KINABUKASAN ay subrang excited ng dalaga magtungo sa Gaizano kasama si Grace dahil nakihiram siya ng cellphone sa tiyahin at tinawagan niya ang kaibigan at magpapasama siya mamili.
Halos limang oras rin sila sa loob ng mall at nilibre niya ang kaibigan manood ng sine, maglilibot at mamili. Dalawang pares pang-ibaba at pang-itaas lang ang nabili niya dahil kailangan niya rin magtipid lalo pa’t hindi naman siya magtatagal sa munisipyo.
Naunang bumaba si Grace dahil malapit lang ang bahay nito at binayaran na lamang ni
Catalina ang pamasahe nito sa traysikel hanggang sa huminto siya sa mismong waiting shed at bigla siyang napalabas nang mabilis nang makita ang guwapong alkalde na naka-shades pa tuloy ay nagsusumigaw ang kagwapohan nito. Mabuti na lang at walang taong napagawi sa kinaroroonan nila dahit tiyak ay magsisimula ang bulung-bulungan sa personal na pagbisita sa kaniya ng alkade.
“Mayo—Jorge, ano ang ginagawa mo rito?” takang tanong niya. Tinanggal ng lalaki ang shades nito at ngumiti na naman sa kaniya.
“I want to invite you for a dinner,” diresto nitong sabi.
“Pero, alas dos ng hapon pa lang,” tugon niya kaya tumawa nang bahagya si Mayor.
“Gusto sana kita ilibot muna, mag-joyride tayo. How about pupunta tayo sa kabilang Isla?”
“Sa Makiling? sige po, pero magpapaalam muna ako kay Tita Delly.”
“Ipinagpaalam na kita kaninang umaga pa. I’ve got permisi—“
“Ayy! Naku, umulan nang malakas. Halika muna Jorge sa bahay nang makasilong.”
Dahil nga sa malakas na ulan ay hindi natuloy ang dalawa sa pamamasyal at dito na lang sila nanood ng sine sa bahay. Natutuwa naman si Tiya Delly at nakikinig lamang ito sa usapan ng dalawa.
“Subra-sobra naman ito, Jorge,” wika ni Catalina nang inabutan siya ng mamahaling cellphone ng lalaki para nag-uusap pa rin sila kahit malayo.
Hindi na rin tumanggi si Catalina dahil pinagpipilitan talaga sa kaniya ng binata iyon. Doon pa rin sila naghapunan hanggang sa nagpaalam na ang alkalde at hindi na ito nahatid dahil sinundo ito ng payong ng tauhan.
Pagharap ni Catalina ay nagulat siya nang nakatayo si Samuel sa harap niya. “Oh, Samuel, tinabi kita ng pagkain kumain ka na,” si Tiya Delly ang unang nagsalita sa kanila. Papasok na sana ang Ginang sa kuwarto nito nang mapansin nito ang isang karton sa gilid at pagtingin niya ay mas malaki pang flat screen na TV. Dinoble yata ang laki kaysa sa TV na binili ni Mayor.
“Catalina anak, kanino ‘to?” kunot noong tanong ni Tiya Delly.
“Binili ko po ‘yan kanina,” sagot ni Samuel at sabay silang mag-tiyahin napatingin sa binata.
“Huh? eh, bakit?” naguguluhan na tanong ng Ginang.
“Nasira ko po ang TV n’yo, hindi ko po sinasadya,” tugon ni Samuel.
Ngumiti si Tiya Delly. “Okay lang ‘yon hijo, medyo may katagalan na talaga ‘yon kaya marupok na. Pero hindi ka na sana nag-abala kasi may TV na rin tayo. Gumastos ka pa tuloy,” mahinahon na saad ng Ginang.
“Tatanggalin ko po ang TV na ‘yan at ipapalit ko ito. Besides, ako ang nakasira kaya dapat lang po na ang TV ko ang ilagay diyan at hindi sa lalaking ‘yon!” turan pa ni Samuel at medyo kinakabahan na si Tiya Delly sa pananalita ng binata dahil tila may laman ang sinasabi nito.
“Hay naku, saan naman kaya niya galing ang pinangbili diyan!” dismaydong saad ni Catalina at muling bumalik sa upuan at kinalikot ang cellphone.
“Where did you get that phone?” tanong ni Samuel nang makita na pilit binubuksan ni Catalina ang takip nito. Nagpaalam si Tiya Delly sa dalawa na magpapahinga na kaya naiwan silang dalawa sa sala.
“Kay Mayor, ang guwapo niya ‘no?” sagot ni Catalina kaya umigting ang panga ng binata.
“Binigyan ka lang ng material na bagay hangang-hanga ka na sa kaniya, ni hindi mo nga lubos na kilala ang gagong ‘yon tas—“
“At bakit, ikaw ba kilala ko? ni hindi ka nga namin kilala ng tita ko pero pinatira ka rin namin dito. Kung makapagsalita ka diyan! Kilala mo ba ang sinasabi mong gago? Well, ang “gagong” ‘yon lang naman ang nagbigay pag-asa sa akin, sa amin na mag-aaral. Sa bayan na ito. Binigyan nga niya ako ng advance salary para pagpasok ko bukas sa munisipyo niya. Alam mo ba kung magkano ang ibinigay? alam mo ba kung magkano ang sahod ng isang Mayor? para sa kaalaman mo, lagpas 100 thousand pesos. Ikaw ba may gano’n monthly? ni upa nga hindi ka makabayad kung hindi ko pa kinalkal ang gamit mo, eh! yabang mo, wala ka naman sinabi kay Mayor, diyan ka na nga!”
Pagtataray ni Catalina at tumalikod pero bago pa ito makapasok sa kuwarto ay mabilis siyang nahablot sa kamay ni Samuel at subrang bilis nang pangyayari at natagpuan na lang ng dalaga na nakahiga na siya sa sofa habang nakaibabaw sa kaniya si Samuel. Gulat na gulat si Catalina at kahit nahulog ang maliit na unan sa sahig ay hindi niya ito napansin.
“Do you really wanna know who I am?”
Napalunok si Catalina nang sunod-sunod nang subrang lapit ng mukha ni Samuel at ang boses nito ay para siyang inaakit, parang—hindi niya maintindihan. Hindi naman ito galit, hindi rin masaya.
“C-catalina… you have a very unique name, and you’re so beautiful,” sambit muli ni Samuel sa pinakamahinahon na tinig.
“S-samuel, umalis ka sa akin baka makita tayo ni Tiya!” pagbabanta niya pero hindi alintana ng binata ang sinabi niya. Hindi rin siya makabangon dahil subrang bigat ni Samuel at talagang naiipit na siya.
“H-hindi ako makahinga, ano ba!” reklamo niya pero hindi pa rin umaalis si Samuel at hinawi lang nito ang ibang hibla ng buhok niya.
“Loot at me, Catalina,” sambit pa ni Samuel at napatingin naman ang dalaga sa kaniya at biglang nanlumbay ang tuhod ng dalaga nang namumungay ang mga asul nitong mata.
“I want you to avoid that Mayor, back out of his offer, and—“
“At bakit ko gagawin ‘yon, aber?” pagsusuplada niya at pilit na tinatago ang kakaibang nararamdaman sa pagtataray.
“Because I said so.”
Halos pabulong lang na turan ng binata at mas lalo pa niyang inilapit ang mukha sa dalaga kaya biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya.
“Sam—hhmmp,” bigla siyang siniil ng halik ni Samuel at hindi siya nakapalag nang hawak rin ng binata ang dalawa niyang kamay.
Marahan, puno nang pagsuyo ang paraan ng halik ng binata at muling nakakaramdam ng kakaibang bagay sa kaniyang gitna ang dalaga. Naakaawang lang ang kaniyang labi nang pinasok ni Samuel ang dila sa loob ng bibig niya. Pipikit na sana siya nang bitiwan siya ni Samuel at nang magtama ang kanilang mga tingin ay may kakaiba sa binata. Nag-aagaw ang mapungay at pagnanasa nito na para bagang hinihigop siya ng asul nitong mga mata.
“Kiss me back, baby.”