WALANG GINAWA buong araw na iyon si Cristina kundi ang manatili sa piling ni Miguel. Nalulungkot siya, sobra. She's now torn between her love for her father and for Miguel. Ang binata nama'y wala ring ibang ginawa kundi ang daluhan siya't pagaanin ang kanyang loob. Hindi siya iniwan. "Gabi na, Tin. Iuuwi na kita sa inyo." anito pa nang lumalalim na ang gabi. Buong araw silang magkasama rito sa bahay nito at hindi ito humiwalay man lang sa tabi niya ng kahit saglit. "Parang ayoko nang umuwi. Pwede bang dito nalang ako manatili? Habang buhay..." matamlay niyang sagot habang malayo ang tingin. "Tin..." marahang saway nito sa kanya. "Gusto ko rin niyan pero alam naman nating hindi pa pwede, baka nag-aalala na ang daddy mo sayo at hinahanap ka na sa inyo." Naisip niyang tama ito. Hindi ng