Chapter 12

991 Words
Chapter 12 Astrid Salves's POV; Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita kong tuwang tuwa sina papa at mama. Akala ko talaga hindi siya pupunta dito pero bakit hindi niya ako inantay? Ang lalaking yun talaga. "Naikwento mo saamin na may ari ng pinapasukan mo yung mga Acosta diba? Hindi ko akalain na ganun kabait ang manliligaw mo binigyan ka pa ng mga susuutin." Komento ni mama. "Yung tuyo nga na nasa lamesa nung tira kaninang tanghali at sardinas kinain niya sabi ko nga ipagluluto ko siya ng masarap gawa nga ng nakakahiya kahit mangutang na lang pero sabi niya wag na daw okay na daw sakanya yun. Kahit hindi niya alam kung anong klaseng isda at pagkain yun kinain niya." Tuwang tuwa na sambit ni papa. Sa unang pagkakataon nakita ko sina papa na ganito katuwa sa iisang tao. Mukhang hindi na ako mahihirapan ipakilala si Callius sakanila. Matapos namin mag gabihan pumunta na ako sa maliit kong kwarto at nilagay dun ang mga binigay ni Callius. Natutuwang pinagmasdan ko yun bago kuhanin ang keypad ko na cp ko sa cabinet at kinuha yung notebook ko kung saan ko inipit yung binigay ba number ni Callius "Itetext ko?" Ani ko na kinakamot ko sa ulo. Wala nga pala akong load. 'Ah tama! Manghihiram na lang ako ng load.' Nakangiting sambit ko bago humiga. "Busy kaya siya?" Bulong ko ng 15 minutes na ang lumipas ng magtext ako. *beep* Mabilis kong iniangat ang phone ko at binuksan ang message niya. 'You're Welcome.' Dalawang salita napasimangot ako at ibinaba ulit ang phone. Ayoko naman magsimula ng paguusapan namin dahil nakakahiya baka kung anong sabihin niya. Tiningnan ko ulit yung mga box at napangiti ng marealize kong binigyan talaga ako ni Callius. Ibig sabihin siya nga nagbigay nun. Nang hindi pa ako makaramdam ng antok tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kutson at nilapitan ang mga bulaklak na binibigay saakin ni Callius. Araw araw may bulaklak ako at chocolate ... yung bulaklak inuuwi ko at nilalagay sa mga plastic bottle tinatapon din pag nabubulok nanghihinayang nga ako kasi binigay yun ni Callius pero ayos lang dahil may kapalit naman. Yung chocolate naman inuuwi ko din pero binibigay ko sa mga batang naglalaro o binibigay ko kay Teressa pag trip niya yung chocolate hindi naman kasi ako mahilig sa matamis at allergy ako sa peanuts. --- "Hmm." Ungol ko bago bumangon ng makaramdam ako ng init. "Anak bumangon kana tanghali na!" Sigaw ni mama mula sa labas. Kaya pala ang init ng makabangon ako kinuha ko yung phone ko at tiningnan yung oras. 11:45 am. Ayos lang naman malate ako ng gising dahil wala naman talagang pasok ngayon. Pinipripare yata yung school para bukas at isa pa mayayaman ang mga estudyanteng nanduon i just wondering kung saam saan ng pumuntang bansa ang mga yun at shops para lang bumili ng dress nila. Nang makababa ako sa kama inaantok na lumabas ako ng kwarto at tumuloy sa kusina. "Goodmorning mama at papa." Inaantok na bati ko bago maghilamos at magtotoothbrush. "Mamalengke ako ngayon Astrid at itong ama mo ay magtatrabaho na okay lang naman na maiwan ka dito diba?" Ani ni mama na kinatango ko habang nagtotoothbrush. "Ingat na lang kayo mama at papa." Ani ko na kinangiti nila pareho bago lumapit saakin at halikan ako sa pisngi. Nang makaalis sila napabuntong hininga na lang ako bago magmumog at ilagay sa lalagyan ng toothbrush ko. "Ano kayang magandang gawin para sa araw na ito?" Tanong ko sa sarili habang nililigpit ang lamesa. --- Matapos ko maglinis ng bahay at maglaba ng mga damit ko napagpasyahan ko pumunta sa malapit na computer shop para mag online at magsearch. "Pa in kuya open hour." Ani ko ng makapasok ako sa computer shop at umupo. Nang magbukas yung computer mabilis akong nagbukas ng f*******: ko. As usual walang kachat at ng tingnan ko naman ang mga friend request ko puro mga taga dito din naman ang nag aadd sakin. Yung mga kakilala ko kinonfirm ko hanggang sa may nag friend request ulit saakin. One name 'Sumdac?' Walang profile pic at mukhang taga ibang bansa din dahil sa pangalan. Hindi ko na lang pinansin ang friendrequest na yun dagdag din sa followers ko sayang. 'May sss acc kaya si Callius?' Ani ko sa sarili ko bago itype ang name ni Callius hanggang sa---. 'Wth =_= ang dami ano ito acc niya lahat?' 'Scroll lang ako ng scroll hinahanap ko yung may mga pinakamaraming friends at followers siguradong siya yun pag famous' Grabe ang dami ding page ni Callius mukhang mg fans niya din ang may gawa o mga kaschoolmate din namin karamihan kasi dito Stolen. Dahil sa mukhang walang pag asang mahanap ko yung sss acc niya nagtingin tingin na lang ako ng mga pictures niya sa mga fake acc na nasa sss. Siya na lang tatanungin ko bukas hindi naman masamang itanong kung anong f*******: acc niya. "Ang cute." Natatawang bulong ko ng may stolen siya ditong nakasimangot kaharap ang mga barkada niya. Scroll lang ako ng scroll hanggang sa makarating naman ako ng official page ng C-Lite hindi ako makapaniwalang umabot ng millions ang likes. Napangiti ako ng bumungad sakin ang mga pictures ni Callius at ilang kaschoolmates namin last year na may achievements. Scroll... scroll... Napatigil ako sa pagscroll ng may isang picture na nakaagaw ng pansin ko. 'Cadmus' Ani ko sa isipan ko ng makita ko ang picture stolen din ito pero kitang kita dito ang perpektong anggulo para kay Cadmus. Nakasideview ito habang nakaupo sa bench na may suot na malaking headset. Hanggang sa---. 'Holyshit!' Napamura ako sa isipan ko at mabilis ba binack ng marealize kong ilang minuto na ako nakatitig sa pic. Magkamukha naman sila ni Callius pero hindi ko maiwasang mas imesmirize ang mukha ni Cadmus. Napailing iling ako bago iiscroll ulit yun at hindi na tiningnan ang picture ni Cadmus. 'Nababaliw kana Astrid bakit mo ba inaalala ang kupal na yun.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD