CHAPTER 2

1107 Words
Habang nanonood ng movie sina Lorrene at Froilan, nagulat sila nang makita nila sa news na patay na si Emmanuel. Natagpuan ang bangkay nito sa isang bakanteng lote at hindi natukoy ng mga pulisya ang dahilan sa pagkamatay nito. Nang makita nilang bumaba si Francine at Lorenz ay dali-dali nilang pinatay ang tv. Ayaw nilang masaktan na naman si Francine kung malaman nito na patay na ang kaniyang daddy. Dahil weekend, inutusan ni Lorrene si Beth at ang driver na ipasyal ang mga bata sa park. Pumunta sila sa morgue kung saan dinala ang patay na katawan ni Emmanuel. Pinaimbestigahan nila ang nangyari. Hindi pa rin binago ni Emmanuel ang birth certificate ni Francine, si Froilan pa rin ang biological father nito. Kaya hindi na nila kailangan dumaan sa legal na processing sa pag-ampon sa bata. Dahil mula nang ipinanganak ito siya na ang kinikilalang daddy ni Francine. “Froilan, anong gagawin natin? Baka guluhin nila tayo at bawiin nila si Francine sa atin.” Nakita ni Froilan at Lorrene ang mga magulang ni Emmanuel at lumapit ito sa kanila. Kinakabahan si Lorrene baka bawiin nga nila si Francine. “Hello, Froilan Ignacio. Gusto ko lang sanang malaman kung ano ang ginagawa niyo dito? At kasama mo pa talaga ang wife mo?” tanong ni Elvera. “Ma’am, magandang araw po sa inyo. Sinubukan lang namin alamin ang totoong nangyari kung bakit namatay si Emmanuel,” sagot ni Froilan. Tahimik lang si Lorrene habang nakahawak sa braso ni Froilan. “Ikaw ba ang kinilalang ama ni Francine? Gusto naming kunin sa ‘yo ang bata,” wika ni Elvera habang nakataas ang kilay nito. Umiinit ang tenga ni Froilan sa kaniyang narinig. “Excuse me po, Ma’am. Sa amin po iniwan ni Emmanuel ang bata ang ibig-sabihin ay wala siyang tiwala sa ‘yo. Ayaw ko ng gulo, Ma’am. Alam niyo naman siguro na ako ang kinikilalang ama ni Francine mula pagkabata. Balita ko, hindi niyo tanggap ang bata dahil kriminal ang mommy niya. Bakit nagkainteresado ka ngayon?” galit na buwelta ni Froilan kay Elvera. “Kadugo namin si Francine, ako ang mommy ng ama niya. Kaya ako ang mas may karapatan sa bata. Kung ayaw niyong ibigay sa amin ang bata magkita-kita tayo sa korte,” singhal ng matanda at tumalikod na ito sa kanila. Habang si Lorrene naman ay nanginginig ang mga kamay nito. Hinaplos ni Froilan ang mukha nito at pumunta sila sa parking lot kung nasaan ang kanilang kotse. “Lorrene, asawa ko, okay ka lang ba? Bakit ka nanginginig ng ganiyan?” Niyakap niya si Lorrene at hinalikan sa noo. “Froilan, ayaw kong ibigay si Francine sa kanila. Ipaglaban natin siya, Froilan. Nakita mo naman na masama ang ugali ni Mrs. Elvera. Baka ano ang gagawin nila kay Francine,” umiiyak si Lorrene habang nagsasalita kahit hindi siya ang mommy ni Francine ay minahal niya ito katulad sa pagmamahal niya kay Lorenz. Umuwi na sila sa mansion at nagtataka naman ang mga bata dahil namamaga ang mga mata ni Lorrene nang makita niya si Francine ay nilapitan niya ito at hinaplos ang mukha. “Mommy Lorrene, umiyak po ba kayo?” tanong ni Francine kay Lorrene. Pero patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ni Lorrene. Nagtataka naman si Lorenz kaya niyakap niya agad ang mommy niya. “Lorenz, mahalin mo si Francine. Alagaan mo siya kasi ikaw ang kuya niya. Magkapatid kayo kasi si daddy Froilan ang ama niya, okay?” seryosong turan ni Lorrene habang yakap-yakap niya si Lorenz. “Momm,y promise po mamahalin ko po si Francine kasi anak po siya ni daddy. At ako ang kuya niya,” nakangiting saad ng bata. “Francine, mula ngayon ako na ang mommy mo. Magkapatid kayo ni Lorenzo. Alagaan niyo ang isa’t-isa, okay?” emosyonal na sinabi ni Lorrene habang tumutulo ang mga luha niya. Hinawakan ni Francine ang mukha ni Lorrene at hinalikan niya ito sa pisngi. Tumakbo siya sa dining table at kumuha ng clenex na nasa mesa at saka tumakbo pabalik kay Lorrene at pinunasan niya ang mga luha nito. Lalong umiiyak si Lorrene sa ginawa ni Francine. Niyakap niya ito nang sobrang higpit at hinalik-halikan sa pisngi. Nagtataka si Francine kung bakit umiiyak si Lorrene kaya nagtanong na ito. “Mommy, bakit po kayo umiiyak?” tanong ni Francine na umiiyak na rin. “Francine, wala na ang daddy Emmanuel mo, nasa heaven na siya kasama ng mga angel. At ikaw isa ka sa mga angel na iniwan niya rito sa amin. Kami ang mag-aalaga sa ‘yo anak, kami ng daddy mo at ni Lorenz. Kami na ang bago mong pamilya.” “Mommy, nasa heaven na po si Daddy? Paano na po ako? Akala ko babalikan niya ako dito at magkakasama na kami ulit,” umiiyak si Francine habang nagsasalita. Naawa si Froilan sa bata kaya kinarga niya ito at niyakap nang sobrang higpit. Umiyak na rin si Froilan at si Beth. Naging emosyonal ang mansion dahil sa nangyayari. “Francine, ako na ang daddy mo. Mahal na mahal kita at mula ngayon bahagi ka na ng pamilya namin. Kung ano ang meron kami ay meron ka rin. Lahat ng pag-aari namin, may karapatan ka na rin. Anak ka namin ni Lorrene at kapatid mo si Lorenz siya ang superhero mo,” seryosong saad ni Froilan habang tumutulo ang mga luha nito. Habang si Lorenz naman ay nakaramdam ng lungkot. Umakyat ito sa kuwarto niya at nagtalukbong ng kumot. Nakaramdam siya ng selos kay Francine dahil nakikita niya kung paano ito niyakap ng kaniyang mommy at daddy. Samantalang siya noon ay ang yaya niya lang ang laging kasama niya dahil madalas nasa opisina ang kaniya ina at ama. “Kuya Lorenz, bakit po ang aga mong natutulog? Maglalaro pa tayo, please.” Tinapik niya ang mukha nito para magising pero ayaw pa rin gumising ni Lorenz. Humiga si Francine sa kaniyang tabi at niyakap niya ito nang mahigpit. “Kuya Lorenz, salamat kasi kahit nasa heaven na si daddy meron naman akong bagong Mommy at Daddy. Higit sa lahat meron akong mabait na kuya. Ang sabi ni Mommy magkapatid daw tayo at dapat alagaan natin ang isa’t isa. Kuya, gusto ko kahit saan ka naroroon ay magkasama tayong dalawa. Huwag mo akong iiwan, kuya, huh. Dito ka lang sa tabi ko. Malulungkot ako kapag iiwan mo ako. Mula ngayon, ikaw na ang aking superhero.” Niyakap niya si Lorenz at hinalikan niya ito sa labi. Biglang dumilat ang mga mata ni Lorenz at tinititigan niya si Francine. “Francine, bakit mo ako hinalikan sa labi?” nagtatakang tanong ni Lorenz kay Francine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD