WALANG MAGAWA si Tim kung hindi ang tanawin lang niya ang papaalis na dalaga na nakakuha ng kaniyang atensyon ng gabing ‘yun. Wala siyang ibang magawa kundi ang umupo lang sa inuupuan niya habang sumisimsim ng alak sa hawak-hawak niyang baso.
Hindi naman nagtagal ang kaniyang pag-iisa nang maramdaman niya na ang pagbabalik ng kaniyang kaibigan na si Pierce kung saan ay natanaw niya pa sa gilid ng kaniyang mga mata ang pabagsak na pag kakaupo nito sa couch na pinag uupuan niya rin nito kanina.
Bigla niya tuloy naalala ang nangyari sa kaibigan tungkol sa babaeng nakakuha ng atensyon nito kaya ito pabalik-balik sa bar niya. Hindi niya maiwasan na isipin na parang pareho ang nangyari sa kanilang dalawa sapagkat may babae rin ang nakakuha ng atensiyon niya kani-kanina lang. Hindi lang siya sigurado kung may kasintahan na ba ito o hindi lalo na at may kasama itong lalaki sa pag alis sa bar niya.
Pero kahit parang pareho sila nang pinag dadaanan ay wala naman siyang balak na ikwento ‘yun kay Pierce dahil ayaw niyang mabaling sa kaniya ang pang aasar ng kaniyang mga kaibigan at saka ayaw niyang kainin ang ginawa niyang pang aasar kay Pierce nitong mga nag daan na linggo. Idagdag na rin na hindi naman siya sobrang nahulog sa dalaga, nagandahan lang siya at wala ng iba pa. Period!
After almost four hours ay lalong umunti na ang mga customers sa Optimus bar dahil halos madaling araw na rin. May mga nag uwian na at may mga lasing na rin kaya nag alisan na ang mga ito. Habang siya naman ay nag iintindi na ng income para sa gabing ‘yun sa may bar mismo.
Nakakapagtrabaho na rin naman siya nang maayos dahil mahina na ang tugtog na nagmumula sa DJ at wala na rin masyadong umu-order.
By the way, maagang umalis ang kaniyang kaibigan na si Scot sa bar niya kasi sa pagkakarinig nila ay parang tumawag ata ang kakambal nitong si Lexus at pinapauwi na siya. Si Natalie naman ay umalis na rin kasi maaga ang gym schedule nito bukas sa pinsan niyang si Rusty… at katulad nga nang inaasahan niya, si Pierce ang pinaka huling umalis sa kanilang magbabarkada dahil sa mga huling sandali ay umaasa pa rin ito na makikita ang babae.
Habang abala lang siya sa kaniyang pag au-audit ay biglang lumapit sa kaniya ang isa niyang staff na si Lio kaya agad niya itong binatuhan nang tingin.
“Sir, available pa po ba ‘yung 10% promo natin?” tanong sa kaniya nito. Huminto naman muna siya sa ginagawa niya para ito ang pagtuunan nang pansin.
“Oo, pero para sa customers lang ‘yun na above 10,000 pesos ang bill,” sagot niya dito.
“Ahh. Okay sir, minus 10% po ‘yung bill para sa table 5.” Sagot nito sa kaniya.
Hindi niya tuloy maiwasan na magtaka and the same time ay matuwa dahil nakakuha siya ng 10k sa isang gabi lang. Well, mas malaki rin naman ang kinikita niya doon pero nakakatuwa lang dahil sa iisang table lang ‘yun nagmula. “Lalapit na lang daw po dito si Sir Jam para magbayad mamaya, nagpapaalam pa po kasi siya sa mga kaibigan niya.” Dagdag na saad pa nito sa kaniya
Medyo natigilan naman siya sa part na ‘yun nang marinig niya ang pangalan na Jam.
“Kay Jam Caparro ba?” Tanong niya dito.
“Opo sir.” Pagsang-ayon sa kaniya ng empleyado niya. Hindi na lang siya umimik hanggang sa tuluyan na rin na nagpaalam sa kaniya si Lio.
Hindi niya tuloy maiwasan na isipin na hindi pa pala nakakaalis sa bar niya ang grupo ni Jam… bigla tuloy pumasok na naman sa isipan niya ‘yung babaeng nakita niya lang kanina.
“Hey! What’s up Tim.” Agad na bati sa kaniya nang isang malambot na boses sa may hindi kalayuan kaya naman awtomatikong napa angat ang kaniyang paningin dito. Doon niya na nga agad na nasilayan si Jam, isa itong bakla pero hindi tipikal na gay na nagsusuot ng mga damit ng babae or nag me-make up… pang lalaki pa rin kasi ang sinusuot nitong mga damit, pang lalaki ang pabango at hindi nagme-make up. Mapagkakamalan mo lang ito na bakla dahil sa malambot na boses nito at siyempre dahil na rin sa boyfriend nito.
“Hey… long time no see,” nakangiting bati niya rin pabalik dito kung saan ay sinundan niya lang ito nang tingin habang umuupo sa stool na nasa harapan ng counter bar na pinagkakatuan niya.
“Yeah, medyo busy kasi nitong mga nag daan na araw. By the way, magbabayad na nga pala ako. Table 5. Ang sabi nung isang staff mo ay may 10% promo raw kayo para sa above 10,000 bill.” Wika sa kaniya nito.
Ganon na talaga sila makipag usap sa isa’t-isa kasi gaya nga nang sinabi niya kanina… madalas na nasa bar niya si Jam at isa ito sa mga bigatin niyang customers kaya naman naging malapit na rin siya dito.
Talking about pagiging malapit… hindi tuloy maiwasan ni Tim na mag isip kung pwede niya bang maitanong kay Jam ang tungkol sa babaeng nakita niya kanina pero sa ngayon kasi ay nag dadalawang isip pa siya na gawin ‘yun.
“Yeah. We have a promo,” sagot na lang niya at saka niya inabot na ang binibigay nito sa kaniya na card.
At dahil medyo hindi pa siya sigurado sa itatanong niya kay Jam kaya naman nakakuha na lang siya ng ibang ideya kung saan magsisimula sa pagtatanong. “By the way, anong cine-celebrate niyo kanina? Mga kaibigan mo ba ‘yun?” he asked.
“Ahh yeah. Mga ka-blockmates ko sila. Last walwal na namin ‘to dahil sa susunod ay baka maging certified nurse na kami hahaha. Alam mo na, baka ma-haggard na kami sa work. Naghihintay na lang kasi kami nang resulta ng bar.” Sagot ni Jam sa kaniya.
Ibig sabihin ay magne-nurse pala yung babaeng nakita niya kanina.
Simpleng pag tango-tango naman ang ginawa niya upang maipakita dito na naiintindihan naman niya ang ibig sabihin sa kaniya ni Jam pero kahit ganon… obviously, hindi naman nasagot noon ang gusto niya talagang malaman… kaya muli na naman siyang pa simpleng nagtanong.
“Blockmates mo pala, kaya pala may mga nakita akong hindi pamilyar na mukha…” saad niya pa habang pa simple niya lang na binabatuhan nang tingin ang kaibigan.
“Oo, kasi ‘yung iba galing pang probinsiya like Seah and Joy, pumunta lang talaga sila dito sa Quezon City para dito sa party namin.” Sagot sa kaniya muli ni Jam.
Probinsiyana?
Hindi malabo na isa sa nabanggit na pangalan ni Jam ang babaeng nakita niya dahil unang-una, hindi nga pamilyar sa kaniya ang mukha ng babaeng ‘yun. Sa way rin kasi nang pananamit na nakita niya sa babae ay parang conservative rin ito, idagdag na rin ang morenang balat ng dalaga kaya sigurado siya na probinsiyana ‘yun sapagkat ‘yun yung mga traits ng isang babae na galing probinsya.
Dahil mas lalong tumitibay ang mga impormasyon na nakakalap niya kaya naman muli na ulit siyang nagtanong.
“Sino ba ‘yung Seah? ‘Yun ba ‘yung naka-white na babae?” he asked again.
Nakita naman niyaa ng pag iisip ni Jam sa tanong niya hanggang sa maya-maya pa ay biglang nagkabit ito ng balikat.
“Hindi ko na matandaan eh. Basta morena siya, at maganda rin siya… hindi siya sanay na pumunta sa ganitong mga lugar kaya nga umalis din siya agad kasama nung kaibigan niyang si Joy kasama si Andrew.”
At doon na nga tuluyang natigilan si Tim sa kaniyang narinig. Tama! ‘Yun na nga ‘yung babaeng tinutukoy niya kasi maaga nga itong umalis kasama ng isang babae at ‘yung lalaking inaakala niyang boyfriend nito.
“Boyfriend niya ba ‘yung Andrew?” At hindi niya na nga napigilan na magtanong pa ulit.
“No. Wala ‘yung boyfriend. Teka nga, kilala mo ba si Seah?” and this time ay si Jam naman ang nagtanong sa kaniya. Mukhang nagtaka na ang kaibigan sa dami nang tinatanong niya tungkol sa babae.
Sunod-sunod naman ang ginawa niyang pag iling bilang pagtanggi.
“Hindi.” Simpleng sagot niya at dahil tapos na rin naman ang ginagawa niya sa card ni Jam kaya ibinalik niya na ito ulit dito kung saan ay agad na ‘yung tinanggap ng binata.
“Thanks, alis na ako… madaling araw na eh.” Saad pa ng kaibigan at tuluyan na nga itong tumayo sa stool na pinagkakaupuan nito.
Nang tatalikod na sana sa kaniya si Jam ay tinawag niya ulit ang pangalan nito na naging dahilan kung bakit huminto mula sa pag alis ang kaibigan saka siya muling hinarap nito at nagtanong ng bakit.
Last question na talaga!!!
“Taga saang probinsiya yung Seah?” tanong niya at talagang interesado siyang malaman ‘yun. Hindi siya tutulad sa kaibigan niyang si Pierce na clueless sa katauhan nang babaeng nagugustuhan nito kaya gagawin niya ang lahat para makilala ang dalaga kahit naang dami niya nang naging katanungan.
“Taga Batanes. Seah Agoncillo ang pangalan niya… hays! Ang daming tanong huh, sige, gora na ako.”
Taga Batanes siya?