Kabanat 5

1009 Words
NAKAHIGA ang dalaga habang hawak ang ibabang labi at marahan niyang pinipisil-pisil ito. Nahalikan siya ni Samuel, ang first kiss niya ang lalaking ‘yon. Pero infairnes, ang sarap sa pakiramdam ng unang halik at hindi naman siya katulad ng iba na big deal ang gano’n dahil ninakaw ang first kiss niya. Kahit papaano ay okay na rin kasi ang guwapo ni Samuel lalo na ang kaniyang mga mata. Minsan ay napag-usapan nila mag-Tiya ang boarder nila at ani pa ng tiyahin ay may lahi umano si Samuel dahil nga sa kakaibang hitsura nito. Marami naman guwapo sa bayan katulad na lang ni Mayor Jorge subrang lakas ng appeal niya ‘yon nga lang ay normal ang kulay ng mata nito hindi katulad kay Samuel na unang kita pa lang talaga ay mapapahanga ka na. Siguro pogi points na lang kay Samuel dahil sa mata niya at syempre doon pa rin siya sa purong Pilipino—kay Mayor. “Anak, tulog ka na ba?” Napabangon siya nang kumatok sa labas ng pinto si Tiya Delly at agad niyang pinabuksan ito. “Hindi pa po Tiya, nagbabasa lang ako, bakit po?” tanong niya. “Magpapasuyo sana ako sa ‘yo na ilista ang binayad ni Samuel.” Napataas ang kaniyang kilay, paano makakabayad ang mokong na ‘yon e 25 pesos nga lang ang laman ng wallet nito? “Heto ang notebook at ballpen, dalawang buwan lang daw siya rito at binayaran niya na lahat,” dagdag pa ni Tiya Delly nang akmang hindi magtatanong siya. Pati pera ay inabot sa kaniya ng Tiyahin at nakisuyo itong ideposit niya sa bangko bukas. “Sige po,” sagot niya at kinuha iyon sa Tiyahin. “Tsaka pala, babalik ako sa barangay dahil may meeting daw kami.” “Pabalik-balik ho kayo Tiya, baka napapagod na kayo niyan?” pag-aalala niya. Ngumiti naman ang tiyahin sa kaniya. “Pasensya ka na anak, hindi tayo nakakapag-bonding busy talaga kapag ganitong summer lalo na sa darating na Mayo, piyesta sa bayan kaya mas lalo akong magiging busy.” Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at sanay na siya dahil ganito talaga ang Gawain ng kagawad. Mabuti na lang at nakakapasok pa rin ang tiyahin sa parlor kapag hindi masyado maraming ginagawa sa barangay. Pero kahit papaano ay masaya naman si Catalina dahil nakikita niyang masaya rin ang Tiyahin sa ginagawa nito. Si Tiya Delly ay kapatid ng papa niya na namatay noong second year high school siya at hindi na talaga si Tiya nag-asawa lalo na nang maulila siya at inalagaan siya nito kaya malaki ang utang na loob niya sa tiyahin at mahal na mahal niya ito. Umupo siya sa sahig at pinatong ang notebook sa maliit nilang lamesita. Binilang niya ang lilibuhing pera at talagang tumaas ang kilay niya nang sampung libo ‘yon at malutong pa. Napangisi si Catalina at tinanaw ang hagdanan patungo sa kuwarto ni Samuel. Alam niyang galing sa bangko itong pera dahil subrang bago pa pero ang hindi niya maintindihan saan naman kaya nito galing ang—“ Nahinto ang pag-iisip niya nang marinig ang tunog ang tsenelas ni Samuel pababa sa sala at akmang tatayo siya upang bumalik sa kuwarto nang mapagtanto niyang bakit niya ‘yon gagawin eh siya itong may-ari ng bahay. Nagpatuloy siya sa paguhit gamit ang ruler ay sinadya niyang ihulog ang ballpen sa sahig at pinulot niya rin at pasimple niyang nilingon si Samuel na ngayon ay nakatagilid sa kaniya at nagtitimpla na naman ng kape. Minsan talaga naiinis na rin siya sa tiyahin dahil hindi naman ito mahilig magtimpla ng kape pero bumili pa talaga ng thermos para mapaglagyan lang ng mainit na tubig tuloy ang Samuel na ‘to ay walang humpay sa kakape. Napansin niyang umupo si Samuel dahil sa paghila nito sa silya at naghihintay siyang magsalita ito pero tahimik pa rin talaga at naririnig niya lang ang tunog na nangagaling sa cellphone nito. Hindi na siya nakatiis kaya tumayo siya at lumapit kay Samuel at padabog niyang nilapag sa lamesa ang notebook at humarap siya paharap dito. Napangisi siya nang parang hangin lang siya kay Samuel na hindi manlang natinag sa kaniya. “Saan ka kumuha ng pera?” untag niya. “Why did you ask?” tanong pabalik ng binata. Napaiwas ng tingin si Catalina, mabuti na lang at tutok pa rin sa cellphone ito kaya hindi siya masyado napahiya. “Malamang, nasa puder kita at baka kung saan mo nakuha ang perang ‘to at madamay pa kami ng tita ko. Mabuti na at magprangkahan tayo—“ “I'm just here for vacation and next month I'm going back to Manila, if you doubt me, ask your barangay Captain.” Cold na sagot ni Samuel at tatayo sana ito nang mabilis na naabot at hinawakan ni Catalina ang kamay nito na kukunin sana ang tasa. Kunot ang noo siyang tiningnan ni Samuel naghihintay sa sasabihin niya. “Isang tanong na lang, bakit ka english nang english?” pahabol ni Catalina. “What?” naguguluhan si Samuel sa katanungan niya. Babawiin sana ni Samuel ang kamay mula sa dalaga nang mas lalong hinigpitan ni Catalina ang paghawak dito halatang pinipigilan siya. Panay ang tabil ng dalaga at pasimpling pinisil ni Samuel ang isang dalire ni Catalina na nakausli habang sinasalubong niya ito ng tingin. “Yung amo ko kasi ay englishero pero given na ‘yon dahil mayaman sila. Pero ikaw—“ “Halika kayo, pasok kayo, tatawagin ko lang ang pamangkin ko, Catalina?” naputol ang sasabihin pa sana ng dalaga nang marinig ang boses ni Tiya Delly na halatang masaya. “Tita—Mayor?” Kasingbilis nang pagbitaw ng dalaga sa kamay ni Samuel ay siyang galak sa mata ng dalaga at kitang-kita ni Samuel ang pag-ayos ng damit at buhok ng dalaga at binasa pa nito ang sariling labi at basta na lang siya iniwan sa lamesa at halos takbuhin ang sala at agad na sumilay ang matamis nitong ngiti. “Hi po Mayor, good evening po.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD