Chapter 16
Astrid Salves's POV;
Buong magdamag binantayan ko si Cadmus hanggang sa bumaba ang lagnat nito.
Exact 4am natulog na ako dahil mukhang okay na si Cadmus pero sinigurado ko munang hindi na siya nilalamig kaya lahat ng kumot binalot ko kay Cadmus.
Kinaumagahan.
Nagising ako ng nakakumot na at pawisan kaya pagbangon ko napatingin ako sa higaan ni Cadmus at wala na siya dun.
"Mama." Ani ko bago bumangon at lumabas ng kwarto nakita ko sina papa at mama nasa kusina.
"Mama si Cadmus?" Tanong ko pagpasok ko sa kusina.
"Ayun iha umuwi na sabi ko nga wag muna kasi ang tamlay niya pa din pero sabi niya may aayusin pa siya sa school. Mabuti pa iha pumasok ka may 30 minute---."
Hindi ko na narinig ang sinabi ni mama dahil mabilis ako pumasok sa c.r at naligo.
'Holyshit bakit ko nakalimutan na may pasok at yung kupal na yun nilalagnat pumasok din.'
"Anak bago ka pumasok kunin mo yung dalawang lunchbox dito yung isa ibigay mo kay Cadmus may gamot na din akong nilagay!" Sigaw ni mama mula sa kusina.
"Opo mama!" Sigaw ko pabalik habang naliligo.
---
"Manong goodmorning mamaya ulit ah late na ako!" Sigaw ko kay manong ng makababa ako ng tricycle at pagbuksan niya ako ng gate.
"Sige iha pumasok kana mag iingat ka." Ani ni manong na kinangiti ko bago tumakbo papasok habang inaayos ang salamin ko.
'Second subject na ako makakapasok panigurado yari na.'
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako ng pinakagate ng C-Lite ng makapasok ako hindi ko pinansin ang tingin ng mga kaschoolmate ko.
Tatakbo ulit ako para makapunta ng building namin ng---.
"Ano ba?!" Sigaw ko ng may kamay na humawak sa kwelyo ng uniform ko at pagharap ko.
"Kayo yung mga barkada ni Gangster." Ani ko ng mamukhaan ko yung apat.
"Kami nga bakit ka nagmamadali?" Tanong ng isa sakanila matapos tanggalin nung matangkad na lalaki yung pagkakahawak niya sa uniform ko.
"Malalate na kasi ako." Sagot ko bago tingnan ang relo ko na 150 pesos ko lang binili.
"Wala namang klase ngayon." Bored na ani nung humawak sa uniform ko na kinalaki ng mata ko.
"Anak ng tokwa nagmadali pa ako." Pabulong bulong na sambit ko bago magpaalam sakanila tatalikuran ko na sila ng---.
"Asan yung leader niyo?" Tanong ko na kinakamot ko sa ulo ko may pinabibigay pala si mama.
"Baka nasa classroom." Sagot nung lalaking mukhang chinese.
"Salamat una na ako hehe." Paalam ko bago nanakbo ulit papunta sa building namin.
Nang makatapak ako sa pinakaunang palapag ng building namin naagaw ko agad ang pansin ng mga kaschoolmate namin.
'Ano pang ginagawa nan dito?'
'Hindi pa nag transfer out pagkatapos ipahiya ni Teressa.'
'Ganyan siguro talaga ang mga pulubi.'
Nasabihan ngang mga mapera at mayayaman puro retoke naman ang utak.
Tahimik lang ako habang naglalakad at hindi pinansin ang mga bulungan at tingin nila sanayan na lang din siguro.
Nang makapasok ako sa room napatingin ako sa dati kong upuan at nakita ko si Teressa agad akong inirapan nito ng makita. Lalapit ako ng ilagay niya ang bag niya na kinabuga ko ng hangin.
"Oy Salves." Napatingin ako sa kabilang row sa dulong bahagi ng classroom ng may kumaway dun.
Yung apat kanina wait ang bilis--- great hindi ko yata sila napansin kanina na sumusunod saakin nakita ko kasi yung dalawa na paupo pa lang.
"Dito kana."
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan lalo na ng makita kong sa harapan yun na kinauupuan ni Cadmus na nakatingin saakin.
"Uupo ka ba o tatayo kana lang diyan?" Tanong ni Cadmus na kinalunok ko.
Parang kahapon ang bait bait niya lakas din ng mood swing ng kupal na ito.
'Pinauupo siya ni Cadmus.'
'Ngayon naman si Cadmus.'
Napayuko na lang ako bago humakbang papunta sa pwesto nina Cadmus.
"Dito ka oy tabi!" Hindi ko maiwasang mapangiti ng sumampa yung lalaki sa upuan at tumawid papunta sa likuran sa tabi ni Cadmus.
Nagbigay daan naman yung dalawa na tumayo na din para makadaan ako dahil sa gitna talaga ang space kaya dun ako umupo.
Medyo naiilang kasi ako dahil napapagitnaan ako ng mga lalaki as in tapos mga gangster pa. Sama mo pa yung presensya ng lalaking nasa likuran ko at mga babaeng kasalukuyang nakatingin saakin.
Maya maya may pumasok na prof nag announce lang at sinabing pwede pa kaming mag ikot ikot sa buong campus o tapusin ang dapat naming gawin dahil wala namang klase.
Nag magsitayuan na ang mga kaklase ko tumayo na din ako pero hinalungkat ko muna ang bag ko at nilabas ang isang lunchbox na blue at iniabot yun kay Cadmus na kinatingin niya saakin.
"Binigay yan ni mama may medicine at tubig na din diyan sa loob." Ani ko ng abutin yun ni Cadmus.
Hindi ko alam kung lumambot ba talaga ang expression niya o ano. Nang hindi siya magsalita lumabas na ako ng classroom para sa--- saan ba ako tatambay? Kung sa classroom naman andun sina Cadmus hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Sa library maraming estudyante dun at panigurado mga pag tsitsismisan nanaman ako.
'Dapat pala hindi na lang ako pumasok.' Ani ko sa sarili habang naglalakad pababa ng hagdan ng---.
"Astrid."
Napatigil ako ng masalubong ko si Callius hindi ko alam kung anong irereact ko basta napaatras ako at dali daling tumalikod bago lakad takbong umalis dun.
Parang nablangko ang utak ko ng magkasalubong ang mga mata naming dalawa kasabay ng panlalamig ko at paglakas ng t***k ng puso ko.
Papasok na ako sa classroom ng bumangga ako sa matigas ng bagay pag angat ko ng tingin kusang nag init ang mga mata ko ng makita ko ang taong una pa lang kinaiinisan ko at ang kamukha ng taong sinaktan din ako sa huli. Kung anong kinalamig ng katawan ko yun naman amg kinainit ng mata ko hanggang sa kusang tumulo ang luha ko.
"Astrid mag usa---."
Hindi ko alam pero napakapit ako kay Cadmus at napasubsob sa braso nito na parang nagmamakaawang ilayo na ako dito. Gusto ko magsalita pero hindi ko magawa dahil parang may malaking bato na nakaharang sa lalamunan ko.
"Tara na." Ani ni Cadmus.
Wala akong pakialam kung saan ako dadalhin ni Cadmus basta ang gusto ko lang makaalis dito.
3rd Person's POV;
Hihilahin ni Cadmus si Astrid paalis ng may humawak sa kabilang braso nito.
"Mag uusap kami Cadmus wag kang mangialam dito." Nagdidilim ang anyong sambit ni Callius na sa unang pagkakataon nakita ng lahat.
Madalas kasi itong kalmado pero ngayon parang any time manununggab ito dahil sa may umaagaw ng pag mamay ari niya.
"This is not good." Bulong ni Alvis habang nakatingin sa kambal na Acosta na hawak sa magkabilang kamay ang dalaga na hindi alam kung anong gagawin.