Masaya lang na nag-iinuman ang grupo nina Eya sa kanilang lamesa, may nagkwe-kwentuhan, may iba naman na patuloy pa rin sa pag inom ng alak at may iba naman na wala na sa table nila dahil nagpaalam na magsasayaw sa dance floor.
Habang sa hindi naman kalayuan kung saan abot-tanaw lang ang layo nila ay doon naman nakaupo ang grupo ni Tim kasama ang kaniyang tatlong kaibigan na sina Pierce, Scot at Natalie. Halos kababalik nga lang ni Tim sa lamesa nila dahil kinailangan niya pang bumalik sa opisina at may intindihin na ilang bagay tungkol sa bar.
"Congratulations. Nabalitaan ko na magiging ambassador ka raw,"wika ni Pierce sa kaniyang kaibigan na babae.
Nakikinig lang naman si Scot at Tim habang nag iinom at patingin-tingin sa lugar.
"And congratulations din, nabalitaan ko nagha-hallucinate ka raw tungkol sa isang babae na nakita mo rito sa bar ni Tim."Natatawang saad ni Natalie na naging dahilan kung bakit awtomatikong nawala ang mga ngiti ni Pierce sa kaniyang labi.
Nagtawanan naman ang dalawa pang lalaki sa sinagot ng kaibigan nila.
"That's so mean Natalie!"Natatawang saad ni Tim. Hindi na lang umimik pa si Pierce dahil sanay na rin naman siya sa medyo masamang ugali at sa talim ng dila nang kaibigan nilang babae.
"CR lang ako mga pre."Paalam naman ni Scot sa kanila.
"Hoy! CR lang huh. Baka gawin mo pang motel ang CR ko, patay ka sa akin."Pagbabanta ni Tim sa kaibigan dahil kilala niya ito. Mahilig itong makipag-make out sa mga random girls kahit nasaan pang lugar ito basta matipuhan niya.
"Hahaha. KJ!" Sagot na lang nang kaibigan niya bago ito tuluyang umalis.
"Smoke lang ako." Paalam na rin ni Pierce makalipas ang ilang segundo simula nang umalis si Scot. Nag-nod lang silang dalawa ng babae bilang pagsang-ayon hanggang sa umalis na rin si Pierce kaya silang dalawa na lang ang naiwan ni Natalie sa kanilang pwesto.
"Ikaw? Hindi ka ba sasayaw?" Pagtatanong naman ni Tim sa kaibigan.
"Of course not. Sasayaw na nga ako ehh, maiwan muna kita diyan. See you when I see you."At doon na nga tumayo para umalis si Natalie kaya naiwan si Tim nang mag-isa sa kanilang lamesa.
Mamaya pa kasi sila mag-iinuman nang sobra kapag madaling araw na para kapag medyo lasing na sila ay diretso uuwi na lang sa kani-kanilang mga bahay at tutulog. Ganoon talaga ang kanilang nakasanayan na gawin tuwing nagkikita silang lahat.
Sa kabilang banda naman ay halos tinatamaan na rin ang lahat nang nasa lamesa na kasamahan ni Eya at maging siya rin ay ramdam na ramdam niya ang init ng alak na dumadaloy sa buong katawan niya. At dahil aware siya na maaga pa ang alis nila ng kaniyang mga kasamahan pabalik sa Batanes kaya naman nagpasya na siyang huminto sa pag-iinom kasama si Joy.
"Mag sayaw na lang tayo para hindi nila tayo mapilit na uminom pa." Bulong ni Joy sa kaniya. At dahil na rin siguro sa epekto ng alak kaya naman hindi na nag dalawang isip pa si Eya na pumayag. Nang mga oras na 'yun ay malakas ang loob niya na sumayaw.
Hindi talaga siya usually na sumasayaw pero dahil sa dami ng alak na nainom niya kaya naman wala lang sa kanya ang dami ng mga lalaki at babae na nakakasama niyang sumayaw sa gitna ng dance floor.
Tim caught himself staring while drinking at the young lady dancing on his own dance floor. She's wearing a white off shoulder blouse and a denim skirt. Hindi siya pamilyar sa mukha ng dalaga at para sa kaniya ay 'yun ang unang beses niya na makita ito sa bar na pagmamay-ari niya. Ngunit kahit gano'n ay hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit nagugustuhan niya ang titigan ito.
Napakaganda nang ngiti ng dalaga at doon talaga siya napapatitig at napapangiti. Hindi niya talaga gawain ang mag-stay sa couch kapag wala na ang kaniyang mga kaibigan ngunit nang gabing 'yun ay parang hindi siya na-boring sa pag-upo doon nang mag-isa.
Gusto niyang makilala ang dalaga kahit na alam niyang hindi niya gawin ang bagay na 'yun pero para sa kaniya ay iba talaga ang epekto ng babaeng 'yun sa kaniya.
Kaya naman nang binalak niya nang tumayo at pa simple na sana siyang makikisayaw sa dance floor upang makuha niya ang atensyon ng dalaga ay hindi 'yun natuloy dahil napansin niya na may isang lalaking nakasuot ng salamin ang lumapit dito. Nakita niya na nag bulungan nang saglit ang mga ito hanggang sa umalis na sila sa dance floor kasama pa ang isang babae na hindi niya akalain na kasama rin ng dalagang tinitingnan niya.
Nawalan na siya nang pag-asa na magpakilala lalo na at inakala niyang kasintahan ng dalaga ang lalaki. Ngunit kahit na pinanghinaan na siya ng loob ay hindi 'yun naging hadlang upang sundan niya pa rin nang tingin ang dalaga kung saan ito pupunta.
Medyo nagulat pa siya nang makita niya na abot-tanaw lang pala niya ang table nito sa table nila kung nasaan siya. Sa paglibot niya nang tingin sa table ng dalaga ay isang pamilyar na mukha ang kaniyang nakita na walang iba kundi si Jam Caparro. Kilala niya ito sapagka't loyal customer niya si Jam na naging dahilan kung bakit naging close rin sila.
Nang mga oras na 'yun ay nagpapasalamat at nagpapaalam na sina Joy at Eya kay Jam pati na rin sa iba pa nilang kasamahan upang mauna nang umalis dahil lasing na nga sila. Uuwi na rin kasi si Andrew at naisipan na nilang sumabay dito papunta sa bahay ng Tita ni Joy na pagtutulugan nila ngayong gabi para bukas ay sabay na silang bumalik sa Batanes.
Hindi naman maipaliwanag ni Tim kung bakit na dismaya siya nang makita niya na sabay ngang umalis ang babaeng nakakuha ng atensyon niya nang gabing 'yun pati ang isa pang babae na kasama nito saka ang lalaking iniisip niya na boyfriend nito.
.
.
Ngunit, hindi alam ni Tim na hindi lang 'yun ang huling pagkikita nila ng babaeng nakakuha ng atensyon niya sapagkat 'yun pa lang ang simula.
Dahil pag dating niya sa Batanes para sa bakasyon na hinihingi ng kaniyang mga magulang ay doon muling madudugsungan ang lahat. At gano'n nga ba talaga ang epekto ni Eya sa kaniya para hindi niya maipakilala ang kaniyang sarili bilang senorito nito?