng taong mabait, palangiti, at matulungin na walang hinihinging anumang kapalit. Napakagwapo nga naman! "Oo!" "I see!" tumango-tango si Loreen at muling sumulyap sa daan tapos muling bumaling sa kanya. "Pa'no na si Marcus niyan?" "Si Marcus?" nagulat na natawa siya sa huling hinirit ng kaibigan. "Lo, Marcus is my brother!" Totoo iyon. Ang mga best friend niya ay itinuturing na rin talaga niyang mga tunay na kapatid. Loreen's her sister and Marcus is her brother. Nakangiting umiling-iling na lamang si Loreen at hindi na muling nagsalita pa saka nag-focus nalang ulit sa pagmamaneho samantalang siya nama'y ipinagpatuloy ang pakikipag-text sa taong interesado talaga siyang maka-text ngayon. Nakarating sila kina Marcus at sinalubong sila ng huli sa porch. "Hi, girls!" ngiti ng binata sa kanila. Nakipag hi-five ito kay Loreen at s'ya nama'y niyakap. "Hello, Marc!" ani Loreen saka feeling at home na dumiretso na sa loob ng malaking bahay nina Marcus. "Buti at nakapunta kayo." nasa kanya naman ang atensyon ng huli. "Oo! Pinabasa kasi sa 'kin ni Lo yung convo ninyo kanina! Nangungulit ka, naawa naman ako sayo kaya pinagbigyan ko na!" tawa niya saka sumunod na rin kay Loreen. "Loreen!" sigaw ni Marcus saka tatawa-tawang hinabol si Loreen. Tumakbo naman ang huli at umalingawngaw na ang halakhakan nilang tatlong magkakaibigan sa bahay nina Marcus, hanggang nakasalubong na rin nila ang ina ng binata. "Hala, tita oh! Si Marcus po, inaaway ako!" tila nakahanap naman ng kakampi si Loreen saka kaagad na nagtago sa likod ng mommy ni Marcus. "Marcus anak, 'wag mo nang awayin si Loreen!" tawa naman ni Mrs. Clarita Buendivas na saway sa anak. "Urgh! Okay!" sumuko na nga si Marcus saka dumiretso sa fridge para kumuha ng mga chitseryang makakain nila. Sina Cristina at Loreen nama'y nanuod na ng tv sa living room. Naging busy si Loreen sa paglalaro sa remote control para magpalipat-lipat ng channel samantalang si Cristina ay nakikipagtext pa rin kay Miguel. Cristina: Nandito na kami ngayon sa house ng isa pa naming friend. Ano gawa mo? Nakasunod sa kanila si Marcus. Naupo ito sa mahabang sofa sa tabi niya. Pumuslit ng chitserya si Loreen at siya nama'y inabutan ni Marcus. "Thanks." aniya habang nakatutok pa rin sa cellphone at hinihintay ang reply ni Miguel. "Tita, gusto n'yo po?" ani Loreen kay Mrs. Buendivas nang mapansing nakatayo ang ginang sa pintuan habang magiliw silang pinanunuod na magkakaibigan. Umiling ang magandang ginang saka ngumiti. "Panuorin ko palang kayong magkakasama ulit, masaya na ako." They were touched. Alam naman talaga ni Cristina kung gaano na rin silang itinuring na parang tunay na mga anak ng ina ni Marcus. Mga bata pa sila noon ay naging mommy na rin nila si Mrs. Clarita. Siya nga no'ng isang araw na nakabalik galing Mexico at namasyal ulit dito sa bahay ng mga ito sa unang pagkakataon matapos ng ilang taon ay mainit din ang muling pagsalubong ng ginang sa kanya. Even Governor Buendivas also treats them well, wala nga lang ngayong araw si Governor dito sa bahay kasi may importanteng lakad daw na pinuntahan. "Para kailan lang, ang babata pa ninyo. Naglalaro at nagkukulitan kayo rito sa bahay. Ngayon, ganap na talaga kayong mga dalaga at binata pero ang kukulit pa rin ninyong tingnan." magiliw na saad ng ginang. "Parang kailan lang nga po, tita!" magiliw ding sagot ni Loreen. Tumango-tango si Cristina bilang pagsang-ayon sa kaibigan. Parang kailan lang nang umalis s'ya para mag-aral sa Mexico at ngayon ay kasama at kakulitan na ulit niya ang mga matatalik na kaibigan. "Si Lucas nalang talaga ang kulang at mabubuo na ulit kayong apat." patuloy pa ni Mrs. Clarita. Kapansin-pansin naman ang biglang pagtahimik at pag-iwas ni Loreen nang marinig ang pangalan ni Lucas. Napaisip tuloy si Cristina kung ano kayang nangyari sa mga nagdaang taong nawala siya rito sa Pilipinas? Dati kasi ay alam na niyang may gusto naman na talaga si Loreen kay Lucas, kaya ano ang nangyari? Ba't iba ang napangasawa ng pinsan niya? Hindi ba talaga no'n nakuhang mahalin si Loreen kagaya ng pagmamahal ng huli para ro'n? Ewan niya. "Sige na't maiwan ko na muna kayo rito. Ipagluluto ko kayo ng tanghalian ninyo. Ano nga palang gusto n'yo, mga anak?" "Chicken curry, mom!" kaagad na hirit ni Marcus. "Adobo po, tita please!" palambing na nag-demand na rin si Loreen. "Chicken curry!" Tiningnan na ng masama ni Loreen si Marcus. "Adobo!" Nag-umpisa nang magtalo ang dalawa. "Chicken curry!" "Adobo nga!" "Ikaw, Tina? What do you want, hija?" Magaang nginitian ni Cristina ang ginang. "Anything, tita. As long as kayo po nagluto." "I'll cook Adobo then!" deklara ni Mrs. Clarita. "Mom!" kaagad namang umangal si Marcus. "It's in the ladies' hands, son, kaya si Loreen muna ang pagbibigyan ko sa ngayon!" "Yey! Thanks, tita!" halos magdiwang naman sa pagkapanalo si Loreen. "Anything for you, girls!" makulit na kumindat pa ang ginang bago sila tuluyang iniwan dito sa living room. Napapangiting-iling naman si Cristina bago muling tiningnan ang iPhone n'ya at nakitang nakapag-reply na si Miguel. Miguel: Naglilinis ng motor. Hindi na nasira kotse mo? Mabilis siyang nagreply. Cristina: Hindi na. Salamat sa nag-ayos. You were really my saviour! :-) Miguel: Naks! Saviour talaga? Cristina: Yes naman! Saviour! Saviour kita, Migs. Hehe. Miguel: Sige na nga lang. Kung 'yon yung gusto mo, sige, ako na palagi magiging saviour mo :-) Sa sobrang tuwa at halos magtatatalon ang puso sa saya ay hindi na talaga napigilan ni Cristina ang mapakagat-labi habang ngiting-ngiti. "Who's that, Tina?" bigla ay seryosong tanong ni Marcus nang mapansin siya at tiningnan ang ka-text niya. "Ka-text n'ya yung tumulong kanina sa kanya no'ng nasiraan s'ya ng kotse sa daan." si Loreen ang sumagot para sa kanya. "Nasiraan ka kanina?" nag-aalala na ang boses ni Marcus. Tumango s'ya saka nginitian ang katabi. "Oo pero okay lang. Naayos naman na." "Dapat tinawagan mo kaagad ako. Marami akong mga kakilalang magagaling na mekaniko." "Okay lang talaga, Marc." "May tumulong sayo kanina?" patuloy ni Marcus sa pagtatanong. "Oo, and believe me, he's a good person, Marc. 'Ni hindi niya tinanggap ang bayad ko sa pagtulong niya." proud niyang kwento. "Kaya magka-text na kayong dalawa ngayon?" Tumango siya. "Ang jolly nga niyang ka-text eh. Nakaka-enjoy." Gano'n nalang ang pagkabigla ni Cristina nang hinawakan ni Marcus ang isang kamay niya. "Kahit na tinulungan ka pa niya, 'wag ka pa rin sana basta-bastang nagtitiwala, Tina. Anong malay mo kung niloloko ka lang niyan at masama pala siyang tao? Baka mapahamak ka pa." Binigyan niya ng isang simple at panatag na ngiti ang mukhang napaka-concern na kaibigan. "Chill, Marc. Hindi s'ya masamang tao at hindi ako mapapahamak sa kanya. I'm a hundred percent sure of that." Yeah. She trusts Miguel. Hindi naman mukhang masamang tao yung binata eh, katunayan mukha pa nga'ng isang taong pagkakatiwalaan talaga dahil sa sobrang bait...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD