KABANATA ISA (Pagpapatuloy)

1368 Words
Pananaw ni Lesley Ilang minuto lang ang byahe papuntang Calumpit kung saan ako nakatira. "Para po!" sigaw ko kay manong driver pag dating ko sa San Marcos, kung saan baranggay na nasasakupan ang La Residencia subdivision. Doon ako nakatira. Madilim-dilim na. Naglalakad lang ako papunta sa bahay namin. Wala pa ang kotse ni Papa kaya baka nasa trabaho pa ito. Pag pasok ko sa bahay namin ay nakita ko si Mama na naghahanda na ng dinner. "Yow!" bati sa akin ng kuya ko. Tinanguan ko lang s'ya at umakyat ako sa taas sa kwarto ko. Dalawa kaming mag kapatid, ako ang bunso. Kuya ko ay isang Architect na. Hindi tagala kami mayaman, pero dahil kay Kuya ay nakalipat kami sa isang subdivision. Humiga ako sa kama ko dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako, tapos nakita ko pa si Cridd. Marami na kasi kaming ginagawa sa school. Lalo na't graduating student ako, marami na talagang gagawin. Malapit na kami mag On-the Job Training, research pa. Ngayon pa lang ay nakaka-frustrated na. Huminga ako ng malalim at umupo ako sa kama. "Hoy! Kakain na daw," tawag sa akin ni Kuya Tyler. Nakasandal s'ya sa pinto habang nakatingin sa akin. "Mag bibihis lang ako," sagot ko sa kan'ya. Pumunta ako sa cabinet ko para kumuha ng pamalit na damit na susuoting ko. "Nakakalungkot talaga pag walang love life no?" pang-iinis ni Kuya Tyler. "Hiwalayan ka sana ni Ate Zamanta," bawi ko sa kan'ya. Pinagpatuloy ko ang pag kuha ng damit sa cabinet. "Kayo nga hiwalayan na," sagot n'ya sa akin. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Nakakatawa 'yun?" hindi ko nakikipagbiroan na tanong sa kan'ya. "Oo na, bumaba ka na d'yan baka hindi pa kita bigyan ng allowance," banta n'ya sa akin. "Okay lang, kukuha na lang ako sa wallet mo," banat ko. Alam ko pin code n'ya sa Gcash n'ya kaya hindi n'ya pwedeng panakot sa akin iyun. "Tsk!" iyun lang ang reaction n'ya. Tumalikod na ito sa akin at naglakad na s'ya pababa. Pumasok ako sa bathroom para mag palit ng damit. Pag tapos ay bumaba na rin ako para kumain ng dinner. Pag dating ko sa dining area ay nakita ko si Mama, Kuya at si Papa. Nandito na pala s'ya, pero naka-uniform pa rin ito, pulis si Papa. "Ma't Pa!" tawag ni Kuya kay Mama at Papa. Lahat naman kami ay napatingin sa kan'ya. Umupo ako sa tabi ni Kuya na may kakaibang ngiti sa labi. Mukhang kinikilig pa ang loko. Katapat namin si Mama, si Papa naman ang nasa dulo ng table. Rectangle ang design ng table namin, anim lang ang kasya dito. Nakatingin pa rin kami kay Kuya habang hinihintay na mag salita s'ya. Kumuha ako ng kanin at asado ang ulam namin ngayon. "Mag pro-porpose na ako kay Zamanta," excited na sabi ni Kuya Tyler. Napatigil ako sa pag subo ng pagkain kahit na nasatapat na ng bibig ko ang kutsara. "Bakit buntis ba si Zamanta?" tanong ni Papa, sa tono ng pananalita ni Papa parang masaya pa s'ya kung buntis man si Ate Zamanta. Sa akin okay lang naman, ilang taon na silang mag karelasyon; siguro mga seven years na sila. May maganda ng trabaho si Kuya Tyler, isa namang manager ng bangko si Ate Zam, kaya alam kong kaya na nilang bumukod. "Hindi pa, Papa," sagot ni Kuya Tyler. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Si Mama naman mukhang masaya na nakatingin kay Kuya. "Bagal mo naman," natatawang sabi ni Papa. "Kaya nga aayain ko na mag pakasal eh," masayang bawi ni Kuya. "Sabihin mo duwag ka lang kay Ate Zam, hindi mo mapormahan," banat ko. "Balak ko pa naman dagdagan allowance mo ngayong linggo, kaso wag na lang," saad ni Kuya. "Kailan ka ba mag pro-propose? Ako na bahala sa props," sabi ko kay Kuya. "Mahusay ka talaga," sabi sa akin ni Kuya. Ngiti lang ang sinagot ko. "Kailan mo ba balak?" tanong ni Mama. Mayroong kinuhang si Kuya mula sa bulsa n'ya at pinakita sa amin ang maliit na box. Agad ko iyung inagaw. Binuksan ko iyun at tinignan ang laman. "Engagement ring," sabi ko. Isang white gold ring and isang maliit na diamond ang nakalagay. Sobrang simple lang ng design. "Magugustohan ito ni Ate Zam, bagay na bagay sa kamay n'ya," pabor kong sabi kay kuya. "Tingin mo?" masayang tanong n'ya sa akin. "Anong tingin, sigurado ako," proud kong tugon. Simple lang naman na babae si Ate Zam, kaya magugustuhan n'ya ang isang simpleng singsing. "First week of August ko balak mag-propose," sabi ni Kuya. "Binabalaan lang kita, Tyler. Wag na wag kang mag loloko kung hindi ako mismo ang mag kukulong sa ‘yo," banta ni Papa kay Kuya. "Mahal na mahal ko si Zam, kaya wag kayong mag-alala, saka takot ko lang kay Zam," natatawang sagot ni Kuya. "Gusto kong maiyak sa tuwa, ang anak kong lalaki malaki na." Natawa naman kami kay Mama dahil mukhang iiyak nga talaga s'ya. "Ikaw, Lesley, hindi ka pag mag-aasawa," punto sa akin ni Papa. Nagulat naman ako at nasa akin na ang atensyon ng lahat. "Paano mag-aasawa iyan, Pa? kung walang boyfriend," pang-iinis ni Kuya sa akin. "Kailangan n'ya munang maging flight attendant bago s'ya mag asawa," dagdag pa sabi ni Papa. "Alam ko naman po iyun, kailangan pa natin pumunta sa ibang bansa," natatawa kong sabi sa kanila. Ibinalik ko kay Kuya ang singsing at pinagpatuloy ang pagkain. "Maganda kung lalaki ang panganay n'yo," sabi ni Papa. "Ano ka ba naman, darling, hindi pa nga kinakasal, anak agad ang nasa-isip mo," suway ni Mama kay Papa. "Sa akin, kahit ano," sabi ni Mama. Natawa na lang kaming lahat dahil sa sabi ni Mama. "Basta ako okay lang mag-alaga ng pamangkin, basta mayroong lagay," natatawa kong sabi. "Walang problema d'yan," sabi sa akin ni Kuya sabay kindat sa akin. Mayroon na naman akong pag kakakitaan kung nagkataon. Natapos ang masaya naming dinner. Ako na lang ang nasababa at nasa kusina ako. Naghuhugas ng pinggan na pinagkainan namin. Habang abala ako sa pag huhugas ay tumunog ang phone ko. Nasagilid ko lang iyun. Tinaob ko ang phone ko ng makita ko ang pangalan ni Cridd sa screen ng phone. Hindi ba n'ya ako titigilan ng lalaking iyun. Ang ganda-ganda ng gabi ko tapos sisirain na naman n'ya. Pag katapos kong hugasan ang pinggan ay patuloy pa rin sa pag tunog ang phone ko. Kinuha ko ang phone at pinatay iyun. Kinuha ko ang basura namin at inilagay iyun sa harapan ng gate namin. Bukas ng umaga ay kukuhanin iyun ng mga nangongolekta ng basura sa subdivision namin. "Hi... Les!" Muntik na akong matumba sa gulat. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Cridd. "Dinadalaw ka," sagot n'ya sa akin. Inayos ko lang ang basura sa gilid ng gate namin at pumasok na ako sa loob. Sinarado ko ang gate at ni-lock pa. "Kausapin mo naman ako!" sigaw n'ya. Napapikit ako at napatingin sa taas ng bahay namin dahil baka marinig s'ya nila papa. "Umalis kana," taboy ko sa kan'ya. "Hindi ako aalis hanggang hindi mo ako kinakausap," pag mamatigas n'ya. "Bahala ka sa buhay mo d'yan," sabi ko sa kan'ya. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin, sinarado ko ang pinto. Wala akong paki-alam kay Cridd kung mag hintay man s'ya sa labas ng bahay namin o hindi. Hindi ko s'ya kakausapin dahil wala kaming kailangan pang pag-usapan. Umakyat ako sa taas papunta sa kwarto ko. Umupo ako sa study table at nagbasa na lang ng libro para pampa-antok. Binabasa ko ang libro, pero wala akong na iintindihan. Ayaw mag focus ng utak ko sa libro na nasaharapan ko. Kainis naman kasing Cridd na iyun. Pag katapos n'yang mag loko saka s'ya lapit ng lapit sa akin. Isinarado ko ang libro at tumayo ako mula sa pag kakaupo. Naglakad ako palapit sa bintana namin kung saan makikita ang gate namin. Hinawi ko ang kurtina para silipin kung nasalabas pa ba ng bahay namin si Cridd. Nandoon pa nga si Cridd, pero sumakay na ito ng motor n'ya at pinaandar paalis sa tapat ng bahay namin, mabuti naman. Humiga na ako sa kama ko para makapagpahinga na rin. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na makatulog ako ng kusa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD