Chapter 01–Unang Pagtatagpo

2579 Words
Chapter 01 Alexander PAGOD ang katawan ko sa buong araw na trabaho, pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kahit kanina ko pa ninais na matulog. Mula sa maliit na cabin lumabas ako at nagtungo sa main deck dito sa commercial fishing boat na nererentahan namin ni Papa, second hand pero maganda parin naman kahit mga limang taon na itong nasa amin. Gusto na namin itong bilhin pero ayaw naman nang may–ari na ibenta. Umuwi ang Papa at ang tatlong kasamahan namin para ihatid ang sampung banyerang isda na nahuli namin kaninang madaling araw hanggang tanghali. Masagana ang dagat kaya maraming isda ang nagpalambat. Naisipan kung magpaiwan muna dito, gusto ko mapag–isa at dito na lang sa fishing boat magpahinga saglit at muling sasabak sa pangingisda bukas pagkasikat ng araw. Ang pangingisda ang siyang pangunahing kabuhayan sa lugar kung saan ako lumaki, halos lahat ng mga tao sa lugar namin ay mangingisda. Ang pangingisda ang bumubuhay sa bawat pamilyang nakatira sa Santa Teresita isang maliit na komunidad. Simple ang buhay at pamumuhay pero masasabi kong masaya ang bawat pamilya. Sa harapan nang aming komunidad ay nakatayo ang mansiyon ng mga Salvatore. Ang mansiyon ay nakatayo sa ituktok ng isang mabato at matarik na talampas na pinapalibutan ng tubig dagat. May tulay na sadyang pinagawa na nagdudugtong sa main road sa tingin ko ay may mahabang tatlong daang metro. Walang sinuman ang p'wedeng makapasok roon dahil sa higpit ng kanilang sekyuridad. Ang mga Salvatore ang pinakamayang pamilya sa buong lungsod ng Swiss. According to them, mababait naman daw ang pamilyang Salvatore. Matulungin sa kapwa sa katunayan isa ang komunidad namin ang tinutulungan nila lalo na ang pag–aaral ng mga bata at kalusugan. Parte iyon sa charity works na sinasagawa ni Señyora Camilla ang asawa ni Señyor Leon Salvatore. Ang mag–asawa ay may tatlong anak dalawa ang lalaki at ang bunso ay isang babae. Kilalang mga jet–setter ang kanilang tatlong mga anak, kumbaga sunod sa mga layaw. Which is favor sa kanila dahil mayaman nga naman talaga sila. Simple lang akong tao at may simpleng pangarap. Hindi ko ninais ang yumaman ang gusto ko lang matupad ang pangarap kong maging piloto in the future. Makapagtapos ang dalawa kung kapatid na babae at mabigyan nang masaganang buhay ang mga magulang ko. Si Papa ay dating personal bodyguard sa isa sa mga anak ng mag–asawa, dahil noong bata pa ang pinakabunsong anak ng mag–asawa ay muntik na itong makidnap kaya naghire sila nang maraming bodyguard upang protektahan ang nagiisang prinsesa ng kanilang pamilya. Subalit walang masyadong nakakita sa bata dahil masyadong istrikto ang magasawa. Ngunit ang tiyahin kong si Martha ay isa sa mga naging taga pangalaga sa bata. Well, ayon kay Tita mabait naman ang batang babae at gano'n din ang sinasabi ng aking ama. Mala–anghel daw ang taglay nitong ganda at napatunayan ko iyon noong nakita ko siyang malapitan. Natapilok siya noon kaya mabilis ko siyang dinaluhan upang tulungan akmang hahawak ko pa lang s'ya ay agad akong pinigilan ng mga bodyguard at inilayo sa dalaga. Sa pagkaalala ko ikalabing–anim yata niyang kaarawan ang dinadaos nang gabing iyon at halos ng mga taga Santa Teresita ay naimbita na magtungo sa mansiyon, dahil iyon ang kahilingan ng dalaga. Hindi lang basta maamo ang kanyang mukha kundi napakagandang babae. Palangiti, magiliw at soft–spoken. Mula noong gabing iyon ay hindi siya mawala sa isip ko. I was twenty years old that time. Iyon ang una at huli ko siyang nakita. Nabalitaan ko na lang na umalis ang dalaga at nagtungo sa amerika upang doon tapusin ang kanyang pag–aaral. Limang taon na ang nakalipas, siguro ngayon ganap na siyang tunay na dalaga. Kumusta na kaya s'ya? Tiyak, mas lalo pa siyang gumanda. Pagod na pagod ang katawan ko pero hindi ako pinapatulog ng diwa ko. Kaya ang ginawa ko muli akong naghagis nang lambat sa dagat. Bago ako babalik bukas sa pampang kailangan makarami pa akong huling isda. Kailangan namin ang pangtuition magkakapatid. Naisipan kong bumalik sa pag–aaral ngayong pasukan kahit twenty five na ako, isa ang pangarap ko sa dahilan kung bakit nagsusumikap ako. Napangiti ako nang maupo sa lounge chair. Minsan naiisip ko ang dalaga siguro ang totoong dahilan kung bakit talaga ako nangangarap. Kahit alam kung suntok sa buwan ang mangarap ng isang Salvatore pero iwan ko ba at hindi s'ya mawala sa sistema ko. Ang puso't–isipan ko ay s'ya lang ang nilalaman. Ang daming babae na umaaligid sa'kin makuha lang nila ang atensiyon ko lalo na ang puso ko pero nakalaan siguro ito sa kanya. Kung sa labas na anyo ang basehan may panlaban naman ako. Mga physical na katangian na hinahabol sa'kin ng mga kababaihan ay hindi naman ako nagpapalamang doon. May mga naging girlfriend na ako mga ka fling pero hanggang doon lang sila. May limitasyon ako pagdating sa pakikipagrelasyon. Kung sa s*x marami na akong karanasan sa ganyang bagay. Kasabay ng paglapat ng likod ko sa sandalan at akmang ipipikit ang mga mata nang sa peripheral vision ko ay nakita kong gumalaw ang lubid ng hagdanan na nakabitin sa labas ng fishing boat. Tumuwid ako nang upo at wala sa loob na tinitigan ang lubid. Maaliwalas ang gabi, napatingala ako sa kalangitan marami ang bituin at maliwanag ang buwan. Hindi naman mahangin pero gumagalaw ang lubid. At hindi nakaandar ang fishing boat dahil nakahinto ito, aside of that i'm the only one here. Nagkibit ako ng mga balikat baka may gumalaw lang na mga isda. Muli ko sanang ipipikit ang mga mata baka makuha ko na ang makatulog. Nang manlaki ang mga mata ko sa nakita sa may puno ng railings. May kamay na nangunyapit doon, ilang saglit lang ay sinundan pa ng isa pang kamay. Kasunod ng mga kamay na mahigpit ang pagkakapit sa railings ay ang ulo. Lumabas ang isang katawan. Kung saan man galing ay hindi ko alam. Sobrang pagod ang katawan ko pero ang nakikita ko ngayon ay hindi bunga ng aking imahinasyon. Nasa gitna ako ng laot. At ang layo ko sa pangpang halos milya–milya ang layo. Paano siya nakalangoy patungo rito? Ang nakikita kong imahe ay--- Damn! Isang babae! Pamilyar s'ya sa'kin. Ilang segundo pa ang lumipas naging malinaw sa'kin ang kanyang imahe ang maamo at magandang mukha. Kahit kailan hinding–hindi ko s'ya nakakalimutan. Ang babaeng nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Ano ang ginagawa niya sa bangka ko? Ang nagpalaki pa ng mga mata ko na halos nagpagising sa diwa ko at sa p*********i ko. Wala itong suot kahit na anong saplot sa katawan. Maliban lang sa tubig dagat na dumaos–dos sa bawat parte ng kanyang hubad niyang katawan. Wala sa loob akong tumayo at humakbang palapit sa babaeng nasa harapan ko. At hindi ako makapaniwala na siya talaga ang nakikita kung nakatayo sa harapan ko mismo. She like a sculptured statue of Aprodite who's standing in front of me. I took a deep breath and release hard. Kumurap ako thrice just to make sure that i'm not hallucinating. "Ayeesha Samantha Salvatore" the woman who occupying my thoughts earlier. At siguradong–sigurado ako sa pangalan na binanggit ng bibig ko. She smiled weakly. "Hey." At bago pa ako makasagot sa kanya ay bumuway ang dalaga. I was there in time para saluhin ang ulo niya bago bumagsak sa sahig. Nawalan nang malay ang dalaga, agad ko itong binuhat at dinala sa maliit na cabin. Marahan ko siyang hiniga sa maliit na higaan. Napatingala ako sa kisame at napahimas sa aking batok. And cursed savagely. Hindi ko mapigilan ang pag–ahon ng pagnanasa habang pinagmamasdan ang hubad nitong katawan. Her breast firm, small and pinkish teats. And then my eyes down to her flat belly, i was memerized mayroon siyang navel piercing. Ang liit ng kanyang baywang and rounded hips, maumbok ang dalawang pang–upo. Sobrang kinis wala kang makita kahit ni isang peklat. Lalong bumaba ang mga mata ko, this time to the center of her thighs ang pagnanasang naramdaman ko ay mas lalong sumidhi. Isang marahas na buntong–hininga ang pinakawalan ko na mapagtanto kung ano ang nararamdaman ko. Ang pagnanasa ko sa kanya ay sobrang lakas na tila ba may sumuntok sa sikmura ko. Pero hindi tama itong ginagawa ko, nakatitig ang mga mata ko sa isang babaeng walang kamalay–malay kung ano ang nangyayari sa kanya? Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko. At muli akong marahas na huminga. "s**t! Ano ang pinagagawa ng babaeng ito?" For heaven sake, why she's naked?" Inabot ko ang kumot at pinangtakip sa katawan niya. Pagkatapos lumabas na ako sa cabin. Mukhang kailangan kong malamigan, para sugpuin ang mainit kong pagnanasa sa babae. Sanay akong makakita ng mga babaeng nakahubad pero ibang–iba ang idinulot na init ni Ayeesha sa'kin. TANGHALI na hindi pa gising ang dalaga. Nakadalawang hango na ako nang lambat hanggang ngayon tulog pa rin ito. Maya–maya babalik na rin ako sa pampang upang maidala sa buyer namin ang mga nahuli ko ngayon. Wala akong kahati sa kikitain ko. Sapat na siguro para may magamit ako sa enrollment. Umahon ako sa tubig dagat upang magpahinga saglit at sasalang ako maya–maya lang, naisipan kong kumain na rin dahil nakakaramdam na ako ng gutom. May niluto na ako kanina kasya na siguro para sa aming dalawa pero problema na niya kung hindi s'ya kumakain ng tuyo at itlog. Iyon lang ang nakita ko sa food storage na natira sa halos isang linggo naming paglalayag. May nasamang isdang sapsap ang lambat ko, lulutuin ko at sasabawan para may pang–init sa sikmura. Pabagsak akong naupo sa lounge chair. Hinubad ang sout kong tshirt at hinagis nalang kung saan nang biglang may narinig akong humiyaw. "Ouchh!" Marahas ang ginawa kong paglingon. I saw her stirred with her confused eyes. Her eyes wide as she looked around the place. Napahawak siya sa kanyang ulo at bahagya kong napuna ang pagngiwi niya. Humakbang siya patungo sa dulo ng deck sa fishing boat. Sinundan ko siya ng tanaw. She moved with elegance. Matangkad na babae. He wore my over size tshirt. Yes, my shirt. Sinuotan ko siya kaninang madaling araw. Maganda at kaakit–akit siyang tingnan. She was damn gorgeous. And i smiled cheekily. I could not imagine, she's wearing nothing down there. Hindi parin mawala sa isip ko ang mga nakita ko kagabi. "Good morning," bati ko. Humarap s'ya sa'kin. Pinagmasdan ko ang buhok niyang banayad na nililipad ng mabining hangin. Nang magsalubong ang mga mata namin nakita ko ang takot na pumuno sa mga mata niya. Pagkuwa'y niyuko niya ang sarili na para bang pinapakiramdaman ang sarili niyang katawan. Iniisip ba niyang may ginawa akong masama sa kanya habang wala siyang malay. Baka nakakalimutan niya, s'ya ang sumampa na lang sa bangka ko. "Wala akong ginawa sa'yo, kung iyon ang iniisip mo. At hindi ako nanamantala ng isang babae lalo pa at walang malay," i said defensively and walked towards to her. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. Mga mata na tila inuusig ako na para bang ako ang may kasalanan sa aming dalawa. "W–What happened?" She asked horsely. Nangunot ang noo ko. Akmang magsasalita ako nang bigla siyang magsalita ulit. "I hope you didn't do anything bad to me? If anything I will sue you?" Ang anyo niya ay tila tatalon sa takot na para bang maling kilos ko lang may gagawin na akong masama sa kanya. Seryoso ba siyang pagbintangan ako na kung ano–ano? Damn this woman for acting like that. I looked at her intently, mas lalong natakot ang anyo nito. Umatras siya nang bahagya palayo sa'kin. "Don't get near me, Asshole." She scared. "I–I'm a Salvatore, i want you to know that. My father will buried you alive once you gonna touched me," she warned dangerously, may pagmamataas sa tono ng tinig nito. Nag–igting ang mga bagang ko sa mga pinagsasabi niya. At the same time naiinis ako but she looked like a helpless child–woman. "Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan? Ikaw ano ang ginagawa mo rito sa fishing boat ko nang dis–oras ng gabi at nakahubad ka pa?" I asked mockingly. "Nasa gitna ako ng laot at bigla kang sumulpot mula sa kung saan planeta at sino ba ang hindi ang makakakilala sa'yo, alam kung isa kang Salvatore, ikaw ang bunsong anak, diba? And so what? Kung isa kang Salvatore? " Dagdag ko na puno pang–uuyam sa aking tinig. She was stunned and speechless . Yumuko siya at napansin ko ang pamumula sa mga pisngi niya. Niyuko niya ulit ang sarili at tila muling pinakiramdaman ang katawan. Nasapo niya ang kanyang noo, pagkuwa'y napangiwi. "Bakit? May naalala kana?" I asked unemotionally. "Yeah, masakit ang buong katawan ko. My arms and my legs and—" "And what?" Umiling siya. "Nothing!" One corner of my lips twitched upward in sarcastic smile. "Kaya siguro nanakit ang katawan mo, malamang lumangoy ka kagabi. Saan kaba galing, nakikipaghabulan? Tapos iniwan ka nang kahabulan mo kaya ka nawala at napadpad dito sa bangka ko. Tapos ang lakas ng loob mo mamintang na kung ano–ano." I countered. Umiwas siya ng tingin sa akin. Humarap siya sa dagat. "Stop for being cynic, you are out of your words. I'm not like that, please... bring me ashore tiyak nagalala na ang Mommy ko ngayon." And then she breath harsh na tila ba nawawalan ng pag–asa. I indulged her. Ibabalik ko siya sa pampang. Muli siyang humarap sa'kin. My eyes moved down to her lips. It was slightly parted. Parang kay sarap nitong halikan. Na agad kong inalis sa aking kaisipan. This woman is vulnerable this time. Kailangan niya ang tulong ko. "Ako nga pala si Alexander Cuevas," pakilala ko sabay lahad sa isang kamay ko pero tinitigan niya lang iyon. Ang mga mata nito'y nakatingin sa kabuuan ko. Mula ulo hanggang paa at napansin ko ang pagngiwi niya. At ang matinding pagkadis–gusto sa mga mata niya. Pasimple akong tumingin sa sarili ko, may mali ba sa'kin? Well, i can't please everybody lalo pa kaya ang isang katulad niya. Kung ikukumpara ako sa mga mayayaman na nakahalubilo niya paniguradong wala akong panlaban sa mga iyon. I shrugged. "I don't really care what you think of me, Miss. Salvatore." Pagkuwa'y na sabi ko at tinalikuran ko na siya. Kasabay niyon, pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili. "I don't care who you are. I command you to take me ashore, now!" She said in an authoritative tone. Napahinto ako sa paghakbang at nagpantig ang dalawang tenga ko. At marahas ko siyang nilingon. This woman is ungrateful. Ang kagustuhan kong bumalik sa pampang ay biglang nawala. Isang mahabang tingin ang binigay ko sa kanya. "Well, I'm sorry , Miss. Salvatore. Hindi ka marunong magpasalamat at dahil diyan. I will teach you a lesson, how to be grateful. You will be my prisoner for two days..." aniko na pilit pinapakalma ang sarili sa inis ko sa kanya. "W–What? This is abduction." Naningkit ang mga mata niya sa galit. "I will sue you for this." She shouted angrily. "Tandaan mo 'yan?" I chuckled and turned around. At ipinilig ang ulo ko kaliwa't–kanan. Hinayaan ko siyang magsisigaw, wala namang makakarinig sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD