♥Riane♥ Walang imik si Riane nang tumabi sa kanya si Thunder matapos nilang makakain ng agahan. Hindi pa rin nito sineryoso ang sinabi niya kanina at balewala pa rin dito ang panaka-nakang pang-aasar sa kanila. Hindi na rin niya tinangka pang linawin sa mga ito ang ugnayan nila ng boss nila. Bahala silang pagtsismisan siya. Mananawa rin ang mga ito. Dalawang oras pa daw ang biyahe bago sila makarating sa resort at sa natitirang durasyon ng biyahe, kasehodang mapanis na ang laway niya hinding-hindi niya kakausapin ang katabi niya. Naiinis pa rin siya rito. Pumikit siya at pinilit na lang makatulog pero hindi niya alam kung nasobrahan na siya sa pagtulog o sadyang hindi lang siya komportable sa presensiya ni Thunder kaya hindi na siya makapasok sa dreamland niya. Kumunot ang noo niya nang