Chapter 02–Unang Halik

2126 Words
Chapter 02 Ayeesha "DONT just stand there, princess. Kahit magsisigaw ka pa, no one can hear you. You are in the middle of ocean, remember?" He said mocking and laughing at the same time. Unti–unti akong humarap sa lalaki. I admit. The man was drop–dead handsome. Tall, lean body , tan skin and with as much commanding personality. I remembered something about him, kamukha niya ang lalaking nakita ko noon, on my sixteen birthday. I'm not sure kung s'ya iyon, may resemblance sila. But this man in front of me— "You f*****g asshole," i shouted him angrily. This man is getting into my nerves. Nakakainis at nayayabangan ako. "Nakahanda na ang almusal, Mahal na Prinsesa," wika nito, his eyes glinting with mocking amusement. Na mas lalong kinakainisan ko at kung makatingin sa kabuuan ko para akong lalapain. Ang totoo nabigla lang ako kanina pagkagising. Maybe i'm just disoriented kaya hindi ako nakapagfocus agad. Kung bakit nanakit ang buong katawan ko, pati ang mga braso ko ay hirap na hirap akong igalaw, maybe he is right dahil malayo–layo ang nilangoy ko kagabi, mabuti na lang at isang champion swimmer ako. Medyo kumalma lang ako nang maramdaman kong, hindi naman nanakit ang pribadong parte ng aking katawan. I got thrown overboard because of that stupid dare. Nang muli akong lumitaw wala na ang yate na pag–aari ng pangalawa kong kapatid na lalaki. Tinakas ko lang ang yate ni Kuya Damian kagabi at nagpa party ako nagkaroon kami nang pustahan at sa kamalasan natalo ako. Ang dare ay maghubad ako, lahat namang andoon sa party kagabi ay puro babae. Kahit ang captain na kasama namin kagabi ay babae din. Even, i'm wild, vocal and party girl. Pinipreserved ko parin na intact ang p********e ko at ibibigay ko lang sa lalaking mamahalin ko. Pero ang ginagawa sa'kin ng lalaking kasama ko ngayon ay hindi katanggap–tanggap. My entire life, men pampered me lalo na sa pamilya ko, turing nang lahat sa'kin ay prinsesa ng mga Salvatore. Sunod sa layaw at kapritso. Kung ano ang gusto ko, nakukuha ko. What Ayeesha want, Ayeesha Get. But this fishermen guy ay hindi makatarungan ang pinagagawa niya sa'kin. I'm a Salvatore i deserved respect, tapos tratuhin niya lang ako ng ganito. Gusto ko magpapadyak sa inis. Wala lang akong choice kagabi ito lang ang nakita kong malapit sa hinulugan ko, bakit pa sa fishing boat pa ng lalaking ito nakita ko ang kaligtasan. Nakapa ko ang sarili ko, napapikit na lang ako. This is ridiculous and so embarassing. Dahil siguro sa ayos ko, kaya hinusgahan niya ako. But i don't care though, who is he by the way? Hindi ko kailangan i–explain ang sarili ko sa kanya. Sinulyapan ko siya at inerapan pero tinatawanan lang ako. "Kumain kana, Mahal na Princesa , baka nagugutom kana," wika nito na hindi mawala ang pang–uuyam sa tinig niya. Itinuro niya ang maliit na mesang kahoy, may pagkain ng nakahain dito. "Why do you have to be sarcastic, Mr.?" Lumakad ako patungo sa mesa dahil gutom na rin ako. Hinintay kong hilain niya ang upuan for me pero wala itong ginagawa kundi sumubo lang nang sumubo. "Upo kana, Princess!" Aniya, habang puno ang kanyang bibig. Napangiwi ako, walang manners bukod doon hindi pa gentleman. "I'm asking you, bakit napakapilosopo mo?" Galit na tanong ko, padabog kong hinila ang upuan at naupo. "Dahil isa kang capital letter T. Mula pa kagabi hanggang ngayon. At hindi ko alam kung bakit kailangan kong tiisin ka." Nagsasalubong ang mga kilay ko. Ano ang pinagsasabi nitong capital letter T? Sa kaunahang–unahang pagkakataon ngayon lang ako nakatagpo ng isang lalaki na hindi yata attractive sa ganda ko. Nagtataka ako, bakit parang masakit na hindi n'ya ako type. Then so what naman? "I'm not hungry! Thanks but no Thanks." He smirked. Tumayo siya, sinundan ko s'ya nang tanaw. Hindi kalakihan ang katawan nito pero halatadong batak sa mabibigat na trabaho. Pero ang katawan niya'y tila inukit ng isang magaling na sculpturist. Ang ganda nang pagkahubog nito. Inalis ko ang mga mata sa kanya. Iginala ko ang paningin sa kapaligiran, maliit lang itong fishing boat niya. May kalumaan pa. After a few minutes, bumalik siya may bitbit itong kaserola at mangkok. Nilapag n'ya sa gitna ang kaserola na umuusok pa ang laman. Sinasamyo ko ang bango na pumailanlang sa ere mula sa laman ng kaserola. Sinabawang isda ang nasa loob. Nagsandok siya at nilagay sa mangkok. "Humigop ka nang sabaw habang mainit pa. H'wag kang inggrata at sasabihin mo sa'kin na hindi ka nagugutom. Dahil alam kong gutom kana." He said, his eyes on me. Watching me intently. I smiled fleetingly. "This bangka is yours?" Dinampot ko ang kutsara na ipinatong niya sa ibabaw ng mangkok. Sumandok ako ng sabaw at dinala sa aking bibig. Sunod–sunod na pagtango ang ginawa ko. Not bad! Matamis–tamis ang sabaw. Ngayon lang ako nakatikim nang ganitong klaseng lutong isda. "Hindi akin ang bangkang ito, nirentahan lang namin." Walang kabuhay–buhay na sagot nito. Umangat ang mga mata ko sa kanya. May napansin akong nakasulat sa isang banyera. "Taga, Fishing Village ka?" Hindi sumagot ang lalaki, c****d his head in confirmation. Humigop pa ako ulit at nagsubo ng konting kanina. And i stood up. Wala sa loob na lumakad ako patungo sa lounge chair at naupo. Tinanaw ang malawak na karagatan. Walang katapusang karagatan at wala rin akong makita kahit na isang bangka. I need help. Kailangan ko nang makauwi. I groaned silently. Uwing–uwi na ako. Nasa karagatan ako malapit lang sa Santa Teresita. Malaking bahagi ng lugar ay pagmamay–ari namin, ang pinakamataas na bahagi ng Santa Teresita sa Silangan ay amin. Fishing Village ang tawag namin sa maliit na komunidad sa baba. Dahil ang pangingisda ang kabuhayan ng mga tao. At malapit sa puso ko ang mga taong nakatira sa lugar na iyon, doon nakatira si Yaya Martha at 'yong pamangkin niyang si Gabriel. Lagi itong kinukwento sa akin ni Yaya pero hindi ko pa ito nakikita kahit isang beses. Gusto ko sanang makahalubilo ang mga tao doon. Pero ayaw ni Daddy. Hindi daw ako nababagay sa mga taong nakatira sa Fishing Village. Malansa at mabaho daw doon, sabi noong isa ko pang taga pangalaga. According to Dad. Sapat na daw ang tulong na binibigay nang pamilya namin para sa kanila. Ngunit noong mag sixteen ako, hiniling kong makasama ang mga tao sa Fishing Village. Pumayag sila sa kahilingan ko pero may kapalit. Limang taon din akong nanirahan sa America. Doon ako nag–aral at kumuha nang kursong fashion design. Dahil gusto ko maging isang designer. Isang linggo na noong nakauwi ako pero kagabi lang ako nakalabas. Nakalabas ako sa mansiyon kagabi dahil sa pakiusap ni Yvonne kay Daddy. Wala akong kalayaan, bawat galaw ko laging may bantay. Sa kesyo daw, malapit akong makidnap noong bata pa ako. Kaya sobra nila akong pinoprotektahan—. Noong bata ako, tuwang–tuwa ako sa mga kalinga at pagmamahal na binibigay nila sa'kin. Pero noong lumalaki na ako doon ko na realize, nakakasal pala. Sakal na sakal na ako. Gusto ko maging malaya, malaya na gawin lahat ng mga gusto ko. Na walang nagdedekta sa mga dapat kong gawin. Thankful ako kay Yvonne, because of her nakakalabas ako sa bahay kapag nandiyan s'ya. Yvonne was my bestfriend since grade school pareho din kaming anak mayaman pero ang kaibahan namin malaya s'yang gawin ang gusto niya. Samantalang ako—?? Napapailing ako nang ulo ko. Hindi ko makuha ang kalayaan ko. Akala nila masaya ang magiging isang Salvatore, but for me it's a no. Napasinghap ako nang may humawak sa balikat ko. Marahas akong napalingon sa bandang likuran ko. Mabilis akong tumayo at umatras nang makita ang lalaki. I met his eyes warily. Dark eyes. Matalim kung makatitig iyong tipong manunuot sa kaibuturan mo. At habang tinitigan niya ako ay nakadarama ako ng panganib. Both literally and figuratively. "Don't try to come near me. You can go to hell, Mr. Whatever the devil your name is!" "Careful, princess. Saying bad words doesn't suit you," he said in a mocking tone. "Mas bagay iyan sa tulad kong banat sa trabaho para mabuhay hindi kagaya mo nakatira sa malaking bahay na bato. Nakahiga sa malambot at malaking kama Walang ibang ginagawa kundi ang magpakasaya sa buhay at magaksaya ng pera." Tumaas ang kilay ko. My chin tilted dangerously. "Was it my fault, kung bakit naging mahirap ka? Kasalan mo 'yan kung bakit ka mahirap." I hissed. "Paano kasi kontento ka lang sa buhay na ganito. Sa tingin mo may marating ang pagiging mangingisda." Lumalim ang mga mata nitong nakatitig sa'kin at lalo pang nagdilim ang mga iyon. Lumapit siya sa'kin at hinablot ang braso ko. "Kaligayahan mo ba ang laiitin ang pagkatao ko? You enjoyed it, didn't you , princess?" Panunuya niya. And to my horror, hinila niya ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang matigas na bagay sa pagitan ng mga hita n'ya na tumama sa gitna ng mga hita ko. Ramdam na ramdam ko iyon dahil tanging manipis na tela lang ang nakatakip sa katawan ko. "Damn you," i was horrified. Sinubukan ko siyang itinulak pero mas lalo lang niya akong idinikit sa katawan niya. "Maniac ka, akala mo siguro magugustuhan ko ang tulad mo. Never in my wildest dream. Hindi ka worth it. Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas ako pero hindi ako makagalaw. "Hindi ka mamatay kapag hinawakan kita, tama ba?" He taunted. "Baka kainin mo ang sinabi mo, siguraduhin mo lang na hindi ka magkakagusto sa isang tulad ko. Dahil sa oras na magkakagusto ka sa'kin. Sisiguraduhin ko din sa'yo. Araw–araw kang walang panty." Bumaba ang mga mata niya sa gitna ng mga hita ko at ngumisi ito. "Sabi ko na nga ba? You are maniac..." "A handsome maniac na kagabi pa nagpipigil ng kamanyakan niya. Pasalamat ka ang manyak na ito nagawa pang magpigil but now off limits kana." He jeered. Napasinghap ako, when he bent his head. Gusto kong magprotesta subalit walang salita na lumabas sa bibig ko nang yumuko ito at angkinin ang labi ko. Hinalikan niya ako. Sa magaspang na paraan. Lahat ng mga iringan at bangayan naming dalawa ay andoon sa mga halik na iyon. Parang halik nang nagpaparusa pero may banayad na sarap at tamis na dulot. Ang kagustuhan kong manlaban ay parang nawala na lang. Halos maubusan ako ng hininga ng bitawan niya ang labi ko. Alam ko walang bahagi sa mukha ko ang hindi namumula ngayon, nakakahiya ang naging reaksiyon ng katawan ko sa halik niya. Humakbang ako paatras at muntik na akong mabuwal dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. Agad naman niya akong nadaluhan bago pa ako bumagsak sa sahig. Tumaas ang isang kamay nito, at nilagay sa mismong tapat ng puso ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang init ng kanyang pilid. My heart hammered violently against my ribs. "You're heart still beating, princess," matabang niyang sabi. "Iyon ba ang sabi mo na hindi mo ako magugustuhan? Nagustohan mo ang halik ko, ingat ka baka araw–araw kang mawalan ng panty sa'kin." His mouth twisted. At tumawa siya. Hindi makahagilap ang isip ko sa tamang sasabihin. Tila naparalisa ang isip ko at buong katawan. Ano ba ang nangyayari sa'kin? At bakit sobrang apektado ako sa halik ng isang lalaki. Nahalikan na rin naman ako pero iba ang dulot nang halik niya sa'kin. Nalilito ako sa sarili kong nararamdaman. It was just a kiss. But a big deal kiss. A kiss of punishment, rather. Pero napakasarap na halik. Binitawan niya ako nang makarinig kami ng bangkang de motor na papalapit sa'min. The smile that came out his lips was almost sneer. Kasabay niyon, pinilit kong ikalma ang sarili. He was just a man. Pero kakaiba siya sa mga lalaking nakilala ko. "Pumasok ka sa cabin may nilapag ako sa ibabaw ng higaan. Siguro kaysa na sa'yo 'yon? Diba, gusto muna umuwi? Sumabay ka sa kanila mamaya pagkatapos nilang ikarga ang mga nahuli ko. Naisip ko sagabal ka lang kapag andito ka mas maganda pa umuwi kana sa mansiyon niyo." He said without looking at me. Abala ang kamay niya sa pag–aayos ng mga banyera. "You are wrong! I change my mind." Mariin kong sabi. Napahinto siya sa ginagawa. Napa–angat ang mga paningin nitong naniningkit na tumitig sa'kin. "Umuwi kana, princess. Baka isipin pa nang pamilya mo na kinidnap kita mas maganda ng makasiguro ako." "Basta dito lang ako, hindi ako aalis." Napabuntong–hininga siya. Bago paman s'ya makapagsalita ulit, tumakbo na ako patungo sa maliit na cabin. Hindi ako uuwi, dito lang ako at sasama ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD