Chapter 11

1045 Words
Chapter 11 Astrid Salves's POV; "Kyaah!ohmy Astrid look ang gaganda ng bulaklak na binigay ni Pres." Tili ni Teressa ng makakita ako ng bulaklak sa table ko at ng makakita kami ng maliit note galing yun kay President. "Yieeh kilig siya ikaw ah wala kang naikukwento." Pang aasar ni Teressa. "Ikaw talaga tumigil ka nga." Natatawang sambit ko ng---. 'Landi.' 'Feeling maganda na siya nan.' "Hayaan mo na sila Astrid if, I know inggit lang sila ikaw kasi nililigawan ni President." Kinikilig na sambit ni Teressa. Habang tinitigan ko yung mga bulaklak naalala ko yung tinanong saakin ni Mr.President kahapon. Akala ko nagbibiro lang siya nung kahapon hindi ko siya nasagot sa kung pwede niya ako ligawan pero ito binigyan niya ako ng bulaklak. 'Pafall ka talaga Callius Acosta.' Simula ng araw na yun lagi na akong nakakatanggap ng chocolate at bulaklak galing sakanya at walang araw na hindi niya ako napasaya at hindi ko siya nakakasama. Yung mga bulungan at mga threat na natatanggap ko dedma na lang nasasanay na kasi ako. "Gusto ka daw makilala nina papa." Ani ko na ng makarating kami sa green house kung saan palagi kaming nakatambay pagkatapos ng klase. "Pwede naman pero siguro pag may time na ako medyo hassle lang kasi schedule ko ngayong week malapit na ang anniversary ng C-Lite." Explain ni Callius na kinangiti ko bago tumango. "Naiintindihan ko sabihin ko na lang kina mama." Sagot ko. Honestly,iniexpect nina mama si Callius this day akala ko papayag siya agad dahil magulang ko yun hindi pala. --- 'Layuan mo si Callius.' Yan ang mga nabasa kong nakadikit sa locker ko ang dami at lahat yun kulay itim na may kulay pulang tinta. "Kasawa." Bulong ko bago tanggalin lahat yun at itapon sa basurahan. Pagbukas ko naman ng locker ko napatakip ako ng ilong ng makakita ako ng tatlong patay na daga sa locker ko. Kung iniisip niyo katulad ng ibang babae mag hihysterical ako nagkakamali kayo ang dami lang nito sa bahay at hindi lang naman ito yung unang beses na may gumawa nito saakin. Matapos ko malinis ang locker ko pinasok ko na dun ang mga books ko at ilang gamit. "Uy sa isang araw na yung anniversary ng university natin aattend ka?" Tanong ni Teressa ng maisara ko yung locker ko kasabay ng pagpasok niya. "Siguro sayang din kasi yung points nun." Sagot ko bago lumapit sa bench ng locker room at icheck ang mga gamit kong nakapatong dun. "Uy anong siguro ... umattend ka siguradong magiging masaya dun." Yaya ni Teressa na kinangiwi ko. Hindi nga ako sigurado kung may susuutin ako sa araw na yun. "Tatanungin ko pa kasi sina mama sige Teressa una na ako." Ani ko bago siya lampasan at lumabas ng locker room. Ayokong pagproblemahin sina mama sa susuutin ko magkano din kasi ang arkila sa mga dress. Pang kain na namin yun sa loob ng tatlong araw. Ilang minuto ko din pinag isipan kung pano ako aattend ng party kung sasabihin ko ba kina mama o hindi hanggang sa makarating ako sa gate kung saan ang labasan at makita ko si manong. "Oy manong." Napatingin si manong at agad napangiti ng makita ako. "Tapos na ang klase mo iha?" Tanong ni manong matapis kong umupo sa mono block na nasa labas ng guard house. "Opo manong kayo po kamusta na? Dinalaw na kayo nung kinukwento niyong estudyante?" Tanong ko kay manong. May idea na ako kung sino ang tinutukoy niya pero gusto ko isurprise si manong at ipakilala yun sakanya once na hindi na hectic schedule ni President. "Hindi pa nga eh mukhang busy talaga ang binatang yun hindi na ako nagawang dalawin." Medyo nalulungkot na sambit ni manong na kinangiti ko. "Malapit na kasi ang anniversary ng C-Lite." Ani ko. "Oo nga pala nakalimutan ko teka ineng sasali ka ba?" Tanong ni Manong na kinakamot ko sa pisngi. "Hindi ko alam manong alam mo naman status ko at isa pa wala akong susuutin." Sagot ko. "Naku ineng sumali ka ... ako nga hindi din dapat pupunta dahil siguradong may mga gwardya namang ipapadala ang mga Acosta para sa gabing yun pero katulad ng dati pinadadalhan ako ng binatang yun ng Invitation at mga susuutin ko. Napakabait na bata alam mo ba pag pumupunta yun sa bahay tuwang tuwa ang asawa ko dahil napakaganang kumain kahit na ano pang ilapag namin sa lamesa. Sa ugali niya hindi mo masasabing galing siya sa mayaman at maimpluwensyang pamilya." Kwento ni manong na kinangiti ko. Pano kaya kung sabihin kong kaibigan ko na siya at nanliligaw saakin. Pero gusto ko siya isorpresa at ipakilala pag right time na. Halos mag iisang oras kaming nagkwentuhan ni manong bago ako magpaalam dahil pagabi na at baka mag alala na sina papa. 'Taya!' 'Mga bata umuwi na kayo gabi na!' 'Pare inuman pa.' Yan ang bumungad saaking mga ingay ng makababa ako ng tricyle. Putik, ingay at masangsang na amoy ... sa ganitong lugar ko ba maisasama si Callius? Habang naglalakad iniisip ko pa din si Callius lalo na yung Anniversary ng C-Lite hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nakauwi na nasa harap na ako ng bahay namin. "Anak!" Napakurap ako ng tuwang tuwa na sinalubong ako nina papa at mama pagbukas ko ng pinto. "Pa bak---." "Anak may pumunta dito na napakagwapong binata tapos dinala yang mga box." "Po?!" Hindi makapaniwalang sambit ko bago lumapit sa maliit namin na lamesa may box dun na mahaba at isang maliit na box. Nang buksan ko yun nagulat ako ng may makita akong gown at heels. "Sino po nagbigay nito?" Tanong ko bago tingnan sina mama at papa. "Yung gwapo ngang binata anak nagulat nga kami kasi tinanong niya kung dito ka nakatira." Ani ni papa. "Nagulat nga kami kasi mukha siyang mayaman, mamahalin kasi yung suot niya." Dagdag ni mama bago ilabas yung gown. "Anak hindi ba yun yung sinasabi mong manliligaw mo? Sabi mo kasi diba magalang,gwapo tapos marespeto." Ani ni papa. Wala naman kasi akong kakilala na tao na pwedeng magbigay ng mga ito saakin bukod sa nagbigay saakin ng scholar. Kung binata yun siguradong si--. "Ano nga pangalan nun?" Tanong ni papa na kinatingin ko. "Ac-Aco---.". "Acosta?" Dagdag ko sa sinasabi ni mama. "Yun nga basta may Acosta yun." 'Callius.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD