KATULAD NGA nang plano ni Tim ay maaga nga siyang bumalik sa kaniyang bar ng araw na ‘yun dahil nga may usapan sila ng kaniyang pinsan na si Yandrei na sa Optimus bar na lang magkikita kinaumagahan. Kaya ngayon ay tahimik na siyang nagmamaneho sa loob ng kaniyang kotse. Minuto lang naman ang itinagal ng kaniyang pagmamaneho hanggang sa makarating na rin siya agad sa may Optimus bar.
Nagpapark lang siya ng kotse niya nang mapansin niya na agad ang kotse ng kaniyang pinsan kaya naman doon niya nalaman na mukhang nasa loob na si Yandrei. Isa si Yandrei Halterson sa pinakamalapit niyang pinsan… nagtapos ito ng business administration noong college pa sila kaya naman ito talaga ang mapagkakatiwalaan niya sa paghahawak ng bar habang wala siya around Quezon City. Ang pinsan niya rin ang paminsan-minsan na naghahandle ng business ng pamilya nito, pero dahil malakas pa naman ang kaniyang Tito Joseph which is ang bunsong kapatid ng kaniyang ama kaya madalang lang nitong hinihingi ang tulong ni Yandrei.
Buti nga at nagkataon talaga na hindi busy ang kaniyang pinsan dahil kung abala ito… tiyak na wala siyang aasahan na ibang mapag bibilinan ng bar.
Mabilis na nga ang ginawa niyang pagkilos sa pag aakala na baka kanina pa naghihintay si Yandrei sa kaniya. SA pagpasok niya sa loob ay nakikita niya agad ang mga empleyado niya na pang umaga ang shift ng trabaho. Ito kasi ang mga abala sa pag iintindi ng kalinisan ng buong bar at nang madatnan niya ang mga ito ay talagang abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa.
Marami ang bumati sa kaniyang pag dating kung saan ay itinanong niya sa mga ito kung nasaan ang pinsan niya na agad din namang sinagot ng mga ito.
“Nasa opisina niyo na po Sir Tim, medyo maalikabok pa po kasi dito sa labas kaya sa loob na lang po namin siya pinaghintay.” Sagot sa kaniya ni Kian na isa sa mga staff niya.
Tanging pag tango na lang naman ang isinagot niya sa mga ito hanggang sa tuluyan na rin siyang dumiretso papunta sa kaniyang opisina. Naalala niya na hindi pa nga pala niya nasasabi sa mga empleyado niya ang balak niyang pag alis… buti na lang at pumasok ‘yun sa isipan niya. Baka mamayang gabi na lang niya sasabihin tutal may hanggang mamaya pa naman siya sa pag hahandle ng buong bar bago siya tuluyang mag leave at ipasa kay Yandrei ang lahat.
Pagpasok niya sa loob ng kaniyang opisina ay nadatnan niya nga doon ang kaniyang pinsan na nakaupo lang sa sofa habang humihigop ito ng kape sa hawak-hawak na cup.
“Hey. Sorry I’m late,” agad na bati niya kay Yandrei at nag manly high five pa silkang dalawa.
“No. You’re not late… I’m just early.” Simpleng sagot ni Yandrei sa kaniya at nang tatayo pa sana ito mula sa pagkakaupo ay agad niya na itong pinigilan at siya na lang ang umupo sa katapat nitong sofa.
Hindi na rin naman siya nag aksaya pa ng oras para masabi kay Yandrei ang lahat nang kailangan nitong malaman sa pag hahandale ng Optimus bar. Nagmamadali siya ng konti dahil kailangan niya pang sunduin ang kaibigan niyang si Natalie mamaya sa gym ni Rusty. Kapag kasi maghapon itong nag work out ay wala na talaga itong lakas para mag maneho pa kaya naman talagang nakagawian niya na ‘yun.
Matapos ang ilang oras na briefing niya kay Yandrei ay nag me-meryenda lang sila ngayon. Nag pause lang sila sandali dahil talagang pareho na silang gutom dahil nag skip sila ng breaKfast para maaga ngang makarating ang bawat isa sa bar na ‘yun. Tanging kape lang ang inalmusal ng kaniyang pinsan habang siya naman ay talagang walang laman na kahit ano ang kaniyang sikmura.
Kumakain lang sila ng shawarma at juice for their drinks kung saan ay nagpa deliver lang sila para hindi masyadong hassle.
“By the way, bakit pala biglang nag bago ang isip mo about sa pag punta ng Batanes? Parang kailan lang sinasabi mo sa GC na hindi ka mag ce-celebrate ng birthday mo doon.” Bigalng tanong ni Yandrei sa kaniya out of nowhere.
Ang tinutukoy nitong GC ay ang group chat nila ng kanilang mag pipinsan kung saan ay medyo nabuksan ang usapan doon tungkol sa nalalapit niyang birthday. AT katulad nga nang sinabi nito pati na rin ang sinabi niya sa kaniyang magulang noon na wala nga siyang balak na pumunta sa Batanes.
Sigurado naman siya na hindi ito maniniwala kung sasabihin niya na nagbago lang ang isip niya pag lipas lang ng halos isang linggo. Tutal, katulad nga nang sinabi niya… isa sa malapit niyang pinsan ang binata kaya wlaa naman sigurong masama kung sasabihin niya dito ang tunay na dahilan.
“The truth is… may hahanapin lang akong tao and nagkataon na taga Batanes siya kaya kukunin ko na rin ’yung pagkakataon na ‘yun,” simpleng sagot niya na lang sa kaniyang pinsan.
Kumunot ang noo nito na para bang alam na agad ni Yandrei ang katotohanan. “Hahaha. Bakit hindi mo na lang diretsuhin na isang babae ang hahanapin mo doon.” Natatawang saad nito.
Napa iling-iling naman siya habang natatanaw. ANo pa nga ba ang inaasahan niya kay Yandrei, likas naman talaga itong matalino kaya nahulaan talaga nito ang tunay na pakay niya.
“Taga Batanes siya? So, probinsiyana siya.” Dagdag na saad pa nito sa kaniya at tanging pag nod naman muna ang kaniyang naging tugon kay Yandrei bago siya nagsalita.
“Yeah. ‘Yun ang sabi sa akin nung isang kakilala ko. Kagabi ko lang siya nakilala and I want to know her better, kaya ayun… nag bago nga ang isip ko sa pag punta sa Batanes.” Sagot niya dito habang nakangiti. Hindi niya maiwasan na mapangiti kapag naaalala niya ‘yung exact moment kung paano nakuha ng babae ang atensyon niya kagabi.
Akala niya ay makakatanggap siya ng encouraging speech o motivational advise mula sa kaniyang pinsan pero narinig niya lang mula dito ang mahinang pag chuckled nito sa kaniya. Hindi lang ‘yun dahil maya-maya pa ay nagsalita na rin ito.
“Mag pustahan pa tayo bro, wala kang mapapala sa babaeng yun.” Saad nito sa kaniya na naging dahilan nang pag kakakunot ng noo niya at saka siya sumagot dito.
“Why? Wala naman siyang boyfriend… ‘yun ang sabi nung kaibigan niya sa akin kagabi.”
“Hindi naman ‘yun ang ibig kong sabihin Tim, oo nga at wala siyang boyfriend pero maniwala ka sa akin… karamihan sa mga probinsiyana— hindi ko naman nilalahat pero masasabi ko thay they are not into rich guy like us. Hindi sila mahilig sa mayayaman. Iisipin kasi nila na matapobre ka o matapobre ang parents mo… o minsan pa nga, hindi nila maiwasan na i-down nila ang sarili nila kasi langity ka at lupa sila… like a typical love story you know… kaya bro, maniwala ka, kapag nalaman nila na mayaman ka… bagsak ka na agad sa kanila.” Mahabang paliwanag sa kaniya ni Yandrei na naging dahilan kung bakit hindi niya maiwasan na matigilan, mapatihimik at mag isip ng malalim.