"AYAN, maayos na yung Wrangler mo."
Napangiti si Cristina nang pagkatapos ng halos isang oras ay naayos muli ni Miguel ang mga nakumpuning sira ng sasakyan nilang Wrangler.
Isang linggo kasi ang nakalipas magmula nang mamasyal siya kina Marcus at Loreen ay dito naman s'ya ngayon napunta kina Miguel dahil panay ang palitan nila ng texts kung kailan ulit sila magkikitang dalawa para maayos na ng binata ang sasakyang may sira at matagal nang nakabakante sa rancho na hindi na nagagamit pa.
"Maraming salamat, Miguel ha? Magagamit na ulit 'to ng mga tauhan para sa delivery ng mga order ng mga kliyente sa mga produkto sa hacienda."
Tumango at ngumiti si Miguel. "Walang anuman."
"Miguel anak saka maam Cristina, hali na muna kayo sa loob para kumain." mabait namang pag-aanyaya bigla ng ina ng binata sa kanila sa pagkain.
Narito sila sa mismong bahay nina Miguel at halos naabutan na rin sila ng tanghalian bago natapos ng binata ang pag-aayos kaya nararamdaman na rin ni Cristina ang gutom.
"Pasensya na ho kayo at 'yan lang yung nakaya namin, maam Cristina ha?" anang ina ni Miguel nang nasa hapagkainan na sila at inihain na nito ang kanin kasabay ng piniritong itlog at isda na ulam.
Agaran siyang umiling. "Naku, ayos lang po, auntie! Ako pa nga yung dapat mahiya kasi nag-abala pa po kayo."
"Ano ka ba! Hindi ka ho nakakaabala, maam! Masaya nga ho akong nandito kayo at nakikita kong masaya rin ang anak kong si Miguel." sinulyapan nito ang anak.
"Oo nga, maam Cristina! Masaya si kuya Migs kasi pumunta ka rito sa bahay!" dugtong pa ng kapatid ng binata. Iyon yung mukhang high schooler na kasama rin noon ni Miguel sa tubuhan na nagha-harvest.
"Tumahimik ka, Kiko!" tawa ni Miguel saka mahinang sinuntok ang nakababatang kapatid.
"Eh, totoo naman, kuya Miguel! Kung makangiti ka nga kanina pagkakita palang kay maam Cristina eh, parang ganito oh!" in-execute pa talaga ng makulit na si Kiko ang maligaya umanong ngiti kanina ni Miguel nang pagkarating palang ni Cristina.
Natawa nalang siya sa asaran ng magkapatid kaya pati si Miguel ay tatawa-tawa na rin lang habang umiiling.
"Sige na. Tama na muna 'yang asaran at kumain na tayo!" marahang saway naman sa dalawa ng ina ng magkapatid.
"Opo, nay!" nag-chorus pa ang dalawang lalaki.
Napapangiti si Cristina habang kumakain. It really feels great to be in this house. Kahit simpleng bahay, gawa sa nipa at maliit lang, kahit wala masyadong masasarap na pagkain pero at least, masasaya yung mga taong nakatira unlike their big, luxury house. Oo nga't malaki ang mansyon, maraming masasarap na pagkain pero hindi pa rin talaga niya maiwasang makaramdam ng kakulangan minsan dahil dalawa lang sila ng daddy niya ang magkasalo. Walang ina o mga kapatid na makakakulitan. Oo nga't no'ng nabubuhay pa ang ina niya no'ng bata pa s'ya ay masaya rin sa hapagkainan ngunit nang pumanaw iyon ay naging dalawa nalang sila ng daddy niya at hindi niya maiwasang malungkot talaga minsan.
Dito sa bahay nina Miguel, pakiramdam niya'y nakakita siya ng pangalawang pamilya. Ina sa katauhan ng inay ng binata at kapatid sa katauhan ni Kiko. She loves this feeling and she even wants to treasure this forever.
Kinagabihan nang araw na iyon ay nakakwentuhan ni Cristina ang pinsang kasalukuyang nakalagi sa Maynila kasama ng asawang si Marjorie. Tumawag kasi sa kanya si Lucas thru Skype.
"Finally, you got home, cous!" masiglang bungad ng pinsan sa kanya pagkasagot pa lamang niya sa tawag. Kumakaway pa ito sa screen.
"Yeah! Last week pa nga eh!" tawa naman n'ya habang kumakaway rin.
Mayamaya pa'y nakasunod na rin si Marjorie dala-dala ang anak. Umupo ito sa kama katabi ng asawa.
Natutuwa at magiliw siyang kumaway nang sa unang pagkakataon ay makakausap niya ang babae. "Hi, Marj!"
Ngumiti si Marjorie saka kumaway rin sa kanya. "Hi, Tina!"
"Yan na ba si baby Cassie?"
Tumango si Marj. "Say hi to tita Tina, baby." magiliw pang kinaway nito ang maliit na kamay ng baby sa camera.
"Ang cute!" hindi niya mapigilang manggigil. Ang cute ng bata! Naku, kung nahahawakan lang niya 'yan sa ngayon, naku talaga!
"Saka mo na panggigilan 'tong anak ko, cous, kapag nakabalik na ulit kami diyan sa Mindanao." biro ni Lucas. "By the way, kumusta nga pala?"
"Still doing fine. Eh kayo, kumusta? Kumusta naman ang buhay may asawa?"
Nagkatinginan ang dalawa tapos ay matamis na nginitian ni Lucas si Marjorie. "Great." magiliw pang sagot ng pinsan niyang inlove talaga!
"Ha!" natawa siya. Para kasing timang si Lucas! "Inlove ang loko!"
Tumawa lang din ang mag-asawa. Hindi na kailangan pang sabihin ng dalawa, sa mga mata palang at titig sa isa't-isa halatang-halata nang nagmamahalan ang mga ito ng sobra.
Hindi naman niya mapigilang pagmasdan si Marjorie. Hindi talaga s'ya nagkamali, mataas nga ang standard ng pinsan niya pagdating sa babae. Kahit kasi sa Skype lang at hindi sa personal ay halatang-halata pa rin ang natatanging kagandahan ni Marjorie lalo pa ng morena nitong kulay. Mukha ring hindi ito basta-bastang babae sa tindig at aura palang pero mabait.
Akala nga niya noon si Loreen ang makakatuluyan ni Lucas dahil malapit ang dalawa sa isa't-isa magmula pa ng mga bata pa sila saka gusto rin ng mga magulang ng mga ito na magkatuluyan ang mga ito. Ngunit sadyang hindi itinadhana ang dalawa. Anyways, Marjorie isn't bad at all.
"Your wife is really beautiful!" ngisi niya kay Lucas.
"Naman. You know my taste, cous!" ngisi rin ni Lucas sa kanya sabay akbay sa asawa.
Namula naman si Marjorie at hindi nakasagot.
"Uy, sorry nga pala ha? kasi hindi ako naka-attend ng wedding ninyo last year, alam n'yo na, graduating ako no'n kaya masyadong busy sa mga requirements." pag-iiba na niya.
"It's okay, Tina. Naiintindihan namin. 'Di ba, baby?" malambing na tiningnan ni Lucas ang asawa.
Ngumiti sa kanya si Marjorie saka tumango. "Yeah."
Nilaro-laro ng dalawa ang anak. Ibinigay ni Marjorie ang bata kay Lucas tapos tinika-tika habang nagtatawanan. Ang inosenteng si baby Cassie nama'y tumatawa rin habang nagtu-twinkle-twinkle ang mga mata.
Naaaliw si Cristina habang pinanunuod ang pinsan niyang masaya sa pamilya nito. Napapaisip tuloy siya. Siya kaya? Kailan kaya niya makikita ang taong mamahalin niya at mamahalin din s'ya? Kailan kaya siya magkakaroon ng sarili rin niyang masaya at malusog na pamilya?
Sa gitna ng pag-iisip ay biglang tumunog ang iPhone n'ya. Nang silipin ay nakitang si Miguel ang tumatawag. Lumundag bigla ang puso niya sa tuwa at excitement. Ano kayang itinawag ng binata?
"Ah, may tumatawag, Luc, Marj. Bye na muna sa inyo." kumaway na siya para magpaalam sa mag-asawa sa Skype.
"Sige, sige, cous. Bye, take care. Miss you." tumango-tango si Lucas.
"Miss you too. Bye, take care din. Marj? See you soon. Kayo ni baby Cassie."
Ngumiti at tumango si Marjorie. "Bye, see you soon."
Hindi pa tuluyang natatapos yung Skype ay dinukwang na ni Cristina ang iPhone niya't sinagot ang tawag ni Miguel.
"Hello? Migs?"
"Hello, Tin." masiglang bati ng nasa kabilang linya.
"Napatawag ka?" hindi niya alam pero napapangiti talaga siya.
Tinapos na ni Lucas ang Skype kaya isinarado na rin niya ang kanyang Macbook saka nahiga na sa kama niya.
"Gusto ko lang itanong kung kumain ka na. Anong ginagawa mo? Patulog ka na ba?"
"Ha? Ah, oo, Migs. Eto, kaka-Skype lang sa pinsan ko. Oo, patulog na ako pero mayamaya pa siguro, hindi pa naman ako inaantok eh. Ikaw?"
"Gano'n din. Nakahiga na 'ko ngayon pero hindi pa rin ako makatulog kaya tumawag ako. Okay lang ba? Hindi ba ako nakakaabala sayo?"
"Ha? Naku, hindi! Hindi naman, Migs. Okay lang. Mabuti nga't tumawag ka para hindi ako ma-bored bago ako makatulog ng tuluyan."
Napahaba pa ang tawagan nila dahil kung anu-ano yung mga pinag-usapan. Mayroong magkukwento si Miguel, mayroon din siyang mga kwento tapos mayamaya sabay na magtatawanan. Napasarap talaga ang kwentuhan.
"Since when ka nga pala natutong mag-drive ng motor?" tanong n'ya kalaunan nang maalalang naka-motor noon si Miguel nang naabutan siya sa daan at inayos nito ang kotse niya.
"Bata pa 'ko no'n, tinuruan ako ni tatay."
Napatango s'ya kahit hindi naman s'ya nakikita ng kausap. She found it cool kasi, yung guys na nagmo-motor.
"Bakit mo nga pala natanong?"
"Wala lang. Ang cool kasi."
"Talaga? Gusto mo turuan kita?"
"Tuturuan mo 'ko?" na-excite siyang bigla. "Sige, sige! Gusto ko 'yan!"
"Pero bago 'yon, dapat marunong ka munang mag-bike. Ang tanong, marunong ka nga bang mag-bike?"
Napakagat-labi siya. Walang siyang kapatid na lalaki at ang mga kababata naman niyang sina Marcus at Lucas ay hindi rin naman nagba-bike dati. Bata pa ang dalawa noon ay marunong nang mag-kotse ang mga iyon kaya hindi na na-explore sa pagba-bike. "Hehe, hindi eh."
"Naku, edi marami ka pa palang bigas na dapat kainin bago ka matutong mag-motor!" marahang tawa ni Miguel. "Sige, tuturuan muna kitang magbisekleta bago kita turuang mag-motor."
The thought of learning to bike and eventually, to drive a motor really entices her excitement. "Sige ba!"
Kotse at kabayo sa rancho lang naman kasi yung alam niyang patakbuhin kaya mas maganda kung madadagdan pa yung mga kaya niyang gawin.
"Sabado tayo magsimula. Free ka ba?" ani Miguel.
"Yeah. Saturday, noted."
Dumating nga ang araw ng Sabado at tinuruan si Cristina ni Miguel na magbisekleta sa bakanteng lote ng Hacienda del Martin. Wala namang tao rito bukod sa kanila at wala ring havest sa araw na ito.
"Ibalanse mo yung katawan mo habang dahan-dahang nagpepedal, 'wag magpapabigat."
Sinunod n'ya ang binata habang nagbibigay instructions ito at inaalalayan siya sa pagba-bike.
"Dahan-dahan lang ang pagpe-pedal." patuloy ni Miguel habang mahigpit na hinahawakan yung likod ng saddle at ang isang handlebar.
Nagpedal siya nang nagpedal ngunit hindi talaga maiwasang manginig ang kanyang katawan sa kabang baka ma-out of balance siya't matumba.
"Ayan, may progress ka na. Subukan kong bitawan ha? 'Wag papabigat ng katawan." ani Miguel saka binitawan ang paghawak sa bike.
Pagkabitaw palang nito, kaagad nang nagpagilid-gilid at umambang tutumba ang bike.
"Uy, Migs! Uy!" sunod-sunod niyang sambit nang mukhang matutumba na talaga s'ya.
Kaagad namang tumakbo si Miguel sa kanya para muling hawakan ang bike at iiwas siya mula sa pagkakatumba.
"Sinabing 'wag papabigat. I-relax lang yung katawan pero nagpapabigat talaga." iiling-iling habang nakangiti si Miguel.
"Ang hirap naman kasi eh!" parang batang maktol niya sabay baba sa bike.
"Hindi mahirap. Pinauuna mo lang talaga yung takot mo." ngisi ng binata saka ito naman ang sumampa sa bike.
Pinanuod niya ito sa pagde-demonstrate sa kanya ng tamang pagba-bike. Nagpaikot-ikot ito sa harap at likod niya na para bang napaka-effortless lang talaga para rito ang gawin iyon.
Mayamaya pa'y tumigil ulit ito sa harapan niya. "Halika."
"Ha?"
Bumitaw ito sa isang handlebar para bigyan siya ng espaso tapos itinuro ang crossbar.
"Mamaya ka na ulit mag-practice. Maglibot-libot muna tayo. Sakay na." anito.
Sumunod naman siya't umupo sa crossbar. Nakulong siya sa mga braso nito nang muling ibinalik ang mga kamay sa handlebars. Nag-umpisa itong magpedal nang mahinhin.
"Wag masyado gumalaw ha? Para hindi tayo matumba." masuyong sinabi pa nito.
Tumango siya't pinunuod ang kalakihan ng malinis na bermuda grass ng bakanteng lote ng hacienda. Napangiti pa siya nang malasap ang sariwang simoy ng hangin habang nagpepedal si Miguel.
"Anong pakiramdam? Nag-eenjoy ka ba?" magiliw na tanong ng huli.
Magiliw din siyang napatango. "Sobra!"
Pagkatapos ng araw na 'yon ay sunod-sunod at palagi nang nagkikita sina Cristina at Miguel para turuan s'ya sa pagba-bike. Palagi silang nakatambay sa bakanteng lote ng hacienda at kung hindi naman ay sa bahay ng binata na siya namang ikinatutuwa ng ina nito kapag napaparoon siya kasi sumasaya raw talaga si Miguel kapag lagi siyang napunta roon. Hanggang sa pagdaan ng mga araw at linggo na natuto na siya ng tuluyan sa pagba-bike at nag-uumpisa na ring matuto sa pagmomotor.
Sumibol ang magandang pagkakaibigan sa pagitan ng dalaga't-binata. Inaamin naman ni Cristina, sobrang nag-e-enjoy siyang kasama si Miguel at tini-treasure talaga niya ang friendship na natagpuan niya mula rito. Ngayon lang s'ya nakadama ng ganito, tipong magkakaroon ng kaibigang lalaki na mayroong malaking puwang sa puso niya. Hindi naman sa hindi mahalaga sa kanya ang friendship nila ni Marcus, pati na ng pinsang si Lucas na mula pagkabata ay mga kasama na niya. Sadyang iba lang talaga si Miguel. Ibang-iba. Miguel is a special friend.
Halos araw-araw na rin silang magka-text. Kapag hindi nagkikita dahil may pupuntahan siya ay panay pa rin ang pagte-text nila, kapag naman ito ang nasa trabaho sa pagha-harvest o iba pang sidelines ay nagte-text din ito para magpaalam ng maayos na hindi muna makakapag-text at kapag naman libre na ulit ay tuloy na naman ang pakikipagkwentuhan sa kanya ng kung anu-anong mga bagay basta may mapag-usapan lang lalo pa't kung gabi na tila wala itong gabing palalampasin nang hindi man lang nito naririnig ang tinig niya sa cellphone.
"I had been into two relationships na rin naman dati sa Mexico no'ng college ako pero hindi nagtagal na nakipag-split din ako. Masyado kasing liberated do'n eh. Kahit ilang taon akong nanirahan at nag-aral do'n, I still valued Filipino beliefs and etiquette." kwento ni Cristina nang isang gabi na nagtatawagan sila at natanong bigla ni Miguel kung nagka-boyfriend na raw ba s'ya dati.
"Ibig sabihin, single ka sa ngayon?" parang naging buhay na buhay ang boses nito mula sa kabilang linya.
"Oo... Ikaw ba? Nakailang girlfriends ka na? Sa ngayon, may girlfriend ka?"
"Ako. Sa totoo lang nakailang girlfriends na ako pero hindi rin naman nagtatagal. Wala eh, pinagsasawaan nila ako." natawa bigla ito. "Sa ngayon, wala pa akong girlfriend ulit. Searching pa."
Biglang kumalabog yung puso niya sa sinabi nitong searching ito ngayon. They're both single as of now, so, baka pwedeng... Umiling siya't imbes na mag-isip ng gano'n ay nagbiro na lamang. "Ikaw yung pinagsasawaan? Baka ikaw yung nagsasawa sa kanila! As far as I know maraming babaeng nakaka-crush sayo diyan sa inyo!"
Naging marahan ang tawa nito. "Hindi naman."
Pagkatapos no'n, ilang sandaling naghari ang katahimikan. Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga ni Miguel bago muling nagsalita. "Ngayong wala pang may nagmamay-ari sayo, papayag ka ba sakaling may aaligid at magpaparamdam?" naging seryoso ang tinig nito.
"Ha?" bumibilis na talaga ang t***k ng kanyang puso. Mukhang alam na niya kung saan papunta ito pero ayaw muna niyang mag-assume.
"Unang kita ko palang noon sayo, nagustuhan kaagad kita, Cristina. Lalo pa't no'ng nagkalapit tayo at tuluyang naging magkaibigan. Kung papayag ka sana, gusto kitang ligawan..."
Tuluyang nagwala sa pagtambol ang dibdib niya. Kinikilig siya sa totoo lang pero naroon din ang takot at medyo pagka-disappoint dahil sinasabi nito ang mga ganito sa kanya sa cellphone. Oo nga't lumaki s'ya sa liberated country na hindi big deal ang pakikipagligawan through technology pero hindi rin naman s'ya takaw-ligaw na isang kibot lang ay bibigay kaagad porket gusto rin niya yung tao.
"Hello? Nariyan ka pa ba?"
"Ha? Ah, oo!"
"Tin..."
"Seryoso ka ba?"
"Cristina, naman!" nalungkot bigla ang tinig nito. "Susubok ba ako kung hindi?"
"Pero nililigawan mo 'ko sa tawag... Hindi ko nakikita yung mukha mo, yung mga mata mo habang sinasabi mong gusto mo 'ko... Hindi ko alam..."
"Tin..." putol nito sa kanya sa isang napakasuyong tinig. "Hindi naman ako manliligaw sa tawag lang... Inuumpisahan ko lang kasi gusto kong kapag nagkita na ulit tayo sa personal, alam mo nang may damdamin ako para sayo. Pero maniwala ka sa akin, hindi kita dadaanin sa cellphone lang. Higit do'n ang nararapat para sayo. Susuyuin kita sa personal at ipapadama sayong totoo ang nararamdaman ko."
Tila nabunutan s'ya ng tinik sa lalamunan. Parang gusto na tuloy niyang magtatatalon sa tuwa! Miguel likes her and he's obviously serious about it!
"Sa makalawa, wala ka bang gagawin? Magkita tayo..." nasa tono ng binata ang determinasyon.
"Si-sige..." nauutal pa siya.
"Papatunayan ko sayong totoong gusto kita at seryoso ako sa nararamdaman ko para sayo, na determinado talaga ako para sa pag-ibig mo..."