"DAD, I missed you!" masiglang salubong ni Cristina del Martin sa kanyang ama nang makababa sa kotse.
"I missed you too, Tina!" mahigpit na niyakap siya ni Don Sancho. Ang ama niya.
Kauuwi lang ni Cristina galing Mexico. Doon siya nag-aral at nagtapos ng kolehiyo, ngayon ay muling nagbabalik Pinas, sa Koronadal City Mindanao.
Hindi na pinatagal pa ng ama niya't inanyayahan na siya sa hapagkainan.
"What do you want to do after this, hija? Gusto mo ba muna magpahinga o gusto mong mamasyal?"
"Gusto ko pong mamasyal, dad. I really missed my hometown, hindi na halos ako makapaghintay na makita ulit ang Hacienda del Martin!" nasasabik na sagot niya.
Ang Hacienda del Martin ay negosyo pa ng mga kanununuan nila na ipinasa sa mga sumunod na henerasyon. Masyadong malaki at malawak ang lupain ng nasabing hacienda at dalawa lamang sila ng pinsan niyang si Lucas ang magmamana no'n sa henerasyon nila ngayon. Idagdag pang kasalukuyang nakatigil ang pinsan niya sa Maynila sa pudir ng asawa nitong si Marjorie. Doon daw muna ito maninirahan para mas maalagaan ng mabuti ang babae.
"Oh, I really want to go with you, hija, kaya lang may importanteng meeting pa ako sa isang big-time client." nasa tono ng ama ang panghihinayang.
Nakakaintinding tumango siya. "It's okay, dad."
"Papasamahan nalang muna kita kay manong Kador, but I'll make sure na babawi ako some other time para masamahan ka ng personal, hija."
"Kahit hindi na po, dad, hindi naman po siguro ako mawawala ro'n." pilya niyang sagot.
"Masyadong malaki ang hacienda at ilang taon ka na ring hindi nakakapunta ro'n, mabuti nang siguradong may kasama ka't hindi ka maliligaw."
Si manong Kador na tinutukoy nito ay isa sa mga trabahador sa hacienda nila na siyang pinakamatagal at pinakapinagkakatiwalaan na ng kanyang ama.
"Okay po."
Pagkatapos kumain ay kaagad na siyang pinahatid ng daddy niya sa driver nila patungong San Isidro kung saan matatagpuan ang Hacienda del Martin. Pagkarating ay sinalubong din kaagad siya ng tauhang tinutukoy ng daddy niya na si manong Kador para samahan siya sa paglilibot sa hacienda.
"Matagal na po kayong nagtatrabaho rito, manong?" aniya habang manghang nakatanaw sa malawak na kapaligiran ng hacienda.
Nasa bakanteng lote sila at tanaw na tanaw ang kagandahan ng paligid.
"Matagal na po, maam. Bata pa po kayo noon no'ng dinadala kayo ni Don Sancho rito at nagsisilbi na ako rito sa hacienda."
Naalala nga niya. Grade schooler palang siya noon nang sinasama siya ng daddy niya rito sa hacienda pero syempre hindi na niya naaalala yung mukha ng mga trabahador kasi masyado nang matagal iyon at masyadong maraming tauhan ang nagtatrabaho sa malaking hacienda. Hindi na rin siya nakapunta pa rito magmula nang nag-aral siya ng sekondarya sa Mexico at ngayon na lamang ulit na nakabalik na s'ya ng bansa. Ilang taon na rin talaga ang nakakalipas...
Sa paglalakad-lakad, nakaabot sila hanggang sa taniman ng mga mangga.
"Tikman n'yo ho, maam!" nag-abot ang isang tauhan ng isang hinog na mangga sa kanya na pinitas nito sa nadaanan nila.
Excited naman niyang kinagat iyon para tikman. "Tastes good, kuya!" namamangha niyang pahayag.
"Talaga po, maam?"
Tumango-tango siya't bumaling ulit kay manong Kador. "Ang naaalala ko, manong, yung mga pinakamabebentang prutas dati at tambak-tambay yung orders ay yung pomelo po saka mga niyog."
"Oo nga po, maam eh." sang-ayon ni manong Kador. "Pero ngayong hindi pa naman tagbunga ang pomelo, mga tubo po yung mga pinakamabebenta saka mga niyog din po, at pati na rin itong mga mangga."
"Kaya pala. Maiba ako, kumusta yung shooting na ginawa rito sa Hacienda del Martin last year?" bigla niyang naalala yung balita dati na ginawa itong hacienda na setting para sa isang pelikula.
"Maayos po, maam. Naging blockbuster nga rin daw po yung pelikulang 'yon, maam. Ang gagaling kasi ng mga artista lalo na si Miss Loreen. Ang gaganda rin nila lalo na po si Miss Marjorie."
Napangiti siya. She knows Loreen, tagarito rin iyon sa Mindanao. She knows Marjorie Alastair too, kahit hindi pa niya nakikita sa personal pero alam niyang asawa na iyon ng pinsan niyang si Lucas.
Sino nga ba naman ang mag-aakalang magtitino rin pala ang mapilyo at loko-loko niyang pinsan sa isang babae! Siguro nga itinadhana talagang dito sa hacienda ang maging setting ng pelikula nina Marjorie noon para pagtagpuin ito at si Lucas. Sweet!
Nakaabot sila hanggang sa taniman ng mga pomelo at tama nga si manong Kador dahil hindi pa nga tagbunga ngayon ng mga punong ito. Ang mga niyog nama'y walang kupas pa rin sa pagbibigay sa kanila ng grasya sa dami at tumpok-tumpok na bunga sa bawat mga puno.
"May mga tubo na rin po pala?" curious niyang tanong nang napunta naman sila sa tubuhan.
Tamang-tama pang harvest time ngayon at marami sa mga trabahador ang busy sa pagha-harvest.
Naaalala kasi niya dati, wala pa namang tubuhan dito sa hacienda no'ng bata pa s'ya.
"Opo, maam. No'ng mga nakaraang taon lang din po nagkaroon ng tubuhan dito sa hacienda. Napagkasunduan po kasi noon nina donya Amanda at ng ama ninyo na magpatanim na rin ng mga tubo para dagdag produkto sa negosyo."
Si donya Amanda ay tita niya't ina ni Lucas. Asawa ng yumaong si Hulyo del Martin na tanging nakatatandang kapatid ng daddy niya.
Tumango-tango siya. "I see."
Magiliw na inilibot niya ang mga mata sa tubuhan. Grabe, dati no'ng bata pa siya'y ang lakas-lakas na ng dala ng pera sa kanila ng Hacienda del Martin, ano pa kaya ngayong nadagdagan pa ng mga bagong produktong pananim at madadagdagan pa sa mga susunod na taon. She really can't imagine a life without this hacienda!
Sa paglilibot-libot ng mga mata'y natigil bigla iyon sa isang binatang nahagip ang kanyang buong atensyon. Ang binata'y mukhang hindi nalalayo sa kanyang edad na bente. Nakikipagkwentuhan ito at nakikipagtawanan sa mga kasama habang nagta-trabaho.
She couldn't help but noticed the muscles of the man flexed dahil sa suot nitong sleeveless na damit pan-itaas. Pawisan ito at medyo madumi na rin ang damit tapos naka-kupas na jogging pants na pantalon pero mukhang hindi nito inda ang pagod dahil sa ngiti palang nito ay tila napakaganda na ng buhay para rito. Makikitaan ito ng pagod sa mukha sa pagkakayod sa pagha-harvest ngunit hindi ito makikitaan ng anumang reklamo dahil mukhang determinado ito sa paghahanap buhay at masipag.
Kita rin ni Cristina sa mga mata ng mga babaeng mga kasama nito ang tuwa at paghanga sa binata dahil sa natatanging kagwapuhan at kakisigan nito. Para bang gustong-gusto ng mga babae na nakikipag-usap dito para magpapansin.
"Uhm, manong Kador, sino po s'ya?" hindi na niya napigilan pa ang sarili at nagtanong na sa kasama.
"Sa'n diyan, maam?"
"Ayan po, yung nakaputing damit at nakikipagkwentuhan sa mga babae." turo niya sa binata.
"Ah, 'yan? S'ya po si Miguel, maam. Mabait po 'yan, masipag, saka responsable po. Kinagigiliwan nga po ng mga kababaihan 'yan dito sa San Isidro, maam. Maraming nagpapapansin at umaasang mapangasawa ang tulad niya."
Hindi na siya nagulat pa. Gano'n talaga. Kadalasan sa mga probinsyanang babae ay nagkakagusto rin sa mga kapwa nila tagaprobinsya at karamihan pa'y kinababaliwan ang pinakagwapo at pinakamakisig na binata sa probinsya.
Hindi nga lang niya sigurado kung si Miguel ang pinakagwapo at makisig na binata rito sa San Isidro pero sa ngayon, ito palang naman ang nakikita at napapansin talaga niya.
"Halika po, maam. Ipakikilala po kita sa kanila." ani manong Kador.
Kaagad siyang sumang-ayon. "Sige po!"
Lumapit sila sa mga nagta-trabaho partikular na sa tumpok ng mga dalagita at mga binatang nagha-harvest.
"Sandali, mga toto at mga ineng, itigil n'yo muna 'yan at may ipakikilala ako sa inyo." untag ni manong Kador sa mga ito.
Sabay-sabay nga'ng nagsitigil ang mga ito sa ginagawa upang lingunin sila at sa unang pagkakataon ay nagtama ang mga mata nila ni Miguel. Tila nagulat ang huli pagkakita sa kanya ngunit nadepina sa mga mata nito ang kaagad na paghanga pagkakita pa lamang sa kanya saka napangiti ito habang nakatingin sa kanya.
"Ito si maam Cristina del Martin. Ang anak ni Don Sancho." pagpapakilala sa kanya ni manong Kador.
"Hello po, maam Cristina!" mababait at magigiliw namang bumati sa kanya ang mga dalaga.
No wonder, mababait talaga ang mga probinsyana lalo na ang mga tagarito sa Mindanao!
"Naku, s'ya na nga ang anak ni Don Sancho na nag-aral mula Mexico! Ang ganda-ganda talaga niya at ang puti-puti pa!" namamangha pang bulalas ng isa ring dalagitang animo'y nakakita ng artista sa katauhan niya.
Totoo iyon. Hindi lang siya maganda kundi maputi pa. Ang kanyang kulay gatas na kutis ay malayo sa kulay ng mga kababaihan dito na kayumanggi.
"Oo nga, ang ganda-ganda niya!" dugtong pa ng isa.
Magiliw at marahang natawa na lamang siya. "Hi!" aniya habang isa-isang nilapitan ang mga ito para kamayan.
"Naku, maam, nagha-harvest po kami, madudumihan po yung kamay ninyo, maam!" nag-aalala at nahihiya namang sinabi ng isang babae.
"Ano ka ba, okay lang!" mabait niyang sinabi.
Sino naman s'ya para mag-inarte? Hindi porke anak siya ng may-ari ng hacienda ay hindi na siya makikipagkamay sa madudumi at madudungis na mga kamay ng mga trabahante! Kung tutuusin nga, kung wala ang mga ito at ang madudungis na kamay na mga ito ay siguradong sa kangkungan din silang pupuluting mga mayayaman!
"Naks! Si maam Cristina, hindi lang maganda, mabait pa't walang arte!" natutuwa namang sinabi ng isang mukhang high school na binatilyo saka kinamayan siya. "'Di ba, kuya Migs?" nilingon nito si Miguel.
"Tama." magiliw na sang-ayon naman ng huli saka nakipagkamay na rin sa kanya.
Sa unang pagkakataong nagdikit ang kanilang mga balat ay naramdaman niya ang kuryenteng dala no'n sa kanya. Sounds cliché but she really felt that!
"Kababalik n'yo lang ho galing Mexico, maam?" hindi pa rin natatanggal ang maganda nitong ngiti kahit natapos na silang magkamayan.
Tumango siya. "Oo."
Mabilis ang pintig ng kanyang puso kahit sa simpleng ngitian at konbersasyon lamang nilang ito, bagay na bibihirang-bibihira talaga niyang maramdaman sa isang tao. This man really has the effect on her! Lalo na ang ngiti nitong tila katiwa-tiwala at hindi nakakasawa, idagdag pa ang dimples nitong mas lalo lamang nagpadagdag sa lakas ng dating nito. Para bang ito yung tipo ng lalaki na kahit pawisan ay hindi mukhang mabantot bagkus ay kay sarap pa ring yakapin at hagkan.
Kung itsura lang din ang titignan, gwapo nga naman talaga ito. May magaganda at inosente ngunit nakakaakit na mga mata, matangos ang ilong, mamula-mulang labi at pati na mumunti nitong balbas na bumagay pa rin naman dito. Kung katawan naman, gwapong-gwapo pa rin! May katangkaran ito, morenong kulay ng balat, at makisig na pangangatawan. No wonder kung bakit gustong-gustong nagpapapansin ng mga kababaihang tagarito sa San Isidro sa binatang ito. Well yeah, he got what it takes! The looks and the body! Plus the playful and at the same time, the good boy aura!
"Kaya pala hindi pa kita nakikita kahit minsan dito sa hacienda, ngayon palang talaga." patuloy ni Miguel.
"Yeah. Bata pa kasi ako no'ng dinala ako ni daddy sa Mexico para doon pag-aralin. First year high school pa ako no'n eh tapos ngayon lang ako nakabalik ulit. Ikaw ba? Kayo? Kailan lang kayo nagsimulang magtrabaho rito sa Hacienda del Martin?"
"Dalawang taon palang po ang nakakaraan, maam, magmula nang magtrabaho kami ng kapatid ko rito sa Hacienda ninyo. Galing pa ho kasi kaming Saranggani."
"I see." tumango-tango siya. "Alam mo, no'ng pag-alis ko rito noon, wala pa 'tong tubuhan kaya namangha ako no'ng makita kong mayro'n na pala ngayon."
"Oo nga po, maam eh. Ang laki po ng tulong nitong tubuhan ninyo sa aming mga taong kailangang-kailangan talaga ng trabaho. Salamat po ha?"
She feels great na marinig na itong Hacienda del Martin ay nakakatulong sa maraming sangkatauhan. That's the essence of this business. Hindi lang para pagyamanin lalo silang mayayaman kundi para tulungan na rin ang mga taong mahihirap na naghahanap buhay.
Magsasalita pa sana s'ya ngunit may biglang tumawag sa kanya. "Tina!"
Napalingon s'ya sa kanyang likuran at nakita ang masayang papalapit na si Marcus Buendivas. Anak ng Gobernador ng isang Probinsya rito sa Mindanao.
"Marcus!" masaya din s'ya pagkakita sa kaibigan at tinugon ito nang sinalubong siya ng yakap. He is her childhood buddy.
"Dumating ka na pala, hindi ka man lang nagpasabi! Kung hindi pa nabanggit ni tito Sancho sa daddy ko, hindi ko pa malalaman. God! I missed you so much, Tina!" humigpit pang lalo ang yakap nito.
Natatawa siya sa kaibigan. "Pasensya na, balak ko kasing surpresahin kayong mga kaibigan ko kaya hindi ko muna pinaalam, pero si daddy talaga ang ingay!"
Kumalas sila sa yakap at ngayo'y hinawakan nito ang kamay niya. "Dumiretso ka sana kaagad sa bahay! Alam mo naman, gustong-gusto ka na ulit makita ni mommy!"
Napangiti siyang lalo nang maalala si Mrs. Clarita. Ang asawa ni Governor Buendivas at ina ni Marcus. Malapit siya sa nasabing ginang at sa pagkakaalala niya'y halos anak na rin siya nu'n kung ituring tuwing pumupunta siya sa bahay nina Marcus noon para gumala.
"I missed tita Clarita too!"
"Kaya nga! Tayo na at excited na siyang makita ka ulit pagkatapos ng ilang taon."
Tumango siya't binalingan ang mga trabahante para magpaalam. "Manong Kador, maraming salamat po sa pagsama sa akin dito sa hacienda."
Mabait na tumango ang huli. "Walang anuman ho, maam Cristina."
"Mauuna na ho kami ni Marcus."
"Sige. Mag-iingat kayo."
Binalingan naman ni Cristina ang mga babae. "Una na kami."
"Bye, maam! Ingat po kayo!"
At ang pinakahuli sa lahat, si Miguel. "Mauuna na kami."
Tumango ang binata. "Sige, ingat."
Humirit pati ang makulit na binatilyong katabi nito na tantiya niya'y kapatid nito dahil medyo hawig nito. "Balik po ulit kayo rito, maam ha?"
"Oo naman."
Nagsimula na silang maglakad ni Marcus papalayo sa tubuhan ngunit ramdam pa rin ni Cristina ang mga matang nakasunod sa kanyang likuran kaya nang muli siyang lumingon doon ay tama nga siya ng hinala, nakatitig sa kanyang gawi si Miguel. Nginitian na lamang ulit niya ang binata saka kinawayan ito. Magiliw ding kumaway ito.
"Let's go." sabad naman ni Marcus saka inakbayan siya nang mapansin ang paglingon niya sa likuran saka madali nang dinala siya palayo roon.