WB - KABANATA ISA

1438 Words
Pananaw ni Lesley "CASA Real," basa ko sa nakasulat sa bato na nakasulat dito. Tinignan ko ang harapan ng Casa Real de Malolos. Napadaan lang kami ni Jenette, kaibigan ko. Mayroon kasi kaming bibilin na gamit sa Pandayan. "Wow... fifteen eighty pala tinayo ang bahay na iyan," manghang sabi ni Jenette. Natawa ako sa sinabi n'ya. Lumingon ako kay Jenette na nakatingin pa rin sa Casa Real. "Mukha bang bahay iyan?" sarcastic kong tanong kay Janette. Tumingin sa akin si Jenette. "Mukha namang bahay," sagot n'ya sa akin. "Isang museum iyan," sabi ko kay Jenette para sa kaalaman n'ya. Hindi porket mukhang bahay ay bahay na. "Pasok tayo," nakangiting saad ni Jenette. Tinaasan ko ng kilay si Jenette. Hindi ko alam kung nakalimutan n’ya ba ang utak n’ya sad’yang wala lang s’yang idea sa lugar na ito? Taga saan ba s’ya at parang ngayon lang nakapunta ng Malolos? Halos lahat ng student ng BSU ay nakapunta na dito dahil isang sakay lang naman ng jeep o karatig ay nandito ko na. "Hindi p’wedeng pumasok ang walang alam sa history ng Casa Real," natatawa kong sabi kay Jenette. "Mayroon ka bang alam d'yan?" tanong n'ya sa akin. Hinahamon n’ya ba ako sa kaalaman? "Wala... kaya wag na nating tangkain pa na pumasok sa loob dahil walang lugar ang Casa Real sa bobong kagaya natin," natatawa kong sagot sa kan'ya. "Casa Real Shrine, itinayo noong ika-labing lima't walompu, naging seat of government ng Malolos...." Sabay kaming napalingon ni Jenette ng mayroong magsalita mula sa likuran namin. Isang nakakabwisit na ngiti, at nakakainis na mukha ang tumambad sa amin, na sana pala ay hindi na ako lumingon pa dahil sa nakakainit lang ng dugo ang masisilayan ko. Ang init na ng paligid, pero sumama ang init ng ulo ko kasabay ng panahon. "Naging town's Casa Tribunal, Ayuntamiento, and Casa Presidencia Municipal," dagdag pa ng kumag. Sa tingin n’ya mayroon akong oras making sa nakakabwisit n’yang boses? Mayroon lang sense ang sinasabi n’ya, pero bukod doon ay wala na. Si Cridd Francisco, ang ex-boyfriend kong sira-ulo. Bigla n'ya akong kinindatan kaya inirapan ko ito. Ngumiti lang s'ya sa ginawa ko, tumingin si Cridd sa Casa Real at pinagmasdan na akala mo sa kan'ya. "Dapat alam n'yo ang history ng lugar na ito dahil naging national printing press of the first republic iyan," paliwanag ni Cridd. Pasikat. "Nice! Paano mo nalaman iyan?" manghang tanong ni Jenette kay Cridd. Napa-cross arm naman ako dahil sa nawalan na ako ng mood sa katawan, tinignan ko si Janette na hindi makapaniwalang manghang-mangha sa lalaking ito. Isang search lang sa google ay malalaman mo na lahat ng sinabi n’ya eh. Ano kaya nakakamangha doon? Baka nakakabwisit. "Kababasa ko lang kanina," nakangiting sagot ni Cridd sa tanong ni Jenette. Poker face lang ang binigay ko kay Cridd ng tumingin na naman s'ya sa akin. "Les, p’wede ba tayong mag-usap?" tanong n'ya sa akin. Humarap ako kay Jenette. "Mayroon pa tayong kailangan gawin, hindi ba?" tanong ko kay Jenette. Hinila ko ang braso n'ya para umalis na kami sa lugar na iyun. Maglalakad na ako ng biglang humarang si Cridd sa harapan ko. "Wala na tayong pag-uusapan pa," walang gana kong sabi sa kan'ya. "Saglit lang," pangungulit ni Cridd. "Ah... eh... Les, mauna na muna ako sa Pandayan," paalam ni Jenette. Nagsimulang maglakad si Jenette. Walang gana kong tinignan si Cridd na nakangiti pa sa akin. Akala ba n'ya madadaan n'ya ako sa ngiting aso n'ya. Maluwag ang daan, pero hinawi ko si Cridd para dumaan. Sumunod ako kay Jenette. Ayokong maka-usap si Cridd kahit na makita ay ayoko na. Tumakbo ako para habulin si Jenette at sumabay sa pag lalakad sa kan’ya. "Kausapin mo na kasi," wika ni Jenette. Pinagpatuloy ko ang pag lalakad, diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan ko. "Wala akong panahon sa manloloko," malamig kong sambit kay Jenette. Pumasok kami sa Pandayan, katabi lang ito ng Cathedral Church; walking distance lang mula sa pinanggalingan namin na Casa Real Shrine. "Titingin lang ako sa taas ah," paalam ni Jenette sa akin. Tumango ako sa kan'ya bilang sagot. Naghiwalay na kami ni Jenette. Nandito lang ako sa first floor para bumili ng yellow pad paper. Dalawang taon din ang pinagsamahan namin ni Cridd Francisco. Nagustuhan ko s'ya dahil sa kabaitan na pinapakita n'ya, masasabi ko rin na iba talaga s'ya sa ibang lalaki sa paligid, pero mali ako; akala ko lang pala iyun. Naging maayos ang relasyon namin sa dalawang taon na pag sasama namin. Hindi ko lang malaman kung kailan kami nagtagal saka s'ya nagloko. Nahuli ko lang naman na may ibang babae sa Natividad hall sa engineering building sa isa sa mga room doon. Ang daming hotel and motel sa paligid, pero doon pa nila na trip-an na mag halikan, sana inuwi na lang n’ya si Jamie. Same school lang kasi kami kaya hindi ko s'ya maiwasan, pero hindi ko na s'ya pinapansin pa. Wala akong panahon sa mga manloloko. Isang taon na lang naman na makakaalis na ako sa paaralan na iyun. Fourth year collage na ako sa Bulacan State University sa kursong Bachelor of Science in Tourism. Isa pa sa kinatutuwa ko ay malayo ang building ko sa building n'ya. Pag kakuha ko ng yellow pad paper ay pinuntahan ko si Jenette sa taas, sabay kaming nagbayad sa counter, pag katapos ay lumabas na kami ng Pandayan. "Grabe..." aniya ni Janette. Tumingin si Jenette sa akin. "Hapon na agad," pag papatuloy n'ya. Hindi ako nagsalita, humawak ako sa braso n'ya, sabay kaming naglakad pa puntang sakayan na kaunting lakad lang naman. Maganda sa lugar na ito, ang daming p’wedeng puntahan, nagkalat ang mga streets food na masarap talaga, mga historical places, pero hindi naman ako mahilig sa mga ganoon. "Les!" rinig kong tawag sa akin habang naglalakad kami papunta sa sakayan. Kahit na hindi ko lingunin ay kilala ko kung kaninong boses iyun, at dahil kilala ko na ay wala na akong balak na lingunin iyon. "Si Cridd," wika ni Jenette. Hinawakan ko ang kamay ni Janette at binilisan ko ang lakad ko para makaalis na kami. "Kausapin mo na kasi," sabi ni Janette sa akin. Patuloy lang ako sa pag lalakad. Kahit ano pang tawag ang gawin n'ya sa akin hinding-hindi ko s'ya kakausapin. "Ayoko," matigas kong saad kay Janette. "Kawawa naman 'yung tao, kanina pa habol ng habol sa ‘yo." Huminto ako sa pag lalakad at tinignan ko si Jenette. "Noong niloko n'ya ba ako naawa s'ya sa akin?" tanong ko kay Jenette. “Hindi, right? Kaya wala akong kakaawaan sa kan’ya.” Isang buwan pa lang kasi kaming mag kaibigan ni Janette kaya hindi n'ya pa masyadong alam ang nangyari sa amin ni Cridd, ang alam n'ya lang ay nagloko si Cridd. "Ang sa ‘kin lang naman, kausapin mo lang," sagot n'ya sa akin. "Wala na kaming dapat pag-usapan pa," sambit ko. Nagpatuloy ako sa pag lalakad, ramdam ko naman na sumusunod si Jenette sa akin. Nakakasira talaga ng araw ang lalaking iyun. Bigla akong napatigil sa pag lalakad ng sumulpot si Cridd sa harapan ko na nakasakay sa motor n'ya. Nakaharang s'ya sa akin. Wala naman akong ganang tumingin sa kan'ya. "Lesley, mauuna na akong umuwi," paalam ni Janette. Sinundan ko ng tingin si Janette na naglalakad na palayo sa akin, susunod sana ako ng bumaba si Cridd sa motor n'ya at humarang sa dadaanan ko. "P'wede ba tigilan mo na ako," inis kong wika kay Cridd. "Uuwi ka na? Ihatid na kita," offer n'ya sa akin. Hindi ko s'ya pinansin at mag lalakad na ako paalis sa harap n'ya. Hinawakan ni Cridd ang braso ko. "Sige na," pag pupumilit n'ya sa akin. "Bakit hindi na lang si Jamie ang ihatid mo?" inis kong tanong sa kan'ya. Masama ang tingin ko sa kan'ya para madama n'yang ang inis ko sa kan'ya. "Wag mo ng isali si Jamie dito," sabi sa akin ni Cridd. Natawa ako ng mahina, tinaasan ko ng kilay si Cridd. "Ikaw ang nagsali sa kan'ya dito," sambit ko. Tinanggal ko ang pag kakahawak n'ya sa akin. Bago ako umalis ay isang masamang tingin ang binigay ko sa kan'ya. Akala ko susunod pa s'ya, ihahampas ko na talaga sa kan'ya ang hawak kong yellow pad papers. Pag dating ko sa sakayan ay masyadong maraming tao, unahan at siksikan pa. Palubog na rin ang araw kaya lalong dumadami ang sumasakay sa lugar na ito na uuwi na rin sa kanilang mga bahay. Mayroon pang isang sakayan sa bandang palengke. Naglakad ako papunta doon at baka kaunti lang ang sumasakay. Tama naman ako, nagmadali akong naglakad para makasakay ako at hindi maunahan ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD