“Tuloy po kayo Mayor, pasensya na po sa bahay namin medyo makalat.”
Wika ng dalaga at mas nilakihan pa ang pinto upang makapasok pati mga tauhan ng alkalde.
“Wow! Sa amin po ‘yan?” bulalas ni Catalina nang makapasok pa ang dalawang lalaki at pinagtulungan nitong buhatin ang malaking flat screen TV. Hindi naman siya ignorante sa mga ganito dahil doon sa amo niya ay may ganito kalaking TV.
“Yeah, I hope you like it. Oh this is also for you,” wika ng alkalde at inabot sa kaniya ang pumpon ng pulang rosas.
“Subrang ganda po, salamat po Mayor, nag-abala pa ho kayo,” nahihiyang sambit ng dalaga.
“Ofcourse, you’re special.”
Tugon ng lalaki at napangiti naman ang dalaga. Inayos niya ang upuan nilang gawa lang sa rattan pero matibay at maayos naman dahil nakasandal ang lalaki matapos siyang yayain ni Catalina na umupo.
Inayos ng tauhan ang TV at pinalit ito sa mismong sirang TV nila at si Mayor mismo ang nag-open at nagpaliwang kay Catalina nang tamang paggamit.
“Maiwan muna kita Mayor, ipagluluto kita ng masarap at dito na kayo kumain,” masaya rin na saad ni Tiya Delly at nagpasalamat naman ang alkalde.
“Samuel hijo, ikaw anong gusto mong ulam?” tanong ni Tiya nang maabutan si Samuel na nagkakape. Nilapag ni Samuel ang cellphone sa lamesa at tumingin muna sa dalawang pares na masayang nakaupo sa sala.
“I have a date, Tita. Hindi po ako dito kakain.”
Sagot ng binata at napatingin naman sa kaniya ang Ginang. Napapaisip na kung nagkaroon ng kakilala ang binata gayong hindi naman ito lumalabas. “Ay siya, ikaw ang bahala basta kapag nagugutom ka magbukas ka lang sa kaldero at mag-iiwan pa rin ako ng makakain mo.”
Tumango lang si Samuel at muling tiningnan si Catalina na nakaharap pa sa kaniya habang ‘yung lalaki ay nakatalikod sa kaniya. Napangisi ang binata nang mag-aliwalas ang mukha ng dalaga nang abutan ito ng alkalde ng sobre na malamang ay pera ‘yon.
“Pero hindi pa po nagsisimula ang klase ko, parang masyado naman po maaga Mayor,” nahihiyang sambit ni Catalina.
“Hindi naman ‘yan para sa pag-aaral mo.”
“P-po? kung gano’n para saan ‘to?” taka niyang tanong.
“Nabanggit ni Aling Delly na nagtatrabaho ka raw sa coffe shop? gusto sana kitang alukin ng trabaho, tamang-tama at college level ka, marunong kang gumamit ng Microsoft exel?”
“O-opo. Napag-aralan ko na po ‘yan sa computer na subject ko,” tugon ng dalaga.
“That’s great. This job suits for you, don’t worry dodoblehin ko ang pasahod ko sa ‘yo since na estudyante ka kaya alam kong kailangan mo talaga financial. As I said in my speech yesterday, wala kayong babayaran na matrikula sa pagbukas ng klase.”
“Naku, maraming salamat po Mayor, hulog po talaga kayo ng langit.”
“Please, ‘wag mo naman akong tawaging “Mayor” Jorge na lang at remove the “po” you make me feel old, I’m just 26 though.”
“P-pero… parang—“
Napatingin si Catalina sa kamay niyang hinawakan ni Mayor. “You have a beautiful hands,” wika nito at hindi magawang bawiin ng dalaga ang kamay at napatitig siya kay Mayor.
“S-sige, J-jorge,” tugon niya at biglang ngumiti ang lalaki at aaminin ni Catalina na subra siyang kinikilig.
“Ilang taon ka na ulit, Catalina?” tanong muli ng alkalde dahil no’ng nag-usap sila sa barangay hall ay hindi niya nakuha ang edad ng dalaga.
“19 years old,” nahihiya niyang sagot.
Magsasalita sana si Mayor nang makita niya ang binatang si Samuel na naglakad sa tabi nila at pati si Catalina ay napalingon sa binata na diretso lamang ang tingin at kung hindi siya nagkakamali ay madilim ang mukha nito.
“Ah, si Samuel po boarder namin. Aalis rin siya sa susunod na buwan, Samuel magbigay galang ka kay Jorge, siya ang mayor nitong bayan,” utos ni Catalina sa binata pero tila walang narinig si Samuel at dire-diretso lamang na naglakad patungo sa kuwarto nito.
Marami pa silang pinag-usapan at katulad ng sinabi ni Tiya Delly ay doon na rin naghapunan ang alkalde at kaniya-kaniya na rin nang sandok ang limang tauhan na kasama nito at sa gilid-gilid na lang ng bahay pumuwesto habang si Samuel ay hindi bumaba nang kinatok ni Tiya Delly upang sana’y magsabay sa kanila.
Pasado alas nueybe na ng gabi nang magpaalam ang alkalde sa mag-tiyahin at hinatid pa nila ito sa labasan.
Pumasok na rin si Catalina upang gumawa ng resignation letter sa coffe shop at bibili rin siya nang damit pangtrabaho para naman presintable siyang haharap sa alkalde.