CHAPTER 5

3581 Words
SUMUNOD-sunod ang mga araw na panay ang pagkikita nina Cristina at Miguel. Madalas, pumupunta ang dalaga sa bahay ng huli na may mga dalang kung anu-anong mga pagkain o prutas na nagpapasaya naman sa kapatid nito na siyang laging nakakaubos ng mga iyon ngunit si Miguel ay todo ang saway sa kanya na hindi na raw dapat s'ya nag-aabala pa. Dapat nga raw ay ito ang may ibinibigay na kung ano sa kanya at hindi s'ya rito at sa pamilya nito. "Okay lang! Wala naman akong ginagawang masama 'di ba? Masaya naman ako sa ginagawa ko't napapasaya ko ang kapatid at ina mo." katwiran pa ni Cristina isang beses nang walang tigil na pinagsasabihan s'ya ni Miguel na 'wag nang mag-abala pa sa pagdala ng kung anu-anong pasalubong. "Oo nga pero ako ang lalaki rito, Tintin! Ako dapat yung gumagawa ng ganito para sayo at hindi ikaw." sagot naman nito. "Pero masaya naman ako sa ginagawa ko eh." umiwas siya't nagkunwaring malungkot. "Bakit? Ayaw mo bang nakikitang masaya ako?" Maagap na umiling si Miguel at hinawakan ang kamay n'ya upang suyuin siya. "Hindi naman sa gano'n, Tintin-" "Then let me do whatever makes me happy! Kung yung simpleng pagdadala ko ng mga pagkain at prutas sa mama at kapatid mo ang nakakapagpasaya sa akin, just let me. Wala naman akong hinihinging kahit na anong kapalit. Makita ko lang na masaya yung pamilya mo, masaya na rin ako kasi sa puso ko, pamilya ko na rin sila." malambing n'yang saad. Sa kanyang sinabi ay napangiti niya ito at unti-unting napatango. "Kung 'yan ang nais mo, kamahalan. Sige hahayaan na po kita. Salamat nga pala sa kabaitan mo sa akin at sa pamilya ko." Napangiti na rin siya't isinandal ang ulo sa balikat nito. Totoo naman talagang kasiyahan n'ya ang makitang sumasaya ang ina at kapatid ni Miguel sa mga simpleng gawi niya dahil pamilya na rin ang turing n'ya sa mga mahal sa buhay ng binata. By the way, she really feels great leaning on Miguel's shoulder. Minsan nama'y sa bakanteng lote sa hacienda sila nagkikita para mag-date. Tinuturuan pa rin s'ya ni Miguel sa pagmo-motor at kadalasan ay panay ang joyride nilang dalawa. Maglilibot sa kalawakan ng bakanteng lote sakay ng motor nito habang siya'y nakaangkas sa likod at mahigpit ang yakap sa baywang nito. "Miguel, salamat ha?" aniya nang magpahinga sila sa bermuda grass habang nakasandal ang kanyang ulo sa balikat nito. Nilingon siya nito. "Para saan?" "Sa pagpapasaya sa akin. Sa lahat ng mga ginagawa nating ito na talagang nakakapagpasaya sa akin." Ngumiti ito at ibinalik ang mga mata sa malawak at berdeng kabukiran mula sa 'di kalayuan. Ang magandang view. "Mas salamat sayo kasi mas napapasaya mo ako. Sa pagsama mo sa akin, sa pagiging sobrang mabait mo, at higit sa lahat..." muli ay tiningnan siya nito. "sa pagbibigay ng pagkakataon sa akin para ligawan ka." Tumamis bigla ang ngiti niya sa huling pahayag nito tapos ay nagkatitigan silang dalawa. "Pero mas masaya siguro kapag sinagot mo na ako?" ang ganda ng ngiti na patuloy nito. Ngumisi siya't nag-iwas ng tingin. "Sooner..." Nagulat naman ito at pinanlakihan ng mga mata. "Sooner? Ibig sabihin, malapit na?" "Hmm..." she nodded, teasing him. Para bang na-excite naman ito bigla at inilapit pa ang mukha sa kanya. "Talaga? Kailan kaya 'yon?" Pigil ang tawang tiningnan niya ulit ito. "Secret!" she continued teasing him. Hindi kalaunan, dumating din ang araw ng secret na iyon. Maaga pa't naghandang pumunta si Cristina sa bahay nina Miguel nang walang anumang pasabi upang i-surpresa ito ngunit hindi niya lubos akalaing siya itong masusurpresa sa maabutan niya. Si Miguel na nakikipagbasaan ng tubig at habulan sa isang babae. Nagtatawanan pa ang dalawa sa may igiban at nagbabasaan ng tubig gamit ng kanya-kanyang tabo kaya kapwa na basa ang damit ng mga ito. "Miguel!" she called him. Nagulat naman ito at agarang umayos. "Tintin!" Inis na tiningnan n'ya ito pati na ang babaeng kasama nito. The girl looks like a typical probinsyana, hindi lang n'ya matandaan kung isa ito sa mga nakita niyang kasama nina Miguel noon na nagha-harvest sa tubuhan. Whatever! Inirapan n'ya ang dalawa at agarang tinalikuran ang mga ito saka dali-daling naglakad palayo. "Tintin, sandali!" kaagad na habol sa kanya ni Miguel. Napalingon lamang ulit s'ya sa binata nang hinawakan nito ang kanyang braso. "Magpapaliwanag ako." Naiinis siya! Sobrang naiinis siya kaya't 'ni magsalita ay ayaw yata niyang gawin sa ngayon. Imbes na sumagot ay marahas na iwinakli lamang niya ang kamay nito tapos ay naglakad na ulit papalayo. "Tintin!" Hindi na niya nilingon pang muli si Miguel. Pumunta siya sa bakanteng lote at naupo lang sa kadalasang tambayan nila ng huli. Tahimik na nakabusangot habang nakatingin sa mga kabukirin sa harap. Panay pa ang ring ng cellphone n'ya dahil tumatawag si Miguel ngunit hindi n'ya pinapansin. Naiinis siya kaya't wala siyang ganang makipag-usap sa kahit na sino. Nais lamang niyang mapag-isa. Ngunit hindi rin naman nagtagal ang kanyang pag-iisa nang maramdaman ang pagdating ng binata. Maayos na ang itsura nito at nakapagbihis na. Marahang umupo ito sa kanyang tabi. Hindi niya ito nilingon man lang. "Tintin..." malamyos na tawag ni Miguel. She pretended as if she's a deaf. "Tin..." patuloy nito at mas inilapit pa ang mukha sa kanya. Umirap siya't umiwas. "Cristina..." hinawakan nito ang kanyang kamay. Akmang wawakliin n'ya ang pagkakahawak nito sa kanya ngunit hindi nito hinayaang magtagumpay siya. "Tingnan mo ako pakiusap, Cristina." napakasuyo ng tinig nito at maingat na hinawakan siya sa baba upang magsalubong ang kanilang mga mata. Sa wakas, nagkaharap ulit sila. Puno ng pagsuyo ang mga mata nito para sa kanya. "Kung anuman yung nakita mo kanina, wala 'yong malisya." pagpapaliwanag nito. "Kaibigan at kabaryo ko lang si Florence." "Kailangan gano'n kayo ka-close?" puno ng tampo ang tono niya. "Para ko na siyang kapatid." "Wala kang gusto sa kanya?" "Tintin naman! Kung may gusto ako sa kanya, eh ba't pa kita niligawan! Wala akong gusto sa kanya, ikaw ang gusto ko." Gusto na niyang mapangiti sa sinabi nito ngunit pinili muna niyang magpaka-hard to get. "Eh s'ya? Pa'no kung may gusto s'ya sayo? Pa'no kung hindi lang parang kapatid ang turing n'ya sayo?" Marahang umiling ito. "Hindi pwede. Hindi pwede dahil nakalaan na yung puso ko sa isang tao. Sayo, Tin." Hindi na niya napigilan pa ang mapangiti sa kilig. "Talaga?" Napatamis na rin ang ngiti nito. "Oo naman! Halika nga rito." malambing na sabi nito saka ginawaran siya ng napakabanayad na yakap. Gumanti na rin siya ng yakap. Nawala na lahat ng inis niya kanina. "Next time, 'wag na sana maging gano'n ka-close sa mga kabaryo mong mga babae ha? Kasi kahit pa sabihin mong kaibigan mo lang sila at para mo nang mga kapatid, minsan talaga hindi pa rin maiwasang nami-misinterpret nila yung sweetness mo lalo pa't-" "Lalo pa't ang gwapo ko?" mapilyo namang putol nito sa kanya. Natawa siya't napahampas sa dibdib nito. "Ang feeling mo!" aniya kahit na tama naman talaga ito. Natawa rin ito pero hinigpitan pang lalo ang pagyakap sa kanya. Bumuntung-hininga ito at sumeryoso na ulit. "Wag kang mag-alala, kung 'yon yung gusto mo gagawin ko. Hindi na 'ko makikipag-over close sa mga babaeng kabaryo ko para hindi nila ma-misinterpret at para na rin hindi ka na magselos." "Selos? Uy, feeling ka talaga! 'Di ako nagseselos 'no!" Humalakhak ito. "Hindi ka nagseselos? Eh anong tawag mo sa pagsusungit mo matapos lagyan ng malisya ang closeness ko sa ibang babae? Hindi 'yon selos?" nanukso pa ito. Tumingala s'ya para tingnan ito. Nagsalubong ang mga mata nila habang ang ganda ng ngiti nito sa kanya. Ngunit muli lamang siyang napaiwas dahil sa sobrang gwapo talaga nito lalo pa't kung nanunukso. "Hindi!" "Eh anong tawag mo do'n?" "Basta!" wala siyang maisip na palusot. "Okay, boss. Hindi na kung hindi. Ikaw ang masusunod." suko nito. Napangiti ulit siya at muling dinama ang paghilig ng ulo sa matipuno nitong dibdib. Really feels great to be here! "Good." "I love you..." magiliw na sambit nito. "I love you too..." magiliw ding sagot niya. "Ano?" nagulat ito at biglang nanlaki ang mga mata. Tila hindi makapaniwala. Kumawala s'ya sa bisig nito tapos ay tiningala ulit ito. Ngumisi s'ya sa priceless na gulat nitong reaksyon. "Sabi ko, I love you too po!" "Ibig sabihin..." Madali niyang kinuha ang kanina pang daladala niyang box ng doughnut tapos binuksan iyon. Dalawang chololate doughnuts ang tumambad sa mga mata nito. Makulit na ngumiti si Cristina. "Oo, sinasagot na kita." Kaagad namang nakuha nito ang punto niya. Oo ang sagot niya sa panliligaw ni Miguel. "Yeah hey!" nagtatatalon ito sa sobrang tuwa. "Sinagot na 'ko sa wakas ng babaeng mahal ko! Yeah hey, sa wakas girlfriend ko na s'ya! Yeah hey!" Tawa naman siya nang tawa dahil parang baliw ito sa sobrang tuwa. "Uy, tama na 'yan! Mamaya mapagkamalan ka pang baliw kung may makarinig sayo! Haha." "Baliw na kung baliw dahil baliw naman talaga ako sayo!" Pakiramdan niya'y nagliparan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan sa kilig. "Ang corny mo na!" humahalakhak niyang isinubo ang isang doughnut sa bibig nito. Nagniningning ang mga matang nginuya nito iyon tapos ay gumanti rin ito. Isinubo rin ang isang doughnut sa kanyang bibig. Pareho tuloy silang tawang-tawa habang ngumunguya. Pagkatapos malunok ang mga doughnut, kaagad siyang hinapit ng binata sa baywang palapit sa katawan nito. "Salamat, Tin. Salamat sa pagbibigay ng sobrang saya sa akin lalo pa't ngayong sinagot mo na ako." Siya nama'y magiliw na ikinawit ang mga braso sa leeg nito. "Salamat din. Salamat kasi mahal kita at habang minamahal kita, sumasaya ako ng sobra." Idinikit nito ang noo sa kanyang noo. "You're welcome, Tintin!" "Kanina ka pa Tintin nang Tintin sa akin ah!" parang batang puna niya bigla. "Oo. Nacu-cutan kasi akong tawagin ka ng gano'n. Tintin. Masyado kasing sosyal yung Tina kaya Tintin nalang para sa akin." creative namang sagot nito. "Ay grabe s'ya!" halakhak niya. "Pero sige, dahil ikaw palang ang tumawag sa akin niyan at mahal kita, sige, papayagan kitang tawagin mo akong Tintin. I'll take that name as your endearment to me kaya ikaw lang ang may karapatang tawagin ako ng ganyan. Ikaw lang ang pinapayagan ko." Kinikilig ang ngiti nito. "Opo. I love you." "I love you too." Unti-unting ibinaba ng binata ang ulo nito upang abutin sa unang pagkakataon ang kanyang labi. Pareho pa silang napapikit nang sa wakas ay maglapat ang mga labi nila. Banayad at maingat ang unang halik na pinagsaluhan nilang dalawa bilang opisyal na magnobyo. Pagkatapos no'n wala silang ginawa buong araw kundi ay ang magpakasaya sa piling ng isa't-isa. Kung anu-anong mga trip ang ginawa nila tulad na lamang ng kwentuhan tapos mayamaya ay magtatawanan, may harutan din, yakapan, halikan, asaran. Pati joyride sa malawak na bakanteng lote sakay ng motor ni Miguel ay hindi nila pinalampas. Syempre, hindi rin mawawala ang picturan. Halos lahat-lahat na yata ng relationship goals ay nagawa nila sa unang araw palang nilang pagiging mag-on. Papauwi na sila sa bahay nina Miguel nang bigla namang bumuhos ang napakalakas na ulan sa daan kaya nakarating sila nang parehong basang-basa. "Ba't madilim? Nasa'n sina nanay mo?" ani Cristina nang sa wakas ay nakarating sila. Dali-daling ipinarke ng binata ang motor sa maliit na garahe na gawang nipa. "Di ko rin alam." sagot nito tapos dumiretso sa pintuan ng bahay at binuksan iyon. "Buti nalang hindi naka-lock." Pinaandar nito ang ilaw saka niluwangan ang pintuan para sa kanya. "Pasok ka muna, Tin." Pumasok siya't sumunod sa likod nito. Dumiretso sila sa kusina at tiningnan nito kung may mainit pang tubig sa thermos. "Wala nang tubig. Magpapainit saglit ako para makapagkape tayo at para hindi ka lamigin." Tumango siya. Inasikaso nito ang pagdadabok para magpainit ng tubig sa takure. Matapos no'n ay tiningnan nito ang cellphone. "Nagtext si nanay. Nasa palengke pa raw sila kasama ng kapatid ko. Malakas din daw ulan do'n kaya hindi pa sila makauwi, wala pang tricycle na magpapasakay." "Eh pa'no 'yan?" "Susunduin ko sila mamaya kapag humupa na ang ulan o kung mataas yung baha, baka doon na muna sila makikitulog sa bahay ng kaibigan ni nanay na kasamahan n'ya rin sa pagtitindera sa palengke." "Gano'n ba?" Tumango ito. "Itetext ko nalang ulit sila mamaya. Sa ngayon, magpalit ka na muna ng damit at basang-basa ka, baka magkasakit ka pa niyan." "Naku, Migs, kahit hindi na. Wala akong dalang extra-shirt saka magkakape rin naman tayo 'diba? Tapos uuwi rin naman ako kapag humupa na ang ulan." nahihiya niyang sagot. "Hindi, Tin. Ayokong magkasakit ka, mabuti nang maaga pa't maiwasan kaya magpalit ka na." hinawakan siya nito sa kamay upang dalhin sa isang kwarto. Marahil ay kwarto nito. "May mga damit naman akong extra rito kaya nga lang medyo malaki sayo pero pwede na rin naman siguro." anito habang busy sa paghahanap ng damit sa aparador. Nakahanap nga ito. Puting t-shirt iyon saka mahabang shorts. "Pagpasensyahan mo na 'yan." nahihiya pa ito nang iniabot sa kanya ng mga iyon. Napangiti siya nang wala sa oras. "May magagawa pa ba ako?" tinanggap niya ang mga damit. "Namimilit ka po eh!" "Tin, hindi ako namimilit, ayoko lang talagang-" She cut him off. Tumatawa. "I got it. Ayaw mo lang na magkasakit ako kaya naninigurado ka kasi kapag nagkasakit ako, mag-aalala ka ng sobra. Tama?" Sinserong tumango ito. "Tama." "Kaya magpapalit na po ako!" Tumango ito at ngumiti. "Sige, maiwan na muna kita rito. Magpalit ka na tapos sumunod ka kaagad do'n sa kusina at nang makapagkape tayo para mamaya kapag humupa na ang ulan at inihatid kita sa inyo, hindi ka giginawin. Ayos ba?" Ngumiti rin siya. "Ayos! Pero teka? Pa'no ka naman? Basa ka rin oh!" "Wag mo na muna akong intindihin. Magpapalit din ako mamaya pagkatapos mo, ang importante sa ngayon ay ikaw kaya maiwan na muna kita." Lumabas ito at iniwan siya rito sa kwarto upang makapagpalit. Pinunasan muna niya ang ulo ng tuwalya tapos ay ang basa niyang mga braso bago tuluyang hinubad ang damit at pantalon niyang basa saka isinuot ang puting damit ni Miguel. May kalakihan nga ang damit sa kanya, hanggang hita ang haba na kahit yata wala nang suot pang-ibaba ay ayos lang. Basta, bagay naman eh. Any thing that belongs to Miguel fits her. Isusuot na rin sana niya ang shorts nito ngunit naagaw bigla ng isang picture frame sa tabi ang kanyang atensyon. Lumapit s'ya roon sa table at kinuha ang frame para mas matingnan mabuti ang mga nasa litrato. Si Miguel iyon kasama ng lalaking mukhang kaedad ng inay nito. Must be his father... Kamukha ng binata ang lalaking kasama sa litrato. May itsura rin at mukha ring mabait tulad ni Miguel. Napangiti bigla si Cristina. Hindi na nakapagtataka, may pinagmanahan pala talaga ang nobyo niya hindi lang sa ina kundi pati na rin sa ama. "Tintin, mainit na yung tubig-" Natigilan silang pareho sa bigla nalang na pagpasok ni Miguel sa kwarto. Siya dahil sa biglang pagsulpot nito at ito dahil sa ayos niyang walang suot pang-ibaba. Kahit pa sabihing mahaba naman ang damit nito sa kanya pero exposed pa rin masyado ang makikinis at mahahaba niyang mga hita! "Sorry!" kaagad na tumalikod ito. Hindi siya nakapagsalita. Namumula ang kanyang pisngi. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang pagtaas-baba ng balikat ni Miguel dahil sa sunod-sunod na buntong-hininga. "La-lalabas mu-na ako. Sumunod ka nalang kapag tapos ka na sa pagbibihis." nautal pa nitong sinabi bago madaling lumabas ulit ng kwarto. Maging siya rin habang sapo-sapo ang dibdib ay sunod-sunod na pagbuga ng hininga ang ginawa nang lumabas si Miguel. Kinalma muna niya ang sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto at sumunod sa kusina. Siya naman ngayon ang napasinghap ng wala sa oras nang maabutan ang binata na naghuhugas ng mga baso sa lababo habang topless at tanging ang kupas na maong na pantalon ang suot. Kung siya ay sobrang nakakaakit sa mahabang damit ni Miguel na walang pares na shorts, ito nama'y sobrang tikas na walang damit pan-itaas at faded pants lang sa baba. Kahit likod palang nito ay napakatikas na rin, maganda ang postura, lalo na ang flexes ng mga muscles nito sa braso. Imbes na ma-intimidate, pinili ni Cristina na unti-unting lumapit sa likod ni Miguel at yakapin ito. "Tin, tapos ka na pala. Magkape ka na-" magiliw ang ngiting lingon nito sa kanya ngunit kaagad ding natigilan nang makita ang ayos niya. Tarantang tumalikod ulit ito mula sa kanya. "Tintin, naman! Akala ko ba nakapagbihis ka na ng mabuti." Magiliw siyang ngumiti tapos muling niyakap ang likod nito. "Why are you being like this? Don't you find me sexy wearing your t-shirt?" parang bata niyang tanong pero sobrang lambing. Sunod-sunod ang buntong-hininga nito at pagtaas-baba ng balikat. "Sexy lang, Tin? Sexy'ng-sexy syempre! Pero sana nag-shorts ka man lang!" frustrated na sagot nito. "Eh, ikaw nga wala ring damit pang-itaas!" she becomes more seductive this time. "Naiinitan ako at gusto kong magpalamig kaya hinubad ko ang damit ko." "Naiinitan? Eh, ang lakas nga ng ulan oh!" marahang tawa niya. "Eh, kasi Tin-" napasabunot ito sa buhok, tila walang mahanap na irarason. Ngumisi siya't unti-unting iginiya paharap sa kanya si Miguel. Panay pa rin talaga ang buntong-hininga nito at halos hindi siya matingnan sa mga mata. Para bang kanina pa ito pigil na pigil pero gigil na gigil sa isang bagay. "Why can't you look at me in my eyes?" she teased him even more. Sinubukan nitong salubungin ang kanyang mga mata ngunit bumababa talaga ang tingin nito sa kanyang mga hita kaya kaagad din ang iwas nito. She finds that gesture so cute! "Are you intimidated?" sexy'ng tawa niya. "Tin, 'wag kang ganyan pakiusap, Tin!" parang hirap na hirap na pakiusap nito. "What!" mas inasar pang lalo niya ito. She even gave his lips a quick kiss. "Urgh!" parang maiiyak na ito sa pagpipigil. And again, she kissed him. Longer this time but still so sweet and tender. Nagpigil pa rin ito pero napatugon din. "Tin, 'wag kang ganito pakiusap. Mahal kita at gustong-gusto kita, alam mo 'yan kaya baka hindi ako makapagpigil..." "Then don't resist me anymore!" tahasan niyang sinabi. "Tintin, mahal kita kaya ayokong pagsamantalahan-" Sa muli ay pinutol niya ito ng isang masuyong halik. "Sinong nagsabing pagsasamantalahan mo ako? Mahal din kita at nakahanda akong ibigay sayo ang bagay na hindi ko pa naibibigay sa iba." "Pero, Tin-" Ikinumyapit niyang maigi ang mga braso sa batok nito. "No buts." Sa huling pagkakataon ay bumuntong-hininga ito bago tuluyang hinapit ang kanyang bawyang padikit sa katawan nito at siilin siya ng halik. "Mahal kita, Cristina. Mula palang nang una mo akong ngitian, minahal na kita." halos pabulong nitong sinabi sa tenga n'ya. That sent shivers down her spine. "Mahal din kita kaya buong puso kong ipagkakaloob sayo ang bagay na iningatan ko buong buhay ko. My heart and my body." Cristina seriously and honestly answered. Miguel's kisses became aggressive yet still passionate as ever. He started to caress the sensitive parts of her body. Bumababa na rin ang mga halik nito patungo sa leeg at dibdib ni Cristina habang itinataas ang damit niya. Hindi nagtagal ay namalayan na lamang niya na binuhat na pala siya nito papasok sa kwarto at maingat na nilapag sa kama. He positioned himself on top of her. Marahan nitong tinanggal ang mga suot niyang saplot at maging ito rin ay nagtanggal ng pantalon at huling saplot sa katawan. Namula pa si Cristina na parang kamatis nang sa unang beses ay nakita niya ang p*********i ng nobyo. He's so sexy and so huge! She carressed his perfectly-built abs and they looked into each other's eyes with lust but full of love. He leaned down to reach her. Unti-unti siya nitong pinasok at mariing napapikit siya, ramdam ang halos pagkapunit ng bedsheet sa higpit ng pagkakahawak niya. Ramdam na ramdam niya ang hapdi pero titiisin niya dahil handa na niyang ibigay ang lahat kay Miguel. Sigurado na siya kahit na bago palang sila. "Ahh!" hindi na niya napigilang mapaiyak sa sakit. Ang sakit talaga, sobra! Parang may napupunit sa loob niya! Suddenly, he released his manhood from her feminine. Nagdilat naman kaagad ng mga mata si Cristina para tingnan ang binata. Nakita niyang hirap na hirap sa pagpipigil si Miguel. "Don't stop." she pleaded and begged. "Nasasaktan ka. Ayokong masaktan ka." puno ng pag-aalala ang boses nito. Sa sobrang pagiging caring at concern nito sa kanya ay mas lalo lamang nitong napatutunayan na mahal na mahal nga siya nito at habang ipinapakita nito kung gaano siya kahalaga rito ay mas lalo naman siyang nabibihag nito kaya mas naipapakita nitong deserving ito sa bagay na nais niyang ipagkaloob. Persuasive na umiling siya para makumbinsi itong magpatuloy. "Kaya ko. Mas masasaktan ako kung hindi mo itutuloy kaya sige na." "Pero, Tin-" nagpakawala ito ng isang napakalalim na buntong hininga saka hirap na hirap na itinuloy ang naudlot na ginagawa. Naramdaman ulit niya ang sakit ngunit kinaya niya. Nang naipasok na nito ang kabuuan, nag-umpisa na rin itong gumalaw. Mahina at mahinhin sa umpisa ngunit nang maramdaman nilang malapit na nilang marating ang sukdulan ay bumilis din ito. Nawala rin yung sakit kalaunan dahil naramdaman ni Cristina na sumasabay na sa paggalaw ang kanyang mga binti'ng nakapulot sa baywang nito habang naglalabas-masok ito sa kalooban niya. "Ahh!" paulit-ulit niyang ungol. "Tin! Ahh! Mahal na mahal kita, Tin!" "I love you too. Ahhh!" a soft loud moan escaped from her mouth when she finally reached her orgasm. That's how they made love the whole night in a dark simple room with simple bed and a rainy weather outside. Pareho silang pagod at hinihingal sa ginawa kaya inaantok na isiniksik ni Cristina ang ulo sa matipunong dibdib ni Miguel at ito nama'y hinila ang kumot pataas sa hubad nilang mga katawan habang niyayakap siya. "Magpahinga ka na't matulog. Mahal kita." he whispered then kissed her forehead. "Alam mo ba kung bakit walang pag-aalinlangan kong isinuko sayo ang lahat sa akin?" tanong nitong nakapikit na. "Bakit?" "Dahil minsan kong sinabi sa sarili ko na ang unang lalaking pag-aalayan ko ng buong-buong ako ay siyang lalaking huling mamahalin ko. I love you and I wanna be with you forever, Miguel. Kahit sa madaling panahon palang tayong nagkatagpo pero sigurado na ang puso ko sayo, I don't wanna lose you anymore. Ikaw palang ang unang lalaking nagpadama at nakapagpaibig sa akin ng ganito kaya alam kong ikaw. Ikaw lang para sa akin..." Literal na kumalabog ang puso nito sa kanyang pahayag. Magsasalita pa sana ito ngunit nang tingnan siya ay mahimbing na siya sa kanyang pagkakatulog...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD