Chapter 15

902 Words
Chapter 15 3rd Person's POV; "Mario!andito ulit yung binata!" Nanlaki ang mata ni Astrid ng hilahin ng mama niya papasok si Cadmus. "Mama!hindi---." "Magandang gabi po tita." Putol ni Cadmus bago kuhanin ang kamay ng ina at mag mano. "Iho!" Hindi alam ng dalaga kung ano ang irereact ng makita ni Astrid na pinagkaguluhan ang binata na tatawa tawa lang. "Mama!" Napahinto ang mga magulang at napatingin kay Astrid na namumula at hiyang hiya dahil sa inaasal ng pamilya. Kilala niya si Cadmus masyadong mainitin ang ulo nito at baka---. "Tita may isda ulit kayo yung maalat?" Tanong ni Cadmus na kinalaki ng mata ng dalaga. Astrid Salves's POV; Matapos kong magbihis sa kwarto lumabas ako at pumasok sa kusina ng makita ko sila dun. Andun sina mama at papa habang si Cadmus nakaupo at nakakamay na kumakain. "Anak kumain kana din." Yaya ni Mama bago ako ipaghila ng upuan sa harapan ni Cadmus na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Iho ikaw ba yung manliligaw ni Astrid?" Walang kagatol gatol na tanong ni papa na kinalaki ng mata ko. *cough*cough* Inabutan ko ng tubig si Cadmus ng ubuhin ito dahil sa pagkabigla. "Pa." May diing sambit ko na kinangiwi ni papa. Hindi ko alam pero ng itanong yun ni papa nakaramdam ako ng inis,sakit at ... lungkot. "H-Hindi siya yun papa ... kakambal niya yun." Mababa ang boses na sagot ko na kinatingin sakin nina papa habang si Cadmus. =_=. Kain pa din ng kain. "Anak ayos ka lang ba?" Tanong ni mama na kinatahimik ko ng ilang segundo. "Opo naman p---." "Pwede po ba ako matulog dito?" Putol ni Cadmus ba kinatingin namin sakanya. "Ikaw pambasag ka ng moment at saan ka naman matutulog dito? Ang liit liit ng bahay nam---." "Astrid hindi kita tinuruan mambastos ng bisita." Saway ni mama na kinagat labi ko. 'Ano ba naman kasi ginagawa mo Astrid?' "Pwede naman iho sa kwarto ni Astri--." "Papa lalaki yan tapos babae ako patutulugin niyo yan sa kwarto ko." Putol ko kay papa. "Wala naman kanasa nasa sa katawan mo why not." Banat ni Cadmus na kinatingin ko sakanya ng masama habang sina mama nagpipigil ng tawa. Pakiramdam ko nawalan ako ng pamilya dahil sa hinayupak na ito. "Okay na po ako sa sahig." Ani ni Cadmus na kinangiwi ko. "Sa sahig talaga wala naman kaming kama dito." Basag ko. "Cool." Pokerface na sagot niya na hindi ko alam kung sarcastic o ano. "Iho sigurado ka bang dito ka matutulog?" Tanong ni mama. "Kung ayos lang po dito muna ako." Sagot ni Cadmus. Ako lang ba o iba talaga pakikitungo niya kina mama.=_= sipsip parang nung last last month lang gusto niya ako gilitan ng leeg. Hanggang sa madaling araw yata walang ginawa sina papa at Cadmus kung hindi magkwentuhan kaya nauna na akong matulog dahil sa pagod madali akong hinila ng antok. --- *cough*cough* Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng pag ubo kaya mabilis akong bumangon at---. "Cadmus." Ani ko ng makita ko siyang nasa sahig at manipis na kumot lang ang sapin. "Oy Gangster." Ani ko habang ginigising siya. Yung damit na ni papa ang suot ni Cadmus pero---. "Nilalagnat ka." Ani ko bago tanggalin ang mga unan na nagkalat sa pagitan naming dalawa ni Cadmus. "Hoy gangster hindi kita kaya dito ka humiga sa kutson." Ani ko bago pilit siyang hilahin. Ang init niya mukhang nagising naman siya kaya pilit siyang bumangon dahil mukhang nanghihina talaga siya inalalayan ko siya pahiga at kinuha yung makapal na kumot ko at binalot kay Cadmus. Dahil sa hindi talaga ako marunong mag alaga ng may sakit lumabas ako ng kwarto at kinatok si mama sa kabilang kwarto. "Mama." Tawag ko maya maya bumukas yung pinto at niluwa nun si papa. "Astrid bak---." "Papa may sakit si Cadmus ang taas ng lagnat." Putol ko kay papa. "Nilalagnat si Cadmus?" Ani ni mama na mukhang nagising na din. "Mag init ka ng tubig Mario, Astrid yung basin at towel kumuha ka. Hanap lang ako ng gamot dito sa kwarto ang alam ko may natira pang biogesic ang papa mo." Nang sabihin yun ni mama mabilis akong pumunta ng kusina. Nakalimutan ko tumalon din pala si Cadmus sa swimming pool para iligtas ako bigla tuloy akong naguilty. "Basin." Ani ko ng makita ko yung basin namin sa ilalim ng sink ng kusina namin. May malinis naman akong towel sa kwarto kaya yun na lang ang gagamitin ko. "Astrid maglagay ka ng tubig galing sa gripo tapos lagay mo diyan sa lamesa." Utos ni papa na mabilis ko namang ginawa. "Ikaw Astrid matuto ka ng mag alaga at magluto hindi sapat ang talino lang kailangan mo din matuto ng mga simpleng bagay katulad nito." Ani ni papa na kinakamot ko sa pisngi. Kasalanan ko bang hindi ako marunong mag alaga ng may sakit. "Hmm." Ungol ni Cadmus ng madampian ni mama ng towel ang mukha ni Cadmus. "Ano ba kasing pinag gagawa niyo mga bata kayo umuwi kayo ng basang basa." Sermon ni mama habang pinupunasan si Cadmus. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na nabully ako at iniligtas ako ni Cadmus. Kilala ko sina mama siguradong paaalisin nila ako ng C-Lite na plano ka naman nung una. Pero ng sabihin yun sakin ni Cadmus at ang C-lite lang ang daan para makapagtrabaho at matulungan ko sina mama. Ipagpapatutuloy ko pa din ang pag aaral ko at hindi papansinin ang iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD