♥♥Riane♥♥ "AYOKO." "Sige na baks saglit lang tayo." "AYOKO." "Ililibre kita." "AYOKO." "Kapag hindi ka sumama pupunta kami sa trabaho mo bukas at huhuntingin namin ang new friend mo." "AY---" "Ayaw mo pa din? Siguro naman may number ka ng bago mong friend noh?" Nanlaki ang mata ni Riane at mabilis niyang hinanap ang cellphone niya pero hawak-hawak na ito ni Jessica. Sa nakita nilang reaksyon niya, mabilis ng mga itong nahinuha na may numero nga siya ni Thunder na ibinigay nito sa kanya bago ito umalis kanina. Mabilis siyang tumayo at pinilit hablutin ang cellphone kay Jessica pero ang mga pasaway niyang kaibigan ay pinagpasa-pasahan ito kaya sumusuko siyang nahiga sa kama at napasabunot sa buhok niya. Mahal niya ang barkada niya pero hindi rin talaga maganda na nakukumpleto sila