“Sir, tapos na po ang inventory natin,”wika ng isang staff ko dito sa Optimus Bar na si Gerard nang pumasok siya dito sa loob ng opisina ko matapos niyang kumatok.
Mabilis ko naman na binatuhan nang tingin ang suot kong wrist watch at napansin ko na medyo maaga na natapos ang inventory namin ngayong hapon kaysa sa inaasahan ko.
“Okay sige, magbukas na tayo after 10 minutes.”Bilin ko pa sa kaniya saka tuluyan na akong tumayo dito sa swivel chair ko. Tinupi ko ang sleeves nang suot kong polo hanggang siko at nilapitan ko siya.
“Babalik ako after 45 minutes, kayo na lang ang mag-open nitong bar kahit na wala pa ako. May kailangan pa akong puntahan eh. Alam ni’yo naman na ang mga gagawin ni’yo di ba?”Dagdag na saad ko pa sa kaniya at sunod-sunod naman ang ginawa niyang pagtango bilang pagsang-ayon.
“Yes po Sir Tim. Kami na po ang bahala dito.” Simpleng sagot niya sa akin at nginitan ko na lang siya saka ko tinapik ang balikat niya bago tuluyang lumabas ng opisina ko.
Marami pa akong ibinilin sa mga staffs ko na nakakasalubong ko dito sa labas ng bar bago ako tuluyang nakalabas papuntang parking area. Sumakay na ako sa black Mustang na kotse ko at mabilis na pinaandar na ‘yun papunta sa GLOW Entertainment building para sunduin si Natalie.
Natalie Curtis is my friend, she is a model and a famous endorser. May usapan kasi kami ngayon ng mga kaibigan ko na may night out kami sa bar ko tutal biyernes na ngayon. Buong linggo kasi kami na naging sobrang busy dahil sa mga sari-sarili naming trabaho at pinagkakaabalahan. Ewan ko lang sa dalawa ko pang kaibigan na si Pierce Cordova at Scot Flynn dahil wala naman sila masyadong ginagawa sa buhay. Si Pierce... panigurado na pupunta siya mamaya dahil may isa siyang babae na hinahanap sa bar ko. Halos gabi-gabi na nga siyang bumabalik sa bar ko dahil umaasa siya na makikita niya pa 'yung babaeng nakakuha nang pansin niya last week— kaya lang, bar ko lang ang nakikinabang sa kaniya samantalang siya, wala pa rin siyang napapala sa paghihintay dahil hindi na bumalik pa sa bar 'yung babae. Niloloko na nga namin siya ni Scot na baka imagination lang niya 'yung nakita niya pero napipikon lang siya at nagwo-walk out.
Mukhang tinamaan na nga siya. Like me, hindi rin kasi siya mahilig sa mga flings because believe me or not-- he's a kind of a decent man.
Si Scot naman, sigurado ako na hindi rin siya magpapahuli sa pagpunta mamaya. Masyadong sikat ang bar ko kaya tuwing Friday night or weekends ay talagang maraming pumupunta kaya naman mamba-babae lang 'yun mamaya. Siya ang pinaka-wild sa aming tatlo na mga lalaki, mahilig sa mga flings, and one night stands.
Hinahayaan na lang namin kasi baka nagpapakasaya lang siya sa pagiging buhay single niya.
'Yon lang naman ang pinagkaka abalahan nila sa buhay, wala silang pinoproblema sa pera kahit na hindi naman sila nagtatrabaho. Marami kasi silang investment-- sa katunayan nga ay nag-invest na silang dalawa sa bar ko kaya lumalaki ang pera nila without effort.
Unlike Natalie and I, busy kami sa mga sarili naming career. Like what I’ve said, isa siyang sikat na modelo. Isa rin siya sa dahilan kung bakit lumalakas at dumadami rin ang mga customers ko lalo na ang mga lalaki dahil umaasa sila na makikita nila ang isang Natalie Curtis na nagsasayaw sa dance floor ko. Medyo wild din si Natalie like Scot-- medyo bitchy type siya sa mga taong hindi niya gusto pero kapag nakilala niyo siya, talagang mabait siya. Matagal na kasi kaming magkakaibigan na apat-- actually lima kami, kasama na rin si Lexus na kakambal ni Scot pero kaming apat lang talaga 'yong pinaka-close dahil masyadong busy rin sa buhay si Lexus sapagkat siya ang nagma-manage ng kompanya ng family nila.
While me, I am Optimus Halterson but you can call me Tim. Ako lang naman ang may-ari nang isang sikat na bar around here sa Manila. I’m single but not ready to mingle. Masyado kasi ako na abala sa pag aasikaso ng bar ko at wala akong time sa mga babae o mambabae dahil to be honest— at my age of 25, wala pa akong babae na nakikilala na nakakuha talaga nang atensyon ko.
Gusto ko kasi na maramdaman 'yung pakiramdam na kahit ang daming babae o madaming tao sa paligid niya ay nasa kanya lang ang mga mata ko. The feeling of everything is blurred except to her. I think, kapag naramdaman ko na ang bagay na ‘yun, baka hindi ko na siya pakawalan pa.
So sad lang dahil hindi ko pa 'yon nararamdaman sa kahit na kaninong babae na nakakasalumuha ko. But, I still have exes, meron akong mga past relationships before na hindi naman nag-work that's why I just decided to focus on my bar. Hindi naman ako gano'n kapihikan. Magpapayaman na lang ako para kapag nakita ko na talaga ang babaeng magpapabago nang ikot ng mundo ko-- I can marry her right away.
By the way, ako na lang ang nandito sa Pilipinas dahil ang both parents ko ay nasa America na. Well, hindi naman nila ako pinipilit na sumunod sa kanila kahit nag-iisa lang akong anak sapagkat alam nila na successful talaga ang itinayo kong bar dito pagkatapos kong mag-college. Sa totoo lang, dapat engineer talaga ako pero mas pinili ko na magtayo nang sarili kong bar dahil pakiramdam ko ay ito talaga ang passion ko.
Nu'ng una, against si Dad sa gusto ko dahil para sa kaniya masasayang lang ang naging buong taon ko sa college sa pag aaral nang engineering at tanging si Mom lang ang sumusuporta sa akin... but in the end, Dad lend me enough money to make my dream bar when he saw that I'm really passionate about it that's why I owe him a lot.
And I think, uuwi silang dalawa this coming October to celebrate my birthday on our vacation house in Batanes. Kaya nga kahit busy ako sa bar ay wala akong magagawa kundi ang ipamahala ko muna sa pinsan ko na si Yandrei ang pamamahala sa Optimus bar para pumunta sa Batanes this coming next week.