Teaser
Ayeesha POV
AGAD–agad akong bumaba sa tricycle na sinasakyan ko. Mula dito sa gilid ng kalsada natatanaw ko ang kinaroroonan ng sasakyan ni Alexander. Hinanap ng mga mata ko ang binata.
I gasped softly as i caught the sight of the man. He was there. Nakasandal sa may puno at ang dalawang kamay nasa loob ng kanyang bulsa habang nakapikit ang mga mata. Halos hindi ako makahinga sa pagkatitig sa lalaking siyang lahat sa buhay ko.
The man i truly loved. The man i'd thought was gone forever. The gentle handsome face, ang mukhang nakaukit na sa puso at damdamin ko. Iba't–ibang klaseng emosyon ang namuo sa buong pagkatao ko ngayon.
Dala ang panibagong lakas at pag–asa nagtungo ako rito tulad ng sabi niya. Dahil mayroon daw kaming mahalagang pag–uusapan. Sana ito na iyong hinihingi ko sa kanyang pagkakataon na magkaayos kaming dalawa at masabi ko sa kanya ang katotohanan.
It's been seven years, he change a lot. Parang hindi na siya ang dating Alexander na kilala ko sa loob ng pitong taon na pagkawala niya, nag balik nga siya pero ibang–iba na siya hindi na siya ang dating Alexander Gabriel na kilala ko at minahal ko na mas higit sa buhay ko. Ang dami kong katangunan na alam kung siya lang ang makakasagot.
Sino ang iniyakan namin noon? Sino ang nasa loob ng casket? Sino ang nilibing namin? Sobrang sakit para sa akin ang paniniwalang namatay siya, ang paniniwalang iyon ay halos pumatay sa akin sa bawat araw–araw na lumipas. Kahit pitong taon na ang nakalipas hindi parin nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya.
My eyes watered at that thought. But i blinked those tears, masayang–masaya ako na muli itong makita. Tinaas ko ang dalawang kamay ko at pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.
I took a deep calming breath. Nilibot ng mga paningin ko ang buong area. Ang lugar na ito ang madalas naming tambayan noon, sa tuwing palihim kaming nagtatagpo. At dito sa aming tagpuan una kong isinuko ang aking sarili sa kanya.
This is our sanctuary. Our love nest.
But not anymore, dahil isa na itong private property at walang nakaka–alam kung sino ang nakabili. Wala na ang kubong nakatayo sa ituktok ng isang mabato at matarik na talampas at nakatunghay sa dagat. Lagi kaming dalawa sa kubo sa tuwing pagsasaluhan namin ang maiinit na sandali ng aming pagmamahalan, kung p'wede ko lang ibalik ang lahat sa nakaraan ginawa ko na pero wala akong kapangyarihan para maibalik ang lahat sa dati.
He hates me? Dahil buong akala niya, i abandoned him?
Sana akin parin s'ya ngayon? Sana akin parin si Alexander. Sana akin parin ang pagmamahal niya. Pero umaasa ako na sana ako parin---ang mahal niya?
The urge was so powerful na hindi ko mapigilan ang paghakbang papalapit sa kanya and i stop after two step. Baka hindi ko mapigilan ang sarili at mayakap ko siya nang mahigpit.
Dahan–dahan siyang tumingin sa kinatatayuan ko. Nakapamulsang lumakad palapit sa akin. I gave a hesitant blinding smile sa biglang paghinto nito sa paglapit sa akin. Nakita kong napahugot siya ng paghinga. Pinaglandas ko ang mga mata sa mukha ni Alexander.
Handsome as ever. Ngunit wala kang makitang kalambutan sa kanyang expression but it was an arrogant face, hard and cruel. Ang mga titig nito'y matalim, tumatagos hanggang kaluluwa. Ang mga titig na nagbabadya ng panganib.
I swallowed my own vile. And i took my breath softly. Bumaba ang mga mata ko sa mga labi niya. Yaong mga senswal na hubog na labi niya na may bakas ng kalupitan. Habang tinitigan ko ito andiyan ang pagnanais ko na muli itong damhin ng sarili kong labi ang mga labi niya pero imposibleng mangyari iyon.
Hindi ko napigilan ang aking sarili mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Nakatayo lang ito wala akong nakuhang response mula sa kanya. Nang bumitiw ako sa kanya, nakatitig lang siya sa akin ng seryoso at nagsasalubong ang dalawang kilay nito.
"L–looking great..." I stammered and i looked so stupid dahil hindi ko alam kung paano, uumpisahan ang pag–uusap naming dalawa. "I–I'm happy for you, natupad mo din ang pangarap mo maging piloto..." i tried to stay in my composure kahit nagmumukha akong tanga sa paningin niya.
Naningkit ang mga mata ni Alexander at banayad na nagtagis ang mga bagang. "H'wag ka ngang plastik, Ayeesha. As if naman you‐--care? Alam naman nating dalawa na wala kang paki–alam. Dahil walang ibang mahalaga sa'yo kundi ang repustasyon mo."
"Oh, Alex!" I shook my head in anguish. "I'm s–sorry," bawi ko. Nag–alala ako sa galit na nakita sa mukha ng lalaki. "Masaya talaga ako para sa'yo, langga—" nagsasalubong ang mga kilay niya. "I mean, Alexander," pagtatama ko, gusto ko sana siyang tawagin sa endearment namin noon, na siya ang may gusto na maging tawagan namin.
