02

1153 Words
Mabilis na hinila ako ni Joy dito sa may parking area para makalayo kami sa iba naming mga kasamahan. Siya si Joy Crisostomo, siya ang bestfriend ko sa lahat ng blockmates ko sa college. Pareho kasi kami na nursing ang kinukuha at naghihintay na lang kami nang resulta ng bar exam. “Uyy, ano ba ‘yun?”Agad na tanong ko sa kaniya at napakunot pa ang noo ko. Doon pa lang niya binitawan ang kamay ko at hinarap niya pa ako. “Ayy girl, itaas-taas mo naman nang konti 'yang skirt mo tapos ibaba mo ‘to,” sabi niya at kahit walang pahintulot ko ay ibinaba niya nang konti ang off shoulder blouse na suot ko. Mabilis naman akong lumayo sa kaniya para pigilan siya sa ginagawa niya sa akin at muli kong ibinalik sa pagkaka ayos ang damit ko. “Ano ba naman ‘yan! Tama na ‘yung ganito 'no.” Pag angal ko sa kaniya. “Hindi. Mukha kang manang diyan sa ayos mo Eya.” Sagot niya. Hindi ko naman maiwasan na batuhan nang tingin ang kabuuan nang ayos ko ngayon? Ano bang mali? Nakasuot ako nang white na off shoulder blouse at para sa akin ay ayos naman ang pagkakababa ng damit ko. Hindi masyadong revealing! Nakasuot din ako nang simpleng denim skirt na hanggang itaas ng tuhod ko ang haba. Wala akong make-up sa mukha dahil hindi naman talaga ako naglalagay ng gano'n. Simpleng powder lang at liptint. Tipikal na suot ng mga probinsyana na tulad ko. Tama! Isa akong probinsyana at sa Batanes ako nakatira. Ako nga pala si Seah Natasia Agoncillo pero mas kilala bilang Eya. 24 years old na ako at nag aaral ako ng medisina at soon ay umaasa ako na magiging isang ganap na nurse na ako. Sa Batanes rin ako nag aaral at first time ko lang na makapunta dito sa Maynila. Pareho lang naman kami ni Joy na sa Batanes nakatira, ang pagkakaiba lang namin ay halos linggo-linggo siya na nandito sa Maynila dahil may bahay ang Tita niya dito kaya naman medyo na adapt niya na ang pagiging Manila girl. Kaya nga masyado siyang kumportable sa suot niya ngayon na itim na croptop at denim short na tas-tas 'yung dulo. Sigurado ako na hindi ko kayang magsuot ng gano'n sa ganitong klase ng lugar. Hello! Papasok kaya kami ngayon dito sa isa raw sa pinakasikat na bar dito sa Pilipinas, ang Optimus Bar. Napagkasunduan kasi naming lahat na magkaroon kami nang last batch party dahil aware kaming lahat na once na lumabas na ang resulta ng aming bar na halos anim na linggo ang hihintayin ay magiging busy na kaming lahat. Ito rin ang unang beses ko na magba-bar kaya naman wala talaga akong alam sa mga ganitong bagay. Halos karamihan sa mga kasama namin ngayon dito ay taga rito sa Manila. Mga nakasabay namin sila sa pagre-review noon at sa pag-take ng bar exam kaya medyo close na rin kaming lahat. Kung hindi ako nagkakamali ay labing-dalawa kaming lahat dito, tatlo 'yung sasakyan namin— lima kami na nang galing sa Batanes at pito naman 'yung taga rito sa Maynila. Lima kaming mga babae, apat na mga bakla at tatlong mga lalaki. “Ohh Joy, Eya— pumasok na tayo sa loob.”Biglang wika ni Andrew nang bigla na lang siyang sumulpot sa tabi naming dalawa ni Joy. Isa siya sa mga taga rito sa Manila at isa siya sa mga lalaking kasama namin. Mabait siya at mukhang matalino talaga dahil nakasuot pa siya nang reading glass. Maganda rin ang pangangatawan niya, may brace at maputi pa, tipikal na Manila boy. Samantalang ako, morena. “Nauna na sila Jam sa loob para sila na ang kumuha ng table natin.”Dagdag na saad niya pa patukoy sa iba pa naming mga kasamahan. Si Jam naman 'yung bigatin na bakla naming kaibigan na taga rito rin sa Manila. Sobrang bait niya at galante pa kasi nga mayaman. Siya ang manlilibre sa amin ngayon dito sa pagba-bar namin. Ngayon lang namin na-realized na kami na nga lang pala ni Joy ang nandito sa may likuran ng kotse at nag-uusap kaya hindi na namin halos namalayan na nauna na pala 'yung iba na pumasok sa loob. “Sige, tara na!”Excited na wika ni Joy at hinigit niya na ang kamay ko at sumabay na nga kami kay Andrew sa pagpasok ng bar. Nasa bungad pa lang kami at halos hindi pa nakakapasok sa mismong loob ay rinig na rinig na agad namin ‘yung lakas nang tugtugan sa loob nu'ng bar. Mukhang tama nga ang sinasabi nila na sikat nga ang lugar na 'to. Hanggang sa hindi nagtagal ay nakapasok na nga kami at mga patay-sindi na ilaw ang tumama sa mga mata ko kaya medyo napapikit pa ako nang konti. Mas lalong lumakas ang tugtugan dito sa loob at kitang-kita ko rin ang iba't-ibang ginagawa ng mga tao. May sumasayaw, umiimom at nagkwe-kwentuhan. Karamihan ay mga lalaki ang nakikita ko rito kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Joy nang mas mahigpit. Tulad nga nang sinabi ko, hindi ako sanay sa mga ganitong klase na lugar. "Wag kayong lalayo sa akin. Sumunod lang kayo," wika ni Andrew at tumango na lang kaming pareho ni Joy saka sumunod sa kaniya. Medyo masikip 'yung dinadaanan namin dahil ang dami nga na mga customers ngayon. "Hey. Here!"Biglang sigaw ni Jam at kumaway pa siya para yata makita namin ang puwesto nila. "Ayon na pala sila eh,"wika ni Andrew at tuluyan na nga kaming nakalapit. Ang laki ng table namin ngayon, halos sobra pa sa aming lahat. Isang mahabang lamesa na napapalibutan ng mga couch na may mga maliliit na cushion pa na talagang nakaka sosyal tingnan. Grabe! Ganito pala ang itsura ng mga sikat na bar. "Ang tagal niyo naman, akala namin nawawala na kayo." Biglang wika ni Camille na isang Med-Tech naman. Taga rito rin siya sa Manila. Maganda siya at maputi. Inalalayan naman kami ni Andrew na umupo dito sa may kanang bahagi ng couch. Magkatabi kami ni Joy habang nasa may bandang likuran naman si Andrew. Nasa harapan namin ang lamesa na punong-puno nang iba't-ibang klase ng bote ng alak. May matataas na bote na halatang mamahalin at may mabababa naman. May iba't-ibang klase rin ng ladies drinks and snacks saka mga shot glass. "Bigatin talaga si Jam. Ang mahal nu'ng mga alak na 'yun ohh." Bulong ni Joy at pasimple niya pang itinuro 'yung mga bote sa lamesa. Doon ko pa lang na pagtuunan nang pansin ang pangalan nu'ng mga alak na 'yun. May Vodka, Martini, Rum, Whiskey, Black Label, Jägermeister at Tequila. Kahit ano yata sa mga nabanggit ko ay wala pa akong natitikman diyan kahit isa. "Okay. At dahil kumpleto na tayo, simulan na natin ang inuman!" Masayang wika ni Jam at nag hiyawan silang lahat kaya nakisigaw na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD