♥Riane♥ "Bakssssssssssssss!" "Baklaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Naalis ang paningin ni Riane sa screen ng laptop niya ng marinig ang matinis na boses na hindi niya na kailangan pang isipin kung sino. Rather, kung sino sila. Ilang saglit lang ay bumukas ang kwarto niya at dinumog siya ng tatlong babae at isang nagpi-feeling na babae. "Bakla na-miss ka namin. Ikaw naman kasi masyado kang dedicated diyan sa trabaho mo at ni hindi ka man lang sumama sa trip namin." sunod-sunod na saad ni Jessica, tinutukoy nito ang trip ng mga ito papuntang Puerto Galera na tumagal ng tatlong araw. Jessica--- ang pinakamatanda sa grupo namin pero pinakabata naman mag-isip. Si Dora the explorer ng team squad. Hilig nitong gumala, hindi siya mabubuhay kung nasa bahay lang siya. Isa siyang Journalist na siya naman