Akmang hahawakan ko siya sa kamay ng bigla niya akong talikuran, humakbang siya patungo sa gilid ng talampas. Dahan–dahan akong humakbang palapit sa kanya.
"B–Bakit mo ako tinawagan, Alex? Ano ang pag–uusapan natin?" Ani ko na pilit pinapasigla ang aking tinig.
He took a deep breath. Sinuklay ng mga daliri niya ang buhok niya patalikod.
"I'm getting married." Walang emosyon niyang wika na ang mga tanaw ay nakatuon sa malawak na karagatan.
Nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko. Pakiramdam ko parang may batong pumukpok sa ulo ko. Feels like my heart stops beating for a seconds. Alam kong may kasintahan siya ngayon at si Yvonne iyon ang dati kong matalik na kaibigan na anak ng business partner ni Daddy.
Ramdam ko na noon na may lihim na pagtingin si Yvonne kay Alexander, huling–huli ko ito sa paraan ng mga titig niya kay Alex. Hindi ko akalain na magiging silang dalawa.
"K–kaya kaba nakikipagkita sa akin, p–para lang sabihin sa akin na m–magpapakasal kana?" Pinipilit ko paring pasiglahin ang tinig ko, kahit dinudurog na nito ang puso ko.
His lips thinned. "Yes, dahil ayokong magkaroon si Yvonne ng dahilan para pagselosan ka. Ayoko s'yang masaktan dahil lang sa iniisip niya lagi na mahal parin kita."
Tumingin ako sa ibang direksiyon, itinuon ang mga paningin ko sa malayo. I was shaking my head while biting my lower lip so hard. Just to control my tears not to falling down.
"P–paano tayo?" Itatapon mo na lang ba ang lahat ng mga pinagsamahan natin nang gano'n–gano'n na lang, Alexander?"
He laughed humurously. "Walang tayo, Ayeesha. Baka nakakalimutan mo, kung ano ang ginawa mo sa akin? Akala mo gano'n kadali para sa akin ang kalimutan ang lahat. You abandoned me, remember? Ikaw na inaasahan kong magiging kakampi ko pero ikaw itong nagtulak sa akin upang mabulok ako sa bilanggguan. Ikaw na inaasahan kong magtatanggol sa akin pero ikaw pa itong tumistigo para madiin ako sa kaso na wala akong kasalanan. Alam mo ang totoo, Ayeesha. Damn you!" Duro niya sa akin, kita ko ang pagkislap ng mga mata nito, alam ko luha ang mga iyon pero agad siyang tumingala sa taas. "And you think that was so easy for me to forgive you?" He added to much anger in his tone.
That broke my heart. Pakiramdam ko pinagsasaksak ng matalim na kutsilyo ang puso ko. May dahilan ang lahat, bakit ko nagawa iyon. I started to break down at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Sinubukan ko siyang hawakan pero lumayo siya sa akin at matatalim na tingin ang pinukol niya sa akin.
"No," i said sobbing.
"You should be thankful I have the decency para humarap sa'yo, para tapusin ang iniisip mong mayroon pa tayo. Walang tayo, Ayeesha , dahil matagal na tayong tapos, ikaw ang pinakapangit na parte nang nakaraan ko. Sising–sisi ako at bakit pa kita minahal. Ang pagmamahal ko sa'yo ang pinakawalang–k'wentang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko." He declared boldy, kahit konting pagsisisi sa tinig niya'y wala kang mararamdaman.
Mas lalong kumirot ang puso ko. Paano niya nasasabi sa akin ang mga salitang iyan. Na lahat ng mga nangyari sa amin noon ay pinagsisihan niya? Everything I felt for him was real. Pinaglaban ko siya sa kabila na ayaw ng buong pamilya ko sa kanya. My eyes were pleading at him. I tried to hold his hand, pero winasiwas niya lang.
"Bakit mo nasasabi sa akin ang mga 'yan. Bumaba ako mula sa pedestal para sa'yo---dahil mahal na mahal kita, Alexander. I gave you everything, wala akong tinira sa sarili ko dahil sa pagmamahal ko sa'yo...." gumagaralgal ang tinig ko sa walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.
Umigting ang panga niya. "Hindi ako nagpunta dito para magdrama ka, nagpunta ako dito para sa closure nating dalawa. Nothing more. Nothing less. Maganda na iyong magkaliwanagan tayong dalawa." He said coldly. Akmang tatalikod siya nang muli akong magsalita.
"Alexander," huminto siya sa paghakbang. Umatras ako hanggang sa gilid ng bangin. "Hindi ako naniniwala na hindi muna ako mahal," umatras pa ako hanggang sa maramdaman kong kalahati na lang ng mga paa ko ang nakaapak sa lupa.
I strectched my two arms and i smiled bitterly. Nahulaan niya ang nais kong gawin, pero imbes na matakot siya nakita kong kalmado lang ito. Wala akong nakikita kahit konting pagalala sa kanya.
Wala naba talaga akong halaga para sa kanya?
He chuckled. "Jump, Ayeesha! If you want, hindi kita pipigilan dahil buhay mo 'yan." He said firmly and smiled sarcastically. Pero hindi ako nagbibiro ihuhulog ko talaga ang sarili ko sa dagat.
I smiled weakly and i close my eyes. Bago ako nagpatihulog pababa sa pampang.