CHAPTER 3

1095 Words
Pagkatapos mailibing ni Emmanuel ay nag-file ng case si Elvera. Itutuloy nito ang pagbawi niya kay Francine. Kinabahan naman si Lorrene dahil baka magtagumpay ito sa pagbawi sa bata. Ayaw ni Froilan na ma-trauma ang bata kapag humarap sila sa paglilitis pero wala nang ibang paraan at kailangang harapin nila ang katotohanan. Habang nasa loob sila ng supreme court ay inilahad ng abogado ni Froilan na ito ang kinikilalang ama ni Francine mula nang maisilang ito. At hanggang ngayon si Froilan pa rin ang bioligical father nito sa birth certificate. Samantalang walang maipakita si Mrs. Elvera na may karapatan siya sa kaniyang apo dahil mula pagkabata ay hindi niya ito inaalagaan at itinakwil pa ito dahil anak ng isang criminal at nakakahiya sa kanilang pamilya at mula noon pa man ay hindi na rin nila tanggap si Bianca na maging asawa ni Emmanuel. At ngayon na patay na si Emmanuel ay naghahabol sila sa custudy ng bata. Tinanong si Francine sa abogado ni Froilan kung saan ito sasama pero ang sagot ni Francine ay gusto niyang makasama si Lorenz ang kanyang kapatid, ang kaniyang mommy Lorrene at daddy Froilan. Sinabi na rin ng bata na naririnig niyang inaway ang kaniyang daddy ng kaniyang Lola Elvira. Sinabi nito na huwag daw magdala ng bata sa kanyang pamamahay na anak ng isang kriminal. Umiiyak si Francine habang nagsasalita at nasasaktan si Lorrene sa kaniyang narinig, naawa siya sa pinagdaanan ni Francine sa kaniyang Lola. “She is a monster!” sigaw ni Francine sa kaniyang Lola Elvira. Hindi nakakapagsalita si Elvera at agad lumabas sa supreme court. Lumapit si Lorrene kay Francine at niyakap niya ito nang mahigpit. “Francine, salamat at pinili mo kaming makasama,” humagulgol ng iyak si Lorrene dahil sa sobrang tuwa. Habang si Lorenz naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. Pag-uwi nila sa mansion ay umakyat agad si Lorenz sa kaniyang kuwarto. Sumunod naman si Francine at naabutan niya si Lorenz na naglalaro ng video game. Lumapit sa kaniya sa Francine pero hindi niya ito pinapansin. “Kuya Lorenz, nagagalit po ba kayo sa akin? Bakit hindi mo ako pinapansin?” mahinahong tanong ni Francine kay Lorenz. Nakatingin pa rin si Lorenz sa kaniyang laro. Pero makulit si Francine at niyakap niya si Lorenz at hinalikan pa ito sa pisngi. Nag-blush si Lorenz at itinulak niya si Francine. Nagmamadali siyang tumakbo sa kanyang kama at nagtalukbong ng kumot. “Kuya Lorenz, nagagalit ka ba? P’wede naman kitang halikan kasi magkapatid tayo ‘di ba?” tanong ni Francine kay Lorenz. Hindi pa rin sumasagot si Lorenz at nagtalukbong pa rin ito ng kumot. “Kuya, pansinin mo ako. Gusto ko maglaro tayo. Kuya, sige na, please.” Tumalon-talon si Francine sa kama para bumangon si Lorenz. Bumangon nga ito pero galit na galit sa kaniya. “Alam mo ayaw ko nang may kapatid! Ayaw ko ng maingay at magulo!” singhal ni Lorenz sa kaniya habang itinutulak niya si Francine. “Ayaw ko sa ‘yo, Francine! Ayaw kitang maging kapatid!” dagdag pa nitong sinabi. Umiyak si Francine sa kaniyang narinig kaya tumakbo ito at humiga sa kaniyang kama. Humagulgol ito nang iyak. Nagmadaling sinundan naman ni Lorenz si Francine at nag-sorry siya agad. “Francine, huwag ka nang umiyak. Hindi mo kasi alam ang dahilan, eh. Ayaw kitang maging kapatid kasi gusto kitang--”naputol ang sasabihin sana ni Lorenz dahil pumasok si Beth. Naabutan niya na umiiyak si Francine. Tiningnan ni Beth si Lorenz pero umiling-iling lang ito. “Lorenz, bakit umiiyak ang kapatid mo?” tanong ni Beth pero hindi sumasagot si Lorenz. “Lorenz, tinatanong kita. Sumagot ka, please,” dagdag nitong sinabi. “Yaya, hindi ko po siya kapatid!” singhal ni Lorenz sa kaniyang yaya. First time na ginawa ni Lorenz ang ganito. Mabait na bata si Lorenz kaya kahit minsan ay hindi ito sumisigaw kay Beth, kaya labis ang pagkagulat ni Beth sa ipinakitang ugali ni Lorenz. “Baby Lorenz, ikaw ba ‘yan? Bakit mo ako sinisigawan? Bad ‘yan, baby. Huwag mong uulitin at lalong huwag mong iparinig sa mommy Lorrene mo,” Saad ni Beth habang nakatingin kay Lorenz. “Yaya, hindi ko siya kapatid ‘di ba? Ayaw ko siyang maging kapatid, yaya. Bakit gustong-gusto niyong lahat na maging kapatid ko si Francine?” tanong ni Lorenz kay Beth. Bumangon si Francine at tumakbo palabas ng kuwarto. Nagulat naman si Beth kaya nagmadali itong sinundan si Francine Pero hinawakan ni Lorenz si Beth. “Yaya, ayaw ko siyang maging kapatid, kasi gusto ko siyang maging girlfriend,” saad ni Lorenz. Nabigla si Beth sa kaniyang narinig kaya hinawakan niya si Lorenz. “Lorenz, baby, huwag mong iparinig sa mommy Lorrene ‘yan kung ayaw mong mapagalitan ka niya. Baby, paano mo nasabi ang katagang ‘yan? Kinilabutan ako sa ‘yo,” sabi nito habang hindi maipinta ang mukha niya. Pumasok sa isip ni Beth na crush ni Lorenz si Francine. “Yaya, gusto ko siyang maging asawa, ayaw ko siyang kapatid,” umiiyak pa si Lorenz habang nagsasalita. Natatawa naman si Beth dahil pinanindigan talaga ni Lorenz ang kaniyang sinabi na gusto nitong maging asawa si Francine. “Lorenz, baby, huwag mong sabihin kay mommy mo ‘yan. Sikreto lang nating dalawa na may gusto ka kay Francine,” natatawa na sinabi ni Beth kay Lorenz. Nakita ni Lorrene si Francine na humagulgol ng iyak habang nakadapa sa sofa. Nagmamadaling lumapit si Lorrene at tinanong niya kung bakit ito umiiyak. “Francine, bakit ka umiiyak, anak?” tanong ni Lorrene kay Francine at hinaplos niya ang buhok nito. Humagulgol pa rin si Francine. Ang akala ni Lorrene baka naalala niya lang ang daddy niya. Niyakap niya ang bata at tinapik niya ang likod nito. “Francine, nandito lang ako. Tandaan mo kapag malungkot ka yakapin mo lang ako, para maibsan ang sakit na nararamdaman mo.” Tumango lang si Francine habang yakap-yakap niya si Lorrene. Nakangiti naman si Froilan habang pinagmamasdan niya ang dalawa. Alam ni Froilan na may mabuting kalooban si Lorrene kaya madaling napamahal si Francine sa kaniya. Nilapitan niya ang dalawa at niyakap niya rin ang dalawa. “Bakit malungkot ang baby girl namin? Halika kay daddy.” Kinarga ni Froilan si Francine para tumahan na rin ito sa kaiiyak. Habang si Lorenz naman ay pinapanood silang tatlo. Nasa hagdanan siya nang mga oras na ‘yon. Alam niya na siya ang dahilan kung bakit umiiyak si Francine. Gusto niyang bumaba pero natatakot siya baka pagalitan siya ng mommy niya dahil inaway niya si Francine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD