CHAPTER 4

2161 Words
"SALAMAT po, apong ha?" natutuwang ani Miguel nang matanggap ang dalawang daan na inabot sa kanya ng may ari ng tricycle. May kapitbahay kasi silang mayroong tricycle kaya maaga siyang nagising sa sumunod na araw para pumasada. Sideline lang din para kumita. "Oo, pinaghirapan mo naman 'yan eh." mabait na sagot ng may edad na lalaki. "Sige, una na ho ako ha?" "Oh, s'ya sige. Ingat." Muli siyang umuwi ng bahay para maligo at isuot ang paborito niyang damit na nabili niya sa ukay-ukay no'ng nakaraang buwan lang. 'Yon ang paborito niyang damit sa ngayon at pakiramdam niya'y gwapings talaga s'ya kapag ito ang sinuot niya. Nag-spray s'ya ng mumurahing pabango saka nag-gel ng buhok. Ngiting-ngiti siya habang nasa harapan ng salamin at nakuntento sa ayos at bango. Excited talaga s'ya sa pagkikita nila ngayon ni Cristina. Ng babaeng nagugustuhan niya. Sana nga lang ay gusto rin s'ya ng dalaga, pero malakas naman ang kutob niya, malaki ang pag-asa n'ya sa puso ng itinatangi. "Aba, gwapong-gwapo ang anak ko ha!" magiliw na ngiti ng nanay niya saka sinundan siya sa salamin. "Pwede na po ba, nay?" nag-pogi sign siya sa harap ng ina. "Pwedeng-pwede, syempre!" very supportive naman nitong sagot. Masayang niyakap niya ang ina. "Pero 'nak, tandaan mo ha? Nandito lang si nanay para sayo. Kung saan ka masaya, do'n din ako, at kung si Cristina ang dahilan ng ikasasaya mo. Susuportahan kita, anak. Susuportahan ko kayo." mabait na sinabi pa nito. "Alam ko po, nay, kaya nga po sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo." "O s'ya, s'ya. Magmadali ka na't baka hinihintay ka na niya." "Opo, nay!" Madali siyang sumakay sa luma at karagkarag niyang motor na ipinamana pa ng yumaon niyang ama sa kanya. Pinatakbo niya ang sasakyan at mayamaya ay huminto sa may bandang simbahan kung saan mayroong mga nagbebenta ng mga bulaklak sa gilid. Ang perang kita niya kanina sa pamamasada ay ipinambili niya ng rosas. Sana nga ay magustuhan ni Cristina itong rosas na binili niya para kahit sa ganitong paraan man lang ay mapasaya niya at mapadama niya ang labis na pagkagusto sa dalaga. Ito lang naman kasi talaga ang kaya niyang ibigay, hindi tulad ng ibang mga lalaking halos kayang ibigay ang mundo sa mga babaeng nagugustuhan. Ngunit kahit ganito lang, kahit bulaklak lang, kahit walang anumang mamahaling bagay, eh pinagpaguran naman niya't galing sa puso niya. Nang makarating sa bakanteng lote, pinarada na niya ang sasakyan sa isang tabi at naglakad sa palaging tambayan nila ni Cristina kapag tinuturuan niya ito sa pagba-bike o pagmo-motor. Malayo pa'y tanaw na niya ang dalagang naghihintay sa kanya. Napangiti siyang bigla. Naka-sideview mula sa kanya si Cristina at mukhang hindi pa nito napapansin ang pagdating niya. Kahit kailan talaga ay ang ganda nito! Nakasuot ito ngayon ng yellow na bulaklaking dress na hindi bababa sa tuhod ang haba. Golden brown ang kulay ng straight nitong buhok na bumagay sa malagatas na maputing balat nito. Payat ito at matangkad ngunit mas matangkad pa rin siya. Maganda ang kurba ng katawan. Ang mga mata'y tila kay inosente, may mahahabang pilik-mata at natural na magandang guhit ng kilay. Matangos ang ilong at nakakaakit ang mga labi. Halata ring may lahi itong banyaga. Siguro'y half-Mexican ito o half-Italian. Basta para itong si Thalia ng orihinal na Rosalinda sa ganda. Sabagay, hindi na nakapagtataka iyon. Nakita na rin n'ya minsan sa personal ang ama nitong si Don Sancho del Martin at meztisohin nga talaga iyon. Sinadya niyang maghinay-hinay sa paglalakad para hindi pa rin nito mapansin ang pagdating niya. Nang tuluyang makalapit sa likod nito'y marahang ipiniring niya ang mga kamay sa mga mata nito. Sumilay naman ang magandang ngiti sa labi nito sa ginawa niya tapos ay hinawakan din ang mga kamay niyang nasa mga mata nito. "Miguel?" Sa wakas ay pinakawalan na niya ang mga mata nito. "Hi, Tin." "Hi!" magiliw na sagot nito. "Kanina ka pa ba rito? Napaghintay ba kita?" nag-aalala niyang tanong. Agaran itong umiling. "Hindi, hindi naman, Migs. Ayos lang." "Sigurado ka?" Tumango-tango ito. Nakahinga siya ng maluwag, mabuti naman at hindi niya napaghintay ng matagal ang dalaga. "Ah, para nga pala sayo." inabot niya rito ang rose. "Wow! Salamat!" ang ganda-ganda ng ngiti nito nang tinanggap ang ibinigay niya. "Sana magustuhan mo." medyo nahihiya at namumula pa niyang sinabi. "Oo naman! Ang ganda kaya!" nilaro-laro pa nito ang stem ng rose. "Uhm, yung tungkol sa napag-usapan natin no'ng nakaraang gabi..." umpisa niya. Tiningnan siya nito at umayos ito para makinig ng mabuti sa kanya. Seryoso siyang nagpatuloy. "Totoo 'yon lahat, Tin. Una palang nagustuhan kaagad kita, lalo pa't no'ng nabigyang pagkakataon na maging magkalapit tayong dalawa, hindi ko na napigilang mapamahal sayo..." he means it. He means every word he says right now. The fact that he likes her so much and the fact that he has fallen in love with her so easily na kahit bago palang silang naging magkakilala at magkaibigan. That's crazy; he knows it, pero anong magagawa n'ya? 'Yon talaga yung nararamdaman n'ya, at 'yon ang totoo. "Sabihin mo, ano bang nagustuhan mo sa akin?" marahang tanong nito. Tinitigan niya ang mga mata nitong mas lalong nakakapagpahulog ng damdamin n'ya para rito. "Ang totoo niyan, no'ng unang kita ko palang sayo nagustuhan kaagad kita. Ang bait mo kasi, Tin. Ang hirap mong hindi magustuhan. Kahit mayaman ka't trabahante lang ako sa tubuhan ninyo pero kahit kailan hindi mo pinaramdam sa akin na hadlang ang mga estado natin sa buhay para kausapin mo ako't maging kaibigan mo." 'Yon ang totoo. Nagustuhan niya si Cristina dahil mahirap itong hindi magustuhan lalo pa't napakabait nitong babae na kahit magkalayo ang mga estado nila sa buhay ay hindi nito ginawang dahilan upang kaibiganin siya't makipaglapit sa kanya. 'Yon yung dahilan kung ba't n'ya ito nagustuhan, hindi lang dahil sa maganda ito, mahinhin o sexy, bonus nalang ang mga katangiang iyon. "Ngayong alam mo ang nararamdaman ko para sayo, maglalakas loob na ako... Tin, gusto sana kitang ligawan. Papayagan mo ba ako?" kinabahan siya ngayong magse-step up na s'ya sa kanyang main agendum from a confession. "Hmmm..." makahulugan itong ngumiti saka tumalikod sa kanya. Kinabahan siyang lalo. Pa'no nalang kung sabihin nitong hindi pwede? Pa'no nalang kung may gusto na itong iba? Lumapit s'ya sa likuran nito at 'di sinasadyang nasamyo ng ilong niya ang mukhang mamahaling pabango nito. Napakabango talaga ni Cristina! Pero kinakabahan na talaga siya. "Tin, ano? Papayag ka ba?" "Hmmm..." muli siya nitong hinarap. Ang ganda na ng ngiti nito ngayon sa kanya. Kumalabog ang dibdib niya, bagay na madalas naman talaga niyang nararanasan kapag ito ang kasama niya. Dahan-dahan itong tumango na ibig sabihin ay binibigyan siya ng positibong sagot. Ang saya-saya niya! "Pumapayag ka?" Muling ay tumango ito. Sa sobrang saya ay niyakap niya ito, ng napakahigpit. "Pumapayag ka nga! Pumapayag ka! Ang saya ko, salamat Tin!" Tinawanan naman s'ya nito dahil sa ginawa n'ya ngunit niyakap din s'ya pabalik. "Oo. Pero ang OA mo! Pinapayagan palang kitang manligaw, hindi pa kita sinasagot!" "Kahit na! Masayang-masaya pa rin ako!" Kumalas sila sa yakap at kaagad niyang sinapalad ang mukha nito saka dinampian ng malambot na halik ang noo nito. "Salamat, Tin. Pangako ko, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay mo. Patutunayan ko sayo kung gaano akong totoo sa nararamdaman ko para sayo..." sa muli ay niyakap niya ang dalaga, mas banayad sa pagkakataong ito. "WHAT? Nililigawan ka na ngayon no'ng lalaking tumulong sayo nang nasiraan ka ng kotse?" gulat ngunit masayang naibulalas ng best friend ni Cristina nang ikwento ang panliligaw ni Miguel sa kanya. "Oo." simple ngunit magiliw ang ngiting sagot niya. Dalawang araw makalipas ang opisyal na pagpayag niya kay Miguel na ligawan siya ay kaagad siyang namasyal dito sa bahay ni Loreen para ikwento kung anong ganap. "Wow! I'm so happy for you, Tina!" Loreen kissed her on the cheek. "Pero teka, ba't andali yata? 'Di ba kailan lang kayo nagkakilala?" "Oo nga." tungo niya. "Pero gusto ko yung tao eh. Interesado kami sa isa't-isa." "Okay." nakakaintinding tumango naman si Loreen. "By the way, saang pamilya ba s'ya nanggaling? Anong angkan?" "He's a simple man living a simple life." proud niyang sagot. "What?" sa muli ay nagulat ang kaibigan niya. "You mean, he's not from an elite family?" "Yes. Simple lang s'ya, isa s'ya sa mga trabahante namin sa hacienda." "Trabahante?!" parang hindi makapaniwala si Loreen. "Oo." proud pa rin talagang sagot ni Cristina. Kahit kailan hindi niya ikakahiya si Miguel at wala sa plano niyang ikahiya sa kahit na sino ang lalaking itinatangi. "Sabagay." pagsuko at pagkibit-balikat ni Loreen. "Wala naman talagang pinipili ang love. Walang mahi-mahirap at walang maya-mayaman oras na puso na ang nagdikta." Cristina smiled noddingly. "Exactly." Ngumiti rin ito pagkatapos ay naramdaman na lamang niya bigla ang mabigat na braso sa kanyang balikat. "Hi, pretties! What's up?" cool na tanong ng kadarating lang na si Marcus. Nilingon niya ang kaibigan saka nginisihan. "Girls' talk." "Care to share it with me?" "Eh? Girls' talk nga! No boys allowed!" umirap si Loreen. "Sige na!" paglambing ni Marcus. "Kaibigan n'yo rin naman ako." "Hindi pwede! You're not a girl!" "Edi magpapaka-girl ako. Ano ba kayo, mga sis! Share-share naman kayo! Anong ganap ngayon sa lifelaloo?" biro ni Marcus na umarte pang parang bading. Natawa si Loreen. "Ay?" Maging si Cristina ay tatawa-tawang umiling saka ibinaba ang mabigat na braso ng lalaki mula sa kanyang balikat. "Crazy!" "Fine." marahang tumawa si Marcus saka nagtaas ng dalawang kamay para sumuko. "Suko na 'ko. Di na 'ko mamimilit, girls." "Eto naman! Binibiro ka lang! Syempre, sasabihin din naman namin sayo kasi kaibigan ka rin namin!" ani Loreen. "Naks! Bumawi bigla!" tumakbo si Marcus sa dalaga upang yakapin ito. "Oo na! Oo na!" tawa ulit ni Loreen saka itinulak palayo ang lalaki. "Kasi ang totoo niyan, nagkukwentuhan kami ngayon tungkol sa ganap sa life ni Cristina. Ay sa love life pala niya!" bumungisngis pa ang dalaga. Si Cristina nama'y napapailing nalang sa kakulitan ng dalawang mga kaibigan. "Sa love life ni Tina?" nakangising nakaw-tingin ni Marcus sa kanya. She shrugs and pretends to stay still. "Oo, may nanliligaw na kasi sa kanya ngayon. Naalala mo yung minsan tayong magkasamang tatlo tapos panay text siya sa textmate niya nu'n na tumulong pala sa kanya sa pag-aayos ng kotse n'ya no'ng nasiraan s'ya? 'Yon, ang dating saviour n'ya, manliligaw na n'ya ngayon!" pagdadaldal ni Loreen. Biglang nagbago ang timpla ng mukha ng binata tapos ay binalingan si Cristina. "Totoo ba? Nililigawan ka na ngayon no'ng lalaking 'yon?" Akmang sasagot na s'ya ngunit dumaldal ulit si Loreen. "Naku, oo nga, Marcus! Bingi lang? O baka naman hindi lang makapaniwala? Naku, maganda rin naman ang kaibigan natin kaya hindi rin naman imposibleng may umaligid sa kanya paminsan-minsan 'no!" Parang walang narinig si Marcus kay Loreen bagkus ay nasa kay Cristina pa rin ang buong atensyon. "Sino s'ya? What's his full name?" "Miguel. He's Miguel Pedroso." simpleng sagot niya. "To which influential family does he come from? Anong posisyon sa politika mayroon ang mga magulang n'ya, anong malaking negosyo ang mayroon sila?" "He's a simple man living a simple life daw, Marcus!" sa muli ay ang madaldal na si Loreen ang sumagot. "Anong ibig sabihin ni Loreen?" seryoso pa rin talaga ang aura ng lalaki. "Hindi s'ya nanggaling sa mayamang pamilya, Marcus. He's simple. Isa sa mga trabahante sa hacienda namin but he's kind, he's responsible, he loves his family, and most of all, he's sincere." "What? Trabahante sa hacienda ninyo!" Marcus was so shocked and even disregarded all of the beautiful impressions about her suitor that she stated. "Are you even serious allowing that kind of guy to court you?!" Kumunot ang kanyang noo. Hindi na nagugustuhan ang tono ng kaibigan. "What kind of guy? Poor? Ano naman ngayon? And yes, I'm serious in giving him the chance to hit on me!" Mukha namang naramdaman na ni Loreen ang tensyon sa atmospera kaya tumigil na sa pagdadaldal. Nagsalita ulit si Marcus, mas marahan sa pagkakataong ito. "But, Tina, you can't trust a guy you just met in a short time." "I can trust him. Believe me, Marc, I can trust him. He's sincere and he's trustworthy." marahan na rin siya sa pagkakataong ito. "Pero, Tina, paano mo s'ya ihaharap sa daddy mo? Siguradong hindi ito magugustuhan ni tito Sancho kapag nalaman n'ya ang tungkol dito." "Dad loves me kaya naniniwala akong susuportahan n'ya ako sa kung ano yung magpapasaya sa akin. I have the confident that daddy will not degrade my ability to love a man because I fell in love with the man na hindi namin kapareho ng estado sa buhay." positibo niyang sagot. "Eh yung sasabihin ng mga business partners ng daddy mo? Ano nalang ang sasabihin ng mga tao na ang isang del Martin ay pumatol sa isang mahirap!" "Marcus, I don't care." she smiled and shrugs. "Wala akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao at mas lalong wala akong pakealam kung magkaiba kami ng estado ni Miguel sa buhay, ang importante ay yung nararamdaman namin pareho para sa isa't-isa!" "But-" "Stop it, Marcus. No buts. I will never give up this kind of love dahil lang sa kadahilanang mahirap s'ya at mayaman ako. Makitid ang rason na 'yon para hindi ko gustuhin ang taong nagugustuhan ko." paninindigan niya. Hindi na nakaimik pa si Marcus at siya nama'y tumungo na lamang. Isipin na ng iba ang gusto nilang isipin basta s'ya, walang magbabago sa nararamdaman niya para kay Miguel. Tulad nga ng sinabi ni Loreen kanina, walang mahi-mahirap at walang maya-mayaman pagdating sa pag-ibig, kusang titibok ang puso nang walang taong pinipili...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD