NANG GABING ‘yun ay hindi makatulog si Tim lalo na at hinihintay niya pa na tumawag ang kaniyang Mom and Dad sa kaniya. Habang hinihintay niya ang mga ito ay abala naman siya sa pag search ng pangalan ng dalaga na nabanggit sa kaniya ng kaibigan niyang si Jam.
Kasalukuyan lang siya na nakaupo sa kaniyang swivel chair sa harap ng kaniyang study table habang nasa harapan naman niya ang nakabukas niyang laptop. Kanina pa niya sine-search ang pangalan ni Ceyah Agoncillo pero wala pa rin na lumalabas doon… meron man pero kapag ini-stalk niya ang account ay hindi naman ang istura ng babae ang nakikita niya kung hindi ibang tao.
“Aish! Wala ba siyang account dito o mali lang ang pangalan na sine-search ko?” hindi niya maiwasan na itanong niya ‘yun sa kaniyang sarili.
Ang hindi niya alam ay mali naman talaga ang pangalan na tinitingnan niya kasi SEAH dapat ‘yun at hindi CEYAH.
Habang naka-focus siya doon ay sakto naman na nag appear na sa screen ng laptop niya ang pangalan ng account ng kaniyang ina kung saan ay tumatawag na ito sa kaniya through video call kung saan ay hindi naman siya nag dalawang isip na sagutin ‘yun.
Nang mag-active na ‘yung call ay nag appear na nga sa screen ng laptop niya ang kaniyang parents. Nakasuot ng jacket ang dalawang matanda dahil na rin sa tag lamig na panahon ng bansa kung nasaan ang mga ito which is sa Korea.
“HI Ma! Hi Dad!” magiliw na bati niya sa mga ito kung saan ay sinundan niya pa ito nang pag ngiti. Kitang-kita niya na napangiti rin sa kaniya ang kaniyang ama pero nanatili naman na wala lang ekspresyon ang mukha ng kaniyang ina.
Nasa America na naka-base ang mga ito at siya lang ang tanging nasa Pilipinas. Nagbabakasyon lang ang kaniyang parents sa lugar na ‘yun dahil nag daos ang mga ito ng anniversary ng dalawa kung saan ay siya ang gumastos ng lahat sa trip na ‘yun para makabawi sana. Actually dapat kasi talaga ay kasama siya doon kaya lang tumanggi siya sapagkat alam niyang hindi niya basta-basta maiiwan ang Optimus bar. Nagtampo ang kaniyang mga magulang sa bagay na ‘yun pero sa ibabalita niya sa mga ito ay alam niyang ikakatuwa ‘yun ng dalawang matanda.
“Oh ano? Kamusta naman ang mas importanteng trabaho mo diyan sa Pilipinas kaysa ang samahan kami ng Dad mo dito?” halata pa rin ang pagtatampo sa boses ng matandang babae. Hindi maiwasan ni Tim na lihim na mapangiti dahil sa ikinikilos ng kaniyang ina.
Nakita niya pa ang pag saway ng kaniyang Dad dito… well, inaasahan naman na talaga niya ang ganong ugali ng kaniyang ina dahil alam niya kung gaano ito ka emosyonal na tao.
Nagtatampo pa rin ito sa pagtanggi niya na sumama sa Korea habang ang kaniyang ama naman ay mukhang okay an dito ang lahat.
“Ma naman, ‘wag ka nang magtampo,” pa unang saad niya kung saan ay medyo pinalambing niya ang tono nang pananalita niya.
“Hay na ako Tim, ‘wag mo nang pansinin itong Mama mo… ganyan lang naman siya sa harap mo pero kanina, enjoy na enjoy naman ‘to sa Jeju Island.” Wika ng kaniyang Dad at awtomatikong nakita naman niya ang mabilis na pag siko ng kaniyang ina sa tagiliran ng kaniyang ama pati na rin ang pag bato nito nang masamang tingin.
Muntikan na siyang mapatawa pero ginawa niya ang lahat para mapigilan ‘yun sapagkat sigurado siya na madadagdagan lang niya ang hinanakit na nararamdaman ng kaniyang Mom.
“Ma sorry na… don’t worry, ‘yung isang pakiusap mo sa akin— sige papayag na po ako doon,” nakangiting saad niya dito at nakita niya ang mabilis na pagbato nito nang tingin sa kaniya.
“Talaga?” Natutuwa na tanong nito sa kaniya at sunod-sunod ang ginawa niyang pag tango nilang pagsang-ayon kung saan ay ang ama naman niya ang nagsalita.
“Kanino mo naman maiiwan ang bar mo?” Tanong ng Ama.
Nabanggit na ba sa inyo ni Tim na hindi payag ang kaniyang ama nung una sa pagpapatayo niya ng bar? Pero sa bandang huli ay pumayag na rin ito at ang matandang lalaki pa mismo ang nag bigay nang puhunan para maisagawa ang Optimus Bar.
“Kay Yanrei Dad, magkikita nga kami bukas eh,” may pag galang na saad niya dito.
“Mabuti naman kung ganoon… ang tagal na namin na hindi ka nakakasama sa birthday mo. Magtatampo na talaga ako nang tuluyan kung pati ‘yun ay hindi mo man lang mabibigyan ng time.” Saad sa kaniya ng ina.
Napag-usapan na kasi talaga nila ang tungkol sa birthday niya nung nakaraan pero katulad nga nang lagi niyang ginagawa ay tinanggihan niya rin ‘yun.
Talagang nag bago lang ang isip niya dahil sa isang tao.
“Eh kailan mo naman balak na pumunta sa Batanes? Siguradong mag uuwian na ang mga pinsan mo doon kung sakaling nalaman nila na matutuloy ang birthday party mo.” Saad pa ng ina.
Tama! Sa Batanes nga siya pupunta dahil nandoon ang bahay bakasyunan nila. Since bata pa talaga siya ay doon at doon na isinasagawa ang birthday party niya at hanggang sa pagtanda ay nakagawian na rin ‘yun. Malaki kasi ang bahay nila sa Batanes at saktong-sakto ‘yun sa rami ng kapamilya niya.
Nang malaman niya na taga Batanes pala ang babaeng nakita niya sa bar niya ay hindi na siya nag dalawang isip pa na pumayag sa pagpunta doon. Balak niyang hanapin ang dalaga at sigurado naman siya na madali niya lang itong matutunton sapagkat unang-una… hindi ganon kalaki ang Batanes at pangalawa, alam naman niya ang pangalan ng babaeng hinahanap niya kaya sigurado siya na hindi siya mahihirapan sa pag hahanap na gagawin niya.
“Hmm. As soon as possible Dad… uuwi na po ako agad ng Batanes. Ibri-brief ko lang po si Yandrei sa mga dapat niyang gawin sa Optimus Bar habang wala ako and pagkatapos noon ay aalis na rin po ako agad,’ sagot niya sa dalawang matanda.
Hindi na siya mag aaksaya pa ng oras.
Hindi man siya sigurado kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari o kung bakit nga ba gusto niyang mahanap at makilala si Seah pero hindi niya na muna ‘yun iisipin sa ngayon. Basta ang alam niya at ang sigurado siya ay… ‘yun ay iba ang naramdaman niya sa babaeng ‘yun na hindi pa niya nararamdaman sa ibang babae.