"HAPPY BIRTHDAY, Mr. Del Martin." Sunod-sunod ang bati ng mga dumarating na bisita sa daddy ni Cristina. Limang araw makalipas ng gabing may nangyari sa kanila ng nobyo, ngayon ay kaarawan na ng ama niya. May malaki at magarbong handaan sa kanilang mansyon. Mga malalaki at maiimpluwensya ring mga tao sa mundo ng business ang mga dumarating. "Thank you!" panay naman ang kamay at ngiti ni Don Sancho sa mga big-time na bisita. "Uy, Tin!" Napalingon si Cristina sa pangangalabit sa kanya ng kaibigang si Loreen. Tinuro nito ang mga dumating pang mga kilalang bisita. "Here are the De Veras." parang manghang-mangha pa nitong sinabi habang magiliw na pinanunuod ang pagpasok ng mga De Vera sa entrada. Ang mga De Vera ng kanilang henerasyon. Nasa unahan ang mga glamorosa at mga sosyal na mga bab