Kabanata 4

1067 Words
"Ano ang—"muli siyang napapitlag nang eksaktong nakapasok siya ay binalibag ni Samuel ang cellphone nito kaya umilag siya kahit hindi patungo sa kaniya ang tama kundi sa mismong TV at dahil luma na ito at Panasonic pa kung saan ay panahon pa no’ng matatanda kaya nabasag ang screen. Sa galit ni Catalina kay Samuel ay mabilis niya itong nilapitan at sinampal niya ito. Hindi nakagalaw ang binata. “Ang kapal ng mukha mong mag-alburoto sa pamamahay na ‘to, baka nakakalimutang mong sampid ka lang dito. Ni hindi ka pa nga nagbibigay ng downpayment. Wala ka rin binibigay na share mo sa tubig, kuryente, tas ang lakas lakas mo pang kumain. Maya’t maya ka rin nagkakape tapos may gana ka pang magdabog-dabog?” Panunumbat niya rito dahil hindi tama ang inaasta ng lalaking ito. “And why did you slap me?” tagis ang bagang ni Samuel nang tiningnan siya. Pero hindi siya nagpatinag, bahay niya ‘to at walang puwedeng sumindak-sindak sa kaniya. Kaya naman ay mabilis siyang umakyat sa ikalawang palapag at nakaawang ang pinto ng kuwarto ni Samuel kaya malakas niya itong sinipa at nakapasok siya sa loob. “What the hell are you doing woman?” Hindi siya nagpatinag sa galit na boses ni Samuel at hinalungkat niya ang aparador at winasiwas niya ang mga damit nito hanggang nasundan siya ng binata. Alam niyang may tinatago ang lalaking ito. Baka addict ito, member ng budol gang, o ‘di kaya nakatakas ito sa bilibid kaya nagtatago sa lugar nila. “Hey, stop!” Pagpipigil ng binata pero hindi talaga padadaig ang dalaga hanggang sa nakita niya ang wallet ni Samuel at binuksan niya agad ‘yon. Bente pesos ang laman at singkong duling. Kaya pala wala itong maibigay sa upa dahil walang pera ang kumag. Napangisi ang dalaga dahil unti-unti nang lumalabas ang baho ng magaling na Samuel na ‘to. Maraming nakasiksik sa wallet nito na kung ano-anong papel hanggang sa nakita niya ang nakausling ID sa pangalawang bulsa kaya pilit niyang binubunot ‘yon at nang makuha niya ay mabilis ang kamay ni Samuel na naagaw sa kaniya ang ID. “Don’t touch my personal belongings!” mariin nitong turan sa kaniya. “Bakit dahil may tinatago ka? May binabalak ka? Isusumbong kita sa mga puli—kay Mayor!” pagbabanta niya. Nilagay ni Samuel ang wallet sa bulsa nito sabay na ngumisi sa kaniya. “Isumbong mo, samahan pa kita.” Pakkk Malutong na sinampal ni Catalina si Samuel dahil talagang inuubos nito ang pasensya niya. Umigting na naman ang panga ng binata at sabog ang kilay nitong tiningnan siya. “Do it again and—“ Pakkk hindi na pinatapos ng dalaga ang sasabihin pa nii Samuel at muli niyang sinampal sa kabilang pisnge. “How dare you?!” Hindi makapaniwala ang binata nang muli nga siyang sinampal kaya lumapit siya sa dalaga at tila nagising si Catalina at kitang-kita niya kung paano maningkit ang kulay abo nitong mga mata. Tatakbo sana siya nang mabilis si Samuel at hinarang nito ang braso at tinulak ang dalaga kaya tumama ang ulo niya sa dingding. Mabuti na lang at hindi sementado itong bahay nila kaya hindi gaano kasakit. Hindi nakapagsalita si Catalina at dahan-dahan siyang naglalakad ng patagilid patungo sa pinto ng hindi gumagalaw si Samuel at nakatitig lamang ito sa kaniya na para bang pinag-aaralan ang pagkatao niya. Mabilisan niyang ginalaw ang mata at isang dipa na lang ay makakarating na siya sa pintuan habang si Samuel ay sumusunod sa bawat galaw ng kaniyang mga paa. Hinanda niya ang sarili na makalabas hanggang sa bigla siyang lumapit at bubuksan sana ang pinto nang walang kasingbilis na sinipa iyon ni Samuel at napapitlag siya nang mag lock ‘yon ng kusa. Humarap siya kay Samuel at sisindakin niya sana ito nang naunahan siya ng binata at muli siyang tinulak sa pintuan at biglang lumapit ang binata at hawak siya nito sa baywang. Subrang lapit ng kanilang mga mukha at nalalanghap nila parehas ang hininga at rinig nila ang lakas ng kabog ng kanilang mga dibdib. Kaunting pagkakamali lang ay magdidikit na ang kanilang mga labi. Napalunok si Samuel nang mas lalong matitigan ang maamong mukha ni Catalina at tila hindi na kaya ng dalaga ang tagpong iyon kaya tinulak niya si Samuel subalit mas lalo lang diniin ng binata ang sarili at nagdikit na ang kanilang mga katawan. Naasawian si Catalina dahil ito ang kauna-unahan na dumikit ang kaniyang dibdib sa isang lalaki. Ni minsan kasi ay wala pa siyang nakakayakap na lalaki kaya hindi siya komportable sa lagay niyang iyon. Ngunit napasinghap siya nang maramdaman niyang tumigas ang gitna ni Samuel na tumutusok sa kaniyang puson. “B-bitawan mo ako, u-umalis ka, ano ba!” singhal niya ngunit mas lalong dinadama ni Samuel ang init sa katawan ni Catalina. “I want to kiss you,” sambit ni Samuel at sa gulat ay napanganga si Catalina kaya naman ay mas lalo lang nitong binigyan ng dahilan ang binata at mabilis siyang siniil ng halik. Namilog ang mga mata ng dalaga at hindi malaman ang gagawin. Samantalang si Samuel ay nakapikit ang mga mata at patuloy sa paggalaw ng labi nito sa labi niya. Marahan na parang ninanamnam nito ang labi niya habang naglalakbay ang palad ni Samuel sa kaniyang braso. Hinahaplos-haplos nito iyon at napapapikit-pikit ang dalaga nang maramdaman ang dila ni Samuel sa loob ng bibig niya na hinahagod ng dila nito ang dila niya. Nakakadarang, nakakapang-init na para bang tumitibok ang p********e niya at subrang sarap sa pakiramdam na parang may hinahanap siya, may gusto siyang damhin sa kaniyang gitna. Hanggang sa pumaloob ang kamay ni Samuel sa ilalim ng blusa niya at bago pa nito matumbok ang dibdib niya ay narinig niya ang boses ng tiyahin sa ibaba at naitulak niya agad si Samuel hindi man niya ito naitulak nang malakas ang mahalaga ay nabitawan nito ang labi niya at titig na titig sa kaniya ang binata. Hindi na ito galit at napakaseryoso ng hitsura nito. “Catalina, nakauwi ka na ba? nasaan ka?” Boses muli ni Tiya Delly kaya mabilis niyang pinihit ang seradura at lumabas ng kuwarto. Sa pagmamadali ay hindi na niya naisara ang pinto at bago pa siya makababa ng hagdan ay muli niyang nilingon si Samuel na ngayon ay nakapamulsa na ang dalawang kamay at sinundan siya ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD