Pananaw ni Lesley
NAG-AAYOS ako ng sarili ko sa harapan ng salamin. Naghahanda na ako para pumasok sa school ko. Mayroon pa akong isang oras na libreng time bago magsimula ang klase namin.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako sa first floor ng bahay namin. Walang tao sa bahay, si Mama ay namalengke, si Papa naman at si Kuya ay pumasok na sa trabaho nila.
Lumabas ako ng bahay para maglakad papunta sa labasan. Malapit lang ang tirahan namin sa gate ng subdivision, kaya hindi na kailangan pang gumamit ng sasakyan para makapunta sa sakayan dito.
Paglabas ko ng subdivision ay sumakay na agad ako ng jeep. Saglit lang ang byahe papunta sa school dahil maaga pa naman at wala pang masyadong traffic, alas otso palang; alas nuwebe ang pasok ko.
Hindi pa ako nag bre-breakfast ngayon; late kasi akong nagising kanina kaya naligo agad ako pagkabangon ko. Lagi akong mayroong isang oras para hindi ako ma-late or minsan kasi traffic kaya kailangan ng pataan.
Philippine Culture and Tourism Geography ang subject na papasukan ko ngayon, kaso madalas na wala kaming teacher d'yan kaya baka kumain muna ako sa canteen ng school bago ako pumasok.
Madalas na kaming walang teacher ngayon, hindi ko alam kung bakit ayaw na nila kaming pasukan; turo na sa amin dati iyun ng isang teacher ko noong high school pa lang ako. Hindi daw talaga madalas na pumapasok ang teacher sa college para matutong mag-self study ang mga students.
"Para po!" sigaw ko kay manong driver ng nakarating na ako sa BulSU (Bulacan State University), pagkahinto ay agad na akong bumaba.
Nasa kabilang kalsada ang school kaya kailangan na gumamit ng footbridge; kung tamad kang umakyat at gusto mong mamatay ng maaga, pwede naman tawirin ang kalsada na mayroong mabibilis na takbo ng mga sasakyan na dumadaan doon.
Pagtawid ko sa footbridge ay agad na pumunta ako sa main gate ng school. Maraming katabing fast food chain ang school namin sa labas, pero sa canteen na lang ako kakain para mas tipid.
Pinakita ko kay manong guard ang I.D ko para makapasok. Pag wala kang I.D dito magandang umuwi ka na lang sa inyo or kung ayaw mong pumasok, pero gusto mo ng baon wag ka magdala ng I.D para makauwi ka agad.
Maraming estudyante ang nagkalat sa loob ng school. Madalas akong tumambay sa Rizal Momentum, mayroong mga bench doon kaya pwede kang tumambay.
Hindi muna ako papasok sa room namin, gusto ko lang munang kumain dahil kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Dumaan ako sa Athlete's quarter at Academy building; nadaanan ko na ang food court at Roxas hall. Hindi pa iyan ang papuntang canteen. Dadaanan pa ang Natividad hall, Francisco Balagtas Monument; Flores hall, Valencia hall; saka mo palang makikita ang BSU (Bulacan State University) canteen.
Paghahanap lang sa canteen ay sobrang kumplikado na. Naalala ko tuloy noong first year ako, napaiyak ako dahil hindi ko na alam kung paano bumalik sa building namin. Mukha tuloy akong batang nawawala noong panahon na iyun.
Pagdating ko sa canteen ay nakita ko si Cridd, kasama ang mga kaibigan n'yang nakatambay sa canteen, kumakain sila habang nagkwekwentuhan na mukhang wala naman mga saysay. Hindi ko na lang sila pinansin at um-order na lang ako ng lugaw para iyon ang kakainin bago ako pumasok sa klase.
Umupo ako habang hinihintay ko ang order kong lugaw. Nag Cellphone na lang ako. Wala akong mas’yadong kaibigan sa school. Mabilis akong magkaroon ng kaibigan; mabilis din mawalan, hindi ko alam kung bakit, pero hindi naman ako nanghihinayang.
Tumigil ako sa pagce-cellphone ng dumating na ang pagkain ko. Ang p’westo ko ay nakatalikod kay Cridd. Hindi naman kami nagpapansinan sa loob ng school, nagbabago lang pag lumabas na kami ng school. Para s'yang aso na sunod ng sunod sa akin, after magloko saka maghahabol parang tanga lang.
Kumuha ako ng isang kutsara ng lugaw na isusubo ko na sana ng biglang mayroong tumabi sa akin. Tinignan ko kung sino iyun, naibaba ko ang hawak kong kutsara.
"Les," tawag ni Cridd sa akin.
Nilipat ko ang tingin ko sa ibang direction, hindi ba talaga ako titigilan ng isang ito. Hinalo ko ang lugaw ko para lumamig at makain ko ng mabilis.
Hindi ako kumportable ngayon dahil nasa tabi ko lang si Cridd, ramdam na ramdam ko ang pagtitig n'ya sa akin.
"Masarap ba 'yan?" tanong n'ya sa akin.
Humarap ako sa kan'ya na walang emosyon ang mukha. Isang ngiti ang binigay n'ya sa akin, nalipat naman ang tingin sa likuran n'ya nandoon ang mga kaibigan n'ya na sinusuportahan ito sa pang-iinis sa akin.
"Or baka mayroon ka pang gustong kainin? Hindi ba favorite mo 'yung spaghetti? Gusto mo ibili kita?" sunod-sunod n'yang tanong sa akin.
Tinaasan ko ng kilay si Cridd. "I hate spaghetti," taas kilay kong sabi sa kan'ya.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at kinuha ko ang pagkain ko para sana lumipat ng p’westo, pero pagtingin ko ay puno na ang mga table.
"Mukhang wala kang choice kung hindi tumabi sa akin," nakangiting sabi ni Cridd. Tinapik n'ya ang upuan sa gilid n'ya para pabalikin ako sa pagkakaupo doon.
Tinignan ko ulit s'ya, sabay binigyan ng pekeng ngiti. "Asa ka po," sabi ko.
Tumalikod ako sa kan'ya, para maghanap ng ibang pwesto; marami naman akong mauupuan dito dahil maraming nagkalat na benches sa school. Ayokong makatabi ang lalaking iyun, kaya okay kahit saan ako umupo, basta wala ang lalaking iyun or p’wede rin namang nakatayo.
"Les, naman kausapin mo na ako, sige na."
Napailing na lang ako. Nagtitinginan na ang mga tao sa amin ngayon dahil sa ginagawa ng lalaking iyun ngayon.
Tahimik lang akong naglalakad habang patingin-tingin sa paligid para maghanap ng mauupuan.
"Les!"
Naramdaman ko ang paghawak ni Cridd sa braso ko, bigla n'ya akong hinarap sa kan'ya dahil sa ginawa ay natapon sa akin ang hawak kong lugaw.
"Ahhh!" daing ko ng maramdaman ko ang init ng lugaw sa balat ko.
"Sorry!" sabi ni Cridd.
Kinuha n'ya ang panyo n'ya para ipamunas n'ya sa akin iyun. Agad akong humakbang paatras para maiwasan s'ya.
"Hindi ko sadya," sabi pa ulit ni Cridd.
Lalapit na naman ito sa akin kaya lalo akong nainis sa kan'ya. Tinulak ko palayo sa akin si Cridd. Hindi ko inaasahan na ma-a-out of balance s'ya at mas lalong hindi ko inaasahan na mayroon pa lang isang matandang teacher sa likuran n'ya na mayroong dalang pagkain.
Bigla akong kinabahan ng matapon iyun sa teacher. Tinignan ko si Cridd na mukhang nagulat din sa nangyari.
Agad itong tumayo para humingi ng sorry sa teacher.
"Sir Manuel, sorry po, hindi ko alam na nand'yan po pala kayo," paghingi ng despensa na sabi ni Cridd kay Sir Manuel.
Naglakad ako palapit para sabihin na kasalanan ko. Kung hindi ko tinulak si Cridd, hindi n'ya masasagi si sir Manuel.
"Sir, kasalan..."
"Mayroon po kasing bato, hindi ko po napansin," dahilan ni Cridd sabay half bow kay sir Manuel.
"Mr. Francisco, graduating student ka na hindi ka pa rin mapakali sa buhay mo, meet me in guidance office," sabi sa kan'ya ni sir Manuel.
Galit na umalis si sir Manuel. Tinignan ko si Cridd na pinapagpagan ang uniform na suot n'ya.
"Tsk, hindi ko naman sadya," rinig kong reklamo ni Cridd.
Napahawak ako sa kamay ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Cridd ngayon. Kasalanan ko naman kung bakit s'ya na buwal, pero kasalanan naman n'ya kung bakit ko s'ya tinulak.
Tinignan ako ni Cridd kaya umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Tinignan ko na lang ang marumi kong damit.
Tumalikod ako kay Cridd. Wala naman na siguro akong dapat pang sabihin sa kan’ya. Naglakad ako papuntang comfort room. Kinuha ko ang panyo ko sa bag, at habang naglalakad ako papunta comfort room ay pinupunasan ko na ang suot ko dahil sa lugaw na nagkalat duon. Wala pa naman akong extrang damit na dala.
Pinagtitinginan ako ng mga istudyanteng nadadaanan ko kaya nakayuko ako habang naglalakad patungo sa comfort room. Pagdating ko sa comfort room ay walang tao sa loob kaya ni-lock ko ang pinto.
Tinignan ko ang sarili ko doon at napatingin ako sa damit ko na madumi na talaga. Binasa ko na ang panyo ko at pinunas iyun sa suot ko na kahit papaano ay natatanggal ang kaunting dumi na nakadikit.
Habang pinupunasan ko ang sarili ko ay bigla kong naisip si Cridd. Gusto kong maawa sa kan'ya dahil sa nangyari, pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa n'ya sa akin ay mas lalo lang akong naiinis sa kan'ya.
Pagkatapos kong linisin ang sarili ko ay bakas pa rin ang dumi sa damit ko. Nanduon din ang amoy kaya kailangan ko na talagang umuwi.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng comfort room. Pagbukas ko ng pinto ay mayroong paper bag na lumitaw ng lang bigla sa harapan ko.
Pagtingin ko kung sino ang may dala noon ay si Cridd na nakasandal sa pader. Nasa iba ang tingin n'ya at hindi sa akin, pero inaabot n'ya ang paper bag sa akin.
"Wala kang extra shirt, hindi ba?" tanong n'ya sabay tingin sa akin. "Kunin mo na."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo," pagtanggi ko sa kan'ya.
"Kunin mo na, bago pa ako ipatawag sa guidance," wika pa n'ya.
Tumingin ako kay Cridd, magkaka-record na s'ya sa guidance ngayon na every student ay iniingatan na wag magka-record lalo na sa mga graduating na katulad namin.
"Wag ka ng mag-alala sa akin, okay lang ako," nakangiti n'yang sabi sa akin.
Kinuha n'ya ang kamay ko at binigay sa akin ang paper bag. Mayroon s'yang dinukot sa bulsa n'ya, pinakita sa akin ang wallet ko. Hinulog n'ya iyun sa paper bag.
Tinignan ko ang wallet ko sa paper bag at taka ko s'yang tinignan. Paano n'ya nakuha ang wallet.
"Naiwan, ang wallet mo kaya kita hinabol," sabi n'ya na mukhang nabasa nito ang nasa isip ko.
"See you later... mayroon lang akong meeting sa councilor," nakangiti n'yang sabi sa akin.
Tinapik ko ang kamay n'ya na nakahawak sa akin. Kinuha ko ang wallet ko sa paper bag n'ya.
"Hindi ko kailangan iyan," sabi ko sa kan'ya. Inis kong binalik sa kan'ya ang paper bag.
Kinuha n'ya ang braso ko dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad. "Sorry na," mahinahon n'yang sabi. Bakas sa boses n'ya ang pagsisisi; alam kong nagpa-paawa lang s'ya para maka-usap ko.
"Tigilan mo na ako," walang gana kong sabi sa kan'ya. Tinanggal ko na ang pag kakahawak n'ya sa akin, bago magsimulang maglakad.
Hindi na sumunod sa akin si Cridd. Sa gate three ako dumaan palabas para hindi ako masita ng guard. Madalang lang ang tao dito kaya maganda rin na tumambay sa ganitong lugar.
Ilang lakad lang ay kalsada na, pumara ako ng jeep. Uuwi na lang ako kahit na wala pa akong isang oras sa school. Nasa dulo ako ng jeep at malayo sa mga ibang pasahero dahil madumi ako. Nakakahiya rin dahil ganito ang itsura ko.
Pagdating ko sa bahay ay wala pa rin si Mama. Iisipin ni Mama na hindi ako pumasok dahil nasa bahay pa rin ako. Umakyat ako sa second floor namin. Papasok na dapat ako sa room ko ng mayroon akong na rinig ng ingay na nagmumula sa kwarto ni Kuya Tyler.
Magkatabi lang kami ng room ni Kuya Tyler, pader lang ang pagitan sa kwarto ko. Dahan-dahan akong naglalakad patungo sa kwarto ni Kuya Tyler. Ang pagkakaalam ko ay pumasok na sa trabaho si Kuya Tyler.
Tinignan ko ang pinto kung naka-lock ba o hindi. Pag hindi ito naka-lock ay free akong pumasok doon, pero kung naka-lock naman ay malamang kaya ni-lock para walang makapasok.
Pagpihit ko ng doorknob ay bukas naman ito. Pagsilip ko ay mayroon akong naamoy na mabango. Binuksan ko na ng todo ang pinto ng makita ko si Ate Zamanta.
"Ate!" tawag ko kay Ate Zamanta.
Napalingon sa akin si Ate Zamanta na halatang nagulat pa ito sa pagsulpot ko bigla. Ngumiti s'ya sa akin pagharap n'ya sa akin, pero nawala ang ngiti n'ya sa akin ng makita n’ya ang madumi kong suot, napalitan ng kunot ng noo.
"Bakit gan'yan itsura mo?" taka n'yang tanong sa akin.
Tinuro n'ya ang damit ko na madumi. Tinignan ko iyun at umiling kay Ate Zamanta.
"Ah... mayroon kasing humahabol sa akin na lalaki, kinukulit akong makipag-usap sa kan'ya, ayoko naman kausapin sa kakamadali ko para takasan ay bigla kong natapon ang lugaw sa sarili ko" mahaba kong paliwanag kay Ate Zamanta.
Nag-iba ang awra ni Ate Zamanta. Nag mukhang interesado ito sa binitawan kong mga salita.
"Sino naman? Cutie ba?" masigla n'yang tanong sa akin.
Nag lakad ako papuntang kama ni Kuya Tyler, umupo duon. Maraming naka-display na pictures nilang dalawa ni Kuya Tyler dito sa loob ng kwarto n’ya, halatang patay na patay talaga si Kuya kay Ate Zam.
"I don't think so..." sagot ko sa kan'ya, "Parang hindi," pagpapatuloy ko.
"Okay na kahit hindi, basta wag lang kagaya ng ex-boyfriend mong si... ano ulit pangalan ng tipaklong na 'yun?" iritang tanong ni Ate Zamanta.
Naglakad s'ya papunta sa akin, at umupo sa tabi ko.
"Cridd," tipid kong sagot.
Kahit ang totoo ay si Cridd talaga ang lalaking iyun na habol ng habol sa akin. Hindi ako nagmamaganda, pero ayoko na talaga s'yang makausap dahil sa ginawa n’ya sa akin.
"Pangalan pa lang ayoko ng pagkatiwalaan."
Natatawa na lang ako kay Ate Zamanta dahil sa nagiging reaction n'ya. Noong nalaman ko na nagloko si Cridd sa kan'ya ako unang pumunta. Alam ko kasi magagalit si Kuya Tyler pag nalaman n'ya iyun kaya kay Ate Zam ako tumakbo.
Nagulat ako ng kalabitin ako ni Ate Zamanta kahit na magkatabi lang naman kami. "Bakit mo ba nagustuhan ang unggoy na 'yun?" tanong sa akin ni Ate Zam.
"Kanina tipaklong, ngayon naman unggoy. Ano ba talaga ang tawag mo sa kan'ya?" taka kong tanong sa kan'ya.
Gan'yan talaga mainis si Ate Zam, kung ano-ano ang masasabi. Pag gusto n'yang manlait lahat lalaitin. Kaya hindi na kami nagtataka kung bakit takot si Kuya Tyler sa kan'ya.
"Kasi hayop s'ya, kung hindi lang masamang pumatay. Tiniris ko ng ang aso na 'yon.”
"Kalma puso mo," awat ko kay Ate Zamanta. Tumayo na ako, at tinignan si Ate Zamanta. "Kalimutan na natin ang nakaraan."
"Buti na lang at mabait ka," puri sa akin ni Ate Zamanta.
Ngiti lang ang sinagot ko sa kan'ya. Tinuro ko ang pinto para ipaalam na lalabas na ako ng kwarto ni Kuya Tyler.
Mukhang dito s'ya matutulog eh. Pumasok ako sa kwarto ko para makapag bihis na rin. Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas ng malaman kong nagloko si Cridd; kahit na ganoon ayoko ng balikan ang nakaraan.